CHAPTER 31

3255 Words
“BAKIT ka ba kasi sunod ng sunod sa kin?! Bumalik ka na roon sa kasama mo!” iritado kong saad atsaka inilayo ang sarili ko sa pagkaka-akbay n’ya. Natulala siya sa saglit habang nakatingin sa kin na parang naguguluhan pa sa sinabi ko. “Ang dami naman kasing sinehan dito. Bakit ka rin nandito? Atsaka akala ko makakapag-isa na ako tapos nand’yan ka naman! Naman, eh! Wrong timing ka naman kasi!” singhal ko na naman sa kan’ya. “Ga-galit ka ba?” anito. “Hindi naman, pero kasi naman—“ “Hindi ka naman pala galit, eh! Halikana! Hindi mo ba nakikita mag-uumpisa na ‘yong palabas,” sabay akbay na naman n’ya sa kin. Napabuntong hininga ako ng hindi na ako nakapalag ng umupo na kaming pareho at nag-umpisa na nga ang palabas na papanourin namin. Fourth vocabulary entry: Sagutin mo ng diretso ang isang Nazarene dahil hindi siya marunong mag-distinguish ng pabiro at sarcastic kahit ganoon din naman siya minsan. Wala ako sa mood na kumakain n’ong hawak-hawak ko pa ring popcorn. Umayos pa ako ng upo lalo na at ngiting aso pa itong katabi ko habang pasimpleng dumedekwat ng popcorn. “Ang yaman-yaman mo pero hindi ka man lang bumili ng popcorn! Lumandi lang yata ang plano mo kaya ka nandito, eh!” reklamo ko na naman habang umiirap-irap pa. “Pfft! Gusto mo bang juice? Sabihin mo lang kasi kung gusto mo pa hindi ‘yong ano pang pagpaparinig ang ginagawa mo,” aniya n’yang nagpatawa naman sa kin. “Ang feeling mo naman! Wala naman akong sinabing bumili ka, ah! Ikaw nagkusa!” nag-make face siya na parang kinukutya ako atsaka sinundan na naman ng paggulo ng buhok. Tumatawa siya. Himala naman! Kaso ginawa n’ya pa akong happy pill anong akala n’ya sa kin? Clown? Dinig na dinig ko kung paano naghagikhikan ang mga babaeng nadadaanan n’ya palabas ng row kung saan kami umupo. Naku! Iba talaga kapag Nazarene Dale! Nag-focus ako sa panonood habang unti-unting inuubos ang binili kong popcorn ng bumalik siya na may dalang dalawang popcorn at shake. “Wow! Galante ‘yan?” agad kong puna sa kan’ya. “Baka kasi kako sabihin mong ang yaman ko tapos wala man lang panulak. Shake, healthy ‘yan kaya huwag kang kabahan,” biro pa n’ya bago sa kin i-abot ang shake. “Salamat sa pa-shake!” sambit ko matapos kung tanggapin ‘yon. Tumango lang siya sa kin bilang sagot at muli ng umupo sa upuan n’ya kanina. Natahimik na kaming dalawa habang nanood n’ong palabas habang i-enjoy ko ‘yong shake at poprcorn ng mapansin ko sa likod na mag-jowa pala silang dalawa at naghahalikan pa talaga. Ang saya naman. “Hindi na lang sa motel pumunta kon maghaharotan lang naman pala,” bulong ko pa. Napansin kong napangisi na naman ang katabi ko, narinig na naman n’ya siguro ang binulong ko. “Hayaan mo kasi sila, masyado kang high blood,” sabat pa n’ya na siyang inirapan ko lang naman. Nagpatuloy lang kami sa panonood ng tahimik pero ilang saglit lang ang dumaan ng biglang may narinig akong pag-ungol na. “Ang saya,” komento ko na naman agad. “Pfft hahaha,” tawa naman ng isa. Ang saya n’ya? Ang sarap tisirin ng tumahimik. Wala naman sana akong pakialam at pababayaan ko lang silang maglampungan sa likod kaso nawala na ang concentration ko sa pinapanood namin dahil sa ingay nilang dinig na dinig ng dalawa kong tenga. “Ugh, ahh, bilisan mo, bilis!” malinaw na malinaw pa sa umaga kong dinig. Binababoy nila ang pandinig at ang lugar na ‘to. Wala na ba talagang budget at kung saan-saan na lang gumagawa ng kababalaghan? “Lakasan mo pa, mare, baka naman mahina pa ‘yan,” bulong ko na naman atsaka itinabi na ang kinakain kong popcorn at shake dahil pati doon nawalan na ako ng gana na ipagpatuloy pa ang pagkain ko lalo ng dahil sa kahindik-hindik na milagro na ginawa ng dalawang ‘to na nasa likod namin, nakakawalang gana sa true lang. Cringe! Napa-irap ako lalo ng maramdaman kong may sumisipa-sipa na sa likod ng kinauupuan ako. “Geez, aba at talagang may pagsipa na ngayon,” bulong ko na naman. Literal na nag-aapoy na ang ilong ko ng lingunin ko silang dalawa at dahil may lahi nga akong paniki kitang-kita ko kong paano tumirik ang mata ng babae at pagpawisan ‘yong lalaki kahit ang lakas naman ng aircon dito sa loob. “Malapit na ako, ah! Ugh! Ah ah ah!” sunod-sunod kong dinig mula sa kanilang dalawa. Umiling na lang ako at napahigpit ang pagkakahawak sa parang hawakan n’ong upuan dahil nakakahiya naman kapag pinutol ko ang kasarapan nilang nararamdaman ngayon. Magpapasensiya naman talaga ako, eh! Kaso hindi na talaga tama na abusuhin naman! Kahit gaano ka pa ka-enjoy pwede pa rin naman sigurong mag-isip na at alalahanin na hindi sila mag-isa sa lugar na ‘to. Damang-dama ko ang pag-push ng paa sa likod ng upuan ko na parang kahit ako ay gumagalaw na dahil sa lakas n’ong pagtulak. Tatayo na sana talaga ako at magtatalak ng maunahan na ako ng katabi ko. Mabilis siyang nakatayo at hinagis ang pera sa pagmumukha nilang dalawa. Pareho pa nga silang dalawa na napabalikwas sa ginawa ni Nazarene. Sapol na sapol kasi ‘yong paghagis n’ya ng pera sa mga bibig nila na kapwa nakauwang dahil sa pagpapakasarap. “Get a room! Mahiya naman kayo sa mga napeperwisyo ninyo!” matigas na sigaw ni Nazarene sa dalawa kaya napatingin ako sa kan’ya at hihilahin na sana siya pabalik ng upo ng tumayo ‘yong lalaki at nakipagsukatan ng tingin sa kan’ya. “Alin ing problema nga eaki ka?! Uwa mo nakita nga may gina-ubra kami?! (Translation: Anong problema mong lalaki ka?! Hindi mo ba nakikitang may ginagawa kami?!)” singhal n’ya kay Nazarene pero dahil blessed itong si Nazarene sa height ay hanggang balikat n’ya lang ‘yong lalaki. Nag-cross arms pa si Nazarene at ngumisi ng dumako ang tingin n’ya sa zipper ng lalaking nakabukas pa. Napansin yata n’ong lalaki kung saan nakatingin si Nazarene kaya dali-dali n’yang itinaas ‘yong zipper n’ya. “Oh?! Haman uwa ka gasabat nga eaki ka! Kabaskog ing buot nga istorbohon kami! (Translation: Oh?! Bakit hindi ka nakasagot na lalaki ka! Ang lakas ng loob mong istorbohin kami!)” asik na naman ng lalaki. Napatayo na ako para hawakan ang balikat ni Nazarene ng mapansin kong kunti na lang talaga at mag-aalburoto na rin ‘to na parang bulkan. “Ku-kuya, ano kasi nakaka-istorbo naman po kasi kayo,” singit ko na. Kuya! Sana alam mong hindi tamang kalabanin ang isang moody! Baka hindi ka na makalabas ng buhay sa sinehan na ‘to! “Pakialam ko? Right your own business!” hiyaw n’ya pabalik sa kin nagpatawa kay Nazarene. “Alin ing ginahibayag-hibayag nga gago ka?! (Translation: Ano ang tinatawa-tawa mong gago ka?!)” hiyaw na naman n’ong lalaki nakakaagaw na kami ng atensiyon. “Na-nazarene, umalis na lang tayo,” sabi ko roon sa isa pero bigla n’yang tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak sa balikat n’ya at biglang ibinuga ang bubble gum na nginunguya n’ya kanina sa sahig. “Damn, stupid! Mind your business? You should first remember that this is a public place and not someplace where you could f**k your ugly girlfriend! Umalis na kayo sa harapan ko habang nakakapagtimpi pa ako sa ‘yong putangina ka!” agagalet na siya. Ayan na ang sinasabi ko, eh! “Na-nazarene, huwag mo ng patulan,” ani ko naman hanggang sa may lumapit na sa ming lalaki na nakasuot ng pang-security guard na uniform. “May problema ba rito, boss?” agad n’yang tanong pero doon siya nakatingin sa kampo ng mag-jowa. “Ruyon tang eaki do istoryaha! Istorbo sa ginaubra namon! Uwa man namon gina-alina! (Translation: Iyang lalaki ang kausapin mo! Istorbo sa ginagawa namin! Hindi naman namin siya pinapakialaman!)” sumbong n’ya kaya binalingan kami n’ong security guard. Noong una parang handang-handa pa siyang pagsabihan kami ni Nazarene pero bigla siyang namutla ng makita n’ya ang mukha ni Nazarene. “Si-sir Nazarene,” anito. Magkakilala silang dalawa? “Alisin mo na ‘yang mga ‘yan sa harapan ko. Gagawa na nga lang ng milagro sa sinehan pa. Sabihin n’yo lang kung kulang pa ‘yang binigay ko pang-motel,” utos ni Nazarene bago siya bumalik ng upo na siyang ginawa ko na rin. Akala ko papaalis kami. Buti na lang talaga at kakilala pala siya nitong kasama ko. “Inyo ba ‘tong sinehan? Bakit kilala ka n’ong security guard?” hindi ko na napigilang itanong sa kan’ya. “Hindi. Kasi kilala n’ya ako,” isang tanong at isang sagot n’yang saad. Hindi sa kanila? Ah! So, baka naman marami na siyang dinala ritong mga babae at gawain n’ya rin ang ginawa n’ong mag-jowa na ‘yon kanina. Naku! Naku! Naku! Same feathers flock together nga naman. “Hindi ako nagdadala ng mga babae rito at mas lalong hindi ko gawain ang ginawa nila. Anong tingin mo sa kin? Walang pera? Dating security guard ng lolo chairman mo ‘yong guard dito kaya kilala n’ya ako,” depensa naman n’ya. At paano naman n’ya nalaman ang nasa isip ko? “Wala naman akong sinabing ganoon, napaka-defensive mo naman!” sabat ko naman. “Pfft! Wala ka bang planong tumayo d’yan? Tapos na ang pinapanood mo, oh,” aniya at tumayo na nga. Nataranta ako n’ong bigla ng bumukas ang ilaw at isa-isa na ring nagsialisan ang mga tao palabas. Tapos na pala! Halos wala man lang akong naintidihan sa pinanood ko! “Ano ba ‘yan! Parang nagsayang lang ako ng 300.00 dahil doon sa pinambayad ko tapos hindi ko naman halos napanood ng maayos ‘yong movie!” pagdadabog ko habang palabas na kaming dalawa. “Pfft! 300.00 lang, eh,” aniya naman kaya inirapan ko siya. “Palibhasa mayaman! Lina-lang mo lang ang 300! Ang hirap kaya makakita ng 300.00 sa daan tapos ikaw! Nila-lang mo lang ‘yon?!” bulalas ko na naman sa kan’ya. “Tsk! Hindi naman—“ hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin pa n’ya dahil nilagpasan ko na siya at agad kong nilapitan ‘yong claw machine na nasa labas ng sinehan. Ngayon ko lang ‘to napansin. “Hala! Gusto ko maglaro!” bulalas ko pa at agad na bumili ng coin doon sa teller. Mabilis akong naglaro at sumunod pa rin sa kin si Nazarene kaya tinignan ko lang siya at pinagpatuloy ang paglalaro. “Ay! Ano ba ‘yan! Ang malas ko naman!” reklamo ko n’ong limang beses na akong sumubok pero kahit isa wala akong nakukuha. “Hindi ka lang talaga marunog, tabi nga d’yan at ako na ang kukuha ng gusto mo. Alin ba d’yan? ‘Yong pink?” mayabang na saad nitong si Nazarene pero umusog pa rin ako para bigyan siya ng daan. “Ang harsh mo naman sa kin! Kapag ikaw hind marunong d’yan! Pagtatawanan talaga kita!” sagot ko naman. “Alin nga d’yan? Ang daming satsat,” aniya na nakapuwesto na doon sa harapan ng machine. “Marunong ka ba talaga d’yan? Oo, ‘yong pink,” ani ko naman. “Easy,” pagmamayabang na naman n’ya. Nakaabang ako sa bawat try n’ya n’ong claw machine pero kung makapagmalaki siya sa kin kanina akala mo ang galing-galing ‘yon naman pala hindi, hanggang kasi ngayon wala siyang nakukuha. “f**k!” malakas n’yang asik na sinabayan n’ya pa ng pagsipa sa machine. Nagkatinginan kaming dalawa pero hindi na ako nagsalita pa n’ong masama ang tingin n’ya sa kin at naglakad na naman papunta doon sa teller at muling bumali ng coins. “Ang yabang-yabang! Hindi naman pala maalam!” bulong ko pa ng nakalayo-layo na siya sa kin. Tahimik at seryoso siya n’ong bumalik siya sa harapan ko at muling naglaro. Nangangalay na ako sa kakatayo at kakapanood sa pagkakalat n’yang ginagawa rito. Ilang minuto na naman ang nakalipas ng wala pa rin siyang nakukuha. Muntikan na sana n’yang maitawid ‘yong gusto kong stuff toy ng mabitawan n’ya ‘yon ng may batang lumapit at inagaw sa kan’ya ‘yong parang may control n’ong claw. “f**k! Why did you distract me?!” singhal n’ya roon sa bata kaya agad na umiyak ‘yon batan babae kaya agad ko siyang yinakap. “Shush, wala ‘yon, baby, ano mainit lang ang ulo ni kuya. Tahan na tahan na, shush,” pag-aalo ko roon sa bata pero iyak siya ng iyak na tumakbo pabalik sa nanay n’ya. Buti na lang at hindi kami sinugod. “Nazarene, alam mo halikana, ayaw ko na n’yang stuff toy kaya huwag mo ng kunin. Nakakasinghal ka na ng bata! Hindi mo ba nakitang umiyak na nga wala ka pa ring pakialam!” naiinis ko ng sambit. “I don’t care,” sagot n’ya sa kin at hindi pa rin tinatantanan ‘yong machine. “Kuya! Kami naman! / Kami naman! / Ang tagal naman! / Kanina pa ‘yan sila! / Kami na! Hoy! Tama na ‘yan!” protesta ng mga tao sa paligid namin. Napa-face palm ako ng mapagtanto kong ang dami na palang nakaabang na matapos ‘tong kasama ko. “Nazarene, halikana, tama na ‘yan,” untag ko sa kan’ya pero iling lang ang tanggap ko sa kan’ya ng bigla n’yang sinipa ‘yong machine. “Putangina! Bobo!” aniya. Kinuha ko na ang opportunity na ‘yon para hilahin siya palayo sa machine. Naghilan kaming dalawa hanggang sa unti-unti ko na siyang nailalayo roon. “Ihatid mo na ako, uuwi na ako! Ano ba!” hiyaw ko ng tatakbo na naman sana siya pabalik doon sa machine. “Siraulo ka ba?! Hayaan mo naman makapaglaro ‘yong iba!” ani ko naman at hinihila na naman siya palayo roon. Napatayo ako ng diretso ng hilahin n’ya rin ako papunta sa kan’ya buti na lang at naka-balance ako agad kaya hindi n’ya ako nahila ng mabuti. Pareho kaming nakatayo na ng tuwid pero nakamasid pa rin ako sa kan’ya at baka bigla na lang tumakbo pabalik doon. Pagod na pagod na ako kakahila sa kan’ya! Ang laki n’yang tao! Wala nga yata sa kalahati ang kilo ko sa kan’ya! “Magkano ba ‘yang palpak na machine na ‘yan? Bibilhin ko! O baka gusto mo ‘yong stuff toy? Ilan ang gusto mo ipapa-deliver ko sa bahay ninyo!” seryoso n’yang hiyaw sa kin kaya nagpipigil ako ng tawa habang nakatingin sa kan’ya. “Nazarene, tama na, hindi naman nakakawala ng p*********i kung hindi ka marunong n’on. Ihatid mo na lang ako pauwi, mas gusto ko pa ‘yon,” aniya ko pa na pigil na pigil talaga ang pagtawa. “Sige, pagtawanan mo pa ako. Pangit lang talaga pagkagawa n’ong machine kaya hindi ako makatiyempo! Teka! Gusto mo ba balikan ko? Makukuha ko na ‘yon,” naalarma na naman ako sa sinabi n’ya kaya mabilis ko siyang hinila pabalik sa kin. “Umuwi na nga tayo!” pigil tawa ko na namang hiyaw sa kan’ya. “Damn! Fine! Hindi mo naman kailangang sumigaw, iu-uwi naman kita sa inyo,” aniya at naglakad na nga papuntang parking lot. Natatawa pa rin ako, nandito pa rin sa utak ko ang mukha ni Nazarene kanina habang seryosong-seryoso na sinusubukang kunin ‘yong stuff toy. Fifth vocabulary entry: Mayabang siya kaya gagawin n’ya ang lahat mapatunayan lang ang kayabangan n’ya. Kahit hindi n’ya alam na nagmumukha na siyang tanga. “Salamat!” mabilis kong sambit at bumaba ako ng sasakyan n’ya. Bumaba rin siya kaya ngumiti pa ako at nag-wave ng hand bago naglakad papasok ng hotel namin pero natigil ako sa paglalakad ng humarang sa dadaanan ko si lightning at thunder. “Anong ginawa mo rito? / Nandito ka pala, Austin,” sabay pa naming sambit ni Nazarene. Papalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa ng kapuwa sila lumapit sa kin at ako ang naipit sa gitna nilang dalawa. Mabuti na lang at hinayaan nila akong makahakbang paalis sa gitna. Parang may literal na kidlat na nagsisilabasan sa mga mata nila the way silang magtitigan na dalawa. “What? Did you tell her already? What happened? Did she believe someone like you?” unang hirit ni A. “Is there something that I need to tell her?” sagot naman ni Nazarene. “Stop fooling around, Nazarene. I know that you already know!” nagsusukatan na naman silang dalawa ng titig. Ano bang pinag-uusapan nilang dalawa? Bakit parang ang lalim naman ng mga hugot nila? “Why are you so afraid? Maybe, you learn to yourself that when she knows what you did, you do, she'll hate you more.. Mawawalan ka na ng pag-asa sa kan’ya,” sarkastikong saad ni Nazarene. Nataranta na naman ako ng biglang inamba ni A ang kamay n’ya para sana suntukin si Nazarene pero pumagitna na ako. “Hep! Hep! Wala po tayo sa boxing arena kaya walang magaganap na suntukan dito. Ano bang pinagtatalunan ninyong dalawa?” singgit ko na. “Nothing. / It’s none of your business,” sabay pa silang nagsalita. Nagkakasundo naman pala. “Ang others n’yo naman! Hindi n’yo ba pwedeng i-share sa kin? Mukhang chika ‘yan! Baka naman!” pagbibiro ko pa pero nanindig ang balahibo ko sa katawan ng kapuwa nila ako tinignan ng masama. “Magkapamilya nga kayong dalawa! Oh! Sige na! Hindi ko na nga aalamin! Bahala na kayo sa mga buhay ninyo. Oh, siya, maiwan ko na kayong dalawa d’yan,” ani ko pa at naglakad na nga ako papasok ng bigla akong pigilan ni A sa pamamagitan ng paghawak ng kamay ko. “We need to talk,” seryoso siya at alam ko ang boses n’yang ‘yan. Alam kong mahalaga ang sasabihin n’ya. Hinarap ko na lang siya at tumango bilang tugon. “Winona, you could reject him,” kontra naman agad ni Nazarene pero umiling na lang ako. “Salamat sa paghatid, Nazarene. Pero sa pagitan na naming dalawa ‘to, mag-ingat ka sa pag-uwi,” aniya at naglakad para malagpasan silang dalawa. Tinahak ko ang daan papunta sa may dalampasigan. Nauna akong naglakad kay A pero nararamdaman ko ang presinsiya n’ya na nakasunod sa likod ko. “Sana naman importante ‘tong sasabihin mo. Alam kong busy kang tao kaya nagtataka ako ngayon bakit mo na kayanang maglaan ng oras para kausapin lang ako,” panimula ko pa habang naka-cross arms at nakatingin sa dagat ng Boracay. “Bless, let me explain,” panimula n’ya. Pero umiling ako at pinagpatuloy ang pagsasalita ko. “Hindi mo naman na kailangang i-explain pa ang mga bagay. Hindi naman ako bobo para hindi ‘yon makuha ng mabilisan at hindi makita ng mas maaga. Tulad nga ng sabi mo sa kin n’on. Paminsan-minsan kailangan ko ring makiramdam dahil hindi lang ako ang tao sa mundo. Alam mo, tama ka naman, hindi nga lang ako ang tao sa mundo. Naiintindihan ko na rin ngayon kung gaano ka-importante sa ‘yo ang oras mo kaya pasensiya ka na kung may mga pagkakataon sa buhay mong kailangan ko pang makadagdag sa isipin mo,” ani ko. Matagal ko ng gusto ‘tong sabihin sa kan’ya. “Bless,” “Sorry kung ito lang ako, sorry kasi hindi ako tama para sa pamilya mo, para sa ‘yo. Sorry kasi kulang na kulang ako para ipagmalaki mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD