“BAKIT kailangan kitang maalala? Huwag mong sabihin na may utang akong hindi nababayaran sa ‘yo? Magkano? Saan? Kailan? Nakapagtataka dahil ngayon lang naman kita nakasalamuha kaya parang napakaimpossible kung may utang nga talaga sa ako sa ‘yo?! Huwag mo akong ginuguyo, Nazarene! Ang yaman mo na pero nangungutong ka pa!” nalilito pero denepensahan ko pa rin ang sarili ko.
Nakatingin lang ako ng napailing siya at mukhang hindi pa makapaniwala. Natahimik kaming dalawa ng ilang mga minuto. Walang nagtangkang magsalita kahit na ako ay minabuti ko na lang na isara na muna ang bibig ko at i-enjoy ang tanawin na nasa harapan namin ngayon.
Nakaka-relax kasi, nakakawala ng problema.
“Malalaman mo rin ‘yong balang araw. Let’s me bring you home,” aniya bago ako lagpasan at nag-umpisang maglakad pabalik sa kotse n’ya.
Habang nasa loob kami ng sasakyan ay napansin kung natahimik talaga siya at sumeryoso na parang may napakalalim na iniisip, kung ano man ‘yon. ‘Yon ang hindi ko alam. Ipinukol ko na lang ang atensiyon ko sa dinadaanan namin pabalik ng isla.
Hindi kaya ang gusto n’yang maalala ko ay ‘yong araw na nasa hospital pa ako at muntik pa n’yang masira at itapon lahat ng mga handa na dinala ng pamilya ko matapos siyang pumasok sa loob at banggain ang lamesa? Ano naman ngayon doon? Kailangan ko pa ba ‘yong alalahanin? Hindi naman deserving naalalahanin ang isa sa mga kabalustugan n’ya sa buhay.
“Wala ka bang pa-clue d’yan kung anong gusto mong maalala ko?” hindi ko mapigilang magsalita na. Nakakabingi kaya ang katahimikan! Feeling ko mapapanis ang laway ko sa kakatahimik dito sa tabi.
“Don’t think about it, forget it,” anito. Alam mo may palatandaan na ako rito kay Nazaren. Bigla-biglang nag-i-english pero marunong naman magtagalog at akeanon, sarcastic pero minsan naman napakaseryoso at hind mo makausap. Therefore, I conclude, isa talaga siyang lalaking moody!
Oplan understand Nazarene at all cost! Vocabulary 101!
First vocabulary entry: Kapag nag-i-english siya ibig sabihin n’on ayaw n’yang kausapin siya dahil either may iniisip siya o pino-problema.
Second vocabulary entry: Simpleng tao siya kapag sarcastic siya at nagtatagalog. Kaya harmless siya except kung magpapakilig siya sa mga panahon na ‘to.
Note: City boy si Nazarene kaya malandi at marunong magpa-fall kaya babala! Asawa ni babalu! Tibayan ang loob, protect your heart from Nazarene!
“Oh? Anong meron sa ere at hindi ka na kumukurap?” sabay tawa n’ya ng mahina. Okay, maayos na siya, balik normal Nazarene na siya.
“Sinusubukan kong intindihin ka, ang g**o mo kasi. Minsan ayos ka naman tapos bigla-biglang magseseryoso. Sabihin mo na sa kin kapag magiging dragon ka rin pala someday! Makapag-prepare lang ako,” ani ko habang naka-cross arms na.
“Pfft! It would be best if you didn't do that. I know you'll definitely understand me,, kilalang-kilala mo ako, eh,” sagot n’ya bago kabigin ang manibela papasok ng eskinita.
Kilalang-kilala ko siya?
Oh, my gash!
Alam ba n’yang stalker n’ya ako sa social media accounts n’ya? Nalalaman ba ‘yon? Grabi naman! Hindi ba pwedeng nakiki-tsismis lang?
Ah! Bahala na.
“Dadaanan mo pa ba ang lolo chairman mo?”
“Hindi na, gabi na rin kasi tatawagan ko na lang siya pagdating ko sa bahay. Itabi mo na lang ‘tong sasakyan. Maglalakad na lang ako mula rito papasok sa hotel namin,” utos ko na n’ong mapansin kung nasa street na namin kami.
“No, ihahatid na kita sa mismong harapan ng hotel ninyo, baka mapano ka pa ako pa ang nagkaproblema,” tugon n’yang nagpatapon sa kin ng masamang tingin sa kan’ya.
“Akong uuwi kaya akong masusunod kung saan ako baba. Mas safe naman ako maglakad kaysa kasama mo!” reklamo ko.
“Hoy! Ano ba! May plano ka ba talagang ibangga tayo?!” paghuhurumintado ko ng bigla n’yang tinapakan ang break ng sasakyan n’ya.
“What did you say? Ganoon na ba talaga ang tingin mo sa kin? Sasaktan ka?” Mabilis akong napakisap ng mata. Hindi naman ganoon ang mean ko sa sinabi ko, eh!
“Hindi! I mean, ganito kasi ‘yon! Kumalma ka nga napaka-judgmental mo naman!” asik ko.
“Sinong judgmental sa tin, Winona? Ayusin mo ang susunod mong sasabihin dahil ibubunggo ko talaga ang kotse na ‘to, dare me,” aniya na umiigting na nga ang panga.
Third vocabulary entry: Mag-iingat sa sasabihin dahil mabilis siyang magalit kapag kinukuwestiyon ang pagkatao n’ya.
“Ano?!” singhal n’ya sa kin.
“Teka lang naman! Subukan mo naman kasing kumalma. A-ayaw ko lang talaga na ihatid mo pa ako sa hotel namin kasi mas maraming taong makakakita sa tin kapag ganoon,” panimula ko.
“Then? Ang layo ng sinabi mo kanina kaysa sa sinasabi mo sa kin ngayon, I am not what you think I am, Winona,” nanggalaiti n’yang sambit.
Bakit ba siya masyadong affected?!
“Mas safe akong maglakad kaysa kasama mo dahil ayaw kung isipin ng ibang tao na pineperahan ko lang kayo ng pamilya n’yo. Na nagta-take advantage lang ako dahil ang bait n’yo sa kin. Mas safe ako dahil hindi na masasaktan ‘tong puso ko. Alam mo sa tanang buhay ko ngayon lang ako naalipusta ng ganoon, parang pakiramdam ko kanina nawala lahat ng kabutihan ko sa katawan. Parang kanina ako talaga ‘yong Bless na manggagamit. Naiintindihan ko naman na mayaman kayo pero hindi naman lahat ng tao na lumalapit sa inyo pera ang habol. Pero kahit ganoon pa man, salamat kasi tinulungan mo ako kanina,” pagdra-drama ko na lang. Ilulusot ko na lang talaga ‘to! Ayaw ko pang mamatay thou ‘yon naman talaga ang nararamdaman ko kanina habang naririnig ang mga pinagsasabi sa kin ni Ma’am Gwyneth.
Napansin kung kumalma ang mukha n’ya at parang natauhan siya sa sinabi ko. Ambush! Kailangan kong gamitin ang opportunity na ‘to para makaalis na sa kotse n’ya. Mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse n’ya at dumiretso ng baba.
“Kaya dito na lang talaga ako baba, Nazarene. Salamat talaga ngayong araw. Mag-ingat ka pauwi. Alam kung may mga bahay na hindi mapipigilan na mangyari pero sana huwag kang magsawang makita na ang mansiyon na ‘yon ay ang lugar kung saan ka dapat,” huli kong sambit at binilisan na ang paglalakad.
Naku! Baka sumagot pa ‘to at pigilan pa ako lalo. Actually mas safe akong mag-isa kaysa kasama siya kasi ‘tong traidor kong puso hindi nakikisama sa kin. Hindi ako manhid at mas lalong marupok ako lalo’t crush ko ‘yong tao. Hindi ko rin kasi alam bakit pinaglalapit talaga kami ng tadhana na dalawa.
Kilalang-kilala ko siya? Kailangan ko siyang maaalala? Ano ba talagang meron sa ‘yo at sa kin, Nazarene? May kinalaman kaya ito sa sinabi n’ya sa kin na meron lang siyang gusto kumpirmahin kaya lapit siya ng lapit sa kin?
Pero, ano ba kasi ‘yon?
Wala ako sa sarili ng makarating ako sa hotel namin. Hindi ko nga napansin na nilagpasan ko lang pala si mama at tita.
“Hoy, Bless! Ano ‘to? Bulag-bulagan effect? Wala man lang hi and hello para sa min ng nanay mo?” talak agad ni tita kaya binalingan ko silang dalawa ni mama na pareho ng nakapamewangan sa harapan ko ngayon.
Ngumiti ako ng kilawak-lawak sa kanilang dalawa. “Hello po, tita! Hello po, mama! Hi! Hello? How do you do? I’m glad to say hello!” para kung timang na saad. Bakit naman kasi ako nalutang? Kasalanan ‘to ng Nazarene na ‘yon!
“Marunong ka naman palang magsalita. Hindi mo man lang nakuhang batiin kami,” reklamo na naman ni Tita Annie.
“Anong nangyari sa ‘yo, anak? Hinatid ka ba? Sinong naghatid sa ‘yo? Akala ko ba magpapasundo ka sa papa mo?” sunod-sunod na tanong ni mama sa kin.
“Nangyari? Wala naman po, mama! Meron po ba dapat? Pero opo hinatid po ako at ‘yong naghatid po si ano- ‘yong driver po ni lolo chairman atsaka hindi na po ako nagpasundo kasi alam ko pong busy din po kayo rito, mama,” pagsisinungaling ko na lang.
Bakit hindi ko sinabing si Nazarene ang naghatid sa kin? Hindi ko rin alam, sa totoo lang.
“Gutom ka na ba? Magbihis ka na lang, anak. Kakain na rin naman tayo ng hapunan,” ani ni mama at bumalik na sa dati n’yang pwesto doon sa reception area. Ganoon din si tita pero ang mga titig n’ya sa kin aakalain mong nagdududa sa sinabi ko kanina.
Ito talagang si Tita Annie ang bilis maka-amoy kapag nagsisinungaling ako. Palibhasa gawain n’ya n’ong kabataan days n’ya.
“Sige po, mama at tita! Akyat lang po ako, ha?” malambing kong saad. Aba’y ayaw kong masinghalan ulit.
Annie’s POV
“Naniwala ka naman sa anak mong ‘yon?” agad kong salita kay Ate Winnie ng makatalikod na si Bless sa aming dalawa.
“Ikaw, alam mo ang dumi talaga ng utak mo minsan, Annie,” sagot naman n’ya sa kin na hindi man lang ako tinitignan dahil busy siyang mag-encode ng mga services na in-avail ng mga guest namin ngayon.
Ang daming poging nag-check in sa min ngayon. Sana naman kahit isa may mapangisda ako!
“Ano? Halata namang nagsisinungaling ‘yong anak mo, ate! Masyado mong tinuruan ng kabaitan kaya hirap na hirap magsinungaling!”
“Ay naku, Annie! Alam mo kung nag-umpisa ka na lang na mag-audit d’yan mas mabuti pa.”
“Sabi ko nga! Ito na, math! Math! Math!”
Bless’ POV
Mabuti na lang talaga at ang daming inaasikaso ngayon ng mga magulang ko pati ni tita kaya mabilis lang ang naging hapunan namin. Wala ng question and answer portion sa kin dahil halos minu-minuto ay may naghahanap na hotel crew kina mama at tita.
Habang nakatanaw ako sa bintana mula sa kuwarto ko ay mas lalo kong napapansin na mas dumarami na naman ng mga turistang naglalakad-lakad sa labas. Ini-enjoy ko lang ang sarili ko habang nakamasid sa mga taong pumaparoon at pumaparito ng maisip ko ang diary ko. Agad ko iyong kinuha at nagsulat na lang ng mga bagay-bagay na nangyari sa kin ngayong araw. Grabi kung saan ako nagkasakit doon ko lang din naranasang alipustahin.
Noong matapos akong magsulat at nagtitingin-tingin pa ako sa ibang mga page ng diary ko hanggang sa makita ko na naman ang nakasulat sa unang papel ng diary ko. Nakita ko ang bucket list ko at tatlo na nga ang may check.
“Go on movie theater,” basa ko sa susunod na dapat kung gawin. Ano kaya kung bukas ko na ‘to gagawin? Hindi naman sa nagmamadali ako, wala naman akong hinahabol pero mas mabuti na habang maayos pa ang pakiramdam ko ay gawin ko na. Hindi ko rin kasi hawak ang katawan at buhay ko. Habang maaga at alam kung kaya ko pa, gagawin ko na lang.
Nakaramdam na ako ng antok kaya agad ko ng isinirado ang bintana ng kuwarto ko atsaka humiga na sa aking kama.
Austin’s POV
“Are you sure that Nazarene was the one who brought her home?”
“Sigurado, boss,” he replied with assurance.
“Then, why didn’t I see Nazarene’s car pass my car? I was staying here for almost an hour?” I asked irritatedly
“Tumigil po kasi ang tsikot ng pinsan mo sa ‘di kalayuan at biglang bumababa po si Ma’am Bless at naglakad,” he added.
"She walked? For instance, did you hear what they are talking about?" I asked again.
“Hindi, boss, eh.”
I nodded and signaled that he could leave me while I was looking. Bless was writing something in her small notebook.
I need to have established my own power before winning her back. I can be do anything if I do so.
“Can you please wait for me then, Bless?”
Bless’s POV
Kinabukasan masigla akong tumatakbo pababa ng hagdan namin.
“Hoy, pamangkin! Maghinay-hinay ka naman! Wala namang humahabol sa ‘yo!” agad na puna ni Tita Annie ng magkasalubong kami at may dala-dala na siyang bandihado ng tortang talong.
“Good morning, tita!” bati ko sa kan’ya.
“Aba! Masaya ka yata, pamangkin? Maganda ba gising mo at punong-puno ka ng energy?”
“Naman, tita! Nasaan po sina mama at papa? Hindi pa sila kakain?” tanong ko ng maka-upo na ako sa hapagkainan namin at wala pa rin doon ang mga magulang ko.
“Ay, pamangkin! Tayo na lang daw muna ang kumain na dalawa kasi lumabas silang bumili lang ng mga kailangan ng mga guest,” ani nito.
“Ah, ganoon po ba. Aalis po sana ako, tita, gagawin ko lang po sana ‘yong bucket list ko,” sambit ko na.
“Ano ba ‘yon? Hintayin mo na lang sila hindi naman ‘yon magtatagal. Kita mo maya-maya nandito na ang mga ‘yon,” ani n’ya at sinimulan ng lagyan an plato ko ng kanina at n’ong tortang talong.
“Manonood lang ng movie, tita. Sige, hintayin ko na lang po sila,” sagot ko na lang at sarap na sarap na sa kinain ko ganoon na rin naman si tita.
“Si Nazarene pala ang naghatid sa ‘yo kagabi, bakit hindi mo sinabi sa min?” biglang kompronta ni Tita Annie. Sabi na nga ba at may alam siya.
“Po? Saan mo naman nalaman ‘yan, Tita Annie?” takha kong tanong.
“Huwag mo na akong niloloko, pamangkin! Pabalik na ako papunta ka pa lang atsaka nakita ko ang kotse n’ya noong lumabas ako. Bakit hindi ka nagpahatid sa harapan ng hotel? May nangyari ba?” tanong na naman n’ya.
“Wala! Walang nangyari, tita,” pagtatanggi ko pa rin habang sinusubo ang susunod na kanina na may ulam. Gamit ang peripheral vision ko ay pasimple kong tinitignan ng kilos ni tita.
Ilang sandali lang ng hinawakan n’ya ang kamay ko. “Basta, Bless. Kapag may nang-api sa ‘yo kahit sino pa ‘yan. Isumbong mo sa kin, sa min, lintik lang ang walang ganti! Atsaka sana huwag mo ring iisipin na nag-take advantage tayo sa lolo chairman mo. Sinubukan naman naming hindi tanggapin, eh. Kaso hindi talaga kaya pero hindi naman ibig sabihin n’on ay tinulungan mo siya para sa pansarili mong kapakanan, hindi natin kasalanan kung gusto rin tayong tulungan ni Chairman Marquez.”
Third Person’s POV
Nasa mahabang hapag kainan ngayon ang pamilyang Marquez, kasama ni Chairman Marquez ang anim n’yang mga apo at ang biyenan nitong ina naman ni Trevor. Tahimik silang lahat habang kumakain at nagpapakiramdaman.
“Nazarene, did you bring Bless home safely?” basag ng chairman sa katahimikan habang umiinom ng kan’yang tubig na nasa isang wine glass.
“Yes, grandfather,” sagot naman ni Nazarene.
“Gwyneth, I am giving you another chance to clean up your mess. Hindi kita kakampihan dahil ikaw ang mali but remember that I can move you out from my family register. Ipagpatuloy mo pa ang ginagawa mong kasamaan, we’ll see,” ani ng matanda bago ito tumayo at pumanhik paakyat.
“Wala naman po akong ginawang tama sa inyo, dad. Family? Did you ever consider me as one of your family?” pigil na pigil ang galit sa mukha ni Gwyneth Marquez.
“Kung hindi sa tingin mo ba makakain ka pa rin kasama ko ngayon? I may not be the best father-in-law for you, but it doesn't mean that baka ikaw ang hindi nakikitang pamilya mo kami, hindi gawain ng isang pamilya ang ginawa mo, Gwyneth. Remember that.”
Bless’ POV
“Isang ticket po akin, ate!” masaya kong saad ng ako na ang nasa unahan ng pila.
“Popcorn po, ma’am?” tanong naman n’ya sa kin.
“Sige po! Isa rin po noon ‘yong medium size na lang po,” aniya ko naman atsaka inilabas ang dala kong 500.00. Mabuti na lang at pinayagan ako nina mama at papa na umalis ng mag-isa ngayon. Lagi naman akong nanonood ng movie dati kaso hindi ko na nagawa n’ong magkasakit na ako. Mabuti na lang talaga at parang nakikiayon sa kin ngayon ang tadhana dahil maayos ang pakiramdam ko. Sabi rin ng doctor ko mukhang may effect na raw ang gamutan ko kaya unti-unti ng umaayos ang pakiramdam ko sabi pa nga n’ya kanina may pag-asa pa raw akong maging cancer survivor kapag mas lalo akong mag-ingat at paigtingin ang gamutan ko.
“Ito ‘yong sukli po, ma’am! Happy watching po!” nakangiting saad n’ong teller sa kin kaya tumango at ngumiti rin sa kan’ya.
“Salamat po!” sambit ko na lang atsaka naglakad papasok n’ong sinehan habang nakasipit sa balikat ko ang popcorn.
“Winona?” tawag sa kin ng pamilyar na boses kaya agad ko siyang hinarap. Nabigla pa ako ng makita kong naka-akbay siya sa isang babae na agad naman n’yang tinanggal ng mapansin n’yang nakatingin ako roon.
“Hello? Nandito rin pala kayo!” salita ko atsaka binalingan ‘yong babae.
“Hello rin sa ‘yo!” bati ko na rin. Syempre baka sabihin n’yang hindi ko siya pinapansin, sino ba naman ako para man-snob?
“Kilala mo siya, babe?” sabi n’ong girl habang nakatingin kay Nazarene. Ay wow! Babe naman pala.
“Ah! Hindi naman kami ganoon ka-close. Sige! Una na ako sa inyo, ha?” nakangiti ko pa ring saad atsaka pinagpatuloy ang paglalakad habang inuumpisahan na ang popcorn kung barbecue flavor.
Naghahanap na ako ng upuan ng may biglang humila ng kamay ko kaya sa gulat ay kamuntik ko na siyang masampal mabuti na lang at napigilan n’ya ‘yon. “Nanakit?” sabi ni Nazarene.
“Anong ginagawa mo rito? Nasaan na ‘yong kasama mo?” atsak ako naglinga-linga para hanapin ‘yong si babe.
“Hindi ko naman kasama ‘yon, saan ka uupo? Tara,” pa-anyaya atsaka n’ya hinawakan ang kamay ko.
“Hoy! Kailan pa tayo magkasama? Huli kong pagkaalala mag-isa akong pumunta rito, ah?” protesta ko pa.
“Huli pa ‘yon, iba na ngayon, kasama mo na ako.” Sabay tingin pa sa kin ng seryoso.
“Eh! Teka! Teka! Paano ‘yong kasama mo? May kasama ka namang iba, ah! Huwag ka ng sumama sa kin! Naku naman!” anggil ko pa. Gusto ko kayang mapag-isa! Paano ko magagawa ‘yon kung nandito ‘tong si Mr. Moody?
Napaatras ako sa kinatatayuan ko ng inilapit n’ya ang mukya n’ya sa mukha ko. Agad niyang pinitik ang noo ko atsaka ngumiti ng sobrang makalaglag panga! Teka lang naman! Bakit naman may pagngiti naman ng sobrang guwapo? Marupok ako sa ngiti n’ya! Hindi ba n’ya alam ‘yon?
“Iniwan ko siya kaya wala na akong kasama ngayon. At isa pa mas gusto kitang kasama, Winona,” aniya atsaka ako inakbayan at guluhin ang buhok ko.
Lub dub lub dub lub dub