CHAPTER 26

3257 Words
Monalisa’s POV “CLOSE pala kayo ni Nazarene? Kailan pa? Bakit hindi ko alam? Parang kailan lang crush mo ‘yong tao tapos ngayon? Friends? Wow! Ako pa talaga niloko mo, Evelyn Steeleman!” hindi ko makapaniwalang tanong kay Eves habang naglalakad kami ngayon pabalik kung saan namin parehong p-in-ark ang dala naming mga sasakyan. “Ang dami mong question, why ba ganoon? No questions na! We’re friends. Period, Mona. Manifesting BleRene! OTP!” bulalas pa n’ya. “Anong OTP?! Anong BleRene ka d’yan? Hay naku! Tigil-tigilan mo ako, ha! Umayos ka ngang magsalita, Eves! Hindi ako tulad ni Bless na naiintindihan at hindi naririndi sa ‘yo!” reklamo ko na. Bigla yatang natunaw ang kinain kong kikiam kanina sa kaartehan nitong kausap ko! “Mona, magtiwala ka sa kin, Nazarene and Bless should be together, you’ll thank me someday kapag na-know mo na why. So, shush ka na. Bye! I have schedule pa pala for my pampering day!” “Tsk! Sarap n’yong i-umpog isa-isa! Ako na naman naiwang mag-isa!” sabay nguso ko pa. “Geez!” Pinagsisipa ko ang gulong ng kotse ko bago ako pumasok sa driver’s seat. “Oh, ano? Hello Kitty?! Tayo na namang ang magkasama? Nakaka-umay na!” Kailan pa ako natutong kausapin ang mga bagay na alam kong hindi naman ako masasagot?! Mona! May tama ka na! Busy akong makipagtalo sa sarili ko ng may biglang kumatok sa bintana ng kotse ko. Agad ko ‘yong binuksan ay ready na sana akong sabihin na, wala akong pera kaya huwag ka ng humingi. Pero ibang pulubi pala ang kumatok. “Pwede bang makisakay?” Salamat sa biyaya, Lord! Hulog ka nga ng langit sa kin. “Bakit hindi?” sabi ko agad na binuksan ang pinto atsaka ako umusog sa shot g*n seat. “Nasaan sina Bless?” bigla akong mapa-irap. “Ayon iniwan akong mag-isa,” may sama kong loob na sagot. Nagulat na lang ako ng nagsimula ng umandar ang kotse. May kung ano siyang pinindot doon sa manual ng kotse ko atsaka pinahiga ang upuan kung nasaan ako naka-upo. “Ayaw mo n’on maso-solo kita?” sabay inumpisahang kagat-kagatin ang labi ko. Mabilis ang naging galaw ng kamay n’ya na hindi ko na namalayan na naipasok na n’ya ito sa loob ng b*a ko sabay sinimulan ang pagmasahe rito, ganoon kabilis ha? “Alas,” hulog ka talaga ng langit. Austin’s POV With gritted teeth, I crumpled the documents I was supposedly reading when I saw Nazarene is with Bless again. Darn this Nazarene Dale, f**k him! “Boss, eapitan ko pa si Ma’am Bless? Kaibahan ta abi nana si Sir Nazarene basi hikilan-an ako (Translation: Boss, lalapitan ko pa ba si Ma’am Bless? Kasama na n’ya kasi si Sir Nazarene baka makilala ako),” this dumb man mumbled. “Why are you asking me that?” I started losing my temper. “Eh, boss, sino ang kutan-on kung bukon it ikaw? Agtunan ko lang? Uwa man siguro it maeain kung hambaeon ko nga gusto mo imaw makaistorya ‘di baea? (Translation: Eh, boss, sino bang pagtatanungan ko bukod sa ‘yo? Puntahan ko na lang? Wala naman sigurong masama kapag sinabi kong gusto mo siyang makausap ‘di ba?)” he confusedly said. I started looking straight into his eyes while massaging my temple. I remained silent because if I won't, I didn't know how far this lousy temper of mine would bring me. “Boss, haman uwa ka gahambae? Uwa eon ako kasayod kung alin ang ubrahon (Translation: Boss, bakit hindi ka nagsasalita? Hindi ko na alam kung anong gagawin ko),” he confusedly said again. He really has the guts. “BOBONG INUTIL! MAY MATA KA MAN BAEA! GAMITA SA TAMA! MAGHIPOS KA EON DIKARON AG DRIVE-BAN MO EON DO PUTANGINANG SAEKYAN NGARA KUNG UWA KA NAILA NGA IKAW DO MADUEA SA KALIBUTAN SING PAGKA-BOBO! (Translation: May mata ka naman! Gamitin mo sa tama! Tumahimik ka na d’yan at mag-umpisa ng i-maneho ang putanginang sasakyan na ‘to kung hindi mo gustong ikaw ang mawala sa mundo dahil sa pagiging bobo mo!) PUTANGINA MONG BOBONG INUTIL KA!” I angrily said. I am just thankful that we are far from a bunch of people. “Boss, kalmahi eang! Haman naakig? Bukon man ako si Sir Nazarene, hayaan mo, boss, gusto mo baea nga sakiton eon namon agod indi ka eon unahan kay Ma’am Bless? (Translation: Boss, kalma lang! Bakit ka nagagalit? Hindi naman ako si Sir Nazarene, hayaan mo, boss, gusto mo na bang bugbugin namin para hindi ka na maunahan kay Ma’am Bless?)” “Drive the f*****g car, now! Let’s go to the company, gapakialam ka pa kakon (Translation: nangingialam ka pa sa kin).” I was still looking at them thru the side mirror. This cousin of mine is really getting into my nerves. He really is one hell of a person. The driver started the engine, yet I am still furious that Nazarene outweighs me again. I should be the one beside Bless! It should be me, not him! Not anyone! “You’ll pay for this, Nazarene,” I murmured before calling someone from my contacts. “Hello, Austin?” she answered from the other line. “Ante Badette, paki hambae kay Ante Winnie nga pilit ginapinakaon ni Nazarene si Bless it street foods makaron. Igto sanda maeapit sa Station 3, saeamat (Translation: Tita Badette, paki sabi kay Tita Winnie na pilit pinapakain ngayon ni Nazarene si Bless ng street foods. Nandoon sila malapit sa Station 3, salamat).” I didn't bother to hear her reply and immediately ended the call as I needed to talk to someone that really could help me right now. I won't get just a standstill. “Do what we planned, do what it takes to ruin Nazarene. That's an order." Bless’ POV Sa tanang buhay ko, ngayon lang yata natahimik ang bibig ko. Hindi sa wala akong masabi sadyang hindi ko alam kung paano magsasalita at kausapin ‘tong si Nazarene. Wala naman akong choice kundi ang samahan siya dahil iniwan na ako ng dalawa kong mga kaibigan. Sayang naman ‘tong kinakain ko kaya i-enjoy ko na lang, tatahimik na lang ako hanggang sa hindi n’ya rin ako kinakausap. Biglang may phone na nag-ring kaya nagkatinginan kaming dalawa. “Wala akong phone na dala. Bakit ka sa kin nakatingin?” depensa ko kaagad bago siya umiling at kinuha ang iPhone n’yang nasa likod pala ng bulsa n’ya. “Grandfather,” tamad n’ya agad na sagot. Kahit kailan talaga wala man lang kaemo-emosiyon ‘tong si Nazarene sa lolo n’ya. Lolo n’ya kaya ‘yon hindi kung sino lang. “Hindi ako pupunta. Bakit mo ko pipilitin kung ayaw ko? Eh, ‘di late kung late. Anong pakialam ko sa kompanya mo? Sa ‘yo naman ‘yon hindi naman akin kaya bakit ko seseryosohin? Tsk. Ge. Bye,” dinig kong mga sagot n’ya. Ibinalik n’ya lang sa bulsa n’ya ang phone ng parang wala man lang nangyari. “Oh, ho! Magsilabas na kayo d’yan hindi n’yo ako mapipilit na sumama sa inyo. Mga weak s**t!” aniya. “Sinong kausap mo? Ako? Hoy! Hindi ako weak s**t! Wala namang gan’yanan! Kung ayaw mo akong kasama magsabi ka lang hindi ‘yong nang-iinsulto ka pa!” reklamo ko naman pero nagkibit balikat lang siya matapos n’yang i-nguso sa kin ang mga naglalakihang mga lalaki na nagsilabasan sa hindi ko alam na lugar. “Hindi ikaw, sila ang sinasabi ko. Mga tauhan ng lolo chairman mo,” matabang n’yang ani bago taas noong hinarap ‘yong mga tatlong lalaki. “Hindi n’yo na ako kailangan pang kaladkarin, nakikita n’yo naman sigurong kumakain pa ako ‘di ba? Hindi ba pwedeng gutom pa ako?” sarkastiko n’yang tanong bago muling binalingan ang kinakain n’ya. Muli kong napansin na tumunog ang phone n’ya. Napalitan ng seryosong ekspresiyon ang mukha n’ya ng sagutin na n’ya iyon. “Hello. Yes, I'll be there. I have scanned the documents you sent me, and I just have a few suggestions. Let's have a meeting later. We'll present this new model to the board. Marquez Company is not a joke. Let's prove that to them,” seryoso n’yang saad bago n’ya ako binalingan. “Tapos ka na ba? Ihahatid na kita sa inyo kailangan ko ng pumunta sa kompanya ng lolo chairman mo, miss na miss na naman ang apo n’yang gago,” aniya. “Weh? Kunwari ka pang wala kang pakialam ‘yon naman pala ay meron din!” tukso ko sa kan’ya bago ko itapon sa basurahan ang lalagyan n’ong kwek-kwek. “Sino may sabi sa ‘yong may pakialam ako sa pamilyang ‘yon?” ani na naman n’ya. Sus! Kunwari pa, eh! “Eh, ‘yan din naman sinabi mo sa kin n’ong party. Kunwari wala kang paki lagi pero sa totoo lang meron naman talaga. Mahal mo naman pamilya mo!” balik ko sa kan’ya. “Damn, no,” defensive n’yang pagkakaila. “Sus! Pinakaila mo pa! Umamin ka na kasi! Tayo lang naman dito!” pilit ko bago siya nag-abot n’ong pera sa nagbebenta. “Keep the change, let’s go. I’ll bring you home,” aniya. “Ah? Malapit lang naman ‘yong hotel. Lakarin na lang natin,” suggestion ko naman. “Ge, sabi mo. Oh! Narinig n’yo, maglalakad kami kaya sumunod muna kayo sa kin. Kilala n’yo naman ‘tong babae na ‘to, your boss will be mad if he’ll know that we let this young lady go home alone, ‘lam n’yo na,” aniya habang nakapaharap sa tatlong lalaking nagsulputan kanina. Hindi ko alam na may ganito rin palang pilyong side si Nazarene akala ko siya ‘yong tipo ng tao na tamang seryoso lang at hindi palasalita. Hindi pala, tama pala talaga akong over na ang confidence ng isang ‘to. “Bakit ba kasi hindi mo na lang aminin na importante rin naman sa ‘yo ang pamilya mo, napakarebelde mo sa lolo mo pero deep inside mahal mo naman,” panunukso ko na naman sa kan’ya habang naglalakad na kami pabalik ng hotel namin. “You mean my mom and dad? Oo naman,” sagot naman n’ya. May nanay at tatay pa pala siya. Sa pagkakaalam ko kasi si lightning at thunder wala na kaya siya naiwan kay lolo chairman. “I mean sa lolo at mga pinsan mo!” pagtatama ko. “Fake news,” tumigil siya sa paglalakad at pinitik ang nood ko. “Nakakamatay ang maling akala, kaya gumising ka na nanaginip ka lang,” natatawa pa n’yang saad. “Alam mo! Bakit ba kasi napaka-indenial mo? Totoo kaya ang mga sinasabi ko! Nakikita ko sa mga kilos mo. Tulad kanina sabi mo kay lolo chairman sa tawag wala kang pakialam pero n’ong kausap mo naman ‘yong sunod na tumawag seryosong-seryoso ka para pagandahin ang image ng kompanya ng lolo mong wala kang pakialam. Ang g**o mo rin! Hindi naman angkop sa mga sinasabi mo ang ginawa mo, eh! Wala namang masama kung tumulong ka! Besides pamilya mo rin naman si lolo chairman,” mahaba kung saad. “Ang daldal mo talaga kahit kailan, kung saan-saan ka na nakarating. Listen, it doesn’t mean that I care. Kailangan ko lang itama ang mga mali,” anito. “Eh, ‘di may pakialam ka nga! Hindi mo malalaman na may mali kung hindi mo binibigyan ng pansin. So, kung wala kang pakialam sa kompanya ng lolo mo, eh, bakit ka pa mag-aabalang itama ang mga mali? Ang dami mo naman yatang oras para pag-aksayahan pa ang mga bagay na wala ka naman palang interest,” depensa ko naman. “Pfft! Sabihin na lang nating ang dami ko ngang oras sa buhay kaya I'm just wasting it on unimportant things. Pumasok kana sa inyo, huwag kang mag-aalis, kakagising mo pa nga lang kung saan-saan ka na pumupunta,” pagpapaala n’ya. Ano ko siya nanay? “Hindi naman kita ate lalo at wala naman ako n’on. Hindi rin naman kita tita kasi hindi ka naman asawa o kapatid ng tatay o nanay ko. Hindi rin naman kita tatay kasi magkasing-edad lang tayo at mas lalong hindi ikaw ang nanay ko kasi nasa loob ng hotel na ‘yan ang nanay ko kaya sino ka para pangaralan ako sa gagawin ko? Aber?” Tumawa siya ng mahina at agad akong tinignan sa mga mata. Nag-cross arms siya sa harapan ko atsaka naglakad palapit sa kin kaya umatras naman ako palikod. “Hindi mo ba talaga natatandaan kong sino ako, Winona? Am I that good-looking that you can’t recognize me?” “Ha? Teka! Huwag ka ngang lumapit sa kin!” asik ko sa kan’ya. “Anyway, hindi na ‘yon importante. I need to go, kailangan pa ako ng mga empleyado ko. Just don’t wear heavy make up, maganda ka na kahit wala,” anito bago ako talikuran at sumakay na nga sa nakaparadang itim na van sa labas ng hotel namin. “See you around, Winona!” pahabol pa n’ya bago isara ang pinto ng van. Hindi ko siya matandaan? Bakit ano bang meron sa kan’ya? Pero! Oh, my gash! Hindi ko natanong kung tungkol saan ang sasabihin n’ya sana sa kin n’ong araw na nahimatay ako! Sure ako nagsabi siya sa kin na gusto n’ya akong kausapin, eh! “Nak? Bakit ka nakatayo d’yan? Pumasok kana sa kuwarto mo nagsisimula ng uminit ang araw. Dumaan pala si Eves dinala ‘yong binili mo raw na notebook kanina,” untag ni mama kaya humarap ako sa kan’ya. “Papasok na po, ma!” masigla kong sagot. “Anak, dahan-dahan sa pagkain ng kung ano-ano sa daan, ha? Hindi porket hinahayaan ka namin ngayon sa gusto mo ay aabusuhin mo na. Hindi naman para sa min ‘yan. Para rin naman sa ‘yo ‘yan.” Tumango na lang ako kay mama bilang sagot at tahimik na umakyat sa taas ng kuwarto ko. Agad akong umupo sa lamesa ko roon at muling sinulatan ang bagong notebook na binili ko na siyang gagawin kong bagong diary. Hindi ko alam kung saan ko ba talaga nailagay ang luma kong diary, sino ba naman kasi ang magkaka-interest na kunin ‘yon if ever? Pero ‘yon nga lang sino rin ang taong magkaka-interest na ibalik ‘yon kung sakaling makita nila sa daan, pwede nilang gawin ‘yong scratch o ‘di kaya itapon na lang nila. Hay! Dapat pala iniwan ko na lang ‘yon dito sa bahay. Kasi parang mas na-realize ko na mas safe pala ‘yon dito sa drawer ko kaysa sa pagbitbit kung saan ako pumunta, nawala pa tuloy. Buti na lang talaga at halos memoryado ko pa naman ang mga nakasulat doon lalo na ang bucket list ko. Oh, my gash! Speaking of bucket list! Tatlo na ang natapos ko! Naku! Naku! Isa-isa ko na silang nagagawa! Winnie’s POV “Oh, nasa taas na ba si Bless? Ano? Hindi ba nagtaka o nagtanong kung bakit tayo tinutulungan ng chairman?” aligagang tanong sa kin ni Annie ng samahan ko siya sa reception area ng hotel namin at magsimulang ayusin ang mga kailangan ng mga bago naming pasok na guest. “Oo, nasa kuwarto na n’ya. Nakakapagtaka nga, Annie. Walang tanong, hindi man lang umimik o ‘di kaya nagulat. Nagpasalamat pa nga siya kasabay namin kanina sa chairman,” nagtataka ko ring tugon. “Ganoon ba? Nakakapagtakha naman lalo at kilala naman natin ‘yang anak mo na pamangkin ko na pala tanong at pala usisang bata, mabilis lang naman ‘yan makahalata kaya bakit nga naman?” ani naman n’ya. “Baka naman may pinagsabihan ka tungkol sa mga napag-usapan natin? Baka narinig n’ya?!” May lahi kasi talagang tsimosa ‘tong kapatid ko. Hindi naman ako ganoon, siya lang talaga yata sa pamilya namin ang mahilig magkukuwento ng kung ano-ano sa ibang tao. “Hoy, ate! Wala! Tahimik ‘tong bibig ko tungkol sa mga bagay na ‘yan. Atsaka bakit ko naman ipagsasabi sa iba, eh, alam kong confidential ‘yon!” Hindi na ako nakasagot pa dahil may crew na kaming lumapit at nagpapasama sa kin na mag-ayos n’ong kuwarto na papasukan ng VIP. Bahala na nga. Mas mabuti nga ‘yon at hindi siya nagtatanong. Mas kunti ang alam n’ya kaya mas mapapanatag ako na hindi siya mag-iisip ng kung ano-ano at pagpapagaling na lang ang atupagin n’ya. Bless’ POV Ilang araw din ang lumipas at salamat sa Diyos dahil hindi naman ako nakaramdam ng kung anong sakit sa katawan except nga lang sa hindi ko talaga maiwasan na maramdaman na hindi talaga ako ganoon kalakas kung ikokompara noon sa mga panahon na wala pa akong sakit. Mabuti na lang talaga at hindi naman na nasundan ang pagkahimatay ko. Agad kong tinalon ang kama ko palapit sa drawer ng marinig kong tumutunog ang phone kong nakapatong lang sa mesa. Hinablot ko ‘yon at agad na sinagot n’ong mabasa kong si lolo chairman pala ang tumatawag. “Lolo chairman! I miss you po! Kamusta kayo?” masaya kong bati. “Naku, apo! Mas lalo kitang na-miss lalo at tumahimik ang bahay namin, nasanay yata agad akong naririnig ang boses mo rito kahit isang araw ka lang naman namalagi. Ayos naman ang lolo, apo. Ikaw ba kamusta? Wala naman bang masakit sa ‘yo?” “Wala naman po, lolo chairman! Salamat po sa Panginoon at maayos naman po ako nitong mga nakaraang araw. Bakit nga po pala kayo napatawag? May problema po ba?” “Wala naman, apo, iimbitahan lang sana kitang samahan ako magmeryenda mamaya pag-uwi ko? Gusto ko lang ng may makakausap ito naman kasing mga apo ko ay halos busy naman sa kan’ya-kan’ya nilang mga trabaho!” ani pa nito. “Bakit mo naman po kasi sila binigyan ng trabaho, lolo chairman! ‘Yan po tuloy wala kayong nakakausap d’yan sa inyo! Pero game po ako! Bibisitahin po kita d’yan! Wala naman po akong ginagawa!” masaya ko naman sagot. “Salamat naman kung ganoon, apo! Aasahan kita mamaya ha?” Third Person’s POV May isang magarang sasakyan ang pumarada sa harapan ng Pharoah’s mansion at bumaba mula roon ang isang babaeng may hawak-hawak pang phone at mukhang may kausap. Tinanggal n’ya ang suot na shades bago ilibot ang mata sa kabuoan ng lugar. “Trevor, I am here. You don't need to go home, and I'll wait for you until you are done there. Don't worry, son. I'll stay at the hotel. Kakausapin ko lang ang lolo mo about his successor, bibigyan ko lang ng kunting payo. See you later, Trevor. Please don't disappoint me,” maldita nitong ani atsaka nagpatuloy sa pagpasok. “Good afternoon po, Ma’am Marquez!” bati naman sa kan’ya ng mga kasambahay. Sa kabilang banda naman sa main gate ng Pharaoh’s mansion ay bumaba si Bless galing sa sasakyan ng ama. Mabilis itong nakalapit sa security guard. “Manong! Nandiyan na po ba ag chairman sa loob? Pinapunta n’ya po ako!” ani ni Bless. “Wala pa po, ma’am, pero nagbilin po si Sir Rama na papasukin na lang kayo sa loob para roon na lang kayo maghintay.” “Ay, sige po! May bisita po ba? May nakita po kasi akong naunang kotse na pumasok,” pahabol pa nitong tanong. “Ah opo, ma’am. Nandito po ‘yong asawa ng isa sa mga anak ni chairman. Nanay po ‘yon ni Sir Trevor.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD