CHAPTER 22

3163 Words
UNTI-unti akong bumitaw sa pagkakayakap n’ya at ngumiti sa kan’ya habang hawak-hawak pa rin ang basong may laman na tubig. Buti na lang at hindi siya natapunan at baka magtaka pa siya kung bakit siya’y nabasa. Hehe. “Ah, Premo? Nanaginip ka pa ba o ‘di naman kaya nagsle-sleep walk? Sana kapag naalala mong nagkita tayo sana isipin mong hindi ako magnanakaw ng tubig, ha? Humingi naman ako sa ‘yo, eh, bye!” nagmamadali kong saad, mabilis kong ibinalik ang baso at pitsel ng tubig sa refrigerator nila atsaka kumaripas ng lakad pabalik ng kuwarto ko. Bakit naman kasi may pagyakap na? Wala namang ganoon kahit nagsle-sleep walk! Hindi naman ako teddy bear! Paano na lang kapag may nakakita sa min doon ‘di ba? Pagkamalan pa akong nilalandi si Premo! Ay, naku! Hindi ako malandi, slight lang! Sinigurado ko munang naisara ko ang pinto ng kuwarto kung nasaan ako ngayon bago ko kinuha nag phone ko. Ang daming texts ni mama pero hindi ko ‘yon pinansin at tinawagan ko na lang siya. Tamad ako magbasa, eh! “Ma! Nasaan po kayo? Bakit n’yo naman ako iniwang mag-isa rito?” bulalas ko n’ong masagot na n’ya na ang phone. “Anak! Salamat naman at gising ka na! Kamusta pakiramdam mo? Ayos lang ba? May masakit ba sa ‘yo? Kailangan ba nating pumunta sa hospital? Pasensiya kana nagising kang walang kasama d’yan kailangan kasi kami rito sa hotel ang daming guest na nagsidatingan! Galing sa ibang hotel ng lolo chairman mo. Hayaan mo binilin ka naman ng lolo chairman mo d’yan sa nurse kaya magsabi ka lang kapag may naramdaman ka, mabilis na lang ‘to pupuntahan ka na rin namin d’yan,” mahabang litanya ni mama. Muli ko na namang naalala ang problema ng hotel namin. Tinaggap na pala nila ang offer ni lolo chairman, siguro nga ay hindi na talaga nila kayang isalba pa kung walang tulong mula kay lolo chairman. “Ma! Naku! Huwag na po kayong mag-alala sa kin, ayos na ayos na po ako at huwag na rin po kayong pumunta rito, ma! Anong oras na rin naman po ipagpabukas n’yo na lang po para diretso uwi na rin po ako. Magpahinga na lang po kayo kaysa puntahan n’yo pa po ako rito,” ani ko naman. Alam kong pagod na rin naman sila at isa pa ay ayos naman ako rito, hindi na naman ako bata pa para kailangan pang bantayan. “Sigurado ka ba, anak? Annie! ‘Yong kumot ilagay mo sa vip room no. 6!” dinig kong hiyaw ni mama. “Ma, ayos na po, sige na po asikasuhin n’yo na po muna ang hotel. Bahala po kayo kapag ‘yang mga ‘yan hindi na satisfy sa service n’yo iba-bash kayo n’yan!” biro ko na lang. Alam kong nag-aalala rin sa kin ‘to kaya kahit gaano na sila ka-busy ay kinakamusta pa rin ako. Ang dami na talaga ng sakripisyo ng pamilya ko sa kin. Hindi ko na alam kung paano ko pa iyon maibabalik sa kanila. “Naku! Syempre mas importante ka pa rin naman! Ate! Nasaan ‘yong extra pang unan? Kulang ng unan doon sa isang vip room! Teka lang naman, Annie, kausap ko si Bless!” halata rin naman sa background ang ingay ng mga taong hindi na magkumayaw sa pagparoon at pagpaparito. “Ah, ma, sige na po, ibaba ko na rin po itong tawag medyo inaantok na po ako, eh,” sabay kunwaring humikad pa. Para makatotohanan naman. “Ha? Oh, siya, sige, anak! Good night! Mag-iingat ka d’yan, tumawag ka o mag-text kapag nakaramdam ka ng hindi maganda, okay? Nandito lang kami. Mahal ka namin! Sige na, kailangan ko na rin talagang tumulong sa papa at tita mo. I love you, nak!” nagmamadali na rin n’yang saad sa kabilang linya. “I love you too po, ma! Kayong lahat! Fighting po!” huli kong sagot bago ko na mismong in-end ang tawag namin ni mama. Ibinaba ko ang hawak-hawak kong phone at sunod iyong pinatong sa may lampshade na malapit sa kama ng kuwarto ko ngayon. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa may higaan at tinungo ang malaking bintana, sunod kong binuksan iyon at agad na sumalubong sa kin ang malamig ng simoy ng hangin galing sa dagat sa ‘di kalayuan. “Ang ganda naman ng buwan sa labas,” bulong ko sa aking sarili. Bilog na bilog ang buwan! Kaya naman pala maraming turista ang nagdagsaan ngayon dito sa Boracay kahit hating gabi na. Tahimik kong pinagmamasdan ang kabuoan ng garden sa labas, mga guard na lang ang nakikita kong nag-iikot ng may biglang kumatok sa labas. “Bless? Si Premo ra, pwede ta baea maistorya? (Translation: Bless? Si Premo ‘to, pwede ba kitang makausap?)” narinig ko na naman ang napakalalim na boses ni Premo, alam mo ‘yon parang natural ‘yong pagiging modulated ng boses n’ya. Isali ko kaya ‘to sa singing competition tapos hati kami sa premyo? Ay, perfect! “Tueog ka eon hay? Pasensiya gid-a sa istorbo, mabalik lang ako hin-aga (Translation: Tulog ka na ba? Pasensiya na sa istorbo, babalik na lang ako bukas), good night,” anito na nagpa-panic naman sa kin. “Ay hindi! Gising pa ako, teka lang! Wait ka lang d’yan, bubuksan ko ‘yong pinto!” hiyaw ko na at nagmadaling tunguhin ang pinto. Hulaan ko ang unang sasabihin nito pasensiya na sa kanina. Naku! Bright ko talagang bata, akalain mo ‘yon naisip kong nag-sleep walk siya kaya siya nangyayakap na lang. Malapad ang naging ngiti ko ng mabuksan ko ang pinto at tumambad naman sa kin ang nahihiyang si Premo habang kinakamot pa ang batok. “Yes, Premo? Anong kailangan natin?” usisa ko na. Pustahan tayo kapag nag-sorry ‘to sa kin, mag-aapply na ako bilang manghuhula. “Ah, Bless? Pasensiya gid-a kat sa kaina, nakibot ka ting siguro sang inubra. Kaina ta malang abi na tiyempuhan kaya uwa ko eon hapunggan ang kaugalingon (Translation: Ah, Bless? Pasensiya ka na talaga sa kanina, nagulat ka siguro sa ginawa ko. Kanina lang kasi kita na tiyempuhan kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko),” anang ni Premo. Tama naman ako magso-sorry nga pero anong pinagsasabi n’yang hindi n’ya napigilan ang sarili n’ya? Oh, my gash! Don’t tell me? Sinapian si Premo atsaka isang r****t na multo ang sumapi sa kanya? Agad kong yinakap ang sarili ko na siyang nagpatawa naman sa kan’ya. Ay? Ang saya? “A-anong ibig mong sabihin, Premo? Sinapian ka ba? Tatawag na ba ako ng albularyo?” bulalas ko na. “Pfft! Ano nga albularyo ing ginahinambae, Bless? Ro minatuod, ako baea ro ga-sleep walk o ikaw? (Translation: Anong albularyo ang pinagsasabi mo, Bless? ‘Yong totoo, ako ba talaga ang nagsle-sleep walk o ikaw?)” pigil n’yang tawa. Sabi ko nga. “Joke lang! Ikaw naman! Alam mo bang pinanganak talaga akong best actress! Did you know? Noong nasa elementary ako ay most courteous ako? Ang galing ko kasi mag-acting! Pasok ka muna! Bakit ka ba nandiyan sa labas? Eh, bahay n’yo naman ‘to!” “Pwede magsueod? Ayos lang kimo? (Translation: Pwede pumasok? Ayos lang sa ‘yo?)” tinignan ko siya ulo hanggang paa at doon ko lang napansin na may dala-dala pala siyang tray na may nakapatong na dalawang mug na umaapoy pa. “Oo gid lang! Haman indi? Musyon, sueod eon! (Translation: Oo naman! Bakit naman hindi? Halika, pumasok ka na!)” masigla kong saad bago ko mas lakihan ang pagbubukas ng pinto. Tahimik naman siyang pumasok at dumiretso sa sofa na malapit sa may bintana, may lamesa rin kasi roon. Maingat n’yang pinatong sa mesa ang dalawang mug, isa sa harapan n’ya at isa sa katapat na upuan, para ba sa kin ‘yon? Umupo nga ako sa katapat na upuan atsaka siya tinignan na naman. Hindi naman kasi siya nagsasabi kong akin ba ‘tong kape o baka naman may iba siyang nakikita na hindi ko nakikita. “Ah! Oo gali! Nag-ubra gali ako it kape, uwa ako kasayod sing timpla kaya pasensiyahi lang dun (Translation: Ah! Oo nga pala! Gumawa ako ng kape, hindi ko alam kung anong timpla mo kaya pagpasensiyahan mo na ‘yan),” nahihiya na naman n’yang saad. Saan ba napunta ang confidence nito? Naubos na ba kay Nazarene kaya mahiyain na ‘tong si Premo? Si Nazarene kasi over confident na! Pero bakit ko ba siya naiisip? Duh! “Uwa ka ga-inom it kape hay? Bayluhan ko lang? (Translation: Hindi ka ba umiinom ng kape? Palitan ko na lang ba?)” nagmamadali n’yang untag sa kin kaya nagmadali rin akong kinabig ang mug na may kape. “May lakad ka ba? Hindi ba pwedeng nagwa-warm up lang ako? Hindi ako ganoon pala inom ng kape pero minsan lang naman, indi man maalin (Translation: Hindi naman masama),” alanganin ko pang tawa. “Ging butangan ko run it malunggay powder kaya bukon man gid it maisog ag may health benefits maskin sangkiri (Translation: Nilagyan ko ‘yan ng malunggay powder kaya hindi naman ganoon katapang at may health benefits pa kahit kunti),” sabi naman n’ya. “Wow! Saeamat! Napan-uhan ko malang, ikaw eata ro gain-akeanon kinyo, haman? (Translation: Salamat! Napansin ko lang, ikaw lang ang nag-aakeanon sa inyo, bakit?),” pag-uusisa ko na atsaka inupisahang inumin ‘yong kape. “Bukon mata abi ako it parehas kanday Nazarene nga pag-unga kanda hay manggaranon eagi, uwa ko man abi sayod it una nga Marquez ta gali ang apelyido kaya mas sanay ta ako nga ga-akeanon kaysa magtagalog o mag-english (Translation: Hindi naman kasi ako pareho nila Nazarene na pinanganak na mayaman, hindi ko nga alam n’ong una na Marquez pala ang apelyido ko kaya mas sanay akong nag-aakeanon kasya magtagalog o mag-english),” anito habang nakadekwatro na at umiinom ng kape. Hindi kasya ang mga biyas n’ya sa ilalim ng mesa kaya nakapa-side view siya sa kin ngayon. “Kung hindi mo mamasamain, pwede bang malaman kung bakit? Paano ka napunta rito kung hindi mo alam na isa ka palang Marquez?” tanong ko naman. In fairness! Masarap ‘yong kape. “Uwa man abi ging panagutan it unga ni lolo si mama. Naadto malang ako iya kat si lolo mismo ro naghambae kakon nga apo na ako (Translation: Hindi naman kasi pinanagutan ng anak ni lolo si mama. Napunta lang ako rito n’ong si lolo na mismo ang nagsabi sa king apo n’ya ako),” malumanay n’yang sagot. “Ah, ganoon pala!” sagot ko na lang. Wala na lang talaga akong masabi lalo pa at hindi ko naman inasahan na may ganoon pala siyang kasaysayan ng buhay. Kapuwa kami natahimik na dalawa habang parehong iniinom ang kape namin. Magsasalita na sana ako n’ong maunahan na n’ya ako. “Uwa ako nagkabaskog nga eapitan ka kat adlaw nga gingbuligan mo si lolo ag kat nag-party kaya pasensiya ka gid kakon kung nakibot ta kaina. Sobrang sadya ko malang kat nakita ta kaina sa kusina. Hahambae ko lang sang sarili nga hara eon do ang chance agod maka-thank you ako kimo it personal (Translation: Wala akong lakas na loob na lapitan ka n’ong araw na niligtas mo si lolo at n’ong party kaya pasensiya ka na talaga sa kin kung nagulat kita kanina. Sobrang sayang ko lang ng makita kitang nasa kusina na mag-isa. Nasabi ko sa sarili ko na ito na ‘yong chance kong makapag-thank sa ‘yo ng personal),” seryoso n’yang saad at unti-unting tumingin sa mga mata ko. “Ah? Ayos—“ “Thank you, Bless. Saeamat kasi ging buligan mo si lolo, imaw eon ang ging turing nga tatay sa mabuhay nga dinag-on kaya indi ko gid masarangan kung pati imaw maduea man kakon (Translation: Salamat kasi tinulungan mo si lolo, siya na ang tinuring kong tatay sa matagal na mga taon kaya hindi ko kakayanin kung pati siya mawala pa sa kin),” pinutol n’ya ang pagsalita ko gamit ang seryoso at buong puso mga katagang iyon. “Pilang dag-on ko man ging tiis do mga sunlog kakon nga uwa kono ako it tatay kasi hay malandi ang nanay. Sa minatuod eang uwa ko eon ging pangarapa nga magka-tatay pa pero saeamat ag umabot si lolo sang kabuhi. Uwa ko man ging-ekspiktar pero hay gusto ko man gali nga may tatay, mas nakompleto ako (Translation: Ilang taon ko ring tiniis ang mga pang-aalipusta sa kin kasi wala raw akong tatay dahil malandi ang nanay ko. Sa totoo lang hindi ko na pinangarap na magkaroon ng tatay pero nagpapasalamat akong dumating si lolo. Hindi ko man inaasahan pero gusto ko rin palang magkaroon ng ama, mas nabuo ako),” pagpapatuloy n’ya. “Premo, deserve mo naman ang pagmamahal ng lolo mo kasi ikaw mahal na mahal mo rin naman siya,” pagpapagaan ko ng kalooban n’ya. “Kabay ngani nga sayod na, nga batyag na (Translation: Sana nga alam n’ya, sana ramdam n’ya),” malungkot n’yang tugon. “Bakit naman hindi? Kahit hindi ka ganoon ka-vocal na tao alam kong alam ng lolo mo kung gaano mo siya kamahal, kung gaano siya kaimportante sa ‘yo, kaya huwag ka ng malungkot! Ang laki-laki mong tao tapos nagse-senti ka! Walang ganoon!” “Pfft! Siraulo!” tawa na n’ya. “Oh! Gan’yan! Mas bagay sa ‘yong nakangiti!” “Ikaw? Kamusta gali ing pamatyag? Hambae nanda nalipong ka kono kaina? (Translation: Kamusta pala pakiramdam mo? Sabi nila nahimatay ka raw kanina?)” “Ah? ‘Yon? Wala! Ayos na ako atsaka sanay na akong hinihimatay, mahal na mahal yata ako ng dilim kaya bet n’yang laging madilim ang nakikita ko,” natatawa kong tugon sa kan’ya. “Tuod? (Translation: Talaga?)” “Sa totoo lang hindi ko na rin alam, nakakatakot nga, eh. Ayos ako ngayon tapos bigla-bigla hindi, napakapangit naman kasi ka-bonding nitong sakit ko. Two years na kaming magkasama hindi pa rin ako brini-break!” pagrereklamo ko. Hindi ko namalayan na halos nangangalahati na ako sa kapeng iniinom ko. “Katibay ka gani, eh, uwa ka gasuko maskin mag-inalin pa (Translation: Ang tibay mo nga, eh, hindi ka pa rin sumusuko kahit ano pang mangyari).” “Isang beses lang naman tayo namamatay pero araw-araw tayong gumigising kaya bakit ako susuko? Hanggang nagigising ako, hanggang sa may mga taong lumalaban sa tabi ko, kakayanin ko, kahit nakakapagod,” aniya ko naman. “Ayaw it koeba, hatian ta sing nabatyag, hasta nakikita ta siguraduhon ko nga maayos ka (Translation: Huwag kang kabahan, hahatian kita sa nararamdaman mo, hanggang nakikita kita sisiguraduhin kong maayos ka).” Premo’s POV Hasta it buhi ako, hasta it kaya ko, ginapangako ko sang sarili nga buligan ta nga mabuhi. Buligan ta nga magmayad ka. (Translation: Hanggang buhay ako, hanggang kaya ko, pinapangako ko sa sarili kong tutulungan kitang mabuhay. Tutulungan kitang gumaling.) Uwa ako kasayod kung haman pero kat nakita ko imaw nga nakatindog maeapit kay lolo kat adlaw nga nalipong si lolo nabatyagan ko man lang nga gusto ko imaw nga protektahan, gusto ko imaw nga buligan. Bukon eang it dahil ging buligan na si lolo pero kat nagsub-eang ro mga mata namon nabatyagan kong nakita ko eon do baye nga para kakon maskin bukon ako do para kana (Translation: Hindi ko alam kung bakit pero n’ong nakita ko siyang nakatayo malapit kay lolo n’ong araw na nahimatay siya ay naramdaman ko na lang na gusto ko siyang protektahan, gusto ko siyang tulungan. Hindi lang sa dahil tinulungan n’ya si lolo pero n’ong nagtama ang aming mga mata naramdaman kong nakita ko na ang babaeng mamahalin ko kahit hindi pa ako ang para sa kan’ya). (Flashback) “Sir Premo! Sir Premo!” nabugtaw ako sa mabaskog nga pagkatok sa pertahan it akong kuwarto (Translation: nagising ako sa malakas na pagkatok sa pinto ng kuwarto ko). “Manang! Alin? Kaagahunon pa hay!” reklamo ko eagi kat nagbangon ako ag gingbuksan ko ro pertahan (Translation: Ate! Ano? Ang aga-aga pa nga! Reklamo ko n’ong makabangon ako at binuksan ang pinto). “Sir! Si Chairman Marquez hay nalipong! (Translation: ay nahimatay!)” Uwa eon ako nakasabat sa kabulig namon nga nagtawag kakon ag eagi-eagi akong dumaeagan pasakay it elevator haeos dueongan pa kaming an-om nga nagsakay ag nagpanaog sa idaeaom. Gatiek-euran kami kat nagpundo ro elevator sa first floor it baeay. Uwa kasayod kong sino ro mauna nga maguwa (Translation: Hindi na ako nakasagot pa sa kasama namin sa bahay na tumawag sa kin dahil agad-agad na akong tumakbo pasakay ng elevator at halos sabay-sabay pa kaming anim na sumakay at bumaba sa ilalim. Nagbanggaan pa kami n’ong tumigil ang elevator sa first floor ng bahay. Hindi alam kong sino ang mauunang lalabas). “f**k! ALIS! / Damn it! I’ll go first! / Ako kasi muna ang lalabas! / Paagiha ako! (Translation: Padaanin n’yo ako!) / Two meters elevator door is not enough for the six of us. Let me go out first! / Ano ba ‘yan! Ako muna kasi! Ako pinakabata!” dueongan man namon nga hambae (Translation: sabay-sabay din naman naming sambit). Dahil mas mabahoe ako. Ako ro nakauna nga nakaguwa ag hakita ko eagi si lolo nga nakasakay eon sa wheelchair galing mas nabueo it baye nga nakatindog sa binit nana ang atensiyon. Sino kat baye ngarun? Napaatras ako kat nagsub-eang do among mga mata ag amat-amat nga nagbahoe ro ana nga mata kat nakita kami nga an-om (Translation: Dahil mas malaki ako. Ako ang unang nakalabas at nakita ko agad si lolo na nakasakay na sa wheelchair kaso mas nakuha ng babaeng nakatayo sa tabi n’ya ang atensiyon ko. Sino ‘yong babae na ‘yon? Napaatras ako n’ong nagtama ang mga mata namin at unti-unting lumaki ang mga mata n’ya ng makita kaming anim). Mabaskog ro bayo it akong tagipusuon. Haman makara ang nabatyagan? Haman mingko gusto ko imaw nga protektahan? Haman pamatyag ko imaw eon do baye nga palanggaon ko maskin mag-inalin pa. Haman? May alin sa baye ngara nga kung tan-awon mo gani hay paeopsi pa. Pero ro mga mata na may kasubo ag may kung alin kakon nga gatik-eod nga gustuhon nga dueaon ro kasubo sa mga manami nga mata na ngarun (Translation: Malakas ang kabog ng dibdib ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang gusto ko siyang protektahan? Bakit nararamdaman kong siya na ang babaeng mamahalin ko kahit ano pang mangyari. Bakit? Anong meron sa babae na ‘to na kung titignan mo ay maputla. Pero ang mga mata n’ya ay may kalungkutan at may kung anong tumutulak sa kin na gustuhing burahin ang kalungkutan na namamayani sa maganda n’yang mga mata). (End of flashback) “Gusto ko nga protekatahan ka, Bless, sa tanan nga maubra ko. Kasi naila ako kimo (Translation: Gusto kong protektahan ka, Bless, sa lahat ng makakaya ko. Kasi gusto kita).”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD