NABALING ang atensiyon naming lahat kay Nazarene na mukhang kakarating lang din.
“Excuse me, Nazarene?! Dad! Nakita mo na ang ugali nitong anak nina Kuya Dalemond at Ate Viatrice! Hindi ka talaga naturuan ng magandang asal, hijo!” hindi makapaniwalang saad ni Ma’am Gwyneth at namewangan pa.
Hindi naman nagtagal ng magsidatingan na rin sina lightning and thunder, Alas, Ziggy at Trevor katulad namin kanina ni Premo ay pawang gulat din sila at nalilito kung anong nangyayari sa min ngayon.
“Mom! What is happening here?” agad na usisa n’ong weird na payatot.
“Itanong mo d’yan sa mga pinsan mong walang modo. Kampihan n’yo pa ‘yang bobitang squatter na ‘yan! Minsan na nga lang ako umuwi sa pamamahay na ‘to ako pa ang nagmukhang masama!” singhal na naman n’ya.
“Mom! Ano bang pinagsasabi mo? Sinong squatter? Hindi ko kayo naiintindihan!” clueless na tanong na naman nitong si Trevor habang si Nazarene naka-cross arms na at nakangisi habang si Premo ay patuloy pa rin sa pagtayo sa harapan ko.
“Sino pa? Eh, ‘di itong babaeng nagligtas kono kay dad. If I know may hidden agenda ka lang kaya tinulong mo si dad! My gosh! Matapos tulungan si dad biglang magpapatulong sa kompanya para sagipin ang pipityugin nilang bulok na hotel? My gosh! Shame on you, Bless!” Hindi ko alam kung paano n’ya nalaman ‘yang lahat pero hindi ko mapigilang tumulo ang luha ko.
Hindi naman masakit, ayos nga lang ako, eh! Promise!
Hindi nakasagot si lolo chairman at mukhang nagulat din ito dahil alam ng biyenan n’ya ang tungkol sa pagtulong n’ya sa hotel namin. “WOW! Tapos ngayon iiyak-iyak ka? Ang sabihin mo guilty ka! Ano pang balak mong gawin? Matapos isalba ni dad ang hotel ninyong palubog na? Gusto mong kompanya n’ya ring pinaghirapan n’ya ng matagal ang ibabagsak mo? Napakaambisyosa mo naman! Manloloko! Gold digger! Hindi talaga nawawala ang ugaling squatter sa mga taong nabuhay naman talaga ng dukha!” lalapit pa sana siya sa kin para abutin ang buhok ko ng hindi siya hayaan ni Premong makalapit sa kin.
“PREMO! UMALIS KA NGA D’YAN! THIS GIRL DESERVES A SERIOUS BEATING! NAPAKAWALANG HIYA MO NAMANG BABAE KA! BAIT-BAITAN KA ‘YON PALA NASA LOOB ANG KULO! Gosh! I can’t believe this!” frustrated n’yang sambit at pinapukulan pa rin ako ng masasamang tingin.
Gusto kong sumagot pero hindi ko magawa, sobra lang talaga ang mga naririnig ko ngayon para makalaban pa ako.
“MAY GANA KA PANG TUMAPAK SA PAMAMAHAY NA ‘TO MATAPOS KANG GUMAWA NG MALI? My gosh, dad! Naniwala ka sa bait-baitan ng bobitang fake na ‘to? Peperahan ka lang n’yan! Ikaw naman ‘tong paniwalang-paniwala sa bait-baitan n’ya at ng buong pamilya nila! Mahiya ka naman sa sarili mo, Miss Cayabyab!” sabi n’ya bago siya muling umupo sa sofa.
“Gwyneth, tama na ‘yan, ha! I am starting to despise your attitude, hindi mo naman kailangan pagsabihan ng kung ano-ano ang bata! Tinulungan man n’ya ako out of conscience o dahil sa hidden agenda na sinasabi mo in the end of the day siya pa rin ang dahilan kung bakit ako nabubuhay ngayon!” ani naman ni lolo chairman habang sapo-sapo na ang kan’yang noo.
“DAD! WAKE UP! HINDI MO BA NAKIKITA ANG SITWASYON? Tulad ng ginawa n’ya sa ‘yo nagmagandang loob siya at tapos ano? Tinulungan n’yo! Isinalba n’yo ang hotel nila sa utang! Ngayon naman ako! Kukunin na naman n’ya ang loob ko tapos ano? Anong sunod, Bless? Ako naman ang bibilugin mo ang ulo para ano? Maperahan mo rin! Hindi na ako nagtataka na n’ong kayo pa nitong si Austin ay hindi ka rin humingi ng pera sa kan’ya. Hay naku! Mga mahirap talaga, gagawin ang lahat mapunan lang ang sikmura!”
“HINDI ‘YAN TOTOO! A-alam mo ang totoo, Ma’am Gwyneth! Ikaw ang pumilit sa king dalhin ang papeles na ‘yon kay Nazarene! Tapos ngayon babaliktarin mo ako? Kung asal bobita po ako! Kung asal squatter ako! Anong tingin n’yo sa sarili n’yo, ma’am? Ako alam kong malinis ang kalooban ko, eh, kayo po?” garalgal kong sagot. Hindi ko na napigilan pa ang sariling kong hindi magsalita, sumosobra naman na yata siya sa pang-aalispusta sa pagkatao ko.
“Aba’t sumasagot ka pa talaga sa kin? See, dad? Bait-baitan lang ‘yang squatter na ‘yan! Kayo namang lahat kuhang-kuha n’ya! Nakisimpatya naman kayo!”
“Gwyneth, tumigil ka na!” pagpipigil sa kan’ya ni lolo chairman pero umirap lang ito.
“Mark my words. Gagamitin lang kayo ng babaeng ‘yan! Manloloko!” muli n’yang pahabol.
“Tsk! Actually, tita, it is not the case. Si Bless nga ba ang manloloko sa inyong dalawa? O ikaw?” pagsisinggit ni Nazarene sa usapan.
Bumaling sa kan’ya ng tingin si Ma’am Gwyneth atsaka ito lalong nagalit pa at muling napatayo.
“ANONG PINAGSASABI MO, NAZARENE? Hindi mo ba naiintindihan ang sitwasyon? Kung hindi mo lang naman alam tutal isa ka rin naman sa mga walang alam! May papeles na naiwan ang lolo mo rito! Kailangan ‘yon sa board meeting kanina at dahil sa bobitang si Bless na ‘to hindi nakarating sa kan’ya ang papeles na ‘yon kaya ngayon! Ayan! Halos lahat ng board nadismaya kay dad! This is not good for the company's image!” Mas lalong malakas na kumabog ang dibdib ko ng ulitin ni Ma’am Gwyneth ang mga salita n’yang ‘yon. Takot ako, kinakabahan ako dahil baka sa ginawa ko mapahiya nga si lolo chairman. Pagmemeryenda lang naman ang pinunta ko rito pero bakit nauwi pa sa ganito? Bakit parang makakasira pa ako ng hanapbuhay ng iba? Isa pa sa kinakatakot ko ang hotel namin, paano kung magalit sa kin ng tuluyan si lolo chairman at tanggalin n’ya lahat ng tulong n’ya sa min? Paano kami? Ang hotel.
Maingat kong tinignan ang reaksiyon ni lolo chairman na natiling blangko ang ekspresiyon ngunit hindi siya tumitingin sa direksiyon ko. Galit ba siya sa kin? Anong gagawin ko kung galit nga siya?
Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Nagkatinginan kami ni Ziggy at agad n’ya akong tinignan ng may pag-aalala.
“Manang,” ani nitong walang boses.
Hanggang sa magtama ang mga mata namin ni Austin. Sa lahat ng ayaw kong makitang emosiyon ngayon, sa kan’ya ko nakita. Awa.
“Kung image lang naman pala ng kompanya ang inaalala n’yo, tita, bakit hindi n’yo kausapin ang pinsan n’yo? Isama n’yo na rin ang grupo nila Mr. Herman, hindi ba at hawak n’yo sila sa leeg matapos n’yong ipalabas na illegal ang negosyo nila?” matapang na saad ni Nazarene at nanatiling nakangisi pa.
Hindi makakaila ang gulat sa mukha ni Ma’am Gwyneth lalo ng unti-unti nanlaki ang bilugan n’yang mga mata.
“Wh-what are you saying, Nazarene! Puro kasinungalin ‘yang sinasabi n’ya, dad!” depensa nito sa kan’yang sarili.
“Naayos ko na, hindi na galit si Mr. Herman at inamin n’ya rin sa kin, tita, ang ginawa n’yong pagsasabotahe sa kompanya. Hindi ba at inutos mo sa pinsan mong mag-alburoto para ipalabas na nagalit sila kay lolo dahil hindi dumating ang papeles? Oh, come on, tita. Stop playing with your dirty tricks and for the information of everyone. Bless did nothing wrong Tita Gwyneth just told her to bring me the documents. In simple words, she used Bless to execute her plan. Anong gusto mong mangyari, tita?”
“That’s not true! Ikaw ang nagse-set up sa kin ngayon! Ginagawa mo lang ‘to para pagtakpan ang katotohanan na maaring ikaw ang nag-utos kay Bless para dalhin sa ‘yo ang papeles to ruin the company’s image! Hindi ba at galit na galit ka kay dad?! Nagrerebelde ka kasi hindi mo magawa ang buhay mo sa Manila! Stop lying, Nazarene!” depensa naman ni Ma’am Gwyneth.
Wala na akong halos maintindihan sa mga nangyayari sa kanila. Sa totoo lang. Parang nanood ako ng teleserye ngayon kung saan nagkakaroon ng komprantahan sa pagitan ng bida at ng kontrabida. Hayaan na nating kahit ngayong araw lang na bida si Nazarene at ang kontrabida ay si Ma’am Gwyneth.
“Make yourself clear, Nazarene,” seryosong ani ni lolo chairman na nagpataas sa mga balahibo ko sa katawan. Nakakatakot na siya!
Third Person’s POV
Matapos umalis ni Bless sa harapan nina Nazarene at ng kan’yang secretary ay agad na inumpisahang tignan ni Nazarene ang mga nakasulat sa dokumentong ibingay sa kan’ya ni Bless. Nagulat ito ng makitang halos lahat ng nakalagay sa documents ay confidential at importanteng-importante.
Agad n’yang binalingan ang secretary. “What documents are you about a while ago?” ani nito.
“Ang nakalimutan po ba ni chairman, sir?” takhang tanong ng kan’yang secretary-ang nakasunod na rin sa kan’ya ng magsimula na itong maglakad.
“Yes, that one,” sagot ni Nazarene habang patuloy na binabasa ang mga nakalagay sa papeles.
“I don't have the precise information po kasi sir. Pero if I’m not mistaken, ang board meeting ngayon ay about sa stock market ng Marquez lalo po at nagsimula na naman pong tumaas ang sales ng Marquez kaya a lot of people in business tried to fake their identities to sneak out some shares,” pagkukuwento naman ng babae.
“Damn. Prepare the car. I'll be heading to the main office, and these documents are the one grandfather is needing,” nagmamadaling ani ni Nazarene.
“Po?!”
Naging mabilis ang naging kilos nila Nazarene at hindi naman nagtagal ay nakarating sila kompanya ng kan’yang lolo. Agad n’yang napansin ang sunod-sunod na paglabas ng mga board kaya agad siyang nagmadali upang makihalo sa kanila.
Hanggang sa magkasalubong sila ni Herman. “I need to talk to you,” seryosong bulong ni Nazarene ng magkasalubong ang mga balikat nila ni Herman. Hindi naman sumagot si Herman sa kan’ya at simple lamang na naglakad hanggang sa marating nila ang parte ng kompanyang walang halos taong dumadaan.
“What happened?” agad na tanong ni Nazarene.
“Alam mo na ang kalakaran, Nazarene,” anito.
“I know, I got your back kaya huwag kang mag-alala sa pamilya nina Gwyneth,” sagot naman ni Nazarene na may paninigurado.
“Sinabi sa min ni Gezor kanina na sundan ang pag-aalburoto n’ya ng galit dahil sa documents na iwanan ng chairman, sabi nila it is one of their move to put Trevor in the position, ipapalabas naming kailangan ng palitan si Chairman Marquez,” sumbong naman ng lalaki na mas lalong nagpadilim sa mukha ni Nazarene.
“I see. Act like on their side, kailangan ko ng tenga sa side nila,” seryosong ani ni Nazarene bago nito tinalikuran ang lalaki at nagpatuloy maglakad paalis ng kompanya.
“Do what I told you to do, kailangang walang makaalam nitong nangyari,” utos nito sa kan’yang secretary at dire-diretsong naglakad at umuwi.
Bless’ POV
“What the! Sinungaling! Sinungaling ka talagang bata ka! Nag-iimbento ka na naman, Nazarene?! TIGILAN MO NA ‘YAN! HINDI KA NA NAKAKATUWA!” singhal ni Ma’am Gwyneth at nagsimula ng maghurumintado habang si lolo ay nanatiling tahimik habang nakatingin sa kanila.
“Tita, ikaw ang tumigil na, gusto mo bang ibuko ko pa lahat ng pinaggagawa n’yo sa likod ni lolo to see to it na si Trevor ang magmamana ng kompanya? Tita Gwyneth, tigilan n’yo na ang pagiging hibang sa kayamanan. Kahit hindi naman si Trevor ang magmana nitong lahat may mapupunta pa rin naman sa inyo kaya bakit kayo kakabahan?” sarkastikong saad ni Nazarene.
Shems! Buhay mayaman! Ito talaga ‘yong mga nakikita kong awayan ng kayamanan sa mga palabas sa tv, eh! Halos nagiging masama ang mga tao para lang sa pera.
“NO! NO! TUMIGIL KA NA NAZARENE! TUMIGIL KA NA! NAHIHIBANG KA NA!”
“ENOUGH! LUMAYAS KA NA SA PANINGIN KO NGAYON DIN, GWYNETH! HANGGANG KAYA KO PAN MAGTIMPI! YOU REALLY PROVE TO ME HOW INCOMPETENT YOU ARE AND YOUR FAMILY!” hiyaw ni lolo chairman at tahimik na umakyat sa taas.
Naiwan kaming lahat na tahimik at napaupo na lang si Ma’am Gwyneth sa sofa habang umiiyak ng umiiyak.
“NO! THIS CAN’T BE HAPPENING!” sigaw n’ya.
Pero hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa kin si Nazarene at agad n’ya akong hinila palabas ng mansiyon.
“Nazarene! Teka! Bless!” dinig ko pang boses ni Premo pero hindi ko na siya na lingon pa dahil kailangan kong sabayan ang mabilis na paglalakad ni Nazarene pasakay ng nakaparadang sasakyan. Agad n’ya akong pinapasok sa shot g*n seat at agad na umikot papunta sa driver’s seat para paandarin ang sasakyan n’ya.
“Teka! Saan tayo pupunta? Kailangan ko pang kausapin si lolo!” protesta ko pa.
“Mamaya mo na siya kausapin, huwag na ngayon mainit pa ang ulo n’on,” aniya at ibinaling ang atensiyon sa manibela.
Isinara ko na lang ang bibig ko habang pinagmamasdan ko siyang seryosong-seryosong nagdri-drive. Aaminin kong guwapong-guwapo ako sa kan’ya kanina habang nakikipagsagutan siya kay Ma’am Gwyneth.
Napahagikgik ako ng mahina.
“Anong tinatawa-tawa mo d’yan? Baliw!” anito.
“Sus! Natatawa lang kasi ako n’ong maalala ko ang isa kong kakilala. Gusto mo ba na ikuwento ko sa ‘yo?” tanong ko sa kan’ya bago ko siya binalingan. Natawa naman siya at agad na tinakpan ang mga ngiti n’ya sa pamamagitan ng pag-rub ng daliri n’ya sa kan’yang labi.
“Sige! Silence means yes! Ikukuwento ko na, ha? Maganda ‘to! Tiyak akong mag-eenjoy ka rin naman kapag narinig mo!” ani ko pa. Hindi siya sumagot sa kin at sa halip ay tinignan lang ako.
“Once upon a time! May kakilala ako at itago na lang natin siya sa pangalang ND! Oo! Si ND isa siyang batang hindi mo alam kung bipolar ba o may split personality kasi pabigla-bigla na lang umiiba ang ugali n’ya!”
“I am not a bipolar,” anito nitong nagpangiti sa kin.
“Oh! Bakit ka sumasagot? Kakilala mo rin ba ang kakilala ko na ‘to? So, ayon na nga! Si ND pinauwi siya ng lolo n’ya sa probinsiya at ayaw na ayaw nga n’ya noon kasi nag-eenjoy na siya sa buhay n’ya sa ibang lugar, Doon kasi mas nagagawa n’ya lahat ng gusto n’ya lalong lalo na ang mga kalokohan n’ya. Alam mo ‘yong kakilala ko na ‘yon napakamapagkunwari! In denial kumbaga, hindi na lang umamin,” ani ko pa habang tinitignan-tignan siya.
“I’m an honest person,” sabat na naman n’ya.
“Ano ba! Bakit ka ba sabat ng sabat! Hindi naman ikaw ‘to, ah? Ikaw ba ‘to? Feeling ka naman, eh!”
Tumahimik siya kaya umiling na lang ako.
“Ipagpapatuloy ko na ang kuwento ko, ha? So, ayon na nga! Lagi n’yang sinasabi sa kin na walang siyang pakialam sa lolo n’ya. Na hindi n’ya mahal ang mga pinsan n’ya na para sa kan’ya ibang tao lang sila pero alam ko! Deep inside mahal n’ya ang pamilya n’ya. Bakit ko nasabi? Kasi nakikita ko ang mga ginagawa n’ya at alam kong hindi n’ya ‘yon ginagawa para sa sarili n’ya. Ginagawa n’ya ‘yon lahat para sa pamilya nila. Alam mo kung nakikinig lang ngayon ang kakilala ko na ‘yon sana malaman n’yang ayos lang naman kung hindi n’ya diretsong maamin na mahal n’ya ang pamilya n’ya, eh, ayos lang na ipakita n’ya ‘yon sa ibang pamamaraan pero itigil na n’ya ang pagsisinungaling na hindi sila importante sa kan’ya kasi wala namang mawawala. Nakakadagdag pa nga ‘yon sa pagiging lalaki n’ya, eh!” mahaba kong litanya.
Napasinghap ako at agad na napahawak sa upuan ng biglang kabigin ni Nazarene ang sasakyan pagilid ng kalsada muntikan pa kaming mabunggo sa malaking punong kahoy.
“HOY! MAY PLANO KA BANG MAGPAKAMATAY? BAKIT MO PA AKO SINAMA RITO! WALA PA AKONG PLANONG MAWALA SA MUNDO!” pag-aalburoto ko ngunit hindi n’ya ako pinansin at mabilis na sinapo ang pisngi ko at hinalikan ako.
“Hmmmm!” pagpupumiglas ko ngunit hindi siya nagpatinag.
Pinagpatuloy n’ya ang paghalik sa kin hanggang sa unti-unti na rin akong kumalma at maramdaman ang tamis ng pagkakahalik n’ya sa kin.
Nakapikit pa siya habang inaangkin ang labi ko at minamasahe ang pisngi ko. “Naririnig ka ng kakilala mo, salamat daw kasi sinabi mong guwapo siya,” nakangisi nitong sambit ng lubayan na n’ya nag labi ko. Hinahabol ko ang hininga ko ng muli n’yang paandarin ang kotse at nagpatuloy sa pagmamaneho nito.
Oh, my gash!
“HOY! Nazarene! Ba-bakit mo ako hinalikan?!” protesta ko pa. Anong akala n’ya nagustuhan ko ang ginawa n’ya?! Hindi ko naman sinasabi na hindi ko nagustuhan pero bakit naman kasi!
“Gusto ko, bumaba ka na nandito na tayo,” aniya. Hindi ko man lang napansin na tumigil na pala siya sa isang magubat na parte. Nasa may kalsada pa rin kami pero sa may gilid noon ay ang mga magagandang punong kahoy at ang bundok.
“Pumupunta ako rito sa tuwing maingay sa mansiyon. If something happens again, it is better to be here,” anito.
“Perks talaga minsan ng pagiging mayaman ang mga ganoong eksina ano? Ginagawa ang lahat sa ngalan ng pera. Akala ko dati ginagawa lang ang lahat sa ngalan ng pag-ibig pero para mas marami pa pala ang dahil sa pera,” ani ko naman. Ang bilis n’ya magbago ng mood! Parang walang nangyaring halikan! Kapag marupok ka talaga mafa-fall ka sa wala sa oras dito kay Nazarene. Kainis!
“Kaya ayaw kung umuwi rito, lagi silang gan’yan. It is better to be in Manila, walang mga katulad nila. They act as if we don’t share the same blood,” seryoso nitong ani.
“May point ka naman d’yan,” simpleng sagot ko na lang.
“Kung may plano kang sirain ang buhay nila lolo, huwag mo ng ituloy,” anito.
“Wow?! Naniniwala ka sa sinabi ng tita mo! Mukha ba akong masama sa paningin mo?!” bulalas ko.
“Wala naman akong sinabing naniniwala ako at mas lalong hindi ka masama sa paningin ko.”
“Ayan naman pala, eh! Wala! Sa totoo lang hindi ko alam na nabaon na pala kami sa utang dahil sa pagpapagamot nila sa kin. Akala ko kasi ayos lang ang hotel namin, akala ko kasi sakit ko lang ang dumadag sa pamumuhay namin ‘yon pala ang dami ng pagbabagong nangyari sa buhay namin. Ayaw ko man pero wala akong magagawa mas pipiliin ko na lang na isipin ng iba na tinulungan ko ang lolo mo dahil may hidden agenda ako kaysa pabayaan na mawala ang hotel namin sa pamilya ko. ‘Yon na lang ang meron sila kaya paano na lang kung pati ‘yon mawala kasabay sa pagkawala ko,” nabigla rin ako sa sinabi ko pero totoo naman. Alam kong hindi na rin naman magtatagal itong lahat.
“Oh! Bakit may dumi ka sa tenga mo?” aniya at agad na hinawakan ang ibabaw ng tenga ko. Unti-unti n’yang kinuha ang tenga ko at ilapit ‘yon sa harap ko ng makita kong biglang may maliit na bulaklak na siyang hawak.
“Magic na ba ‘yon?” biro ko.
“Bulaklak para sa ‘yo. Huwag na huwag kang magsasalitang mawawala ka, hindi ako papayag. Kailangan mo muna akong maalala.”