CHAPTER 21

3624 Words
Third Person’s POV “HOY, Bless! / Ginoo ko! Bless! (Translation: Diyos ko! Bless!)” sabay na bulalas ng dalawang tita ni Bless matapos siyang bumagsak sa puting buhangin na kinatatayuan nila sa ngayo. “A-annie! Annie! Alin atong ubrahon? Doctor! Tawagi ro doctor na! (Translation: Ano ang gagawin natin? Doctor! Tawagan mo ang doctor n’ya!)” muling iyaw ni Badette kay Annie na hindi na ngayon alam ang gagawin habang nanatiling nakatayo sa gilid ni ng nahimatay na si Bless at panay lingon sa kung saan-saan habang si Badette naman ay naka-upo na upang ipatong sa kan’yang mga paa ang ulo ni Bless. Ang dalawang lalaki namang nandoon na si Nazarene at Austin ay natulala na lamang habang tinitignan ang tatlong babaeng nasa kanilang harapan. “Annie! Ang doctor! Tawagi eon do doctor! (Translation: Tawagan mo na ang doctor!)” muling bulyaw ni Badette kay Annie na sa kasalukuyan ay nagpa-panic na. “Ito na! Ito na! Tatawagan na, teka lang kasi. Ate Winnie! Kuya Raphael! Si Bless!” hiyaw na ni Annie n’ong mahimasmasan na ito at nagsimula ng pindutin ang kan’yang hawak-hawak na phone. Ang dalawa na ring mga lalaki pa ay nakabalik na rin sa ulirat at nag-unahan pa upang pumunta sa walang malay na si Bless. Si Nazarene ang unang nakalapit kay Bless, aambahin na sana nitong bubuhatin si Bless ng hinila at itulak siya ni Austin palayo kay Bless at siya na mismo ang mabilis na nagbuhat nito. “Dahan, dahan, Austin (Translation: Ingat, ingat, Austin),” paalala ni Badette habang inaalayan ang katawan ni Bless habang binubuhat na ni Austin. “Hello? Doc? Doc, si Bless po kasi bigla na lang na-nawalan ng malay! Ano pong gagawin namin, doc? Ano? Dadalhin ba namin siya sa hospital sa Kalibo? Ano po?” nakatingin sina Badette, Austin at Nazarene kay Annie habang kausap nito ang attending physician ni Bless. “Sige po, doc. Magkita na lang po tayo sa hospital.” Huling saad ni Annie matapos n’yang ibaba ang tawag. “ATE WINNIE! KUYA RAPHAEL! SI BLESS!” muli na namang hiyaw ni Annie habang hinihilot na ang sintido n’ya. “Ano hambae it doctor, Annie? Daehon ta eon man si Bless sa hospital? (Translation: Anong sabi ng doctor, Annie? Dadalhin na naman ba natin si Bless ng hospital?)” nag-aalalang sambit ni Badette kay Annie. Hindi naman nagtagal ay nagmamadali na ring tumutungo sina Winnie at Raphael kung nasaan ang anak nila. “Bless! Annie, ano bang nangyari? Anak! Diyos ko po!” bulalas naman ng ina ni Bless habang nagmamadali ng makalapit sa anak na buhat-buhat na ni Austin. Saglit pa nga itong natigilan ng mapansin n’yang si Austin ang may buhat sa anak n’ya. “Ante, kinahangean ta eon nga daehon si Bless sa hospital. Hatawagan eon ni Ante Annie ro doctor nana (Translation: Tita, kailangan na nating dalhin si Bless sa hospital. Nakausap na ni Tita Annie ang doctor ni Bless),” saad ni Austin habang nilalagyan ni Winnie ng pressure ang sikmura ni Bless. “Teka! Tatawag muna ako ng sasakyan, dito muna kayo!” pagmamadali naman ng ama ni Bless. Sinimulan ng pahiran ng kung ano-ano maaanghang na pamahid ni Winnie at Badette si Bless ngunit nanatili itong namumutla. “Mr. Cayabyab, I think it’s better if dalhin na lang natin si Bless sa min, may nurse doon mas mabibigyan siya ng first aid at the same time pwede naming ipasundo na lang ang doctor n’ya,” suhestiyon naman ni Nazarene na agad na nagpabaling kay Austin sa kan’ya upang tapunan ito ng masamang tingin. “Mas mayad pa! Musyon eon kamo! (Translation: Mas mabuti pa nga! Halina kayo!)” nagmamadaling utos ni Winnie. Mabilis na ang naging kilos ng lahat lalo na si Austin na may buhat-buhat kay Bless. Naunang pumasok si Winnie sa likod na upuan ng kotseng dala ni Austin upang maihiga sa kan’yang kandungan ang wala pa ring malay na si Bless. “Let’s go home,” utos ni Austin sa kan’yang driver ng makasakay ito sa shot g*n seat. Habang nasa biyahe ay wala pa ring awat si Winnie na pinapaamoy si Bless ng hawak-hawak n’yang pamahid. Minamasahe n’ya rin ang mga balikat ni Bless at paminsan-minsan na dinidiin ang kan’yang kamao sa sikmura ni Bless. “Ante, ayaw eon it koeba ging tawagan ko eon si lolo ag paadto eon kono ro doctor ni Bless igto (Translation: Tita, huwag ka ng kabahan tinawagan ko na si lolo at papunta na rin daw ang doctor ni Bless doon),” baling ni Austin sa nag-aalalang ina ni Bless. Natagalan sa pagsagot si Winnie at nanatili lamang itong nakatingin kay Bless. “Saeamat pero uwa ako kasayod kung ano ro natabo kinyo kaina pero indi mo kunta pagkalipatan nga bukon it kinanghaeang ni Bless do stress makaron, Austin. Kaya kung pwede eang kunta, ayaw eon it pakita kana (Translation: Salamat pero hindi ko alam kung anong nangyari sa inyo kaya sana huwag mong kalimutan na hindi kailangan ni Bless ng dagdag stress ngayon, Austin. Kaya sana kung pwede lang naman, huwag ka ng magpakita sa kan’ya),” seryosong banta ni Winnie bago tumigil ang sasakyan nila at bumukas ang pinto nito. Agad silang sinalubong ng kan’yang asawa na may kasama ng nurse ay may dala ng hospital bed. Mabilis nilang nailipat si Bless mula sa kandungan ni Winnie patungo sa hospital bed. Itinakbo nila sa loob ng Pharoah’s Mansion si Bless habang sina Annie at Badette na kasama si Nazarene at Austin ay nanatiling nakatayo sa pintuan ng mansiyon. Kapuwa tumango si Badette at Annie sa isa’t isa bago silang dalawang naglakad papasok ng mansiyon. “Austin, masunod eon kami sa sueod (Translation: Austin, susunod lang kami sa loob) / Sir Nazarene, papasok lang kami sa loob,” sabay pang paalam ng dalawa. Hindi na nakasagot pa ang dalawang lalaki ng tuluyan na ngang pumasok si Annie at Badette sa loob ng mansiyon. Naiwan ang dalawa kaya hindi nagtagal ay agad na hinagip ni Austin ang kuwelyo ni Nazarene at galit na galit nitong hinarap ang pinsan. “ARE CRAZY, NAZARENE? WHAT ARE YOU PLANNING! ARE YOU REALLY PLANNING TO MAKE HER BELIEVE IN YOUR LIES?!” nanggalaiti nitong hiyaw. Ngumisi si Nazarene bago nito direkta ring tinignan sa mga mata n’ya si Austin. “Bakit natatakot ka bang malaman n’ya ang mga kasinungalingan mo, Austin? Ikaw? Ano bang ginagawa mo rin doon? What a coincidence,” sarkastikong sagot ni Nazarene na mas lalo pang nagpasiklab sa galit ni Austin. “HOW FAR WILL YOU GO, NAZARENE? STOP BELIEVING THE THINGS YOU THINK IS TRUE BUT IS NOT! f*****g KNOW WHEN TO STOP! I AM THE GUY BLESS KNEW 10 YEARS AGO!” muling bulyaw ni Austin. “How far? Maybe until the day, she’ll finally know everything,” giit ni Nazarene matapos n’yang malakas na tanggalin ang kamay ni Austin sa pagkakahawak nito sa kuwelyo n’ya. “Ikaw nga ba talaga? Kasi sa tingin ko tama ang hinala ko, Austin. Ano kayang mangyayari sa ‘yo kapag nalaman n’yang you deceived her for almost ten years?!” muling hirit ni Nazarene na agad naman nagpabago sa ekspresiyon ni Austin. “Darn it,” bulong ni Austin. “Oh, bakit bigla ka yatang natigilan? Tama ako ‘di ba? PUTANGINA, AUSTIN! ARE YOU NOT ASHAMED OF YOURSELF?! YOU WERE PLAYING SO HARD TO STAND IN THE PLACE OF SOMEONE ELSE?! Hindi ka ba kinakalibutan sa sarili mo?” paggigiit ni Nazarene sa pinsan n’ya. “Ayaw pag-ubosa ang pansensiya, Nazarene. Humipos ka eon! (Translation: Huwag mong ubusin ang pansensiya ko, Nazarene. Tumahimik ka na!)” singhal naman ni Austin pabalik. “Pft. Sino ka ba para patahimikin ako? Nanay ba kita? Tatay? Si lolo ka ba? Syempre, hindi! Kaya huwag kang umasang mananahimik ako, Austin,” tinapik ni Nazarene ang balikat ni Austin. “Humanda ka ng habulin ng mga kasinungalingan mo, pinsan,” huling anang ni Nazarene bago nito iwanan si Austin na nakatayo at gulat na gulat sa harapan ng pintuan ng mansiyon nila. “f**k it, Nazarene! You always ruin my life! f**k you!” pagwawala ni Austin at sunod na pinagsisipa ang mga mababasaging bagay na naabot n’ya. “ARGHHHHHHH!” hiyaw nito bago muling sumakay sa kotse na nakaparada. Agad n’yang hinila palabas ang driver n’yang nakapuwesto pa sa loob at agad na pinaharurut paalis ang kotse n’ya. Nazarene’s POV I was following Austin’s car to leave the place with my eyes. I formed my hands were formed into a fist. I was really damn right. Based on his reactions and actions, my hypothesis about how they had been in a relationship was true. That damn cousin of mine deceived Bless about his identity, and he is that pathetic to go beyond the things he should not cross? He is always acting almighty, acting as if I am always the one who’s at fault, but the truth is, he is. The more I think of it, I understand now why we can’t get along well Putangina n’yang gago siya. “Big brother, anong ginagawa mo rito mag-isa? Bakit ka nasa labas? Nasa loob daw si Bless?” I diverted my gaze to Trevor, who’s holding a stick of cigarette. “You want one?” I didn’t bother to answer him. Instead, I quickly pulled a stick and lit it. “Anong ginagawa ni Bless sa loob? Balita ko kayo raw ni Austin ang nagdala sa kan’ya rito, anong nangyari?” “She fainted.” “ANO!? Bakit? Anong meron?!” “f**k, Trevor! Lower down your voice, hindi ka na bata.” “Sorry naman, big brother! Pero bakit nga? Anong nangyari? Bakit siya nahimatay?” Darn. So f*****g annoying. “You don’t know that she’s suffering from a disease? I don’t think so,” I managed to play along with his tricks before leaving him and entering the house. Tsk. Winnie’s POV Pabalik-balik ako sa paglalakad sa kuwarto kung saan dinala si Bless. Nilagyan na siya ng dextrose ng nurse pero hanggang ngayon wala pa rin siyang malay. “Anong bang nangyari sa inyo, Annie! Badette! Paanong nahimatay si Bless? Ayos pa naman siya bago kayo lumabas na dalawa, Annie, ah!” bulyaw ko na sa kapatid ko at sister-in-law ko. Pareho silang dalawa na naka-upo malapit sa paanan ng kama na kinahihigaan ni Bless habang si Raphael naman ay nasa labas kausap ang chairman. “Hindi ko rin alam, ate! Iniwan ko siya roon na naka-upo kasi nga inaasikaso ko rin ‘yong guests na kakarating lang. Sinundan ko lang itong sila Badette n’ong mapansin kong nagpupumilit si Austin na lapitan si Bless,” mahabang litanya ni Annie kaya matapos n’yang magsalita ay binalingan ko naman ng tingin si Badette. “Kakaabot man lang namon ni Austin igto, nang, si Sir Nazarene ta ro igto ta eagi. Nakatindog eon si Bless habang ginapabalik ko kunta si Austin galing hay napan-uhan ko nga naga pang-eopsi euta si Bless. Naghambae mata imaw nga masueod eon kono imaw kaya gani ging-eapitan mata namon imaw ni Annie ag gingbuytan galing pilang tikang na paeang suminggit ta imaw ag hato naduean ta rayon imaw it alintro (Translation: Kakarating lang din namin ni Austin doon, ate, si Sir Nazarene ‘yong nandoon agad. Nakatayo naman na si Bless habang sinusubukan kong hilahin pabalik si Austin kaso napansin kong namumutla na si Bless. Nagsabi naman siyang papasok na raw siya kaya nga nilapitan agad namin siya ni Annie para alalayan kaso nakailang lakad palang kami ng sumigaw siya at bigla na lang nawalan ng malay),” pagkukuwento naman ni Badette. “So, ibig sabihin si Nazarene ang nakausap n’ya?” “Ate, parang kakarating lang din ni Sir Nazarene doon kanina,” agad na depensa ni Annie kay Marquez. “Bakit nawalan ng malay si Bless? Ayos naman siya kaninang umaga, Annie! Nakita mo naman ‘di ba?” giit ko pa. Sa totoo lang kahit ako hindi ako kumbinsido kanina na maayos siya lalo at parang sa pagkagising n’ya palang ay namumutla na siya. Hindi ko lang talaga matanggap na mas pinagtuonan ko pa ng pansin ang negosyo namin kaysa sa anak ko. “Actually, n’ong iwanan ko siya parang nanghihina na si Bless, ate. Hindi ko lang din talaga nabigyan ng pansin kasi nga inisiip ko ‘yong guests na paparating, malaki kasi ‘yong booking nila kaya hindi ko na naasikaso pa si Bless ng mas maigi. Pasensiya na talaga,” pag-aamin naman ni Annie. Hindi lang pala ko ang nakapansin. Hindi na namin naituloy pa ang pag-uusap naming tatlo ng pumasok na sa loob ng kuwarto ang doctor ni Bless kasama ang nurse, si chairman at ang asawa ko. Agad na nilapitan ng doctor si Bless at tinignan ang dextrose nito at may kung ano-anong tinatanong sa nurse. “She’ll wake up soonest, masyado lang yata siyang na-expose sa labas at napagod. Her results are fine kaya hindi naman n’ya kailangan pang salinan ng dugo, dadagdagan ko na lang ang mga vitamin n’ya and make sure that she’s taking her medicines on time,” bilin ng doctor. “Sige, doc. Salamat po talaga,” sagot ko naman sa doctor ni Bless. Tumango ito bago kasamang umalis ang nurse. “Ate, babalik na lang muna kami ni Badette sa hotel baka kasi kailangan na ako roon,” paalam ni Annie bago sila kapuwa tumayo ni Badette at umalis. “Ihahatid ko na lang muna sila,” pagpapaalam sa kin ng asawa ko bago ito humalik sa noo ko. “Sige, ingat kayo,” sagot ko na lang atsaka nilapitan at hinaplos ang noo ni Bless. “Chairman, salamat po! Una lang po muna kami,” sabi naman ni Annie. “No problem, take care,” sagot naman ng chairman at nagsimulang maglakad upang makalapit kay Bless. Inayos n’ya rin ang mga hiblang nakakalat sa mukha ni Bless bago ako balingan. “Nakausap ko kanina saglit si Raphael, mukhang mas lalong nababaon ang hotel ninyo sa utang, anong plano n’yong gawin?” diretsong wika ni chairman. “Sa totoo lang po, hindi ko rin alam, chairman. Hindi ko po alam kung anong mangyayari sa min kapag nawala pa ang hotel sa min. ‘Yon na lang po ang tanging pinagkukunan namin ng pera. Doon na lang din po kami kumukuha ng ginagastos namin sa pagpapagamot kay Bless,” pag-aamin ko na. Bahala na. “Balita ko marami pa rin namang nagche-check in sa hotel ninyo, ah?” ani ng matanda. “Sa katunayan po, opo, pero hindi po nagiging sapat na pambayad sa utang namin at sa pangtustus sa gamutan ni Bless, hindi naman po namin pwedeng pabayaan lang si Bless, nag-iisang anak lang po namin siya,” naluluha kong daing matapos kong hawakan ang kamay ni Bless at tignan ko ang mukha n’yang nanatiling maputla. “Nakapag-usap na ba kayo tungkol doon sa sinabi ko noong nakaraan? Malaki ang maitutulong kapag pinayagan n’yong makisosyo ako sa inyo, maari ko ring ibigay sa inyo ang ibang guests ng hotels namin. Ako na lang din muna ang magbabayad ng buo sa utang ninyo para sa kin na lang kayo magbayad kahit ilang taon pa ang itagal, ayos lang,” seryosong wika ng chairman na mas lalo pang nagpa-iyak sa kin. “Sa-salamat po talaga, chairman! Hulog po kayo ng langit sa min. Hayaan n’yo po kakausapin ko na po ulit ang asawa ko tungkol dito at sila Annie, maraming salamat po talaga,” aniya ko. “Walang anuman. Huwag na kayong mahihiya sa kin, handa akong tumulong sa inyo lalong lalo na kay Bless, kung hindi dahil sa kan’ya malamang ay wala na ako ngayon sa mundong ito,” anito. “Salamat po talaga, chairman! Salamat po talaga.” Ilang saglit kaming natahimik na dalawa habang pinagmamasdan si Bless kung hindi lang muling nagsalita ang chairman at ipinasok ang nakaraan ng anak ko kasama ang apo n’ya. “Hindi ko lang maintindihan kay Austin bakit hindi n’ya sa kin pinakilala si Bless n’ong sila pa. Eh, ‘di sana mas maaga kong nakilala ang anak n’yo na ‘to, siraulo talaga ‘yang si Austin. Pinakawalan n’ya pa ang anak ninyo,” anito na siyang ikinagulat ko. Ang akala ko ba kaya nga nakipaghiwalay si Austin kay Bless ay dahil ayaw ng lolo n’ya? “Po? Ang alam ni Bless kayo po ang may ayaw na magkaroon ng karelasyon ang mga apo ninyo kaya nga nakipaghiwalay na lang si Austin kay Bless,” sagot ko naman kaso ngumisi ang chairman. “Wala akong sinabing ganoon, sadyang itong si Austin masyadong nilalamon ng pride n’ya. Hindi na nga n’ya minsan nakikita na mga pinsan n’ya pala ang mga taong kasama n’ya at hindi kaaway,” anito. Hindi na ako sumagot pa dahil labas na ako sa issue ng pamilya nila ang importante sa kin ngayon ay maging maayos si Bless. “Dito na lang muna si Bless, Winnie, mas mababantayan siya rito atsaka para mabawasan na muna ang alalahanin ninyo sa hotel, dalaw-dalawin n’yo na lamang muna siya rito o ‘di kaya at dito na muna kayo sa bahay hanggang sa bumalik lang ang lakas n’ya, parang apo na rin ang tingin ko sa anak ninyo kaya ituring n’yo na ring bahay ang bahay naming ito,” pagprepresinta na naman ni Chairman Marquez. Panginoon, maraming salamat sa pagbibigay sa amin ng mga taong makakatulong sa pangangailangan namin lalong lalo na si Chairman Marquez. Ngumiti sa kin si Chairman Marquez bago ito maglakad paalis. “Dito ka muna at may kailangan lang akong asikasuhin,” aniya. “Kaya ‘yan ng anak mo, hindi nating hahayaang matalo siya ng sakit n’yang ‘yan.” Bless’ POV Nakikiramdam ako sa paligid ng muli akong magising. Nakatulugan ko na yata ang pag-iyak lalo at basa pa rin ang mga mata ko. Agad na hinigilap ng mga mata ko si mama pero wala ng ibang tao sa kuwarto at ang lampshade na lang sa tabi ko ang natitirang nagbibigay ng ilaw sa buong kuwarto. Mabuti na rin at wala na rito sina mama. Muli kong naalala ang pag-uusap nina mama at lolo chairman kanina. Naalimpungatan na ako kanina pa sadyag nagkunwari na lang akong tulog hanggang sa makatulugan ko na nga ang tahimik na pagluha. “Naka-usap ko kanina saglit si Raphael, mukhang mas lalong nababaon ang hotel ninyo sa utang, anong plano n’yong gawin?” “Sa totoo lang po, hindi ko rin alam, chairman. Hindi ko po alam kung anong mangyayari sa min kapag nawala pa ang hotel sa min. ‘Yon na lang po ang tanging pinagkukunan namin ng pera. Doon na lang din po kami kumukuha ng ginagastos namin sa pagpapagamot kay Bless.” “Balita ko marami pa rin namang nagche-check in sa hotel ninyo, ah?” “Sa katunayan po, opo, pero hindi po nagiging sapat na pambayad sa utang namin at sa pangtustus sa gamutan ni Bless, hindi naman po namin pwedeng pabayaan lang si Bless, nag-iisang anak lang po namin siya.” “Nakapag-usap na ba kayo tungkol doon sa sinabi ko noong nakaraan? Malaki ang maitutulong kapag pinayagan n’yong makisosyo ako sa inyo, maari ko ring ibigay sa inyo ang ibang guests ng hotels namin. Ako na lang din muna ang magbabayad ng buo sa utang ninyo para sa kin na lang kayo magbayad kahit ilang taon pa ang itagal, ayos lang.” Hindi ko alam na may gan’yan na palang pinagdaanan ang pamilya namin dahil sa sakit ko. Hindi ko naman sila masisi kung talagang ginagawa nila ang lahat para mabuhay ako o mas madugtungan pa ang buhay ko pero hindi ko rin naman nanaisin na mas lalo silang maghirap dahil lang sa kin. Hindi ko alam kung napaka-unfair lang talaga sa kin ng tadhana pero bakit pakiramdam ko kahit ilang beses kaming lumaban mas lalo lang humihina ang katawan ko? Ang sakit isipin na kahit ang sarili ko siya na mismo ang nagsasabi sa king hindi na rin naman ako magtatagal pero ako lang talaga itong in-denial at hindi na lang tanggapin. Inunti-unti kong makabangon hanggang sa makasandal na nga ako sa headboard ng higaan. Mas maayos na ang pakiramdam ko ngayon kaysa kanina. Huminga muna ako ng malalim bago ko sinubukang makatayo, mabuti na lang at hindi ako nahilo o ano, nauuhaw na kasi ako. Bakit ba? Eh, baka kasi naubos na ang tubig ko sa katawan kakaiyak kanina. Dahan-dahan akong naglakad palabas ng kuwarto. Mabuti nalang talaga at maliwanag naman sa labas. ‘Yon nga lang ang tahimik kaya nakakatakot baka mamaya may biglang magpakita sa kin na multo. Nasa first floor lang ang kuwarto kaya medyo madali lang maghagilap ng kusina nila, tutal nakita ko na rin ‘tong kusina nila n’ong party. Tumatawa akong parang timang ng makakita ako ng isang pitsel ng tubig sa ref at agad ko iyong inilabas at nagsalin ng tubig sa baso. Busy akong umiinom ng tubig na halos nakakalahati ko na ang laman ng pitsel ng biglang pumasok si Premo sa kusina na parang kakagising lang dahil ang pupungay pa ng mga mata n’ya. Agad kong binaba ang basong may tubig para sana batiin siya. “Premo, iininom lang sana ako ng tu—“ pero hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng dire-diretso siyang naglakad papunta sa kin at yinakap ako. Oh, my gash! Bakit n’ya ako niyayakap? Hindi kaya nanaginip pa ang isang ‘to? O ‘di kaya baka nagsle-sleep walk? “Saeamat, saeamat dahil kimo uwa ako nawad-an it kabuhi (Translation: Salamat, salamat dahil sa ‘yo hindi ako nawalan ng buhay),” mahina n’yang bulong. Oh, my gash! Confirmed! May sobrang laking lalaki na may pangalang Premo ay nagsle-sleep walk ngayon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD