HINDI na ako sumagot pa at sa halip ay tinulungan ko na nga siyang makatayo. “Ingat, bakit kasi umalis ka pa sa kuwarto mo? Pwede ka namang mag-utos, eh. Ang dami n’yong kasama rito sa bahay, aanhin ‘yon kung hindi hihingan ng tulong ‘di ba?” sabi ko habang inaakbay na ang kaliwa n’yang kamay sa leeg ko habang ang kanan kung kamay ay nakasuporta sa likod n’ya.
nasusubsub.
“Dahan-dahan lang tayong dalawa kasi baka imbes na gumaling ka sa lagnat mo ay hindi na lang kasi masusubsub pa kita,” bulong ko na naman hanggang sa unti-unti na nga kaming maayos na nakakahakbang pasakay ng elevator.
“Ang init mo talaga, uminom ka na ba ng gamot?” usisa ko na naman sa kan’ya. Bakit kasi hindi siya sumasagot? Nakakapipi ba ang lagnat ngayon? Nakakaintindi naman siguro siya ng tagalog ano? Sumagot naman siya kanina, eh.
“Yes, I already did. Approximately 122 minutes ago,” aniya. Kailangang bilang na bilang ang minuto? Buti naman walang squreroot of 5 multiply to 6 kasi sasampalin ko na lang para makatulog siya ng maayos.
Natahimik kaming pareho ng makasakay na kami sa elevator. Sa awa naman ng Diyos na lagpasan namin ang Round 1!
“Anong floor ang kuwarto mo?” tanong ko sa kan’ya ng pipindot na sana ako ng number ng floor kaso naalala kong hindi ko pala alam kung anong floor ang kuwarto n’ya.
“Fifth,” nanghihina n’yang sambit.
“Okay!” masigla kong sagot atsala humakbang para mas mapindot ko ang 5 doon sa parang control.
“Bakit kasi pati elevator n’yo may aircon? Eh ‘di mas lalo kang nilamig,” pagrereklamo ko pa ng maramdaman kong nag-uumpisa nang manginig ang buo n’yang katawan.
“That’s fine,” tugon na naman n’ya. Pinipikit na nga n’ya ang mga mata n’ya ng hindi nagtagal, ang lakas pa rin n’yang maka-that’s fine. Huwag n’ya akong lolokohin.
“That’ fine? Halata namang nilalamig ka na d’yan,” bulong ko naman.
Ginagalaw-galaw ko ang mga mata ko habang tinitignan kung anong floor na kami. Mabilis ko siyang inalalayan para mas makalakas ng bumukas na ang elevator at tumigil na ‘to sa 5th floor. Nakalabas naman kaming dalawa ng maayos pero nalula na naman ako sa dami ng pinto, ‘yon nga lang nakabukas ang ilaw sa hallway kaya hindi kaming dalawa parang nanghuhula kung saan na kami pupunta.
“Ah? Ziggy? Saan banda ang kuwarto mo rito? Ang dami kasing pinto,” untag ko na n’ong maramdaman kung wala naman yata siyang planong sabihin sa kin kung saan banda ang kuwarto n’ya.
“Just go straight, manang. Second to the last door from the right,” halos pabulong na n’yang sagot. Hindi ko na siya kinausap pa at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Pare-pareho naman kasi ang design n’ong mga pinto kaya bahala na basta second to the last daw.
Ito na siguro ‘to ano? Patatanong ko sa sarili ko bago ko pihitin ang doorknob. Kakaiba ‘yong ayos ng kuwarto, puro robot ang makikita mong naka-display sa paligid at kahit ‘yong bedsheet n’ya robot din ang drawing.
“Ziggy, mahiga ka na muna, kukuha muna ako sa baba ng maligamgam na tubig para may maipunas ako sa ‘yo, kapag hindi bumaba ‘yang lagnat mo. Hihingi na tapos tayo ng tulong ha?” pag-iinform ko sa kan’ya ng maihiga ko na siya sa kama n’ya. Tumango lang siya at tuluyan na ngang ipinikit ang mga mata n’ya.
Inayos ko na lang ang kumot na nakapalibot sa buo n’yang katawan bago ko siya iwanan ang bumaba nga para makakuha ng bimpo at maligamgam na tubig. Mabilis ang naging kilos ko lalo at kung hindi ko pa bibilisan ay baka mas lalong lalamigin ang isang ‘yon. Siguro mga after 5 minutes nakabalik na ako sa kuwarto n’ya.
Pinatong ko muna malapit sa lampshade n’ya ang maliit na palanggana atsaka hininaan ang aircon sa kuwarto n’ya.
“Pupunas na muna kita ha? Nagdala na rin ako ng tubig dito baka mauhaw ka,” pagpapaalam ko sa tulog.
Inuna ko ‘yong noo n’ya sunod ay buo n’yang mukha at ang mga balikat at darili n’ya. Hindi ko na siya pinunasan sa katawan at baka magkamali pa ako’t makasuhan ng pagiging m******s na babae.
Kinuha ko ang maliit na pabilog na sofa sa may mini-salas ng kuwarto n’ya para kahit binabantayan ko siya ay hindi naman ako mapagod. Mabuti na lang talaga at nakita ko ang first aid kit nila kanina kaya nakadekwat ako ng thermometer. Nakadalawang pasada ako ng pagpupunas sa kan’ya bago ko inilagi ang bimpo na sinasawsaw ko sa maligamgam na tubig sa taas ng noo n’ya.
“Teka, tignan natin lagnat mo baka nagdidileryo ka na d’yan tapos hindi ka man lang magsalita,” aniya ko pa. Hindi naman siya sumagot kaya ako na mismo ang nagsipit n’ong thermometer sa kili-kili n’ya.
“Ay naku! Wala ka bang jowa? Baka naman maubos lalo ang manipis ko ng buhok kapag may sumabunot sa kin dito ng pabigla-bigla, i-inform mo ako para naman makapaghanda ako!” biro ko na lang.
Mahina siyang tumawa atsaka umiling. “None, I rather have a relationship with my books than with a girl.” Aba’t talagang sumasagot pa siya ha?
“Weh? Huwag mong sabihing part ka ng l***q+ community? Wala namang masama roon ang sinasabi ko lang naman ay sayang ‘yong genes ninyo, bentang-benta ‘yan sa merkado kaya ibigay mo na lang sa kin para maibenta ko pa, ganda kaya ng lahi ninyo!” biro ko pa na mas lalong nagpangiti sa kan’ya kahit nanatili siyang nakapikit.
“Huwag kang mag-alala hati naman tayo sa ibabayad, syempre may tax pa ‘yon kaya mga ¼ na lang ng bayad ang mapupunta sa ‘yo, mayaman naman na kayo kaya ibalato mo na sa kin ang half! Pero syempre joke lang naman ‘yon, matulog ka na lang d’yan para gumaling ka na,” aniya ko bago ko kunin ang themormeter sa kili-kili n’ya, tumanog na kasi kaya tinignan ko na kung ilan.
“38 ‘yong lagnat mo, mataas-taas pa, may gusto ka bang kainin?” tanong ko sa kanya.
“Manong (Translation: Kuya) is correct, You're so talkative, I thought you'd let me sleep, but you keep asking,” hindi ko alam kung iritado ba siya o ano.
“Galit ka ba? Pwede sorry? Nag-alala lang naman ako sa ‘yo!” nag-aalala kong sambit.
“No, I just appreciate your effort. Don't worry, and I'm used to this, just let me sleep, you can also go back to your room and rest. Thank you for helping me out,” may ikakasigla pa ba kaya ang boses n’yang ‘yan?
“Sure ka bang ayos ka lang mag-isa? Hindi pa naman ako inaantok,” tanong ko na naman.
“Yes, you also need to rest, manong will not be happy if you faint again. Go,” pagtataboy ay este pagpapaalis n’ya sa kin.
“Oh, sige! Sabi mo, eh, dinalhan na rin kita ng gamot d’yan kaya uminom ka na lang after 4 hours. Sige, alis na ako,” pagpapaalam ko. Nag-expect ako na pipigilan n’ya ako pero hindi talaga. Siguro masyado lang talaga siyang strong independent man kaya hindi na n’ya kailangan ng tulong ng iba. Pipihitin ko na sana ang pinto ng magsalita naman siya.
Mahilig silang magsalita kung saan paalis na ako, ano? Pabitin lang?
“You deserve to be my manang. Indeed, you and manong are perfect for each other. Take care of yourself. I am also one of those who hope you'll live longer,” pahabol n’ya pa.
Hindi na ako sumagot pa kasi english! Hindi ko naintindihan, joke lang! Naintindihan ko naman sadyang tinamad na akong magsalita at inaantok na rin naman kasi ako. Sa wakas nga eh dinalaw na ako ng antok.
Hmmm? Sino ba ‘yong si manong n’ya? May kuya ba si Ziggy? Pero anim lang naman daw silang apo ni lolo chairman at mukhang magkaka-edad lang naman silang anim. Huwag mong sabihing ginuguyo ako ni Ziggy sa isang alien?! Bakit ang weird ng pamilyang ‘to? Kanina si Premo parang sinapian ito namang si Ziggy i-partner ba naman ako sa alien? Hindi naman yata maganda ‘yon.
Kinabukasan ay nagising ako ng maayos at mukhang bumalik na rin sa normal ang katawan ko na siyang pinagpapasalamat ko talaga sa Panginoon. Bago pa nga ako nakatulog kagabi ay ch-in-eck pa ako ng nurse kaya nalaman ko rin kung bakit n’ong pagkagising ko ng una ay wala na akong dextrose pinaubos lang daw kasi ng doctor ang isang iv fluid tas hindi na ako pinalagyan pa ulit kasi baka naman daw masyado namang maging dependent katawan ko sa gamot at ngayon naman ay maaga pa n’ya akong pintuntahan para i-check.
“Ayos naman na ang vital signs mo, nainom mo na ba ang mga gamot mo?” napakabait n’yang tanong.
“Opo! Huwag na po kayong mag-alala atsaka po maayos na rin po pakiramdam ko,” aniya ko naman.
“Mabuti naman! Bilin ni chairman sa kin kanina bago kita puntahan ay pwede mo raw gamitin ang mga damit na nasa aparador, para naman daw ‘yan sa ‘yo at isa pa ay sumabay ka raw sa kanila sa breakfast,” huli n’yang sabi sa kin bago ako iwanan.
May mga pambabaeng damit nga roon sa kuwarto kaya simpleng white na dress lang ang pinili ko at nagmadaling pumunta sa kusina para tumulong.
Pagkarating ko sa kusina ay busy na ang mga kasama nila sa bahay at may mga nakahilira na ang hotdog, bacon, egg at kung ano-ano pa sa may table. “Manang (Translation: Ate)! Ihahain na po ba itong mga pagkain sa labas?” tanong ko agad.
“Ay, ma’am! Lumabas na po kayo roon at umupo na lang kami na lang po bahala,” sagot agad sa kin n’ong mayordoma yata kasi siya talaga ang nagsu-supervise sa iba.
“Tulungan ko na lang po kayo magbitbit, manang (Translation: Ate)!” pagprepresinta ko na naman. Atsaka hindi na sila makakapalag kasi bitbit ko na ang isang bandihado ng bacon.
Natawa na lang sa kin ‘yong babae atsaka tumango. “Oh, siya, sige na ilabas n’yo na ‘yan sa labas at mukhang nandoon na sila,” utos naman n’ya.
“Aye! Aye po, manang!” excited kong sagot.
Alas’ POV
Kumpleto na kaming anim sa hapagkainan at tahimik kaming nagtitinginan nang makarinig kami ng mga yabag mula kay lolo na pababa na ngayon ng hagdan. Mukhang galing na naman siya sa study room n’ya. Nakakaantok ang buhay nila ni Ziggy. Kaumay.
“You are all here, good morning, grandsons,” agad n’yang puna ng makita kaming anim at ng maka-upo na siya sa harapan.
“Morning. / Good morning, grandfather. / Good morning man, lo (Translation: Good morning din, lo). / Good morning is defined as a polite greeting or farewell that you say to someone in the early hours of the day. Good morning is an example of something you say to someone when you see him for the first time at 9 AM. / GOOD MORNING, GRANDFATHER!” natigilan ako sa pasigaw na bati ni Trevor kaya hindi agad ako nakapagsalita.
“Morning,” ani kong sinundan pa ng paghikab.
Inaantok na naman ako, ang puta! Tulog is life naman kasi. Kung wala lang sana ‘tong putek na pasok namin sa kompanya ay buong araw na naman akong tulog.
Define chill, ANG MATULOG.
Wala ng nagsalita sa min ng isa-isa nang naglakad palabas ng kusina ang mga maid ng mansiyon.
“Putangina, nandito pa pala si Bless,” dinig kong bulong ng katabi kong si Trevor. Medyo nasuka pa nga ako ng agad-agad siyang nag-ayos ng sarili n’ya.
Amputa, napakabakla naman.
“Oh, apo! Bakit ka pa nag-abala d’yan? Hindi mo na sana pinagod ang sarili mo,” puna agad ni chairman doon sa Bless.
“Ayos lang po, lolo chairman! Kunting bagay lang po ito kung ikokompara sa pagtpapatuloy n’yo sa kin dito sa bahay ninyo. Siya nga pala, lolo chairman, maayos na po pakiramdam ko kaya salamat po kasi may pa-nurse pa kayo! Hehehe,” masigla n’yang sagot na hindi man lang alintana ang presensiya naming anim.
Lolo chairman, ha?
“Wala ‘yon, sige, umupo kana at saluhan mo na kami,” sagot naman ni lolo habang nakangiti.
Ang saya naman yata ng matandang ‘to?
“Marami po ako kumain, eh. Ayos lang po ba sa inyong maubusan?” natatawa n’ya pang sagot. Hindi ko alam kung inaantok lang ako pero bakit sabay-sabay na tumawa ‘tong limang mga ungas? Anong nakakatuwa sa sinabi n’ya?
“Walang problema! Ubusin mo itong lahat, upo na,” ulit naman ni lolo.
“Uy! Nandito pala kayong anim, perfect attendance, ah? Makikikain lang ako, ha? Huwag kayong mahiya sa kin hindi naman talaga ako mapalakaing tao,” tumawa na naman siya atsaka naglakad. Natigilan pa siya kasi hindi n’ya yata alam kung saan uupo.
“Ah? May seating arrangement po ba kayo, lolo chairman? Pwede po ba akong makisinggit kahit wala ako sa seating arrangement? Wala naman pong magagalit?”
Nakakatuwa sana siya kaso inaantok ako kaya hindi na lang ako tatawa.
Bumulahaw ang malakas na tawa ni lolo sa buong hapagkainan matapos sabihin ‘yon ng Bless. “Wala! Kahit saan ka maupo, apo, pwedeng-pwede!” aniya.
“Salamat po! Pili na lang po ako ng upuan,” aniya.
Kapuwa nanlaki ang mga mata namin ni lolo ng kanya-kanyang nagsituyuan ang limang mga ugok. Pati ba naman si Ziggy?
“You can seat here. / Take this. / Iya ka lang pungko (Translatiion: Dito ka na lang maupo). / Manang (Translation: Ate), you can have my seat instead. / Dito ka lang sa kandungan ko ay este sa upuan ko!”
Kan’ya-kan’yang diskarte ang mga gago, putangina!
“Salamat! Pero dito na lang ako sa dulo para hindi na kayo magpalit ng seating arrangement!” ani ni Bless atsaka dumiretso ng upo sa pinakadulo at kumuha na nga ng pagkain.
Mga ubob, natapon sa wala ang mga laway ninyo.
Bless’ POV
Natigilan ako ng makita kong nakatingin silang lahat sa kin habang hawak-hawak ko ang bandihado ng bacon. Ay, wala pa bang get one and pass?
“Ay? Hindi pa po pala kayo naka-prayer ano? Sorry po, akala ko kakain na, hehe. Pray na lang po muna tayo?” tanong ko na lang.
Sorry po, Lord. Gutom lang po.
“Apo, kahit ‘wag na, hindi naman kasi kami nagdadasal,” malungkot na wika ni lolo chairman.
“Eh, ‘di ngayon po! Magdasal po tayo. Hayaan n’yo po ako na lang po magli-lead. Classmates are you ready to pray?” serysoso ko silang tinignan at walang sumagot.
Ang snobber naman ng pamilyang Marquez! Wala man lang support!
“Joke lang po ‘yon! Hindi n’yo po talaga need sumagot. Ito po seryoso na po ako. Let us all put ourselves in the holy presence of our Lord. In the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit. Amen. Lord, ikaw po ang nagbigay ng mga masasarap na pagkaing ito lalo na po ang panibagong buhay namin. You are the most high po kaya sana nawa po ay mapatawad mo kami sa lahat ng shortcomings namin sa buhay and maraming salamat po sa pagkain ngayon na pagsasaluhan namin at sa panibagong buhay! I pray for the happiness of this family now and forever! Amen po! In the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit.”
“Kain na po tayo! Madali lang naman po mag-pray, pray po kayo next time, lolo chairman, para mas marami blessing po ang dumating!” masaya kong banggit atsaka pinagpatuloy na ang paglalagay ng bacon sa pinggan ko.
“Hmm! Sarap naman po! Hehehe,” salita ko na naman. Ang tahimik kasi nila! Dapat hindi ganoon. Dapat happy tayo always! Ang sarap kaya ng pagkain nila! Dito na nga lang ako magbre-breakfast araw-araw para laging masarap. Joke lang! Baka mahambalos ako ng nanay ko.
Ang tahimik talaga nilang kumain kaya tumahimik na lang din ako at nagpakabusog. Baka malista ako sa noisy kapag pinagpatuloy ko pa ang pag-iingay, ganoon ‘di ba ‘yon dati? Kapag nag-ingay ililista pangalan mo sa blackboard tas bayad kang piso. Ay naku! Nakaka-miss tuloy.
“Kamusta naman ang tulog mo, apo? Ayos naman ba?” biglang tanong ni lolo chairman n’ong nangangalahati na ako sa pagkain ko.
“Ayos naman po kasi buhay pa naman ako, lolo chairman. Ikaw ba, Ziggy? Ayos ka lang ba?” baling ko kay Ziggy. Siya kasi dapat ang tatanungin kasi siya itong may sakit kagabi, hindi naman ako, wala kaya kayong lagnat.
“Si Ziggy? Bakit anong meron sa ‘yo, Ziggy? Nilagnat ka na naman ba kagabi?” agad na sagot ni lolo. Ang galing! Alam naman ni lolo chairman! Wala naman akong sinabi na nilagnat si Ziggy, eh!
“No! Of course not, chairman. Manang (Translation: Ate), I’m fine, why did you ask?” nagkibit balikat lang ako dahil nagsinungaling siya. May lagnat kaya siya kagabi! Anong of course not!
“Pfft! Kailan mo pa naging ate si Bless, Ziggy? Close ba kayo?” untag n’ong weird na payatot. Ano bang paki n’ya? Binasag ko ba ang trip n’ya n’ong para siyang timang na nagsasabing papakasalan n’ya ako? Buti nga tumigil na siya kasi isusubo ko sa kan’ya itong bandihado para matahimik siya.
“Why do you care, Trevor?”
“Oo nga naman! Kahit parang magkasing edad lang naman kami pero bahala siya kung ate ang itatawag n’ya sa kin kasi siya naman ang mag-eeffort na itawag sa kin ‘yon hindi naman ikaw,” mahaba kong sagot.
“Pfft! Ang ganda mo talaga, Bless,” ani n’ong weird na payatot.
“Alam mo, Trevor, sana alam mo ring ang weird mo, biglang ganoon? Gutom lang ‘yan, masarap ‘yong bacon, crunchy!” sarkastiko kong sagot sa kan’ya.
“Hindi mo sure, baka ma-fall ka sa kin. Eh, ‘di mas maganda,” pilyo n’yang sagot.
“TREVOR!” sabay-sabay na sambit nina Nazarene, Lightning and thurder, Premo, Ziggy at lolo chairman.
“Trevor, may attendance! Sabihin mo present! Tinawag ka na nila!” sabat ko na naman. Kaso napalunok ako n’ong ako naman ang tinignan nila.
“Joke lang po ulit! Hehehe,” natatawa kong saad.
“Pfft! Apo mapagbiro ka pala talaga, uuwi ka na ba?” tanong naman ni lolo chairman habang iniinom ang kape n’ya yata?
“Ah, opo! Hihintayin ko na lang po sina mama na sunduin po ako. Medyo busy po kasi sila, salamat po pala sa tulong ninyo sa min, lolo chairman. Nakakahiya man po pero maraming salamat kasi hindi n’yo po hinayaang mahirapan ang pamilya ko. Ayaw ko po silang mahirapan,” sabi ko na sinundan ko pa ng pagtawa.
“Walang anuman, apo, magsabi lang kayo kung kailangan n’yo ng tulong. Taus puso rin akong tutulong sa inyo tulad ng ginawa mo,” seryoso n’yang saad.
“Salamat po, sana mas marami pa po ang blessing na dumating sa inyo!”
Muling natahimik ang hapagkainan namin ng ilang mga minuto. Muli lang kaming umingay ng dumating na nga sina mama at papa. Pinapakain pa sana sila ni lolo chairman kaso hindi na raw kasi kailangan na rin nilang umuwi agad.
Binilisan ko na lang tuloy ang pag-ubos n’ong mga kinuha kong pagkain kasi for sure uuwi na kami.
“Nak, tapos ka na ba kumain?” baling na sa kin ni mama. Nilunok ko ang huli kong nginunguyang bacon atsaka tumayo.
“Opo, ma! Busog na nga po ako, eh!” sabi ko bago ako naglakad palapit sa kan’ya.
“Salamat po talaga, chairman. Maraming salamat talaga sa tulong mo sa pamilya namin,” seryosong sabi ni papa habang hinahawakan na ni mama ang balikat ko.
“Oo nga, chairman! Malaking tulong talaga sa min ‘to,” dugtong naman ni mama.
“Salamat po ulit, lolo chairman! Sana po huwag kang mabingi sa pagpapasalamat namin!” sunod ko naman.
“Ano ba kayong tatlo! Wala ‘yon, hindi n’yo naman hininging tulungan ko kayo. You deserve my help,” anito.
“Hindi na rin po kami magtatagal, chairman. Mauna na kami sa inyong lahat,” sabi ni papa kaya nag-wave ako ng kamay ko sa kanila.
“I’ll bring them home, grandfather. / Let me drive you home. / Ako lang ma-drive kanda pauli (Translation: Ako na lang magdri-drive sa kanila pauwi). / Ako na lang maghahatid!” sabay na sabi nina Nazarene, A, Premo at Trevor na may pataas pa ng kamay.
“Ayan naman pala pumili na lang kayo ng manghahatid sa inyo sa mga apo ko, Raphael,” ani naman ni lolo chairman.
“Hindi na, chairman. May dala rin kaming sasakyan. Sige ho, magandang umaga sa inyong lahat!”
Hindi na ako nagsalita pa at sumabay na nga kay mama na naglakad paalis.
“Ingat, Bless!” dinig ko pang pahabol ni Trevor. Ang weird talaga n’ya, hindi ko alam kung ano meron sa kan’ya pero mabigat talaga ang pakiramdam ko kapag nakikipag-usap siya sa kin.
Hindi naman nagtagal ng makasakay kami ni mama sa pick-up na dala ni papa. Ngumiti na lang ako sa mga Marquez na nakatingin na sa min ngayon at nakatayo sa may pintuan nila.
Pag-andar ng sinasakyan namin ay agad akong hinalikan ni mama sa noo ko.
“Mabuti naman at mukhang maganda ang gising mo, anak,” aniya.
“Oo nga po, mama. Medyo bumalik na po ang katawan ko sa dati,” sagot ko naman.
“Salamat sa Diyos kung ganoon, anak.”
Ngumiti na lang ako kay mama bago ko muling lingunin ang Pharaoh’s mansion. Ang ganda ng bahay nila tapos lahat na yata ng mararangyang bagay nasa kanila pero bakit nararamdaman kong may kulang pa rin sa mga tawa nila?
Mabilis lang naman ang biyahe naming tatlo dahil nandito na nga kami ngayon sa tapat ng hotel. Natawa na nga lang ako ng mapansin kong patakbo papunta sa direksiyon namin ang dalawa kung mga kaibigan.
“BLESS! MAY CHIKA KAMI SA ‘YO!”