“KAYA kung ako sa ‘yo, hija, sisiguraduhin ko ng makaiwas na doon kay Ma’am Gwyneth. Typical na mayaman.” dugtong pa n’ong isang guard.
“Uy! Adoc, ano bang pinagsasabi mo d’yan! Sinisiraan mo si Ma’am!” puna naman agad sa kan’ya n’ong kausap kong guard kanina.
Oo nga naman, medyo judger si manong guard sa part na ‘yon.
“Totoo naman, bakit hindi ka pa ba nasisinghalan n’on ni Ma’am Gwyneth? Swerte mo naman kung oo!”
Ang totoo? May hinanakit kaya si kuya sa nanay ng payatot na ‘yon?
“Ma’am Bless! Kanina pa kita hinihintay! Ibinilin ka sa kin ng chairman!” napunta ang atensiyon naming tatlo sa sumigaw sa may hindi kalayuan.
“Manang head butler!” tawag ko naman sa kan’ya.
“Naku! Ano bang pinagsasabi sa ‘yo nitong dalawa? Bakit parang kinakabahan ka?” ani nito nang maakay na ako palakad pabalik ng mansiyon.
“Ah! Wa-wala naman po, manang head butler, nag-uusap lang po kami tungkol doon sa mama ni Trevor,” sagot ko naman.
“Ha? Nandito ba siya?” lito n’ya pang tanong.
“Hindi n’yo po alam? Kakarating lang po n’ya halos magkasabay lang po kaming pumasok,” simpleng sagot ko naman pero nabigla ako ng bigla n’ya akong harapin at hawakan ang magkabilaan kong mga balikat.
“Pumasok ka na sa loob, hija, huwag ka na lang magpakita doon kay Ma’am Gwyneth, kailangan ko ng pumasok sa mansiyon. Sige na!” aniya at dali-daling kumaripas ng takbo. Sa likod pa nga siya dumaan na mukhang papasok ng kusina.
Bakit ba lahat sila pinapaiwas ako roon sa nanay ni payatot? Tulad ba ni payatot ay weird din ang nanay n’ya?
Kibit balikat akong naglakad papasok sa mansiyon ng mga Maquez. Ang laki naman ng bahay nila kaya baka wala naman sa salas ang Ma’am Gwyneth na ‘yon. Atsaka ano ba tapos kung magkasalubong kaming dalawa? Wala naman akong masamang ginawa sa kan’ya kung meron man ay aba’y hindi ko sinasadya agad!
Nagpatuloy nga ako sa paglalakad papasok ng salas nila. Ano bang mukha n’ong Ma’am Gwyneth? Para makaiwas na lang ako kaysa naman ano pang mangyari ‘di ba? Ang malaking problema ko lang talaga ngayon ay hindi rin ako familiar sa mukha n’ya paano ko malalaman kung siya na pala ‘yong nakakasalubong ko kung hindi ko naman alam ang mukha n’ya?
“Excuse me, miss? Are you new? Hindi ka ba nasabihan na huwag pumunta rito? Anyway, tutal nandito ka rin naman na, can you get me a glass of water? ‘Yong alkaline ha? Ayaw ko ng mineral lang o kung ano man d’yan,” sabi n’ong babae na nakadewatro sa salas at may hawak-hawak pang magazine.
“Po? Pero hindi po ako kasama sa bahay dito, bisita rin po ako tulad n’yo. Hindi naman kasing same ninyo kasi hindi naman po kami kayamanan pero bisita pa rin po ako,” aniya ko pero tinignan n’ya lang ako ng masama.
“GIVE ME A GLASS OF WATER! NOW!” hiyaw n’yang nagpatigla naman sa kin. Sa adrenaline rush ko ay napatakbo ako papasok ng kusina at agad kumuha ng baso at pitsel ng tubig sa ref nila at isinalin ‘yon sa baso. Bakit walang mga tao rito sa kusina? Pati ba naman sa kusina bawal din ang tao?
“I-ito na po,” nakangiti kong saad habang maingat na pinapatong ang baso ng tubig sa harapan n’ya. Hindi man lang n’ya ako tinapunan ng tingin at nanatiling naka-focus sa binabasa n’ya roon sa magazine. Maingat n’yang kinuha ang baso at posturang-posturang uminom n’ong malamig na tubig na kinuha ko. Tinitignan ko siyang uminom n’on ng bigla siyang pumaharap sa kin at ibuga sa mukha ko ang tubig.
“OH MY GOSH! DO YOU PLAN TO KILL ME? HINDI KA BA NAKIKINIG! ANG SABI KO ALKALINE WATER! HINDI MALAMIG NA TUBIG AT MINERAL! PALITAN MO ‘YAN! BILIS!” hiyaw n’yang bumalabog sa buong lugar.
“So-sorry po, ma’am,” nagmamadali kong ani bago ko kinuha ‘yong baso sa harapan n’ya at tumalikod pabalik ng kusina. Pinapunasan ko ng panyo kong dala ang mukha kong nabasa ng pumasok sa utak ko ang pagtawag ko sa babae ng ma’am. Hindi kaya siya ang mama ni Trevor?!
Agad ko siyang nilingon. Mukhang siya na nga. Bakit hindi ko ‘yon agad na-realize? Minsan talaga ang bilis ko maka-realize minsan naman napaka-slow ko. Siguro para rin weather ang utak ko, pa-weather weather lang. Minsan matalino, minsan ubob.
“Nasaan ba rito ang alkaline water? Aba! Puro lang naman tubig ‘to rito? Anong aasahan n’ya? Microscopic ang mga mata ko para agad na ma-distinguish anong alkaline sa hindi? Pareho lang naman tubig, ah! Wala pa rin namang lasa!” padabog kong inilabas ang tatlong pitsel mula sa ref nila, kung mineral ‘yong kanina malamang sa malamang isa sa dalawa na ‘to ang alkaline? Pero pwede rin namang wala sa dalawa, pero paano ko ba malalaman kung alkaline o hindi, eh, hindi nga ako umiinom n’on? Atsaka wala naman akong alam sa mga pasikot-sikot sa pamamahay na ‘to?
Noong makapagdesisyon na ako ay naglakad akong muli pabalik sa kan’ya na dala ang isang tray na may nakapatong na dalawang baso ng magkaibang tubig. Bahala na si Batman.
Oh, my gash! Hindi naman ako taga-Mansiyon bakit ba kasi ako ang na-trip-an n’yang utusan!?
“Ito na po, ma’am, ang inuutos n’yong tubig,” markahan n’yo ang pagiging sarkastiko sa boses ko ngayon matapos kong ipatong ang tray sa harapan n’ya. Sinundan n’ya muna ako ng tingin bago tapunan ng tingin ang dalawang basong may tubig na dala ko.
“Ano ‘yan?” tanong n’ya. May pa-alkaline ka pang nalalaman pero tubig lang hindi mo pa alam?
“Tubig po? Ay, hindi po pala! Tubig pong nasa baso, magkaiba po sila ng klasi ng tubig, hindi ko po kasi alam kung saan d’yan ang alkaline kaya kayo na lang po ang bahalang tumikim. Hindi ko rin po kasi alam anong lasa n’ong sinasabi n’yong alkaline,” nakangiti ko pang sagot.
“Are you serious?” aniya.
“Opo, ma’am. Sana po? Favor ko lang naman po ‘yong i-try mo kung saan sa dalawa ang alkaline kasi sa true lang po hindi ko naman po kasi alam kung saan nga d’yan ‘yong tubig na gusto n’yo,” sagot ko naman.
Totoo nama kasi ang sinasabi ko atsaka anong magagawa ko kung hindi ko talaga alam ‘di ba? Alangang naman pilitin ko ang sarili ko kung alam ko namang kahit anong pilit ko ay wala naman akong maipipilit dahil in the first place wala naman akong alam.
“Ako ba at pinaglalaruan mo, miss? Hindi mo ba kilala kung sino ang kausap mo?!” singhal na naman n’ya. Binitawan na n’ya ang magazine na hawak n’ya at pumaharap na sa kin habang naka-cross arms na.
“Seryoso po ako, ma’am. Naitanong n’yo na rin po ‘yan sa totoo lang 50/50 po. Medyo kilala ko po kayo na hindi, kayo po ba ‘yong nanay n’ong payatot? I mean n’ong isang apo ni lolo chairman na si Trevor? Sabi po kasi ng mga guard kanina kayo raw po ‘yong kasabayan kong dumating,” ani ko naman na siyang nagpakunot sa noo n’ya.
“Wait up, ulitin mo nga ang sinabi mo,” utos n’ya.
“Saan po banda? ‘Yong sa una, middle o last sentences po ba?” tanong ko pa. Ang dami kong sinabi hindi ko na mauulit ‘yon word by word. Ano ako recorder?
“What did you call dad? Lolo chairman? Did I hear it right?” Ah! ‘Yon lang naman pala!
“Ah! Kayo nga po pala talaga ang isa sa daughter-in-law ni lolo chairman at para po sagutin ang tanong n’yo po, opo tama naman po kayo ng dinig hindi pa naman po mapurol po ang pandinig n’yo po. Lolo chairman po talaga ang tawag ko po sa dad n’yo,” magalang ko pa ring tanong kahit parang irita na rin ako. Simplehan na lang natin ang pagsagot ng pabalang sa kan’ya. Baka sabihin pa nitong wala akong modo.
Napangiti naman ako n’ong marinig kong tumawa siya. “Do you think na hindi ko nahahalata kung paano mo ako sagot-sagutin? Are you really that ugaling squatter? Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ang hilig-hilig ni dad na sumagip ng mga taong laking squatter. Pilit n’ya ring binabagay ‘yang Premo na ‘yan sa pamilyang ‘to,” mataray na n’yang sagot. Ayan na lumalabas na ang true colors ng babaeng ito.
“Ilayo mo sa kin ‘yang tubig,” pabigla-bigla nitong utos.
“Po? Hindi na po ba kayo iinom? Akala ko po ba iinom po kayo ng alkaline water?” usisa ko na naman. Hindi ko rin talaga alam sa sarili ko kung bakit sumasagot pa ako kaysa tumahimik na lang at sundin ang gusto n’yang mangyari. Nakakainis lang din kasi ang pinagsasabi n’ya lalo na n’ong banggitin n’ya ang pangalan ni Premo. May pinagdadaanan din naman ang tao tapos ganoon-ganoon n’ya lang kung i-bad mouth? Hindi lang naman ang anak n’ya ang may dugong Marquez, ah? Kung tutuusin nga ay pareho lang naman kaming sampid sa pamilyang ‘to.
“Narinig mo ‘di ba? KUNIN MO NA ‘YANG TUBIG SA HARAPAN KO!” hiyaw na naman n’ya. Bakit ba ang hilig-hilig n’yang sumigaw? Hindi naman ako bingi at mas lalong kami lang naman dalawa ang tao rito kaya magkakarinigan naman kami kahit hindi siya sumigaw.
“Ah, o-opo,” ani ko na lang at hinay-hinay na lumapit sa kan’ya para kunin sana ‘yong tray ng may dalawang baso pero kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung paano n’ya hinarang ang paa n’ya sa may apakan kaya natalisod ako at naitapon ko sa damit n’ya ang tubig.
“GOSH! MANANG EVITA! HEAD BUTLER! ILAYO N’YO SA KIN ‘TONG BOBA N’YONG KATULONG! TIGNAN N’YO ANG GINAWA SA KIN! BINASA PA TALAGA AKO! BOBA KANG SQUATTER KA!” paghuhurumintado n’ya habang ako ay nagsimula nang punasan sana ang damit n’ya ng dala kong panyo kaso malakas n’ya akong tinulak papalayo sa kan’ya kaya napa-upo ako sa sahig.
“MANANG EVITA!!” malakas na naman n’yang sigaw. Hindi naman nagtagal ay narinig ko na ang dumadagundong na mga yabag.
“Ma’am Gywneth, ano po ‘yon?” pero natigilan si manang head butler ng makitang nakasalampak ako sa sahig.
“Ma’am Bless! Bakit po kayo nand’yan? Ayos lang ba kayo? Tu-tulungan n’yong makatayo si Ma’am Bless!” agad na utos nito sa mga kasama n’ya. Tinulungan nga nila akong makatayo kaya agad kung tinignan ‘yong mama ni Trevor. Mas may malala pa pala sa pagiging weird ng anak n’ya. Spoiled brat ang nanay n’ya!
“MANANG EVITA! BAKIT ‘YAN PA ANG INUUNA N’YONG ASIKASUHIN? HINDI N’YO BA NAKIKITANG BASANG-BASA ANG DAMIT KO DAHIL SA KAGAGAWAN NG BOBANG SQUATTER NA ‘YAN?!” namumula n’yang hiyaw.
“Po? Ma-ma’am Gwyneth, ma-magbihis na lang po muna kayo sa dati n’yong kuwarto hindi naman po pinakuha ng chairman ang natitira n’yo pang mga gamit at damit doon,” ani naman ni manang head butler
“Sino ba kasi ‘tong bago n’yong hired na maid? Bakit hindi n’yo tinuturuan ng magandang asal! Nakakahiya! Paano na lang kung magkalat ‘to sa ibang bisita? Eh, ‘di napahiya pa si dad!” Ang hilig talaga humiyaw ng babaeng ito, given naman na sa mga nanay ang magbunganga pero ibang level na ang sa kan’ya. Hindi na nakakaganda.
“Bagong hired na ma-maid? Sino po, ma’am?” nalilitong sagot ni manang head butler.
“Iyang babae na ‘yan! Sino ba ‘yan? Saang agency ba ‘yan nanggaling para maireklamo ko at mapalitan ng iba?”
“M-ma’am, hindi po siya kasambahay, bisita po siya ng dad ninyo. Siya po si Ma’am Bless ‘yong tumulong kay chairman n’ong araw na nahimatay po siya sa garden,” pagkukuwento pa n’ya na siyang tinanguan ko naman pala.
Napaupong muli si Ma’am Gwyneth at pinalitan ng pekeng ngiti ang nag-aapoy n’yang mga labi kanina.
“I see! Ikaw pala si Bless na kinukuwento ng anak kong si Trevor, I didn't know that. I'm sorry because I did not immediately recognize you. I am Gwyneth Marquez, the mother of Trevor Klevan Marquez, pero hindi naman tama na masyado kang careless kaya kita mo naman ang resulta ng ginawa mo,” anito.
Napailing naman ako sa pinagsasabi n’ya. “Wala naman po, ayos lang po, pasensiya na po talaga,” ani ko na lang para matapos na.
Kahit siya naman talaga ang may kasalanan kung bakit ako natisod at aksidenteng naitapon sa damit n’ya ang tubig na inutos n’ya? Napakagaling naman bumaliktad ng totoong nangyari! Natahimik kaming lahat ng tumunog ang phone n’ya at agad n’ya ‘yong inilagay sa tenga n’ya.
“Hello, dad? Yes, nandito na ako sa mansiyon. Oh, yes! Hintayin na lang kita. Sige, pwede naman, wala naman akong ginagawa rito. What is that? Documents? Sige ako na ang bahala,” anito bago in-end ang call at nilagpasan kaming lahat.
“Dalhan n’yo na lang ako ng cucumber juice sa study ni dad,” utos n’ya kay manang head butler at agad akong pinasadahan ng masamang tingin.
“Balita ko, hija, gusto ka raw ng anak ko? Mag-isip ka ng mabuti, my son is a jackpot. Good luck,” bulong pa nito.
“Sige, ma’am, masusunod po,” malumanay na sagot naman ni manang. Inakay n’ya ako papasok ng kusina at agad akong binigyan ng makakian at maiinom.
“Anong nangyari? Hindi ba at sabi ko naman sa ‘yo at huwag kang lalapit doon? Ganoon talaga ‘yang si Ma’am Gwyneth, demonyita talaga ‘yan,” agad na saad sa kin ni manang habang hinahanda na ang mga cucumber na gagawin n’ya yatang juice.
“Hindi ko naman kasi alam ang mukha n’ya, manang, hindi ko naman kasi siya kilala. Ngayon lang din naman kami nagkatagpo ng landas. HindI ko naman alam na nasa salas din po siya,” ani ko.
“Bakit mo siya natapunan ng tubig? Anong nangyari?” usisa na naman n’ya.
“Sa totoo lang naman, manang head butler, inutusan n’ya agad ako na kunan ko siya ng tubig. Hindi ko naman alam kung saan nakalagay ang tubig na gusto n’ya kaya nagtatalak siya. Hindi ko naman po sinasadya na matapunan ko siya ng tubig sa totoo nga po n’yan ay siya pa nga po ang mismong humarang n’ong paa n’ya sa dadaanan ko kaya ako natalisod,” pagsusumbong ko sa kan’ya.
“Demonyita talaga ‘tong si Ma’am Gwyneth. Kahit kailan talaga hindi na nagbago,” dugtong pa ni manang head butler.
Gwyneth’s POV
Trevor, nasaan si Nazarene ngayon?
I texted my son when I had already found the documents dad asked me to give him.
Nasa Shangri-La Boracay, mom, why?
A smirk formed on my lips. Nakikiayon nga yata talaga sa kin ang mga bagay-bagay. Tamang-tama lang pala ang pag-uwi ko rito ngayon.
If my son can't fight for his right, I will fight for him instead.
Bless’ POV
Nataranta kami nina manang head butler at ng ibang naming mga kasama rito sa kusina ng marinig namin ang tunog ng heels na suot ni Ma’am Gwyneth na bumababa ngayon sa hagdan galing sa taas at may hawak-hawak pang-envelope.
“Manang Evita, nasaan si Bless?” agad nitong tanong n’ong malapitan siya ni manang head butler.
Bakit naman ako nito hinahanap?
“Nandito po ako, Ma’am Gwyneth, bakit po?” agad kong tanong ng tuluyan na akong makalabas sa kusina.
“Pinapadala ni dad ‘tong documents kay Nazarene, pwede bang ikaw na ang magdala? Gusto ko pa sanang ayusin ang kuwarto ng anak ko. Masyado na kasing makalat at isa pa ay napaka-init sa labas kaya tinatamad akong lumabas ng mansiyon,” aniya.
“Ma’am Gwyneth, kasi bilin ng chairman dito na lang sa loob pahintayin si Ma’am Bless kasi uuwi na rin daw po siya,” sagot agad ni manang.
“Bingi ka ba, Manang Evita? Si dad nga ang nag-utos nito atsaka nasa Shangri-La lang naman si Nazarene, napakalapit lang naman dito, ano, Bless?” baling na naman n’ya sa kin.
Parang wala naman na akong ibang pagpipilian kundi ang sundin siya ano? “Ah, sige po! Wala pong problema ako na lang po ang magdadala n’yan kay Nazarene,” sagot ko naman pero agad na kumontra si manang head butler.
“Ma’am Gwyneth, baka po kasi mapaano si Ma’am Bless sa daan lalo po at may kinakarap naman po siyang—“ hindi na n’ya pinatapos pa si manang na pagsalitain.
“Mapano? Ang laki-laki na n’yang si Bless, manang. Atsaka sikat na sikat pa naman ang araw sa labas wala naman sigurong maglalakas ng loob para pagtangkaan siya ng kung ano,” rason agad n’ya.
“Pero, ma’am, hindi naman po ‘yon ang ibig kung sabihin,” sagot ulit ni manang.
“Eh, ano? Manang! Bilisan mo naman kailangan ni dad ang documents na ‘to,” singhal na n’ya kaya sumagot na ako.
“Ayos lang po, manang. Akin na po, ma’am. Dadalhin ko na lang po ‘yan kay Nazarene tulad ng gusto ninyo,” ani ko naman atsaka kinuha ‘yong folder sa kamay n’ya.
“Mabuti naman, bilisan mo. Kailangan daw ‘yan ni dad kaya agad mong ibigay kay Nazarene. Baka magalit ang board kung hindi mo agad ‘yan maibigay kay Nazarene, mukhang importante pa naman ‘yan,” bilin pa n’ya kaya tumango lang ako.
Tahimik akong naglakad palabas ng mansiyon nila. Hindi naman talaga ganoon kalayo ‘yong Shangri-La Boracay mula rito pero kasi wala akong dalang pera para pamasahe.
“Ma’am Bless, tawagin ko na lang si Lando para maihatid ka n’ya roon at mas mabilis na rin,” suggestion ni manang kaya agad akong humarap sa kan’ya.
“Mabuti pa nga po, manang!” nabuhayan ng loob kong sagot pero agad namang komontra itong si Ma’am Gwyneth.
“May inutos ako kay Lando, Manang Evita, walang driver na natira d’yan kaya magsimula ka na lang maglakad ngayon na, Bless. Ayaw mo n’ong makakapag-exercise ka pa at makakatulong sa mundo,” anito.
“Ah? Hahaha! Tama ka po! Hindi ko alam na nature advocate po pala kayo!” biro ko pa.
“Go! Bumalik ka tapos dito kapag naibigay mo na kay Nazarene ‘yang mga papeles.”
Anong trip naman ng Ma’am Gwyneth na ‘yon at ako ang nakitang padalhin nitong mga document na ‘to? Ano bang kinalaman ko sa personal nilang business? Pumunta lang naman ako roon para bisitahin si lolo chairman tapos nautusan pa ako.
“Kuya, pwede po bang makisuyo na ibigay ‘to kay Mr. Nazarene Dale Marquez? Pinapabigay po kasi ng chairman,” agad kong saad sa receptionist ng hotel.
“Winona? What are you doing here?” dinig kong boses ni Nazarene kaya nginitian ko na lang ‘yong receptionist para harapin si Nazarene.
“Hinahanap talaga kita, inutusan daw ng lolo mo si Ma’am Gwyneth na ibigay ‘tong documents sa ‘yo,” ani ko naman.
“Para naman daw saan?” takhang tanong n’ya.
“Hindi ko alam,” kibit balikat kong sagot.
“Sir Nazarene, nagkakagulo po ngayon sa main office, may nawawala raw pong documents.”