CHAPTER 23

2637 Words
BUMULAHAW ang malakas kong tawa sa buong kuwarto. “Premo! Ro minatuod? Ayos ka gid man baea? Basi naduyog ka? Sayod mo! Itueog mo eon dun (Translation: Premo! Ang totoo? Ayos ka lang ba talaga? Baka inaantok ka pa? Alam mo! Itulog mo na ‘yan),” pigil kong tawa habang nagsasalita matapos kong marinig ang mga katagang gusto kita mula sa napakalaking lalaki na ito. Ito? Talagang lang, ha? Love at first sight ang ganap n’ya? Hindi kapani-paniwala sa true lang. Napakamot na naman siya ng batok n’ya habang nahihiyang nakatingin sa kin. Sa lahat sa kanila siya lang yata ang napansin kung gan’yan ka mahiyain, nasaan kaya ‘to ng pinaulanan ng confidence ang pamilyang Marquez? Naggi-gym? “Ah, mas mayad gid man siguro nga aywanan ta eon agod makapahuway ka eon (Translation: Ah, mas mabuti nga sigurong iwanan na kita para makapagpahinga ka na),” anang n’ya. “Napakamahiyain mong tao, ano? Sige, good night! Salamat sa pakape, masarap! Bulungan mo na lang ako kapag nagpatayo ka ng coffee shop someday!” bumubungingis kong sagot. “Bukon man gid, uwa eang gid ako kasayod kung paano ta atubangan. Sige, uwat problema. Mauna eon ako, good night man kimo! (Translation: Hindi naman, hindi ko lang talaga alam kung paano kita haharapin. Sige, walang problema. Mauuna na ako, good night din sa ‘yo!)” sagot naman n’ya at kinuha na nga ang mug na ginamit ko kanina at tumalikod na palabas. Sinundan ko siya hanggang sa makalabas ng kuwarto at hawak-hawak ko na ang hamba ng pinto. “Premo, huwag kang masyadong joker, hindi nakakatuwa ang joke mo, eh,” huli kong anang matapos ko siyang pagsarhan ng pinto. Narinig ko pa na parang may gusto pa siyang sabihin ngunit bumuntong hininga na lang sa huli atsaka naglakad papalayo. Joke na pala ngayon ang gusto kita? Hindi ko naman na-gets, anong joke roon? Saan ang joke roon? Napakamot ako ng ulo ko bago ako masiglang naglakad pabalik ng kama. Tinignan ko muna ang oras sa phone ko, quarter to 1 am na pala. Ang bilis talaga ng oras. Premo’s POV Ga-joke ako? Bukon akot kapati-pati hay? Haman naisip ta nana nga ga-joke malang ako? Masyado baea ako nga nagdasig o basi mas kinahang-ean ko nga magbutang pa it effort para mag-amin ka na? Pero sa matuod man abi hay uwa man ako nag-amin kana para sabton na, nag-amin ako kasi gusto ko malang nga ipaguwa ro ang nabatyagan. Sayod ko man nga bukon ako ro para kana o mas manami nga hambaeon nga may mas nauna eon kakon sa tagipusuon na (Translation: Nagjo-joke ako? Hindi ba ako kapani-paniwala? Bakit naisip n’yang nagjo-joke lang ako? Masyado ba akong nagmadali o baka naman mas kailangan ko pang maglaan ng effort para sa pagtatapat ko sa kan’ya? Pero sa totoo lang kasi ay hindi naman ako umamin para sagutin n’ya, umamin ako kasi guto ko lang naman na ipalabas ang nararamdaman ko. Alam ko naman na hindi ako ang para sa kan’ya o mas magandang sabihin na mas may nauna na sa kin sa puso n’ya). Uwa ko man gani ginghunahuna nga mahambae ko ‘to kana kaina. Gusto ko malang kunta imaw nga istoryahon ag itao ro kape nga ging-ubra ko para kana pero kat naghambae euta abi imaw kakon nga nalisdan eon man imaw sa kabuhi hay uwa ko ta hapunggan pa ang sarili. Ginghakos ko imaw bukon eang man ‘to it dahil gapasaemat ako kana pero dahil gusto ko nga pabaskugon da buot ag ipabatyag kana nga naila ako kana. Nga padayunon ko ang pagkaila kana maskin sa iba nga pamaagi. Sayod ko nga basi pwede nga ako lang do kana matao it mga bagay nga dapat itao kana it sangka eaki galing sayod ko nga mas matao ‘to it taeo nga gapakinang sa ana nga mga mata (Translation: Hindi ko rin naman inaasahan na masasabi ko sa kan’ya ‘yon kanina. Gusto ko lang naman sana siyang kausapin at ibigay ang kapeng ginawa ko para sa kan’ya pero n’ong sinabi na n’yang nahihirapan na rin siya sa buhay ay doon ko na hindi napigilan pa ang sarili ko. Yinakap ko siya hindi lang naman dahil nagpapasalamat ako sa ginawa n’ya pero dahil gusto kong palakasin ang damdamin n’ya at iparamdam na gusto ko siya. Na ipagpapatuloy ko pa rin ang pagkagusto ko sa kan’ya kahit sa ibang pamamaraan. Alam ko na baka pwedeng ako ang magbigay sa kan’ya ng mga bagay na maaring maibigay sa kan’ya ng isang lalaki kaso alam ko ring mas maibibigay ‘yon ng taong nagpapakinang sa mga mata n’ya). (Flashback) During Chairman Marquez’s second life thanksgiving party… “I wholeheartedly thank a young lady for giving me this opportunity to continue my life, and I thank her with all my heart because she never hesitated to help me even though she is a person who also has her battle to fight with but still manages to help someone who is in need. This party is not only for me but also for the person behind the miracle I had, and she is no other than Miss Winona Bless Cayabyab!" paghambae ni lolo kato hay eagi-eagi nga inusoy sang mga mata si Bless. Ag uwa ako nagsaea kat uwa ko hapunggan nga mapahibayag kat makita ko kung gaano imaw kagwapa (Translation: pagkasabi n’on ni lolo ay agad-agad na hinanap ng mga mata ko si Bless. At hindi nga ako nagkamali ng hindi ko na napigilan na mapangiti ng makita ko kung gaano siya kaganda). Grabit gwapa nga baye hutik kakon it ang isip. (Translation: Grabing gandang babae bulong sa kin ng aking isipan.) Kat natapos ro pauman-uman nga pagpakilaea kamon nga kami ro apo ni lolo hay masadya ako kat nag-adto eagi si lolo sa lamesa kung siin do pamilya ni Bless ag imaw hay nakapungko. Nagakatoe eon ang dila nga istoryahon imaw pero nagpanaw eon imaw ag tanan-tanan, uwa ko man gihapon ha-ubra (Translation: N’ong matapos ang paulit-ulit na pagpapakilala sa min na kami ang apo ni lolo ay masaya ako n’ong agad na tumungo si lolo sa mesa kung nasaan ang pamilya ni Bless at siya ay naka-upo. Nangangati na ang dila kong kausapin siya pero naka-alis na siya at lahat-lahat, hindi ko pa rin nagawa). Hapan-uhan ko eagi nga naghutik imaw kay mama na ag mingko may ging-eaong dahil nagtango kana si mama na para sa ana nga sabat (Translation: Napansin ko agad na bumulong siya sa mama n’ya at parang humihingi ng paalam dahil tumango sa kan’ya ang mama n’ya bilang tugon nito). “Excuse me lang po,” malumanay na nga hambae. Uwa gid ako nag-saea nag-eaong imaw kay mama na nga mapanaw. Ging sundan ko it mata ra pagpanaw ag uwa kapilahan ay sabay pa kami nga tumindog ni Austin. Uwa na mata ako ging pansina ag dire-diretso nga nagtikang paagto mata kung siin (Translation: malumanay n’yang salita. Hindi nga ako nagkamali na nagpaalam nga siya sa mama n’ya para umalis. Sa pag-alis n’ya ay sinundan ko siya ng aking mga mata at hindi nga nagtagal ay sabay pa kaming tumayo ni Austin. Hindi naman n’ya ako pinansin at dire-diretso lang naglakad papunta sa kung saan). Uwa ko haasahan nga pareho ta gali kami it nasundan ni Austin, dumdum ko hay uwa eon sanda ni Bless pero mingko naila pata gid man imaw kana. Habatian ko tanan anda nga istorya nga daywa ag gasabat eon kunta ako kat napan-uhan ko nga uwa eon nailaan ni Bless do anda nga istorya ugaling uwa ko eon man haubra kasi haunahan eon man ako it koeba (Translation: Hindi ko inasahan na pareho pala kami ng sinundan ni Austin, akala ko ay wala na sila ni Bless pero mukhang gusto n’ya pa rin ito. Narinig ko lahat ng pinag-usapan nilang dalawa at sasagot na sana ako n’ong napansin kong hindi na gusto ni Bless ang pinag-uusapan nila kaso hindi ko na naman nagawa kasi naunahan na naman ako ng kaba). "Austin, we are still friends, sana alam mo ‘yon. Atsaka sa kondisyon ko ngayon sa tingin mo ba makukuha ko pang mawalan na namang ng isang taong pinahahalagahan ko ng sobra? Ayaw ko na, hindi na ako uulit pa.” “Austin, your grandfather is looking for you inside,” habatian ko nga limog ni Nazarene. Ako ta dapat do naghambae kato kung uwa eang nana ako naunahan (Translation: narinig ko ang boses ni Nazarene. Ako sana dapat ‘yong nagsabi n’on kung hindi n’ya lang ako naunahan). (End of flashback) Uwa eagi ako nagpanaw kat nakapanaw si Austin pabalik sa sueod it mansiyon, uwa man nana ako nakita dahil madasig ako nga nagpanago kat nag-agi imaw maeapit kakon. Nagpadayon ako nga tan-awon si Bless nga gina-istorya eon kato ni Nazarene ag maskin madueom do palibot bating-bati ko ro kasadya sa boses ni Bless, nag-iba eagi imaw kat si Nazarene eon da nakaistorya. Umpisa kato habatyagan ko eon man nga mingko iba eon do daeagan (Translation: Hindi agad ako umalis n’ong umalis si Austin pabalik sa loob ng mansiyon, hindi naman n’ya ako nakita dahil mabilis akong nagtago n’ong dumaan siya malapit sa kin. Nagpatuloy ako sa pagtingin kay Bless na kausap na noon ni Nazarene at kahit madilim ang paligid dinig na dinig ko ang saya sa boses ni Bless, umiba agad siya n’ong si Nazarene na ang kausap n’ya. Simula noon naramdaman ko ng parang iba na ang takbo). Natandaan ko man kat ging-drive ko ro puea nga kotse ni lolo kat nagbakae ako it bag-o nga gear para sang pag-horse back sa Kalibo ag haagyan ko ro baeay it sambilog sa mga amega ni Bless. Nakita ko pa gani nga igto imaw ag nagasaot-saot maskin mabaskog do uean, uwa akot balak nga bungguan imaw eabi eon kat napan-uhan ko nga uwa imaw kahueag sa ginatindugan na kat paeapit eon do kotse nga daea ko. Ako lang man gani ro nagpangayo it pasensiya sa tag-ana it kotse sang likod hay nadisgrasya ta kunta imaw pagpundo ko it dali-dali mayad eang gid ag uwa mata, pero maskin uwa man abi ako nagpundo hay indi ko man gihapon nasunggaban si Bles dahil igto gali si Nazarene ag nakita ko sang daywa nga ka mga mata nga ginghakus imaw ni Nazarene agod kabigon pa-atras (Translation: Natandaan ko rin n’ong dri-ni-ve ko ang pulang kotse ni lolo n’ong bumili ako ng bagong gear para sa pag-horse back sa Kalibo at nadaanan ko ang bahay sa isa sa mga kabigan ni Bless. Nakita ko pa nga na nandoon siya n’on at sumasayaw-sayaw pa kahit ang lakas ng ulan, wala naman akong balak na banggain siya lalo na n’ong mapansin kong hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan n’ya ng palapit na ang kotseng dala ko. Ako na nga lang din ang humingi ng pasensiya sa may-ari ng kotse sa likod ko kasi muntikan pa sana siyang madisgrasya sa pabigla-bigla kong pagtigil, mabuti na lang at hindi, pero kahit hindi naman ako tumigil ay hindi ko pa rin naman mababangga si Bless dahil nandoon pala noon si Nazarene at nakita ng dalawa kong mga mata na niyakap n’ya si Bless para hilahin paatras). Pagkagabie man kato nag-adto ako sa La Marquez agod kunta magkaon galing hakita ko man si Bless ag Nazarene nga magkaibahan, medyo ging bayo eon man it pauman-uman ang tagipusuon kat makita ko nga kusa nga ging hakos ni Bless si Nazarene sa kasadya (Translation: Pagkagabi naman noon pumunta ako sa La Marquez para sana kumain kaso nakita ko na naman si Bless at Nazarene na magkasama, parang sinapak na naman ng paulit-ulit ang puso ko n’ong makita kong kusang yinakap ni Bless si Nazarene dahil sa tuwa). Kaya gani hambae ko, padayunon ko ang pagkaila kana sa ibang pamaagi (Trasnlation: Kaya nga sabi ko, ipagpapatuloy ko ang pagkagusto ko sa kan’ya sa ibang pamamaraan). Medyo ka-pathetic nga masuko eagi ako maskin uwa pa ako kaumpisa, uwa ako gasuko ag uwa akot plano nga sukuan imaw. Mas ginagusto ko malang nga masadya imaw, kung siin imaw mas masadya, igto ako. Makaron ko gusto imaw nga kailaan, maskin masakit, maskin sa maeayo, ayos eang do importante imaw (Translation: Medyo ang pathetic na sumusuko na ako kahit hindi pa nga nakakapag-umpisa, hindi ako sumusuko at wala akong planong sukuan siya. Mas ginugusto ko lang naman na masaya siya, kung saan siya mas masaya, doon ako. Ganoon ko siya gustong gustuhin, kahit masakit, kahit sa malayo, ayos lang ang importante siya). Nagpundo ako it pagtikang ag ging tan-aw it uman do kwarto kung siin imaw. “Good night uman, Bless. Kabay nga manami ing panamgo, maskin bukon it ako, basta masadya ka,” hutik ko sa hangin (Translation: Tumigil ako sa paglalakad at muling tinanaw ang kwarto kung nasaan siya. Good night ulit, Bless. Sana maganda ang panaginip mo, kahit hindi ako, basta masaya ka, bulong ko sa hangin). Bless’ POV Ilang palit na ako ng posisyon sa paghiga pero hindi ko pa rin makuha ang saktong posisyon para makatulog na ng maayos. Actually parang baliktad nga ‘yong resulta sa kin ng kapeng ginawa ni Premo kanina kasi mas lalo akong inantok ,ang problema ko lang talaga ngayon. ANG SINABI SA KIN NI PREMO KANINA! Gusto ko nga protekatahan ka, Bless, sa tanan nga maubra ko. Kasi naila ako kimo (Translation: Gusto kong protektahan ka, Bless, sa lahat ng makakaya ko. Kasi gusto kita). Mukhang hindi kasi siya nagjo-joke! Pero kasi hindi naman kami nagkausap na dalawa, kanina lang! Paanong magugustuhan n’ya ako agad-agad? Uso pa ba ang love at first talk ngayon? Sa laking tao n’yang ‘yon talagang tumatalab sa kan’ya ang gan’yang ka-corny-han? Hindi ko lang sure! Pinagpatuloy ko lang ang pagpikit sa mga mata ko’t kakapalit ng posisyon hanggang sa nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya sa huli ay bumangon na lang ako rin ako’t malakas na bumuntong hininga. “Ano ba naman ‘yan! Nasaan ba ang banyo sa pamamahay na ‘to?” tanong ko sa sarili ko. Wala kasing banyo ‘yong kuwarto kung nasaan ako ngayon. Siguro talagang inilagay ako sa kuwartong walang cr? Napaka-others naman ni lolo chairman kung ganoon. Cr lang naman! Pinagdadamot pa. Bago pa ako umihi sa kama ay lumabas na ako ng kuwarto at nag-umpisang mag-cr hunting, wala bang pa-blue print or etinirary d’yan? Baka naman? Mas lalong dumilim ang paligid kung ikokompara ko sa kanina n’ong lumabas ako para uminom ng tubig. Pero dahil may lahi yata talaga akong paniki nakakapaglakad pa rin ako ng maayos kaya ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may mabangga na nga ako. Hindi naman siya babasagin kasi wala namang nabasag. Hindi naman siya sofa o ‘di naman kaya silya kasi hindi naman masakit. Malakas siya pero parang soft? Ano ba ‘tong nabangga ng paa ko? “Ouch,” mahinang daing ng isang boses panlalaki. Shit! Agad kong yinuko ‘yong nasipa ko at doon ko lang napantanto na si Ziggy pala ‘yon habang nakasalampak sa may salas habang ang ulo ay nakasandal pa sa upuan ng sofa. “Ziggy! Anong ginawa mo d’yan? Lasing ka ba?” sabi ko atsaka malikot na nagpa-panic hanggang sa nadapo ang kamay ko sa balikat n’ya. “Hoy! Bakit ang init mo? Inaapoy ka yata ng lagnat! Teka! Tatawag ako ng tulong!” pero bago ko pa ‘yon magawa ay hinawakan n’ya ang balikat ko. “You don’t need to, ca-can you just help me get up and reach my room? I was planning to get some water, but I can’t,” nanghihina n’yang saad. “Ha? Sigurado ka ba? Hihingi na lang kaya ako ng tulong?” giit ko na naman. “No, I don’t want to worry the chairman. I’ll be fine, manang.” MANANG (Translation: Ate)?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD