CHAPTER 19

3703 Words
"NAZARENE," mahina kong pagtatawag sa pangalan n’ya. Mabuti na nga lang at nagkapagsalita pa ako n’ong ma-realize kong siya pala ang humablot sa kin palayo sa gitna ng kalsada. Tinignan n’ya lang ako at hindi na nagsalita bago ibaling ang titig n’ya sa ibang direksiyon. Seryosong-seryoso ang mukha n’ya habang tinignan ang kabuoan ko kung may nabali na ba sa kin o ano at sunod n’yang tinignan ang distansiya naming dalawa sa kalsada lalo at sunod-sunod na ang pagdaan ng mga kotse sa mga oras na ‘yon, magtatakipsilim na rin kasi. Nabigla na naman ako ng muli n’ya akong hinalihin palapit sa katawan n’ya at baliktarin ang puwesto naming dalawa, kung kanina ako ang nakatalikod sa kalsada at siya ang nakatalikod sa bahay nila Evelyn, ngayon ako na ang nakatalikod sa bahay nila Evelyn at siya na ang mas malapit sa kalsada. Aaaminin ko, na-mesmerize ako habang tinitignan ang facial features ng lalaking ito. Na nanatili siyang seryoso pa rin habang naka-wrap ang kamay n’ya sa bewang ko. Ang pagitan na lang naming dalawa ay ang dalawa kong kamay na naka-flex para hindi masyadong maglapit ang hinaharap ko sa dibdib n’ya, para na kaming magkayakap ngayon. Sana kaya pa namin. Naubos na ang sunod-sunod na pagdaan ng sasakyan kaya binalingan na n’ya ako at direktang tignan sa mata. Oh, my gash! Ang puso ko! "Are you okay? Are you hurt?" concern n’yang tanong sa kin. Naglalakbay na ngayon ang mga mata ko sa kabuoan ng mukha n’ya, ang haba pala ng pilikmata ng lalaking ‘to. "Ah? O-oo, thank you," nakangiti kong tugon bago ko sinubukang makawala sa pagkakapulupot ng kamay n’ya sa bewang ko ngunit ang ikinabigla ko ay mas lalo n’yang ginamit ang lakas n’ya para mas lalo pa akong ilapit sa kan’ya. “A-anong ginagawa mo!?” pilit kong reklamo ngunit parang hindi n’ya ako naririnig at unti-unti na nga n’yang inilalapit ang mukha n’ya sa mukha ko. What to do? Anong gagawin ko? Pipikit na ba ako? Ito na ba ang timing para pumikit ang babaeng hahalikan? “BLESS! ANO BANG INIISIP MO! SIRAULO KA BA? BUMALIK NA KAYO RITO!” rinig naming hiyaw ni Mona na nakabalik na pala sa silong kasama si Evelyn, lalo na kasing lumakas ang pagbagsak ng ulan. Bumaling ako ng tingin sa mga kaibigan ko bago ko ibinalik ang tingin ko kay Nazarene. Lumabas ang ngipin n’yang naka-brace pa ng gray na siyang mas lalong nagpatingkad sa kaguwapuhan n’ya. Bigla itong ngumisi at umiiling pa pagkatapos. “May kailangan lang sana akong siguraduhin pero mukhang hindi pa ito ang oras,” makuhulugan n’yang banggit bago tuluyang bumitaw sa pagkakapulupot ng kamay n’ya sa bewang ko. “Ha-ha?” "That’s good to hear if you are fine. Next time time kasi huwag masyadong excited o ‘di kaya masyadong magsaya. Try to imagine what will happen to you if I'm not here? Gusto mo yatang madaliin ang buhay mo," aniya bago lumayo sa kin ng kunti. Inayos n’ya ang polo shirt n’yang halos basang-basa na ng ulan, sunod n’yang ginulo ang buhok n’ya featuring pa kung gaano kabagay at kaganda ang jawline na meron siya. Mas lalo pa ngang dumagdag sa appeal n’ya ang suot n’yang silver na relo. Hindi tuloy ako nakagalaw sa kinatatayuan ko kahit damang-dama ko na kung gaano ako kabasang sisiw dito. Tinitignan ko lang siya. Nagpatuloy lang ako sa pagtingin sa kan’ya the whole time. Bakit naman kasi ang guwapo n’ya?! Kasalanan ko ba kapag sinabi kong ang hirap kunin ng mga mata ko habang nakatitig sa guwapo n’yang mukha? Kung kasalanan, willing akong magpakulong. "Hoy, Bless! Ano pa ing ginatindog ina! Musyon eon iya sa sueod! Kabaskog eon do uean magmasakit ka pa! (Translation: Ano pa ang tinatayo mo diyan! Halikana rito sa loob! Ang lakas na ng ulan baka magkasakit ka pa!)" hiyaw na naman ni Mona na siyang nagpabalik sa kin sa senses ko. Agad ko silang tinignan na dalawa ni Eves na nakatayo na sa pintuan ng bahay nila Evelyn habang may towel sa balikat at may hawak-hawak pang extra na towel. "Bless! Come on na here!" segunda naman ni Evelyn. Tumango naman ako sa kanilang dalawa at nag-umpisa na ngang maglakad pabalik ng bahay. Pagkarating ko nga sa pintuan ay agad akong sinalubong ni Mona at Evelyn sabay lagay sa katawan ko ng towel at inakay pa ako papasok ng banyo. Ngayon ko lang naramdaman ang lamig sa buo kong katawan, agad kong r-in-ub ang nanatiling mainit kong palad sa magkabila kong balikat. Brrrr. Lamig! Si Evelyn na mismo ang kumuha sa dala kong backpack at binigay sa kin ‘yon ng makapasok na ako ng banyo, mabuti nga at may nakahanda agad na tubig sa bathtub medyo umuusok pa. "We will be waiting for you outside na lang, Bless. They prepared hot tea para you make feel init doon sa bathroom," ani ni Evelyn bago tuluyang isara ang pinto. Matapos maisara ni Evelyn ang pinto ay agad akong lumusong sa bathtub na may saktong init at lamig pang tubig. Napapikit ako sa warmth na hatid sa kin nitong tubig. “Sarap naman!” aniya ko. Mas lalo akong napa-gigle ng bumalik sa alala ko ang mgagandang features ni Nazarene. Itong utak ko, makasalanan! Grabi! Inaakit ako habang binabalik sa isip ko kung gaano ka-fit ang muscles ni Nazarene at paano ang paghagod n’ya sa basa n’yang buhok with matching silver na relo. Parang nag-aadvertise lang ng isang shampoo product! Oh, my gash! Bakit para siyang living comic character? Perfect na nga ang looks, fit na fit pa at medyo desente pa! Saan ka pa? Ulalaaaaaaam! Pero bago pa ako abutan ng sampung taon dito sa bathtub ay agad kong iniling ang ulo ko para mawala sa isipan ko si Nazarene. Naku! Oh, temtasiyon, layuan mo ako! Monalisa's Point of View Kumakain kaming dalawa ni Evelyn ng kakaluto lang na nachos ng lumabas si Nazarene galing sa banyo suot-suot na ang bagong polo pero wet at messy pa rin ang buhok n’ya. Ay, teka! May pa-messy look si Marquez! Sayod n’yo? Gwapo man da, eh! Actually, imaw pinakagwapo kanda galing syempre mas bet ko si Alas! (Translation: Alam n’yo? Guwapo ron rin ‘to, eh! Actually, siya ang pinakaguwapo sa kanila ‘yon nga lang syempre mas bet ko si Alas!) "Nazarene! Makaon ta! (Translation: Kain tayo!)" Evelyn invited him to join us, and he did. Agad siyang umupo sa bakanteng high chair at nagsimula ng kumuha ng nachos sa lalagyan paired with his coke in can. Feeling at home agad! "Did you see the files I brought for your family's business? I was hoping you could send me your parents' reply in two days. I need it as soon as possible," pagkaka-usap n’ya kay Evelyn na hindi man lang makuhang tignan kami. Wala man lang please? Parang nang-uutos lang siya sa nakakabata n’yang kapatid kung makipag-usap. "Hmm? Yes, I'll talk to them immediately, don't worry na. When will you be taking over your grandfather's company ba? It seems nagmamadali ka," sagot naman ni Evelyn. Tahimik lang akong pinapanood silang dalawang nag-uusap, ang importante masarap ‘tong kinakain kong nachos! "Tomorrow," casual n’ya lang na sagot. Wala man lang kaene-energy! Hindi ba siya kinakabahan? Marquez Empire kaya ang pinag-uusapan nila? Hindi ‘yon madali ha! Anong inaakala n’ya? "Hinaga euta? Like, kamo tanan? (Translation: Bukas na? Like, lahat kayo?)" singhal ni Evelyn. Anong nangyayari sa babaeng ‘to at gumagamit ng akeanon habang kausap si Nazarene? Close ba sila? Akala ko crush n’ya lang ‘to n’ong una? "Yes. I think so? Ewan ko sa matandang ‘yan, he is so tenacious," sagot n’ya habang kumakain na n’ong nachos at nagscro-scroll sa phone n’ya. Iba rin talaga nag confidence ng lalaking ‘to. Hope all! Nagsimula na silang mag-usap ng kung ano-ano na hindi ko naman alam mabuti na lang at naramdaman kong nag-vibrate ang phone kong nasa tabi ko lang. Agad akong napangiti ng makita kong si Alas pala ang nag-chat sa kin. Ano ba naman ‘yan, Alas! Na-miss mo naman ang kagandahan ko! After 5 hours he did replied! At least ‘di ba? Nag-reply, malay mo ganoon lang talaga siya ka-busy o ‘di kaya nakatulog kaya ngayon lang nagkapag-reply, ang importante nag-reply na! It is now or never! Agad kong binibit ang isang bowl na may nachos at dinala ‘yon sa bar counter nila Evelyn, nag-excuse ako sa kanilang dalawa bago ako lumipat ng lugar at nag-type ng reply ko kay Alas. Abot langit yata ang ngiti ko ng magsimula na akong mag-isip ng ire-reply. "Day, kalma basi magisi ing nguso. Ayaw man it pahalata masyado nga si Alas ing ka-chat (Translation: Day, kalma baka naman mapunit na ‘yang nguso mo. Huwag mo naman masyado ipahalatang si Alas ‘yang ka-chat mo)," panunukso sa kin ni Evelyn na siyang inirapan ko naman. Nagscro-scroll na ulit siya ng phone n’ya habang pinapangalandakan ang bago n’yang pedicure na mga daliri. Bruha talaga, hindi ko alam bakit ko ‘to naging kaibigan. Sarap i-congratulate ng sarili ko kasi natagalan ko ang kaartehan nitong si Eves. "Whatever, Eves, pag-inggit pikit!" tukso ko rin sa kan’ya pabalik bago ko ihagis ssa kan’ya ang tissue na pinunas ko sa daliri kong natapuno na ng cheese powder. "Ewww! Your so gross talaga, Mona! Gosh! You are really that person who litters everywhere! Super duper tamad!" sabi n’ya habang nagsimula ng magtatawa sa sofa. Sanay na sa kin ‘yan. Sa tagal ba naming magkakaibigan nina Bless, ewan ko lang. "Gaga!" Natigil lang kaming dalawa sa pag-aasaran ng lumabas na si Bless galing sa banyo. Ang tagal naman yata n’ya sa loob? Uuwi pa ‘to ng alas sais, ah? Siya nga pala, anong oras na ba? "Pst! Anong oras na ba?" pagtatanong ko kay Evelyn. "Are you f*****g idiot ba, Mona? Why are you asking me? You have a phone naman and watch so meaning you can answer naman your question, why ask me pa?" ayan na naman po ang bitchesang pag-uugali nitong si Evelyn. Thou may point naman siya, sadyang tamad lang talaga ako tumingin ng oras. "Whatever, Eves, daming sagot," reklamo ko na lang. "Ma? Oo, mauli eon ako, wait lang gid (Translation: Ma? Oo, uuwi na ako, wait lang talaga)," dinig naming boses ni Bless habang kausap sa phone ang mama n’ya, agad n’yang inilibot ang mga mata n’ya sa bahay at tumigil ‘yon noong makita na n’ya kaming dalawa. "Saka anay ako (Translation: Aakyat muna ako),” aniya sa min ni Eves. Tumango lang kami sa kan’ya habang tinitignan namin siya na umaakyat na nga pataas. “Ma? Oo, dali eang gid ayuson ko anay ang gamit sa kuwarto ni Eves (Translation: Ma? Oo, sandali lang talaga aayusin ko muna ang mga gamit ko sa kuwarto ni Eves)," iyon na ang huling dinig namin mula kay Bless. Mukhang nakapasok na nga siya sa kuwarto kung saan namin iniwan ang mga gamit namin kanina. Well, naiintindihan ko naman kung bakit ganoon na lang kung i-check si Bless ng mga magulang n’ya. Hindi naman sila gan’yan ka-strict sa kan’ya dati sadyang nag-iba na ang sitwasyon ni Bless ngayon. Gusto lang naman nilang mas bigyan pa si Bless ng mas mahaba pang buhay, lahat naman kaming nagmamahal sa kan’ya, gusto pa siyang bigyan ng mas mahaba pang buhay. She deserves it afterall, ilang taon na rin siyang nakikipaglaban ng sobra-sobra kaya higit sa lahat deserve n’ya talagang mas mabuhay pa ng mas mahaba. Bless' Point of View Halos takbuhin ko na ang mahabang hagdan ng bahay nila Evelyn para lang maayos na ang mga gamit kong nasa kuwarto pa ni Eves. Napasarap yata ako sa pag-stay doon sa bathtub hindi ko na tuloy namalayan na anong oras na. Uuwi pa naman ako ng 6, naku talaga! Agad akong pumasok sa kuwarto ni Eves ng mabuksan ko iyon, ni-lock ko ang pinto mula sa loob habang hawak-hawak ko ang phone ko sa kanan kong kamay. "Ma, patyon ko eon anay do tawag, mauli eon man ako. Ayaw eon kamo it pakoeba (Translation: Ma, papatayin ko na muna itong tawag, uuwi na rin naman ako. Huwag na kayong kabahan pa)," kalmado kong tugon mula sa kabilang linya. "Oh, sige, magdahan ka, Bless, ha? Palangga ka namon! (Translation: Oh, sige, mag-ingat ka, Bless, ha? Mahal ka namin!)" malumanay namang sagot ni mama. Hulaan ko nakangiti na ‘to. "I love you too rin po, ma! Lahat po kayo!" ng tuluyan ko na ngang ma-end ang call ay nagsimula na akong ayusin ang mga gamit kong nakakalat pa sa kama ni Eves. Noong mailagay ko na ang mga damit kong pinagpalitan sa loob at umayos na ako ng upo sa paanan ng kama ni Eves. Habang abala akong mas in-organize ang mga gamit ko ay doon ko naman napansin na may isang bagay akong nawawala. Alam kong nasa bag ko ‘yon kanina! Hala ka? Saan ko nga ba nailagay ‘yon? Bakit wala rito? Nagsimula na akong ikutin ang kuwarto at sinubukang hanapin ang diary ko! Hindi ko pwedeng maiwala ‘yon! Lahat ng secrets ko nandoon! Pati bucket list ko nandoon! Oh, my gash! Bless! Mag-isip ka! Isip! Saan mo ‘yon huling pinatong? Saan? Kung saan pa naman ako nagmamadali doon pa mawawala. Nakaramdam na akong ng kunting pagkahilo sa kaka-ikot ko kaya agad akong umupong muli at mas lalong nag-isip. Inaalala ko talaga ang huling oras kung kailan ko tinitignan at hawak-hawak ang backpack ko, na-misplace ko ba ang diary ko? Pero hindi ko kasi iyon inilabas mula sa backpack ko kaya napaka-impossible na mailagay ko ‘yon sa ibang lugar. Oh, my gash pancit! Hindi ko talaga maalala! Wala talaga akong matandaan! Napahilamos ako sa sarili ko ng simula ng kumabog ang dibdib ko! Nakakahiya kapag nakita ‘yon ng iba! Paiyak na ako ng maalala kong bumaba at itanong kay Evelyn ang tungkol sa hinahanap ko. Baka nakita nila ‘yon kanina. Gosh! Gosh! Gosh! Ang aking mga secret! Ang bucket list! Gosh! Hindi ko pwedeng maiwala ‘yon! Kung ano-ano na ang pinagbubulong ko habang pababa ako ng hagdan. Agad naman akong in-approach nina Eves at Mona. "Hey! Ayos ka lang ba? Anong nararamdaman mo? Bakit namumutla ka?" agad na tanong ni Mona sa kin. "Bless, you make sit down here muna. May tao ba diyan? Please, give Bless nga a glass of water!" utos naman ni Evelyn habang inaalalayan na nga nila akong makaupo. "Kalma! Ayos lang ako, ayos lang talaga ako, promise! Huwag na kayong mag-alala sa kin,” paninigurado ko sa kanilang dalawa. "Is that so ba? Then ,why do you look bothered ba?" si Evelyn na naman ang nagsalita. "Nakakita ba kayo ng maliit na notebook kanina, Eves? N’ong nag-aayos ako ng mga gamit ko sa taas kanina?" kabado kong tanong. "Huh? The what?" takha tanong ni Evelyn. "Maliit na notebook, Eves. Maliit na notebook, napansin n’yo ba ‘yon kanina? O nakita n’yo ba na hawak-hawak ko at kung saan ko nailagay?” pagpa-panic ko na. Ang concern ko lang talaga ngayon ay ang diary kong nawawala at isama mo pa ang oras na kanina pa takbo ng takbo, kailangan ko ng umuwi! Anong oras na! Ano ba ‘yan! "Notebook? Meron ka bang dala n’on? Hindi ko naman napansin na inilabas mo ‘yon o hinawakan kanina, ano bang itsura?" ani naman ni Mona. “Talaga ba? Tulungan n’yo nga akong alalahanin, sigurado kasi akong nasa backpack ko lang ‘yon,” aniya ko. "Wala talaga, Bless. Nag-uusap lang tayo kanina at lahat-lahat, hindi ko talaga napansin na may inilabas kang maliit na notebook galing sa backpack mo. Ano ba kasi ‘yon? Hindi ka pa ba uuwi? Anong oras na!” saad ni Mona. "Di-diary ko ‘yon, Mona. Diary ko ‘yon,” mahina kong banggit. "Diary? Why the hell are you carrying such a thing outside your residence?" Why are you asking me? asik ni Nazarene. Nandito pa pala ‘to? Ang harsh naman! Ako na nga ang nawalan ako pa ang mali? Eh, hindi ko nga alam! Kasalanan ko bang bigla-bigla na lang ‘yon nawawala? "It is none of your business. Atsaka bakit hindi mo na lang kaya ako tulungang hanapin ‘yon kaysa naman kung ano-anong pinagsasabi mo diyan?" teary eye ko ng saad. Oh, my gash talaga! Nasaan ba ‘yon napunta? "Wait. Chill! Chill ka lang, I was just asking, what is the color of your dairy?" pagtatanong n’ya na habang nagsisimula ng maglalakad-lakad habang naka-cross pa ang dalawang mga balikat. “Maraming kulay ‘yon basta maliit na notebook tapos girly na girly, kapag nakakita kayo ng girly na notebook ‘yon na ‘yon,” sagot ko naman. Hindi naman mahilig si Evelyn sa mga girly na notebook. Mabuti na lang at kunti na lang ang ulan sa labas kaya agad akong lumabas sa garden nila dala ang payong at nagsimulang maghanap. Ganoon na rin ang ginawa nina Eves, Mona, Nazarene at pati na nga ang kasama sa bahay ni Evelyn ay nakitulong na rin para maghanap. Napamewangan na lang ako ng halos haluhugin ko na ang buong garden pero wala talaga, kung pwede ko lang baliktarin ‘tong bahay nila Evelyn, ginawa ko na. Oh, my gash! Why naman kasi! Agad na natigla ang katawan ko ng nag-vibrate na naman ang phone ko, for sure text na ‘to galing kay mama. Naku! Kailangan ko ng umuwi pero ang diary ko wala pa rin. Nak, uli eon, ha? Madueom eon maangan-angan ag basi uwa kat it sakyan pauli. (Translation: Nak, umuwi ka na, ha? Magdidilim na at baka wala kang masakyan pauwi.) Pagbabasa ko sa text ni Mama. Sabi ko na nga ba, eh, si mama na ang nag-text. Bumuntong hininga na lang ako atsaka bumalik sa loob ng bahay. Bahala na! Eh, ‘di susulat na lang ako ulit, bahala na kahit mawala ‘yon atsaka tanda ko pa naman ‘yong mga nakalagay sa bucket list ko. Dance under the rain Eat buffet Wear heavy make up Go on movie theater Go on a date Learn and go biking Swim in the ocean Adopt a baby Designed a house Go on mountain trekking and see the sunset at the top of the mountain "Oh, Bless! Nakita mo na ba?" tanong ni Mona pero umiling ako sa kan’ya bago ko isuot sa likod ko ang backpack ko. "Hindi nga, eh. Ah, Eves? Pakitignan na lang. Baka kasi nandiyan lang sa tabi-tabi kailangan ko na rin kasing umuwi, baka mapagalitan na ako,” aniya ko naman. "Wait! I will let someone drive you home na lang!" pagprepresinta ni Evelyn. "Sige! Salamat! Ikaw ba, Mona? Saan ka sasakay?” pagbabaling ko ng tanong kay Mona dahil nakatalikod na si Evelyn at naghahanap na ng driver. "Tulad ni Evelyn kasi umalis din parents ko, Bless, kaya nagsabi na lang ako sa kanila na dito na lang muna ako matutulog. Kasama si Eves, kaysa naman doon mga maid lang din ang kasama ko," ani ni Mona na siyang tango lang ang sinagot ko. Sunod kong binalingan ay si Nazarene, tatanungin ko sana siya kung saan siya sasakay pauwi at magpapasalamat na rin sana ako kaso nakaharap siya sa bintana habang may kausap sa phone n’ya, hindi ko na lang tuloy tinuloy ang balak ko. Mas lalo yata siyang gumuwapo sa suot n’yang t-shirt. Ang puso ko po natutunaw, tama na! Ilang saglit lang ng makabalik na rin si Evelyn kaso nga lang agad kung napansin na irritable na siya. "May problema ba, Eves?” panimula kong tanong. "Well kasi I was not informed that our driver drove my nanny on the market pala, I also can't see the keys of the other cars maybe father instructed them to kept it and make tago it to me. Thinking that baka I make drive na naman kahit wala akong license," nag-aalala n’yang bulalas. “Ganoon ba? Ayos lang ‘yan, Eves! Kaya ko namang maghintay ng pampasaheron tricycle sa labas. Sanay naman akong mag-commute. Huwag ka na masyadong ma-stress d’yan!” nakangiti kong wika. "Are you sure ba? You can talaga? You will be commuting alone you are not scared ba?" aniya ni Evelyn. "Oo naman! Sige na, aalis na ako para makahanap agad ako ng masasakyan,” nagbeso kaming tatlo at ngumiti na rin ako sa kasama nila sa bahay ng magsalita naman si Nazarene. Tapos na yata ang usapan nila ng kausap n’ya sa phone. "Are you going home, Bless?" mahinahon n’yang tanong. Itatanggi ko pa sana ng maunahan na ako ni Evelyn. "Yes! She is!" hiyaw nito. "I heard someone is communicating. Is that you, Miss Savior?" wika na naman ni Nazarene habang binabalingan na ako ng tingin. "Obviously, yes, ako lang naman ang uuwi rito," sarcastic kong sagot. "Pfft! Sorry for that. I wasn't thinking right. Anyway, you can come with me,” sabi n’ya kaya agad akong nataranta. “Ha? Ano? Ah? Eh? ‘Wag na!” paghuhumirintado ko. “I'll be dropping you off. So, Let's go,” patapos n’yang saad bago hawakan ang balikat ko. Maglalakad na sana kaming pareho ng huminto s’ya at lingunin si Evelyn. "Evelyn, before I forgot, thanks for the food, and I will be expecting your positive reply," aniya. Hindi na sumagot si Evelyn pa kaya hinatak na naman n’ya ako palakad kaya sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak n’ya sa balikat ko. "Huwag na kaya! Kaya ko naman, eh! Magco-commute na lang talaga ako, promise!” pagtatanggi ko na. "No, I insist. Grandfather will be mad at me when he knows that I let his ‘Miss Savior’ commute even if I can give you a hand," seryoso n’yang sagot. Patay. Makakasama ko ang crush ko sa iisang sasakyan? Siya pa mismo ang maghahatid sa kin pauwi? Lub dub lub dub lub dub Heart, kaya pa ba? "Bless, I suggest it is better nga that you make sakay na lang with Nazarene t is way safer kasi than commuting alone, duh!" dugtong naman ni Evelyn. Na nanandiya ka ba tadhana? Kainin na lang sana ako ng lupa! Oh, my gash! Ang puso ko! I cannot!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD