CHAPTER 20

3680 Words
“AGREE! Marami pa namang mga loko-loko sa daan mas mabuti na sumabay ka na lang kay Nazarene, Bless! At least mapapanatag naman kami nitong si Eves na makakauwi ka ng maayos, kaya sige na!” dugtong na naman ni Mona. Aba talagang may pananakot na? Hindi ko alam kung nanunukso ba ‘tong mga kaibigan ko o ano? At talagang pinagtutulungan pa nila akong ipasakay dito sa lalaking pinagpapantasiyahan ko? Makasalanan! “Ha? Ano kasi hindi ba nakakahiya naman kasi wala sa way n’ya ang bahay namin. Malaking abala ‘yon! Mahal pa naman gasolina ngayon,” pagrarason ko na naman. Hindi talaga ako magpapatalo! Pero siguro nga may mga bagay talagang kahit anong pilit nating maging atin ay hindi talaga pwede, natahimik ako kasi muli na namang tumunog ang phone ko, nag-text na naman siguro si mama. No choice na ba talaga? Oh, my gash, mami! "Miss Savior, you can trust me. Let's go," seryoso n’yang wika habang tinitignan ako na binabasa na ang text ni mama. Kahit siguro siya ay nahulaan ng pinapauwi na nga ako. Oh, eh ‘di, oo na lang! Labag man sa kalooban ko ay sumunod na lang ako sa likod n’yang naglakad palabas ng bahay. Ito namang mga kaibigan ko may panunukso pang nalalaman sa mga mata nila. ‘Yong totoo alam ba nilang crush ko si Nazarene? Bakit parang plinano pa yata nilang dalawa ‘to? Naman, eh! Nahihiya talaga ako! Sinabayan naman kami nina Mona at Eves maglakad palabas nahinto lang talaga kami ng biglang binalikan ako ni Nazarene. Ano na naman? "Give me your backpack, and I will carry it for you," aniya. "Huwag na! Oo! Ayos lang, kaya ko naman," nahihiya kong sagot. Nahihiya na nga akong makikisabay ako sa ‘yo tapos ikaw pa ang papadalhin ko ng backpack ko? Ano ka jowa? "Aish! No, buts! I will carry your backpack, end of conversation," sabi n’ya habang abala ng kinukuha ang strap ng backpack ko sa mga balikat ko at ilipat ‘yon sa balikat n’ya. Ang cute tignan n’ong backpack ko na dala-dala n’ya! Oh, my gash! “Ay! May pagbuhat na ng bag,” bulong ni Mona sa likod na siyang sinamaan ko naman ng titig. "Miss Savior, huwag ka ng mahiya sa kin, isipin mo na lang, I’m doing this for my grandfather," anito bago hawakan ang ulo ko na animo’y bola ng bastkeball. Anong akala sa kin nito? Pero kinilig na naman ako doon, ha! Enebe nemen! Natahimik ako habang sumusunod sa likod n’yang naglalakad hanggang sa marating namin ang kotse n’yang dala. Binuksan n’ya muna ang shot g*n seat para makapasok ako sa loob bago siya umikot at pumasok naman sa driver seat. “Ingat kayo!” humahagikhik na paalam nina Mona at Eves. Tahimik kaming dalawa sa biyahe kaya imbes na mapanis ang laway ko rito ay tumingin na lang ako sa labas. Dumidilim na nga ang kapaligiran at nag-uumpisa na ring lumamig ang hangin, nakakangatog na nga ng kalamnan. Ako na sana, eh. Maitatawid ko na sana ang katahimikan habang nasa biyahe kami ng bigla namang kumontra sa kin ang sarili kong tiyan. Oh, my gash! Kainin na talaga ako ng lupa! Napakagat labi ako ng malakas na tumunog ang pag-aalburuto ng bulkan ko sa loob. Nakakahiyang tiyan, bakit ba kasi ngayon ka pa nagutom? Pwede mo naman hintayin hanggang sa makauwi ako! Mas lalo akong napapikit at napailing ng marinig ko ang mahinang tawa ni Nazarene. " Did you not eat anything? Bakit hindi mo sinabi sa kin? Where do you want to eat?" sunod-sunod n’yang tanong. "Ha? Ano! Huwag mo na akong isipin, sa bahay na lang ako kakain,” sagot ko habang tumatawa pa at iniipit ang tiyan ko gamit ang dalawa kong kamay. "Do you want to eat in a buffet?" sagot n’yang akala mo ay hindi narinig ang sinabi ko. "Buffet - buffet?" Agad kong naalala ang bucket list number two ko, Eat in a buffet! "Oo, bakit? Is there any problem?" pangungusisa n’ya. "Wala! Wala, ah, pinapangarap ko ngang makakain sa buffet, eh,” bulong ko. “Eh ‘di, kumain tayo doon, Miss Savior,” nakangiti niyang saad bago guluhin ang buhok ko. Hindi naman n’ya trip na manggulo ng buhok ng may buhok ano? Mukha ba akong aso? Palagi na lang n’yang pinupuntirya ang buhok ko. Parang aso lang pero ‘yong ngiti n’ya sa tuwing ginagawa n’ya ‘yon lakas makapagpawi ng nerbiyos, ang sweet! Binaling ko sa ibang direksiyon ang atensiyon ko pasimpleng ngumiti na parang timang. Mas lalo ko na lang na siniksik ang sarili ko sa may bintana para lalong maitago ang mga labi kong traidor at kanina pa ngumingiti, ang simple lang pero kilig to the bones na ako? Hindi ‘yan pwede! Makalipas ng ilang minutong biyahe ay naalarma ako ng bigla n’yang kabigin ang manibela papasok ng isang parkling lot. Agad tumambad sa kin ang napakataas na five start hotel na pinaliligiran pa ng napakaliwanag na nga mga bulb, La Marquez Hotel? Agad kong binaling ang mga mata ko kay Nazarene na busy ng tanggalin ang seatbelt n’ya matapos naming huminto. Anong ginagawa namin sa isang hotel? Don’t tell me? Joke! Huwag tayong masyadong advance! “Ah? Nazarene, bakit tayo tumigil dito?” ngunit imbes na sagutin ang tanong ko ginulo na naman n’ya ang buhok atsaka unti-unting inilapit ang katawan n’ya sa katawan ko. Teka naman! Dito? As in sa parking lot? Nanatili akong walang kibo hanggang sa isang pulgada na lang ang pagitan ng mga mukha namin. Ang totoo? Ngumisi siya sa kin bago n’ya tuluyang isara ang espasyaso sa pagitan naming dalawa, hindi na ako nag-inarte pa dahil sarili ko na mismo ang nagpapikit sa mga mata ko, bumuntong hininga ako habang hinihintay ang labi n’yang angkinin ang labi ko. Naghintay nga ako. Pero wala? At bakit naman disappointed pa yata akong hindi n’ya ako hinalikan? Agad kong minulat ang mga mata ko ng marinig ko na naman ang mahina n’yang tawa. Nakita kong wala na pala sa harapan ko ang mukha n’ya nasa may tenga ko na at tinatanggal ang seatbelt ko. Tinatanggal lang pala ang seatbelt ko, eh! Masyado naman akong mapanghusga! Napa-face palm ako sa pinagagawa ko, nagmukha tuloy akong batang umasa sa kiss na wala naman pala! "I may be rumored as a man who gets girls easily and also easily dumped them, but I never take advantage of people whom I see that is deserving of respect. Let's go," wika nito bago ako iwanan sa loob ng kotse at naglakad siya sa palabas matapos ay sumandal na lang sa kotse n’ya’t hinayaan akong makalabas. He respects who are those who deserve his respect. What a line? Pero hindi man lang n’ya makuhang maging gentleman at pagbuksan man lang ako ng pinto? Kakaibang lalaki. "Let's go?" anunsiyo ko habang kinakalma ang puso ko. Huli kong tingin sa oras kanina 4:30 na ng hapon pero kanina pa ‘yon n’ong umalis kami galing sa bahay nila Evelyn. Hindi naman kalayuan itong hotel siguro mga 10 minutes lang naman mula rito ay makakarating na ako sa bahay. Sana naman maka-uwi kami bago mag-alas sais ng gabi, no to ikakagalit ni mama. Mahirap na mapagalitan baka hindi na ako makaulit pang gumala. "Hey? Hanggang kailan ka tatayo na lang d’yan? I thought you were in a hurry?" hiyaw sa kin ni Nazarene, hindi ko rin napansin na nakatayo lang pala ako sa harapan ng kotse. Sorry naman, ito lang ako! Pero teka! Bakit biglang uminit ang ulo n’ya? Ayo naman siya kanina, ah? "Oww! Sorry naman, tao lang! Le-let's go!" sabi ko namang nakangiti na nagpailing naman sa kan’yang ulo. Tumalikod na siya sa kin at nagsimulang maglakad papasok ng hotel, hindi na ako nabigla n’ong sinalubong siya ng mga crew, sa malamang sa kanila ‘to, eh, takot lang nilang masisanti. Behave na tayo, self! Hindi na natin afford ng another kalutangan! Tahimik akong sumunod sa likod n’ya papasok at ikinamangha ko na naman ang kakaibang desinyo ng lugar. Ang galing talaga ng architectural designs ng mga building na pagmamay-ari ng mga Marquez! Akala ko bahay lang nila pero kahit itong hotel parang mga design na makikita mo lang sa ibang bansa. Lolo chairman, sakalam! "Miss Savior? Where do you want to sit?" dinig kong boses ni Nazarene pero hindi ko siya pinansin at nanatili lang na iniikot ang mga mata ko sa kabuoan ng hotel. Kahit saan naman pwede, eh. Pare-pareho lang namang mga upuan ‘yan. "Winona," pagtatawag n’ya ulit. Hindi na nga ako nakapalag pa at tinawag na n’ya ako sa first name ko. Agad akong napatingin sa kan’ya, sa lahat ng taong nakakilala sa kin siya ang pangalawang taong tumawag sa kin sa pangalan kong ‘yan. Winona! Winona, gising! Dinig kong boses ng batang nagligtas sakin matagal na panahon na. Bakit ko biglang naalala ang memoryang ‘yon? Hindi siya ang batang ‘yon, si Austin. "Ha? Ah? Ano nga ‘yon? Ako pala kinakausap mo." "Malamang, may kasama pa ba akong iba rito? Where the f**k do you want to sit?" irritable na naman n’yang bulyaw. "Kahit saan lang, ikaw ng bahala," casual kong sagot. Hindi na n’ya ako muling tinanong o tinignan pa sa halip ay ang crew ng sumunod sa min ang binalingan n’ya. Nagsimula siyang kausapin ‘yong lalaki at nagtuturo ng lamesa. Naglakad siya patungo sa lamesang nasa may gitna kaya sinundan ko lang siya. Ang daming mga mata na ang nakatingin sa kan’ya, halata talagang center of attraction, wala, eh, guwapo ko ay este n’ya pala. Talagang sa gitna ang pinili n’ya, ha? Papansin ang peg. Agad akong pinaghila ng upuan n’ong crew kaya agad akong ngumiti sa kan’ya at agad na inilagay sa lap ko ang table napkin habang itong kasama ko chill na chill lang habang pinapabayaan ang crew pa mismo ang maglagay ng napkin sa lap n’ya. Tamad! Tutulungan din sana ako n’ong isa pang crew n’ong ako na mismo ang humindi dahil kaya ko naman. Parang ‘yon lang? Hindi ako tulad nitong kasama kong ubod ng tamad. Hindi naman sa minamasa ko siya pero parang ganoon na rin ‘yon, spoiled brat talaga. Imbes na siya na gumawa binigyan n’ya pa ng extra trabaho ‘yong crew. Hindi naman nagtagal ng ibigay sa min ng dalawang crew ang dalawang menu, pati menu nila sosyalin. Halata mo talagang mamahalin ang ginamit na papel. Feeling mayaman ako n’ong buksan ko ang menu pero agad nanlaki ang mga mata ko ng makita kong ang daming zeros ang nakadikit sa price ng mga pagkain nila. Oh, my gash! Anong baboy nila kumakain ng gold? "Give me lobster, stuffed rigatoni, carrot purée, and corn sabayon," agad na utos ni Nazarene, agad hinagilap ng mga mata ko ang pinagbabanggit n’ya. Ang mahal naman! "How about you, madam?" agad na baling sa kin ng waiter kaya nag-panic ako na maghanap ng mura. Bakit walang mura? Ang mamahal nitong lahat! Wala akong extra na pera! "She will be availing your buffet promo," sagot ni Nazarene habang nakatingin sa kin. "Okay, noted, young master. Madam, one of our crews will be assisting you in our buffet corner. I hope you'll enjoy your stay! Happy to serve you! Enjoy and savor, La Marquez!" anang pa n’ong crew bago yumuko at umalis sa harapan namin. “Ganoon ba sila sa lahat ng guests dito? Hindi ba sila napapagod?” bulong ko kay Nazarene, ngumiti siya pero agad n’ya ‘yong tinabunan ng kamao n’ya at nagkunwaring tumikham. Hmph! Inirapan ko tuloy siya. Tama nga ang sabi n’ong crew kanina na sa tingin ko hindi lang basta crew dahil parang iba ang uniform na suot n’ya kung i-compare sa suot ng mga crew dito. Matapos nga n’yang umalis may waiter agad na lumapit sa kin para samahan ako papunta sa buffet corner nila. Literal na nag-make it drop ang mga mata ko ng makita ko kung gaano kasasarap at karami ang mga nakahandang pagkain sa buffet corner nila! Agad akong naglagay ng alimango, kanin, garlic bread, carbonara, chicken gordon blue, lobsters, mango pie at cupcakes sa iba’t ibang plato at inilagay ‘yon sa tray na bitbit n’ong waiter na sumama sa kin. Ngayon na-appreciate ko na bakit kailangang may nag-aassist na waiter. Parang gusto kong kunin lahat ng pagkain na nandito. Grabi! Heaven na yata ‘to! Sigurado akong papagalitan ako ng pamilya ko nito kapag nalaman nila ang pinagkakain ko rito. Lord, sorry po talaga pero sana pwedeng ibalato n’yo na po ‘to sa kin. Muli akong in-escort n’ong waiter pabalik sa mesa namin. Masayang-masaya akong umupo sa upuan ko kanina at ibalik ang table cloth sa lap ko at agad na ilantakan ang mga pagkain matapos kong ibulong ang prayers ko. "Oh, my gash! Ang sarap nito! Thank you, Nazarene!" masayang-masaya kong turan lalo na n’ong sinumulan kong kainin ang kinuha kong mango pie. Ang sarap! Hindi ko na napigilang hindi tumayo ay tunguhin si Nazarene para yakapin siya, good thing hinayaan naman n’yang mayakap ko siya. Nanatili muna akong ganoon habang malapad ang ngiti. At least kahit ganito nakasama ko ng kunting panahon ang taong crush na crush ko tapos nagawa ko pa ang bucket list ko! Oh, ‘di ba! Hitting two birds with one stone! Tumikham na naman siya kaya agad akong lumayo at bumitaw sa pagkakayakap ko sa kan’ya. Pinanatili ko ang ngiti ko habang naglalakad pabalik ng upuan ko at muling kumain. Nakangiti ako habang kinakain ang mga kinuha ko. “Nakaka-miss kumain ng ganito kasasarap na mga pagkain! Kain ka na rin, Nazarene!” Gosh! Enjoy na enjoy kong nilalantakan ang mga pagkain na matagal ko ng matikman ulit. Pero tig-isa lang kinuha ko kasi ayaw ko namang kakaalis ko na nga lang ng hospital ay babalik na naman ako. Pagod na akong humiga ng humiga sa hospital bed! Nahagip ng mga mata ko ang digital clock na meron ang hotel at 5:30 na raw kaya agad kong pinunasan ang kamay ko ng tissue at kinuha ang phone ko para mag-text kay mama. Mama, kumakain lang po ako ng dinner kasama ng isang Marquez ngayon. Masaya po ako kasi nasa bucket list ko rin ‘to. Hehe. Huwag po kayong mag-alala hindi naman po ako kumain ng marami atsaka uuwi na rin po kami. I love you po! Agad namang nag-sent ‘yong message kaya muli kong ibinalik ko sa bulsa ko ang phone ko. "Do you still love Austin?" pabigla-bigla n’yang tanong habang sosyal na sosyal na kinakain ang pagkain na nakahanda sa harapan n’ya. Biglang ganoon ang tanong? Wala bang deal or no deal? Or kaya call a friend? “Ha? Anong ibig mong sabihin?” "Do I really need to rephrase my statement, Miss Savior?" nakangisi n’yang sagot habang maingat na kinuha ang wine na nasa tabi n’ya at ininom iyon. Nilunok ko muna ang kinakain ko bago sumagot. Sabi nga ni mama, don’t talk when your mouth is full! Bad ‘yon. “Maayos naman ang naging relasyon namin dati, wala namang dapat pagsisihan, ‘yon nga lang siguro minahal namin ang isa’t isa sa hindi tamang panahon na kahit anong gawin namin, eh, hindi talaga pwede. Ngayon naman, palangga ko imaw pero bilang barkada lang hasta lang kato run (Translation: Mahal ko pa rin naman siya hanggang ngayon pero bilang kaibigan na lang at hanggang doon na lang ‘yon)," pagpapaliwanag ko. Aba pinsan n’ya pa rin ‘yon kaya baka i-back stab ako nito! Tumango-tango siya habang pormal na pormal na hinahati ang ‘yong baboy na nasa plato n’ya. Meron talaga siyang awra na parang mahihirapan kang intindihin o basahin ang iniisip n’ya sa mga oras na ito kaya mas lalo mong gugustuhin na alamin. ‘Yong ganoon. Tinitignan ko siya habang kumakain. Napatigil talaga ako sa pagkain ko. "What are you looking at?" asik n’ya sa kin. "Wala naman, tinitignan lang kita. May awra ka kasing napakamisteryoso na parang gugustuhin ng kausap mong basahin ang iniisip mo, ganoon, don’t get me wrong, hindi ako tsismosa!” depensa ko naman sarili ko. “Alam mo hindi ko alam kung weird ka ba talaga o sadyang straight forward ka lang ba magsalita kaya hindi ka nahihiyang sabihin ang iniisip mo d’yan sa utak mo but you’re cute. Tapos ka na ba?" itinaas n’ya ang kamay n’ya sabaytingin sa relo n’ya. Mami, you’re cute raw! "It's already five-thirty. Maybe your mom will be worried. Let's get going," anito. "Sige! Mas mabuti pa nga atsaka busog na busog na rin ako. Salamat dito pero hindi ko na titigilan ang pagiging madaldal ko, sino bang magbabayad nito?" concern kung saad habang kunwari kumukuha ng wallet. Para may ambag naman ako! Napatawa na naman siya. Anong akala n’ya sa kin? Clown? "Consider it done, Miss Savior. Don't worry about it. I will be paying, and this is on me," anas n’ya. Mabuti naman wala rin namang akong pambayad! "Talaga ba? Hindi ba nakakahiya naman sa ‘yo? Nakikain na nga ako tapos wala pa akong ambag? Baka sabihin mo pang nagti-take advantage ako sa kayamanan mo, ha? Hindi ako ganoon!” dire-diretso kong saad. "Nope. Don't mind it, let's go," aya n’ya. Eh, ‘di let’s go! Nazarene's Point of View Everything I see is beauty, genuineness, positivity, and happiness despite difficulties. I can help but smile when I try to think about her. She really is a living motivation and inspiration to others who are also suffering from their own life battle. I was busy driving the car while looking straight at the road and looking back to her, who was now enjoying herself in the scenery we were passing thru. How I wish she would live longer. At sana hindi siya ang hinahanap ko, sana. Bless' Point of View Tatlong araw na rin ang nakalipas simula n’ong dumalaw ako at ihatid ako ni Nazarene pauwi. Balik na naman ako sa boring kong buhay habang nakakulong sa napakalinis at napaka-healthy kong pamumuhay. “Dikara ka eang, Bless? (Translation: Dito ka na lang ba, Bless?)” tanong sa kin ni Tita Annie matapos n’ya akong samahan na maka-upo sa isang bench na malapit sa dalampasigan at hindi rin ganoon kalayo sa hotel. “Opo, tita, bumalik na po kayo sa loob, ayos na po ako rito,” ani ko naman. “Sigurado ba, ha? Tawga ako kung may nabatyagan ka nga masakit. Iya malang ako! (Translation: Tawagin mo na lang ako kung may naramdaman kang masakit. Dito lang ako!)” sagot naman n’ya habang naglalakad na papasok ng hotel. Busy kasi sila nina mama at papa ang dami kasing nagsidatingan na mga turista rito ngayon. Lumipas siguro ang kalahating oras ng makaramdam ako ng panghihina. Tumayo ako sa pagkaka-upo at hindi na nga ako nabigla ng biglang umikot ang paningin ko. Mukhang hindi na naman ‘to maganda, aniya ko sa sarili ko. Hindi na kasi maganda ang gising ko simula kanina pang umaga. Kaya nga ako lumabas para sana magpaaraw pero mukhang iba na naman ‘to. “Miss Savior, ikaw pala.” Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at si Nazarene nga. Anong ginawa n’ya rito? Bakit ngayon pa? Nginitian ko na lang siya at nagsimula ng maglakad pabalik. Kailangan kong makabalik sa loob ng hotel. (Flashback) Si Nazarene ang unang lumabas ng kotse kaya agad akong nagkusa na bumaba na rin. Nasa harapan na kasi kami ng hotel namin. Guwapo-guwapo n’yang tinaggal ang suot n’yang sunglass at tumayo sa tabi ko ng makita n’yang nagmamadali ng lumabas sina mama, papa at tita para salubungin kami. "Bless! Pamangks!" bulalas ni tita habang si mama naman ay seryoso ng nakatingin sa kin. Sabi ko nga, galit. "Ay, hala! Sir Nazarene! Iya kating gali! (Translation: Nandito ka pala!)" bulalas na naman ni tita. "Ah, mama---" salita ko na sana ng mabilis na sumagot si Nazarene kaya napatingin ako sa kan’ya. "Hello, madam, Madame Cayabyab, sir? Good Evening. I am hoping for your understanding. Winona should be commuting as her friend, and Mona will be staying overnight at the Steeleman's house, so I insist to brought her home as we also have gratitude for looking on for her. I was hungry, so I decided to eat with her in our hotel. I am sorry for that. Winona has nothing to do with that, and it is all on me. I'm sorry if she got home late," diretso n’yang saad. Hindi ko in-expect na sasaluhin n’ya ako. (End of Flashback) “Austin, hambae ko kimo indi eon makon imaw pag-agtuni! (Translation: Austin, sabi ko naman sa ‘yo huwag mo na s’yang puntahan!)” dinig kong boses ni Tita Badette habang hinihila si Austin pabalik. Anong nangyayari at nandito ang mga ‘to? “Badette! Naku naman!” habol naman ni Tita Annie sa likod pero agad n’yang nakita na nakatayo na ako. “Oh, Bless? Ayos ka lang ba?” agad na salubong sa kin ni Tita Annie kaya tumango lang ako habang hawak-hawak na ang tiyan ko. “What the hell are you doing here, Nazarene!?” singhal ni Austin ng makita n’ya si Nazarene na nasa likod ko. Pero hindi ko na ‘yon pinansin pa dahil nagsisimula ng mandilim ang paningin ko. “You know why, Austin,” sagot naman ni Nazarene sa likod. “Tita, papasok po muna ako,” nakuha ko pang sabihin na hindi man lang pinapansin ang magpinsan. “Badette, naman kasi!” agad naman na puna ni Tita Annie kay Tita Badette. “Bless, sorry!” nag-aalalang saad ni Tita Badette. “Wala po ‘yon, tita,” ani ko naman. Pareho ng lumapit sa kin si Tita Badette at si Tita Annie para alalayan ako. Nakalagpas na kami sa nakatayong si Austin ng sabay pa silang magsalita. “Winona, we need to talk. / Bless, kinahangean ta mag-istorya. (Translation: Bless, kailangan nating mag-usap.)” Pero hindi na ako nakasagot pa dahil agad akong nakaramdam ng matinding sakit sa mga buto ko sa paa. “Ahhhh!” daing ko pa bago nagdilim lahat sa paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD