CHAPTER 28

3234 Words
Third Person’s POV “PASENSIYA, I’m really sorry, tumatanda na talaga ako kaya may mga nakakalimutan ng importanteng papeles. Don't worry, and I have already called my daughter-in-law to bring the documents here,” nakangiting ani ni Chairman Marquez sa harapan ng board members ng kan’yang kompanya. Wala ng nagawa ang mga board kundi ang magbulungan na lamang at magkan’ya-kan’yang umpisa na lang kanilang usapan. “Anong oras na ba? Did Bless arrived at the mansion? Sabi pa naman magmemeryenda kami,” ani ng chairman sa kan’yang kanang kamay. “Yes po, nandoon na raw po siya, chairman. Halos magkasabay lang daw po silang dumating ni Ma’am Gwyneth,” sagot naman nito. Lumipas ang mahigit kumulang kalahating oras ng nag-umpisa nang magreklamo ang mga kasama ni chairman sa loob ng napakalaking conference hall. “Chairman, where is Gwyneth? / Sir, without due respect, we are spending so much time doing nothing. / Kumpadre, nasaan na ba ang biyenan mo? Kanina pa tayong naghihintay? / Ang tagal naman, Chairman Marquez, I have my following schedule after this.” Iilan lamang iyan sa mga hinanaing ng mga tao roon na kahit si Chairman Marquez ay napahilot na lamang sa kan’yang sintido. “Chairman, should I let Mr. Laurent get the documents, wala pa rin po si Ma’am Gwyneth, hindi ko na rin po siya ma-contact,” bulong ng kanang kamay nito na siyang nagpalaki sa mga mata ng chairman. “What do you mean na hindi mo na siya ma-contact?” paglilinaw ng matanda. “Out of coverage na po ang phone ni ma’am, chairman,” anito magsasalita pa sana ang chairman ng may biglang isang board ang malakas na nagdabog. “Chairman Marquez, how unprofessional is this? This meeting is supposedly an important one! How could you forget to bring such an important document? Ang dami n’yong tauhan pero bakit kailangang ang biyenan n’yo po ang kailangang magdala noon dito?!” “Mr. Ropero, let us all calm down, hindi basta-basta ang laman ng mga documento na ‘yon kaya I prefer na si Gwyneth na ang magdala noon dito na pinsan mo to secure it’s confidentiality,” awtoritadong sagot ni chairman pero hindi pa rin nagpapigil si Mr. Romero. “Baka naman kasi kailangan n’yo ng magretiro, chairman? Bakit hindi na kasi natin madaliin at si Trevor na lang ang hayaan nating mamahala ng buong kompanyang ito,” matapang na mungkahi nito. “Hindi naman sa kinukuwestiyon ko ang galing mo, Chairman Marquez. I know thru the years that you had been working so hard for this company, and with that being sabi ang pamangkin kong anak ni Gwyneth ang isa sa qualified for your position. He graduated business administration,” dugtong pa n’ya. “Gezor, papeles lang ang hinihintay natin bakit ka na napunta sa usapang ‘yan?” balik na tanong naman ni Chairman Marquez. Hindi nakasagot si Mr. Ropero at napabalik na lang ito ng upo sa kan’yang silya ngunit may isa na namang naglakas ng loob. “Pero sana naman alam n’yo rin, Chairman Marquez, na importante rin ang bawat oras sa min. Ganito na ba alagaan ng Marquez Empire ang mga board nila? Hindi ko na ‘to gusto, it seems like you are starting to disrespect us lalo na at balita ko nakikipagkasundo na kayo sa ibang mayayamang pamilya, you are starting to marry off your grandsons, ganito n’yo na ba kami papalitan?” “Herman, wala namang gan’yang nangyari. Pwede bang bumalik na kayo sa inyong mga upuan at paparating naman na raw si Gwyneth.” Pero imbes na sundin ang ustos ni Chairman Maquez at mas lalo pa itong nag-alburoto. “This is enough! Nakakawalang gana na!” sabi nito at sabay-sabay silang nagsilabasan ng mga kausap n’yang mga board kanina. Natahimik na lamang si Chairman Marquez habang hinahayang umalis isa-isa ang kan’yang mga board member. “Anong gagawin natin, lolo? This accident could ruin the image of our company,” bulong naman agad ng kan’yang secretary. “Nasaan na ba si Gwyneth? Baka naman hindi pa nakaalis ng mansiyon? Let’s go home. Hayaan mo ‘yang mga board na ‘yan, mga lintik!” Bless’ POV Nagkunwari akong hindi ko narinig ang sinabi n’ong empleyado yatang lumapit kay Nazarene. Agad kasi akong tinignan ni Nazarene, anong akala n’ya sa kin? May lahing tsismosa? Excuse me! Tsismosa ako sometimes pero hindi naman ako ‘yong tipong mangingialam para makitsismis lang. Alam ko pa rin naman ang salitang privacy! Hindi ako tapos ng pag-aaral at wala rin naman akong planong i-fake ang records ko sa school pero ay pinalaki naman ako ng mga magulang ko na may tamang asal, one year old pa lang ako sinasaksak na nila sa utak ko ang good manners at right conduct. “Ah! Sige lang, mag-usap lang kayo isipin n’yo na lang na bingi ako kaya wala akong naririnig!” ani ko pa atsaka inabala ang sarili ko sa pagtitingin-tingin sa hotel. Hindi pa naman ako nakapasok dito! Isa kaya ‘to sa pinakamahal at pinakamalaking hotel dito sa min. Bakit naman kaya nandito ‘tong si Nazarene? Oh, no! Huwag mong sabihin na nilalandi n’ya ang anak ng may-ari nitong hotel para mapasakan’ya ang ari-arian nila tapos ano? Oh, my gash! Papatayin n’ya ang lahi nila para mas lalo silang yumaman nila lolo chairman? Okay, sabi ko nga, medyo OA. “What do you mean nawawala? What documents are they?” tanong ni Nazarene roon sa babae. “I don’t have an idea, sir, nabalitaan ko lang po sa secretarya ni chairman dahil nagkaroon daw po ng kunting argument ang board at ang chairman, they are thinking of ways to settle the matter,” sagot n’ong babae habang nakatingin ng diretso sa boss n’ya. Eh, mas tsismosa pa nga yata ‘tong babaeng kausap n’ya kaysa sa kin! Akalain mo ‘yon nabalitan n’ya agad ang tungkol doon, eh, ‘di hamak na malayo naman dito ang main office nila lolo chairman. “May kasama ka ba? Sinong naghatid sa ‘yo rito?” biglang salita ni Nazarene. “Ako ba ang kausap mo?” sabay turo ko pa sa sarili ko. “Tsk. Minsan matalino minsan naman sabog. Kakaibang babae,” bulong n’yang dinig na dinig naman namin ng kaharap n’ya. Pa-simple pa ngang natawa ‘yong babae. “Excuse me? Pwede ba kung manglalait ka huwag naman ‘yong nandito pa ako at naririnig ka? Hindi ba pwedeng mamaya na lang kapag nakatalikod na ako? Napaka-straight forward mo namang tao! Pinahiya mo pa ako rito kay ate!” pagrereklamo ko na. “Naku po, ma’am! ‘Wag n’yo po akong problemahin, alam ko po kung kailan ako didistansiya lalo na po at hindi naman about work ang pinag-uusapan ninyo,” sabat naman n’ong babae. “Okay po, sabi mo. Pero ako nga ba kausap mo? Aba malay ko ba! Pabigla-bigla ka naman kasi kanina si ate pa kausap mo tapos biglang ako na?” asik ko na naman sa kan’ya. “It’s common sense, Winona, alangan namang tanungin ko ang secretary ko ng mga ganoong tanong, eh, hindi naman ‘to aalis sa tabi ko unless tapos na ang trabaho n’ya,” pambabara n’ya sa kin. Kita mo ‘tong si Nazarene! “Oh! Eh, ‘di sorry po, sir! Ito lang ako po kasi ako, oh, simpleng tao,” sarkastiko kong sagot at nag-cross arms pa sa harapan n’ya. “Ang dami mo na namang dinadada, ang tanong ko na lang ang sagutin mo at kailangan ko ng umalis,” singhal n’ya. “Wala! Tinakbo ko lang mag-isa mula sa mansiyon n’yo papunta rito. Huwag mo na akong isipin mag-aabang na lang ako ng tricycle d’yan pabalik ng mansiyon n’yo. Utos kasi ni Ma’am Gwyneth bumalik ako roon pagkatapos ko maihatid ‘tong documents,” ani ko naman. “Kanina lang ba dumating si tita?” sunod n’yang tanong. “Hindi naman, halos kakarating n’ya lang sa inyo mga 30 minutes ago. Oh, sige na! Pumunta ka na sa pupuntahan mo at ako naman ay babalik na sa inyo.” “Siguro ka bang kaya mo? Baka naman mahimatay ka sa daan mo pabalik at ako pa ang malintikan sa ‘yo,” ani na naman n’ya. Minsan bipolar din ‘tong si Nazarene, eh, hindi kaya may split personality ‘to? Minsan kasi ang sweet n’ya sa kin minsan naman harsh. Hindi ko alam saan ko ilalagay ang sarili ko sa kan’ya. “Alam mo para sa lalaki ang dami mo ring daldal, wala, ayos lang ako, sige na, alis na ako!” hindi ko na hinintay ang sagot n’ya at kusa na lang akong tumalikod. “Mag-iingat ka!” pahabol pa n’ya. “Parang napilitan ka pa, sige! Salamat po sa pag-aalala!” sagot ko naman. “Nasaan sila lolo? Nasa main office pa ba? Let’s go there baka maabutan pa natin ang board, I can talk to them,” huli kong rinig na sinabi n’ya. Kita mo talaga ‘yan, kunwari lang talaga siyang walang pakialam sa kompanya ng lolo at sa lolo n’ya pero deep inside naman may pakialam siya. Ngayon, Bless! Ano namang plano mo sa buhay matapos mong sabihin na magtri-tricycle ka pero wala ka namang pera kahit singkong duling?! Pinairal mo pa kasi ang yabang mo kaysa sa pagod mo! Ngayon magtiis kang maglakad sa initan! Hinihilot-hilot ko ang leeg at mga paa ko ng makalabas na ako ulit ng hotel. Ang init pa naman! Halos hulas na hulas na rin ako n’ong tinakbo ko mula sa mansiyon papunta rito. Ayaw ko naman kasing maging rason kung bakit mala-late ng dating ‘yong documents na ‘yon kay Nazarene mukhang napakaimportante pa naman n’on. Bago ako muling maglakad ay umupu muna ako sa isang bench sa hindi kalayuan at pinaypayan ang sarili ko gamit ng mga palad ko. Ang sakit kasi ng init sa balat at nakakaramdam na rin ako ng pangangalay at pagod sa balakang ko. “Maghintay kaya muna ako rito? Baka may dumaan na driver na kakilala ko at baka pwede ko munang masuyo na ihatid ako sa mansiyon pabalik, sa tingin mo, self?” parang timang lang ang labas ko. Alam ko na rin kasi sa sarili kong pagod na ako kaya hindi ko na dadagdagan pa at baka saan na naman ako mauwi. Magkatotoo na lang ang sinabi n’ong bipolar. Sa lahat ba naman kasi ng pwedeng hindi dalhin ay pera pa ang hindi ko naisipang dalhin! Minsan kasi hindi talaga ako nagdadala ng pera kasi sa kadahilanang wala naman talaga ako n’on at nasa isip ko ay wala naman akong gagastusin kaya bakit magdadala pa. Hindi ko naman kasi in-expect na gagawin akong J and T express nitong si Ma’am Gwyneth. “Bless? Alin ing gina-ubra dikaron? (Translastion: Bless? Anong ginagawa mo d’yan?)” bungad ni Premo. Oo si Premo, hindi ko alam kung naawa ba sa kin ang universe o sadyang nanunukso. “Ha? Ah! Haman gani ako iya? Ay! I mean ano! Gahueat ako it saeakyan pabalik kinyo (Translation: Ha? Ah! Bakit nga ba ako nandito? Ay! I mean ano! Naghihintay ako ng sasakyan pabalik sa inyo),” pagsisinungaling ko na naman. Anong hinihintay ko? Wala naman akong pambayad! “Sa amon? Ing butsinghanon sa mansiyon? (Translation: Sa amin? Ang ibig mo bang sabihin sa mansiyon?)” ani ni Premo. “Oo! Bakit ikaw saan ka ba?” pasimple kong tanong. Sana naman sabihin n’yang pauwi na siya para makisabay na lang ako! Hindi ko na kaya kapag lalakarin ko na naman mula rito pabalik, ang init na kaya! “Igto man ang adto, gauli eon ako kaya sabay lang kakon (Translation: Doon din punta ko, uuwi na ako kaya sumabay ka na lang sa kin),” aniya. “Yes! Ay este, sige! Salamat!” Naglakad siya papalapit sa isang pick-up na puting sasakyan na may Mazda pa sa harap. Infairness, yayamanin talaga sila! “Sakay eon (Translation: Sakay na),” aniya pa at siya pa mismo ang nagbukas ng pinto sa shot g*n seat. Kulang man sa confidence minsan ‘tong si Premo pero nag-uumapaw naman sa pagiging gentleman! Pagkasakay ko ay agad kung inayos ang seatbelt habang siya naman ay umikot para makasakay na rin sa driver’s seat. Pagsara n’ya ng pinto ay agad n’ya ring inayos ang seatbelt n’ya atsaka ako tinignan. “Ah, sa sunod nga domingo gali kung gusto mo malang hay pwede ka nga makapamantaw it ang contest, hato ang gusto nga hambaeon kimo galing (Translation: Ah, sa susunod na linggo pala kung gusto mo lang naman ay pwede kang makapanood ng contest ko, ‘yon ang gusto kong sabihin sa ‘yo kaso),” ayan na naman siya sa legendary kamot batok n’ya. “Kaso?” “Ah, uwa! Basta kung pwede ka hay adto, masadya ako kung makaadto ka (Translation: Ah, wala! Basta kung pwede ka pumunta ka, masaya ako kung makapupunta ka),” seryoso nitong saad. Gwyneth’s POV Ginawa na namin ang gusto mo. I smirked form my lips after reading the text of my cousin, Gezor. Buti na lang at hawak ko na rin sa leeg ang kampo nila Herman kaya siguro akong hindi na makakapalag sa kin si dad when I started making my move to put Trevor in the position I just waited for a few more hours ng makarinig ako ng tunog ng makina ng sasakyan. Mabilis na nagsilabasan sila Manang Evita kaya alam kong si dad na ‘yon. Ano kayang magiging reaksiyon n’ya? I composed myself and remained calm while acting busily reading the magazine. “Gwyneth? Nasaan si Gwyneth?” dinig ko kaagad na tanong ni dad. “Nasa salas po, chairman.” “Gwyneth! Gwyneth! Ano bang ginagawa mo? I was waiting! We are all waiting for you to bring the documents I texted you! Tapos nandito ka lang pala at nagbabasa ng magazine na ‘yan?! Mas inuna mo pa ang siesta kaysa sa inutos ko!” Composed pa si dad pero alam ko deep inside galit na ‘to sa kin. Let the game begins. Sooner or later darating na rin ang may kasalanan nitong lahat. “Dad, what do you mean? Kanina ko pa pinadala sa ‘yo ang documents na sinasabi mo. Bawal na bang magpahinga ngayon? I missed this house so much!” “Pinadala? Kanino? Walang dumating sa min, Gwyneth! Wala! The board was furious! Pinaghintay mo kami roon na parang mga tanga! And to think you just had your relaxation here? Where did your mind go! Kaya hindi ko talaga gustong mapangasawa ka ng anak ko! Paano mo siyang mabibigyan ng magandang pamilya kung gan’yan ka! So, irresponsible!” Bingo! I started sobbing. “Dad! Sumusobra naman na po kayo! Thru the years inalagaan ko ang anak ninyo! Wala siyang masasabi sa kin, I had been a good wife for him! Hindi ko naman po kayo pinipilit na mahalin ako or tanggapin ako as your daughter-in-law pero hindi naman po tama that you are questioning my capability as the wife of your son! This is too much!” Bless’ POV Papasok palang kami ng mansiyon ni Premo ay nagkakatinginan na kaming dalawa dahil sa mga naririnig naming malakas na sigawan. Mukhang boses pa ni lolo chairman ang isa roon. “Dad! Sumusobra naman na po kayo! Thru the years inalagaan ko ang anak ninyo! Wala siyang masasabi sa kin, I had been a good wife for him! Hindi ko naman po kayo pinipilit na mahalin ako or tanggapin ako as your daughter-in-law pero hindi naman po tama that you are questioning my capability as a wife of your son! This is too much!” Dinig na dinig namin ni Premo ang sigaw ni Ma’am Gwyneth na nakatayo at mukhang kanina pa umiiyak dahil namamasa na ang mga mata n’ya. “Anong nangyayari?” bulong ko. Nakatalikod sa min si lolo chairman kaya hindi n’ya siguro napansin ang pagdating namin ni Premo. “Gwyneth! Ano ba naman ang kunting papeles na dalhin mo sa kompanya!” sigaw pabalik ni lolo. Tungkol ba ‘to sa narinig kong sinabi ng secretary ni Nazarene sa kan’ya? “Dad! Sinabi ko na sa ‘yo! Pinadala ko na ‘yong documents! Oh! Bless, nand’yan ka na pala! Explain to dad na dinala mo na ang documents na inutos n’ya sa kompanya,” baling sa kin ni Ma’am Gwyneth kaya humarap sa kin si lolo. “What do you mean? Inutusan mo si Bless?!” singhal ni lolo. “Lolo, hinid po,” sagot ko kaagad hindi naman kasi siya totally inutos thou parang ganoon na rin naman. “Dad! Si Bless mismo ang nag-suggest na siya na ang maghahatid ng documents kasi nakita n’yang pagod ako sa biyahe! Hindi ko naman alam na ganito ang mangyari. If I know, eh, ‘di sana ako na lang mismo ang naghatid. Now, Bless, dahil nandito ka rin naman explain to us bakit hindi nakarating kay dad ang documents na pinadala ko sa ‘yo to cause him harm.” Harm? Teka! “Po? Kay lolo chairman po dadalhin? Akala ko po ba sabi ninyo kay Nazarene dadalhin?” inosente kong sagot na nagpa-face palm naman kay Ma’am Gwyneth. “See, dad? Hindi ako ang may kasalanan! BAKIT MO KAY NAZARENE IBINIGAY! HINDI BA AT MALINAW ANG SINABI KONG DALHIN MO KAY DAD! SA MAIN OFFICE NG MARQUEZ! BAKIT NAPUNTA KAY NAZARENE? KAYA NAMAN PO PALA NA-LATE! ANG NAG-SUGGEST PO PALANG MAGDALA ANG NAGKAMALI! LOOK! TIGNAN MO ANG GINAWA MO NGAYON, BLESS! DAD IS ANGRY TO ME, THINKING NA AKO ANG NAGKAMALI! NAPAHIYA SIYA SA BOARD DAHIL SA GINAWA MO!” Teka! Bakit parang may mali? “Po? Kayo po ang nagsabi sa king dalhin ang documents na ‘yon kay Nazarene sa Shangri-La Boracay, Ma’am Gwyneth,” malumanay ko pang sagot. Totoo naman kasi! Hindi pa naman ako bingi. “AT TALAGANG KASALANAN KO PA NGAYON KUNG MAHINA ANG READING AND COMPREHENSION MO? SINABI KO SA ‘YO KANINANG KAY DAD! KAY DAD! KAY DAD DADALHIN! ANG LAYO NAMAN NG DAD SA NAZARENE, MY GOSH! BOBO!” Nag-umpisa ng mangilid ang mga luha ko sa matinding kaba, hiya at takot. Bakit parang binaliktad n’ya ang sitwasyon?! “Lolo! Promise, si-si Ma’am Gwyneth po ang nag-utos sa kin na kay Nazarene ‘yon ibigay. Hi-hindi ko po talaga alam na sa inyo po pala dapat, so-sorry po talaga,” naiiyak ko ng saad kaya agad namang hinawakan ni Premo ang balikat ko. “AT TALAGANG IIYAKAN MO PA KAMI NGAYON?! MAIBABALIK BA NG IYAK MO NA ‘YAN ANG KASALANAN MONG GINAWA! BOBO! SQUATTER KASI KAYA AYAN! KUNG ANO-ANONG KAPALPALAKAN ANG GINAGAWA! NANGGIGIL AKO SA ‘YONG BATA KA!” sigaw na naman n’ya. “Ante! Magdahan-dahan ka man sing ginapanghambae! Bukon eang man it kung sin-o eang ing ginahambaean (Translation: Tita! Maghinay-hinay ka naman sa pinagsasabi mo! Hindi naman kung sino lang ang pinagsasabihan mo),” malakas pero may awtoridad na sagot ni Premo habang pumapaharap na siya sa kin at itago ako sa likod n’ya. “HUWAG KANG MAKIALAM DITO, PREMO! WALA KANG ALAM! KASALANAN ‘TO NG BOBITANG BLESS NA ‘YAN KUNG BAKIT SA KIN GALIT SI DAD! PINAPALABAS MO PANG SINUNGALING AKO! WALA KANG MODONG BABAE KA!” “Tita, naman. Stop the act already, hindi ba’t masyado ka ng matanda para rito?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD