DINAMBAHAN nila akong pareho ng yakap. “Miss na miss? Isang taong hindi nagkita? Eves? Mona?” natatawa kong saad.
“FYI, hindi kita na-miss! Like slight lang naman,” agad na protesta ni Eves habang si Mona ay nanatili lang na nakayakap sa kin ng mahigpit.
Anong trip ng dalawang ‘to?
“Kamusta ka na? Sabi ni Tita Annie nahimatay ka na naman daw kahapon, ah?” singhal sa kin ni Mona ng magbitaw kami sa bawat isa may pahabol pang pingot sa tenga.
“Nahimatay na nga sinasaktan mo pa! Hustisya naman, Monalisa na may kilay!” reklamo ko sa kan’ya.
“Sira! Totoo nga kamusta pakiradam mo?” seryoso n’yang untag.
“True! How are you na ba?” dugtong naman ni Eves.
“Ayos naman! Nakakausap n’yo pa nga ako, eh! Ano bang klasing tanong ‘yan,” asik ko naman sa kanila.
“Alam mo, Bless. Tigil-tigilan mo kami sa pagiging sarkastiko mo d’yan! Porket kasama mo na naman ‘yong mga Marquez! Kinalimutan mo na kami!” balik na reklamo naman nitong si Mona na nakapamewangan pa.
“Teka, nak, Mona at Eves, maiwan muna namin kayo d’yan, pumasok na lang kayo sa loob at kumain ha?” bilin ni mama matapos silang parehong pumasok ni papa sa loob ng hotel.
“Sige, ma! Susunod na lang po kami,” sagot ko naman sa kan’ya bago ko binalingang muli ang mga kaibigan ko.
“Ano naman ngayon kung kasama ko sila, Mona? Ano namang connect n’on? Aba’y hindi ko naman alam paano ako napunta roon sa mga Marquez! Ang huli ko lang naalala bago ako nahimatay nandiyan si Nazarene at lightning and thunder kilala n’yo na ‘yon kung sino,” pagkukuwento ko naman. Isa pa ‘yon, hindi ko pa natanong sina mama at papa paano ako napunta sa mga Pharoah’s mansion.
“Ay! We are here for you naman, Bless! Alam namin kung paano!” bulalas ni Eves.
“Buti pa nga kayo alam n’yo, sinong nagsabi sa inyo n’yan?” tanong ko agad.
“Si Tita Annie!” sabay pa nilang sagot. Sabi ko na nga ba, eh. Sa lahat ng tsismis sa buhay namin si Tita Annie talaga ang main source ng lahat lagi.
“Oh? Bakit nga raw ba?”
“Sabi ni Tita Annie sinundan n’ya raw si Tita Badette kasi nagpupumilit si lightning and thunder na lapitan ka, eh, ‘di ba? Botong-boto siya sa lalaking ‘yon?” tanong ni Mona na tinanguan ko naman.
“Oh? Tapos?”Ayon pala ang nangyari kaya pala magkasama si ano at si Tita Badette na pumunta sa kin sa may dalampasigan.
“Tapos nagsabi ka pa nga raw na papasok ka na lang pero n’ong naglalakad na raw kayo habang inaalalayan ka na ni Tita Annie at Tita Badette ay bigla ka na lang dumaing sa sakit at nahimatay. Nag-suggest daw si Nazarene at si ano na sa mansiyon ka na lang muna nila dalhin at ‘yong doctor mo na lang ang papuntahin doon kaysa ibiyahe ka pa raw pa-Kalibo tapos matatagalan pa. May on-call daw silang nurse kaya mas ligtas kung doon ka na lang muna,” pagpapatuloy ni Mona. Ah, ganoon pala ‘yon, kaya pala n’ong nagising ako sa pag-uusap ni mama at lolo chairman ay may dextrose na ako at nasa Pharoah’s mansion na nga ako.
Pero, teka?
“Sinabi ba ni Tita Annie kung bakit nandoon din si Nazarene?” usisa ko sa dalawa pero nagtinginan sila at sabay na umiling.
Narinig ko pa ‘yong sinabi nilang pareho, eh, na kailangan nila akong makausap. Tungkol naman saan ang pag-uusapan namin? Anong meron?
“May naiisip ka bang possibleng rason?” tanong na naman ni Mona sa kin.
“Wala rin, eh, napaisip ako kung bakit at talagang sabay pa sila ni ano. By the way, Eves? Kamusta may nakita ba kayong diary sa inyo? Hinanap ko rin kasi sa kuwarto ko kaso wala rin talaga. Sure rin kasi akong dala ko ‘yon sa bag ko n’ong pumunta ako sa inyo,” pag-aalala ko. Hindi tuloy ako nakapagsulat na.
“Sorry talaga like ss talaga! Wala kasi kaming nakita we tried also to make hanap ni Mona n’ong nakaalis kayo pero wala talaga,” aniya.
“Ss?” takha kong tanong.
“Super sorry!” Badtrip! Akala ko stay strong!
“Ah? Hayaan na lang bibili na lang akong bago atsaka magsusulat ulit, pasok na tayo sa loob?” tanong ko sa kanila. Tumango naman sila kaya agad kaming pumasok na tatlo sa hotel namin at dumiretso sa taas kung nasaan ang kuwarto ko.
“Oh! Before I make forget it, girls! I have purchased pala new make-up kit! I make ayos the two of you, wdt?” bulalas ni Eves ng makapasok kami sa kuwarto ko.
“Pwede ba pang-heavy make up-an ‘yan, Eves? ‘Yong parang hindi ako magmumukhang may sakit?” agad kong tanong dahil may naisip akong super bright idea!
“Ha? Of course naman! Actually mostly ng mga make up artist ginagamit ‘to and like limited edition siya ng MAC!” pagmamalaki n’ya kaya nagkibit balikat ako.
“Bakit naman mukhang interesado ka, Bless? Ipagkakatiwala mo ang mukha mo d’yan kay Eves? Ay naku! Mangamba ka!” pananakot naman ni Mona na siyang inirapan ni Eves.
“Excuse me, Monalisa Grey!”
Dahil! Bucket list no. 3: Wear heavy make up!
Light lang naman kasi ‘yong way ng pag-make up sa kin n’ong party ni lolo chairman, pina-glow lang talaga nila ang mukha ko kaya ngayon kung totoo ang pinagsasabi nitong si Eves. Eh, ‘di mas ayos! Mas magagawa ko ang goal ko sa buhay.
Myehehehehe! Hindi ako kambing, wala lang, natawa lang ako. Bakit ba? Ako naman tumatawa.
“Bless! Anong nginingiti-ngiti mo d’yan?! Sa mga ligaw na espiritu d’yan! Layuan n’yo po si Bless parang awa n’yo na!”
“Gaga! Wala! May naisip lang ako, napaka-oa mo naman!” daing ko sa kan’ya.
“Girl, you make stop me! Bakit I feel na kakaiba ‘yang naiisip mo!” bulalas naman ni Eves.
“Actually! May tama ka d’yan, Eves! Dali make up-an mo ako, ‘yong heavy na heavy ha! Bucket list no. 3 ko ‘yan kaya ayusin mo!” sabi ko sabay upo ko sa harapan ng vanity table na malapit lang sa kama ko.
“Now na? As in like, impromptu?” asik n’ya.
“Hindi try natin next year, Eves, ano game ka ba?”
“Teka! I make uwi muna para I make kuha ‘yong make up kit, wait lang kayo here!”
“Ayan naman pala, eh! Go na! Bahala ka baka magbago pa ang isip ko n’yan,” pananakot ko pa sa kan’ya.
Magaling naman si Eves mag-make up sadyang kapag m-in-ake up-an ka n’ya asahan mo ng magmumukha kang sasabak sa Miss Universe, ganoon ka pak na pak ang make up-an n’ya.
Third Person’s POV
Tahimik na naglakad pabalik sa kanilang hapagkainan ang pamilyang Marquez. Muli silang kan’ya-kan’yang nagsi-upo at tahimik na pinagpatuloy ang pagkain habang ang mga kasama nila sa bahay ay muling pinuno ang mga baso nila ng fresh juice.
“I’m enough,” pigil na utos ni Nazarene matapos n’yang takpan ang b****a ng kan’yang baso na muli sanang pupunuin ng isang maid.
“Sige po, young master,” anito at humakbang na lang muli papasok ng kusina.
Muling kinain ng katahimikan ang mahabang mesang iyon habang lahat ay maingat at pormal na kumakain ng kanilang umagahan.
“I hope Bless will joined as again, nabubuhay ang paligid kung nandito siya,” ani ng chairman.
Ibinaba ng chairman ang hawak n’yang kutsara at tindor sunod na kinuha ang basong may lamang kape at maingat itong ininom.
“I heard all of you are doing great in your respective assignments, and I am happy to hear that. I am now relieved that I did not raise six young men in vain,” seryoso nitong ani habang iniisa-isang tinitignan ang kan’yang mga apo.
“Premo, I heard from your coach that you'd be having your contest next week. Is that true?” untag nito habang nakatingin ng diretso kay Premo na kumakain pa rin.
“Ah, oo, lo. Maeaong gani kunta ako kimo nga indi anay ako magsueod sa adlaw ngato it contest ag kung gusto ninyo hay agto kamo tanan. Pati kamo, Nazarene, Austin, Alas, Ziggy ag Trevor (Translation: Ah, oo, lo. Magpapaalam nga sana ako sa ‘yo na hindi muna ako papasok sa araw ng contest at kung gusto ninyo ay pumunta po kayong lahat. Pati na rin kayo Nazarene, Austin, Alas, Ziggy at Trevor),” seryoso nitong saad at muling ibinalik ang atensiyon sa pagkain.
“Asahan mo ako, d’yan, Premo!” masiglang tugon ni Trevor kaya tumango naman sa kan’ya si Premo.
“We'll all go and see you compete, grandson imbitahan mo na rin si Bless baka magustuhan n’ya. I think all of you will be delighted if that happens,” ngumisi ang chairman bago nito ipatong sa mesa ang table napkin na ginamit n’ya upang punasan ang kan’yang bibig bago ito tuluyang tumayo.
“Excuse me, keep up the excellent work. Pahirapan n’yo naman ako pumili ng papalit sa kin, give me some thrill, grandsons,” pahabol pa nito bago malakas na humalakhak habang binabaybay ang hagdan pataas.
Bless’ POV
“Hoy! Bagay pala sa ‘yo ang gan’yang ayos, babae! Dapat mag-ayos ka araw-araw para hindi ka laging magmukhang living white lady!” matabil na bulalas ni Mona kaya agad siyang siniko ni Eves.
“I mean! Para naman hindi ka magmukhang boring ganoon! Maganda ka naman kasi kahit wala ‘yan pero mas lalo kang nagglo-glow up kapag naayusan ka!” pamumuri n’ya pa.
“Naku, Mona! Nasabi mo na babawiin mo pa!” natatawa ko naman saad habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Tama naman kasi si Mona nagmukha akong tao ngayon. Nawala ‘yong maputla kong pisngi, halatang may sakit kong mga mata at ang bibig kung kailangan ko pang kagatin minsan para bumalik ang pula.
“ISLI! I so love it talaga! You look super ganda, Bless! This glow up deserves a photoshoot and gala! Mag-walk kaya tayo sa labas? We make bili na lang new diary mo, Bless!”
“Alam mo, Eves, alam ko na kung bakit tayo naging magkaibigan,” ani ko pa.
“Ha? Wdym? Like what do you mean by that ba?” clueless n’yang tanong.
“Kasi pareho tayong matalino! Akalain mo ‘yon naisip mo ‘yon? ‘Yon din kasi talaga ang plano ko! Halina kayo? Hindi pa mainit sa labas,” bulalas ko at excited na akong nagsuot ng summer hat na kulay violet, tamang-tama pala ang napili kong dress doon sa mga damit na hinanda ni lolo chairman!
“G!” malakas na sang-ayon ni Mona.
Premo’s POV
Kat matapos kami nga magkaon uwa eagi ako nag-ilis para magpahaom nga magpanaw ag mag-adto sa kompanya ni lolo dahil permi ko man nga gina-ubra nga ga-practice anay ako ag gatikang-tikang sa manami nga baeas it Boracay it madali tapos hay mapanaw eon dayon (Translation: N’ong matapos kaming kumain hindi agad ako nagbihis para maghandang makaalis at pumunta sa kompanya ni lolo dahil lagi ko namang ginagawa na magpra-practice muna ako at maglalakad-lakad sa magandang buhangin ng Boracay saglit tapos ay aalis na).
“Sir! Medyo manami ing bugtaw, ah?” mueo eagi it sambilog sa naga-alaga sa ang mga kabayo (Translation: Sir! Medyo maganda yata ang gising natin, ah? Puna agad ng isa sa mga nag-aalaga ng mga kabayo ko).
“Bukon man gid, manong, hay ikaw kamusta kamo ni misis?” hangae ko pa kana (Translation: Hindi naman masyado, kuya, eh, ikaw kamusta kayo ni misis? Biro ko pa sa kan’ya).
Naghiyom-hiyom da bago magsabat kakon ag ging hameos-hameos ang kabayo nga ginagamit pangkarera kat nakasakay eon ako sa ibabaw (Translation: Ngumiti-ngiti ito bago sumagot sa kin at hinaplos-haplos ang kabayong ginagamit ko pangkarera n’ong makasampa na ako sa taas).
“Ay! Sus, sir! Tama gid ing bilin kakon nga ubrahon ko sa romansa namon nga mag-asawa! Mayad kating gali sa mga makaron!” napakaeot man ako sang ueo sa hinambae nana. Kinahangean na pa gid-a ‘to nga hambaeon? Mayad gani kami eang nga daywa magkaeapit makaron (Translation: Ay! Naku, sir! Tama talaga ang bilin mo sa kin na gawin ko kapag sa romansa namin na mag-asawa! Magaling ka pala sa gan’yan! Napakamot naman ako sa ulo ko sa sinabi n’ya. Kailangan n’ya pa ba talagang sabihin ‘yon? Mabuti na lang at kaming dalawa lang ang magkalapit ngayon).
“Mayad mata kung duyon, manong, sige, ma-practice ay ako (Translation: Mabuti naman kung ganoon, kuya, sige, magpra-practice muna ako).”
Nagtango eang da kakon bilang ana nga sabat bago na ging senyasan do kaibahan na nga permi gabantay it oras sa ang pagpadaeagan it kabayo (Translation: Tumango na lang ito sa kin bilang sagot n’ya bago sinenyasan ang kasama n’yang laging tumitingin sa oras ng pagpapatakbo ko ng kabayo).
Eagi ako nga nagseryoso ag tinan-aw do finish line tapos hay dali-dali nga hinampak do kabayo ag pinadaeagan to it madasig. Nagahibayag ako habang ginasundan do pag-undag it kabayo dahil iya sang isip do boses ag do mga ngirit ni Bless eabi eon gid kainang agahon. Uwa ko gani hapan-uhan nga tapos euta gali ako (Translation: Agad akong sumeryoso at tinignan ang finish line tapos ay dali-daling pinalo ang kabayo at pinatakbo ito ng mabilis. Nakangiti ako habang sinundan ang pagtalon-talon ng kabayo dahil nasa isip ko pa rin ang boses at ang mga ngiti ni Bless lalo na kaninang umaga. Hindi ko nga napansin na natapos ko na kaagad).
“Wow, young master! Inspire ka po ba? Ang bilis mo po! 2 minutes at 37 seconds!” indi kapati nga hambae kakon it sambilog nga may buyot it timer habang si manong nga kaistorya ko kaina hay ging-tapik ako sang likod. Uwa eon ako kanda nagsabat ag binueo lang do tualya nga nakapahaom ag nag-umpisa it tikang paguwa it mansiyon. Kanami ro tiyempo makaron kaya mas ging ganahan ako nga magtikang-tikang (Translation: hindi makapaniwalang sambit sa kin n’ong isang may hawak ng timer habang si kuya na kausap ko kaina ay tinapik ang likod ko. Hindi na ako sumagot sa kanila sa halip ay kinuha ko ang tuwalyang nakahanda at nag-umpisang maglakad palabas ng mansiyon. Maganda ang panahon ngayon kaya mas lalo akong ginanahan na maglakad-lakad).
Kat nakaeayo-eayo eon ako ag abo eon ang nakakasub-eang nga mga turista hay napan-uhan ko si Bless ag ro ana nga mga amega habang nakipag-eagsanan sa mga unga (Translation: Noong makalayo-layo na ako at marami na ang nakakasalubong ko na turista ay napansin ko si Bless at ang mga kaibigan n’ya habang nakikipaghabulan sa mga bata).
“At gwapa eang!” ruyon lang ang hahambae kat nakita ko nga ginghakos na ro mga unga ag kaeapad gid-a ro ana nga paghibayag. Kato ko eang gani napan-uhan nga may ayos imaw sa ana nga itsura. Ro ana nga hibayag medyo kaparehas it mga unga, nga grabi it sadya ag mingko uwat ginaproblema, duyon ta, duyon ta ang baye nga palangga! (Translation: Ang ganda naman n’yan! ‘yon na lang ang nasabi ko n’ong makita kong yinakap n’ya ang mga bata at ang lapad ng tawa n’ya. Doon ko lang napansin na nag-ayos siya ng mukga n’ya. Ang ngiti n’yang parang parehong-pareho ng mga bata na kasama n’ya, ang saya at parang walang prinoproblema, ayan, ayan ang babaeng mahal ko!)
Bless’ POV
“Wah! Teka lang! Pagod na ako! Time space!” natatawa kong saad habang naglalakad na ako palapit kina Eves at Mona na nakatambay na sa may palamigan.
“Uy! Lamon na kayo ng lamon na dalawa d’yan!” puna ko kaagad sa kanila na pareho ng may dalang paperbag at may lamang mga bagong damit. Ang binili ko ngang bagong diary ay nasa paperbag ni Mona.
“Oh! Palamig! Gusto mo lang ng libre, eh! Ang dami mo pang kuda d’yan!” agad na puna sa kin ni Mona habang inaabot ang diposable na basong may buko juice ng laman.
“Ayon! Kaya mahal na mahal kita, Mona!” biro ko naman sa kan’ya.
“Gaga! Ano pang gusto mo? Fish ball o kwek-kwek?” ani n’ya pa.
“Kwek-kwek!” mabilis kong tanong. Habang si Eves ag kumikindat na sa kin habang lumalamon na ng bread roll na order n’ya.
“Manong, isang kwek-kwek nga po para dito sa babaeng ‘to!” sabi ni Mona na siyang agad naman niluto n’ong nagbebenta.
“Uy! Premo! Bibili ka rin ba ng street foods?” agad kong bulalas ng mapansin ko si Premo na nakatayo sa hindi kalayuan.
“Omg! Premo! What are you doing here ba? Stalker na ba kita? Stop me, huh!” bulalas ni Eves na siyang tinawanan naman ni Premo at may legendary pang pagkakamot ng batok n’ya.
Naku!
“Ah, uwa, gatikang-tikang malang ako. Ah, Bless? Pwede ta baea makaistorya maskin madali eang? (Translation: Ah, hindi, naglalakad-lakad lang ako. Ah, Bless? Pwede ba kitang maka-usap kahit saglit lang?)” nanlaki ang mga mata kong tumango sa kan’ya, tinignan ko muna sina Eves at Mona bago ako naglakad palayo ng kunti sa kanila.
“Ah, tungkol siin, Premo? (Translation: Ah, tungkol saan ba, Premo?)” agad kung usisa sa kan’ya pero ngingiti-ngiti na naman siya sa kin at mukhang nahihiya pa.
“Naku! Huwag kang mahiya sa kin! Ano ba ‘yon?” untag kong muli. Kaso ilang minuto pa ang lumipas pero hindi pa rin siya nakakapagsalita. Binubuka n’ya ang bibig n’ya pero mabilis din naman n’yang ititikom.
‘Yong totoo?
“Premo? Ayos ka lang ba? Nahihiya ka ba? Tungkol ba saan ‘yan?” tanong ko na naman.
“Ah, Bless, sa ano ho, sa sunod nga domingo hay ano (Translation: Ah, Bless, sa ano kasi, sa susunod na linggo kasi ano). Ah---“ hindi na n’ya naituloy ang sasabihin n’ya ng biglang lumitaw si Nazarene sa likod ko.
“Premo, ay sorry! Nag-uusap pa ba kayo?” bulalas naman ng isa.
“Ha?”
“Actually, oo, may sasabihin siya sa kin. Ano na nga ba ‘yon, Premo?” ako na lang ang sumagot para sa kan’ya pero bigla siyang naging uneasy.
“Ah, uwa, sa sunod lang, Bless. Sige, panaw eon ako (Translation: Ah, wala, sa sunod na lang, Bless. Sige, aalis na lang ako),” nahihiya na naman n’yang saad atsaka tumalikod sa aming dalawa ni Nazarene.
Ano ba kasi ‘yon? Anong meron sa susunod na linggo?
“Gusto ka yata n’yang imbetahan sa contest n’ya sa susunod na linggo,” ani ni Nazarene atsaka hinawakan ang kamay ko para hilahin pabalik sa tindahan na kinakainan nina Eves at Mona hanggang ngayon.
Hindi agad ako nakapag-isip ng madako ang mga mata ko sa kamay naming dalawang magkahawak na ngayon.
“You look more beautiful today, why is that?” puri n’ya atsaka inilapit ang kwek-kwek kong may mayonnaise na. Pinagpatuloy naman n’ya ang paglalagay ng bawang doon sa siomai na nasa harapan n’ya.
“Tha-thanks, bakit ka ba nandito? Anong meron? At nasaan sina Eves at Mona?” nauutal kong tanong.
“Nakalimutan mo na ba? ‘Di ba sabi ko sa ‘yo may kailangan akong kumpirmahin? Ang mga kaibigan mo pinauwi ko na, you should eat that kwek-kwek,” aniya na medyo slang pa ang pagkakabanggit ng kwek-kwek kaya natawa ako.
“Ang cute mo!” wala sa sarili kong puri sa kan’ya kaya agad akong napatakip ng bibig ng na-realize ko ang pinagsasabi ko.
Oh, my gash!
“Indeed, hindi ka nga ordinaryong babae lang, you are something,” nakangiti n’yang saad tapos ay kinindatan ako.
“That’s why I want to spend more time with you, Winona.”