“BLESS! Nasaan na ang kaibigan kung hindi nawawalan ng pag-asa sa buhay? Kaka-umpisa pa nga lang ng araw, eh! May halos 20 hours pa tayong maghintay ng ulan! Malay mo umulan mamayang hapon, siksik na nga lilig pa at umaapaw!” ani ni Mona na halata namang chini-cheer up lang ako.
“Sa tingin mo magagawa ko ngayon ‘yong 1? Okay lang naman na hindi pero ewan siguro masyado akong excited kaya gusto kong magawa ko na ngayon,” aniya ko naman.
“Oo naman! Tiwala lang!” bulalas ni Mona. Ngumiti lang ako bilang tugon kaya natahimik kaming tatlo ng ilang mga minuto.
"You, know what? Like if hindi umulan then we’ll make ulan na lang! I have a plan! What if the both of you go here in our house I'll fetch you sa mga house ninyo then let's wait for the ulan hanggang 5 pm and if wala then that’s the time to make ulan na!" maarteng suggestion ni Evelyn na nag-aapply na ngayon ng skin care n’ya.
“Gagawa tayo ng ulan? Ha? Paano?” takha ko namang tanong.
“Meron kaming like shower here sa house then meron din kaming long na hose. Siguro like mga five so pwede natin ‘yon gamitin to make rain like sa movies or sa dramas sa television, like that ba,” pagprepresinta n’ya na siyang nagpakinang sa mga mata ko.
"Talaga ba, Evelyn?!" paghuhumirintado ko.
“Major na major yes! Luckily kasi my parents are making going out mamayang lunch so obviously ako na naman here mag-isa and syempre like the maids. They will make uwi pa bukas so we can do anything here without them making ayaw,” masaya n’yang tugon. Masaya siya hindi lang talaga, mas lalo yatang lumala ang pagsasalita n’ya. Maarte na nga mas lalo pang umarte.
“Call! Mag-movie marathon na rin tayo, Eves! Maraming bago at magagandang movies ang bagong labas this past few days!” singgit naman ni Mona na halata mong excited na sa ini-imagine n’yang pwede naming gawin sa bahay nila Evelyn.
“Mona, you know what? For this day lang ha! You got me there! Perfect ‘yang suggestion mo, girl!” bulalas naman ni Evelyn habang pumapalakpak pa sa ere.
Sasagot pa sana ako ng bigla akong makarinig ng katok na sinundan naman ng boses ni mama. "Bless? Bugtaw eon! Makaon ta! (Translation: Gising na! Kakain na tayo!)" sigaw ni mama sa labas. Human alarm ko talaga ‘tong si mama sa totoo lang. Walang palya, mabuti pa siya. Hindi ako kinalimutan.
"Oh, no, Bless! Happy eating na sa ‘yo! 1:30 pm later I'll make fetch you na lang two. Byers!" kumaway pa si Evelyn bago i-end ang call namin.
"Bye bye, Bless!" sunod naman ni Mona.
Matapos nilang mawalang pareho sa screen ng phone ko ay pinindot ko rin ang end button. Ipinatong ko lang ang phone ko sa drawer ko atsaka dumiretso sa banyo para maghilamos, ito yata talaga ang totoong just woke up like this.
"Bless! Siin ka eon? Bugtaw ka eon? (Translation: Saan ka na? Gising ka na ba?)" dinig ko ulit na hiyaw ni mama sa labas kaya binilisan ko na lang ang kilos.
"Ma! Iya eon ako! Bugtaw eon kaina pa! Paadto eon! (Translation: Nandito na! Gising na ako kanina pa! Papunta na!)" hiyaw ko pabalik n’ong nagmamadali na akong bumaba ng hagdan galing sa kuwarto ko papunta sa dining area namin.
Evelyn's Point of View
(Phone ringing)
"Oh, yes, handsome? Anong mahe-help ko sa ‘yo?" I immediately make answer the phone call without making tingin if who ang tumatawag sa kin kahit very early palang in the morning. Early bird siya.
"Steeleman," very low voice n’yang answer. Wehel, I already know na if who is this.
"The plan is going fine naman. Later. As planned you make hintay na lang," reply ko agad. For sure he is making tawag to know if the plan is going well ba or not.
"Good. See you then," he make sagot naman sa other line.
"See yah, handsome! You owe me this!" I said naman while using my oh-so-sexy voice.
"I know, anything will do," confident naman n’yang reply. Wow, I like the confidence!
"Wehel you make sabi that, ha. Bye!"
Third Person's Point of View
In a vast black and white office room, you can see six young men sitting comfortably with folders in their front while an older man who crosses his legs with hands under his chin is looking at all of them.
He is Chairman Luxurious Marquez together with his six grandsons.
"Your assignments are completely listed in each of the folders that are in front of you at this moment. Everything is in there from the background, things to do, maintenance, evaluation, summary, stock, market, and others. Lahat Nandiyan na. Everything you need is in their kaya sana naman huwag n'yo akong ipahiya. Besides, the only thing you will be doing is reading and taking the time to understand all of them. It is not for my good. It is yours as well. Starting tomorrow, you will be taking over, so when I say 'taking over,' I will not invade nor question what you will do or decide in your separate post. So, do your best to maintain or maybe to go higher than what I had done for the last years," ani ng matanda na may assurance na hindi siya makikialam sa kan’yang mga apo.
"Grandfather, meaning, you will not check the decisions we will be making with regards to your company? As long as it's under our temporary supervision?" lakas loob na paninigurado ng isa sa kan’yang mga apo na ngayon ay seryosong tinitignan ang mga dokumento na nasa kan’yang harapan.
"I will be monitoring you every day, Austin. The difference is that I will not go against or question whatever your action will be. You can expect nothing even if what you have decided is questionable or improper. I will really let you handle the business I entrusted to you, in that sense, you can prove your worth at the same time I can distinguish your capacity also,” simpleng tugon ng chairman bago mahinahon na lumagok ng kape mula sa kan’yang mamahaling tasa.
"Noted, grandfather."
"So, any question? Violent reaction or comments?" huling pagtatanong ng matanda sa kan’yang mga apo at isa-isa silang tinitignan.
"Anyone?" muling untag ng matanda n’ong ni isa ay wala ng nagsalita sa kan’yang mga kasama.
"I have nothing, grandfather," mabilis at taas noo na sagot ni Austin.
"Ako rin, wala na," si Alas naman ang sumunod na nagsalita.
"Do I?" sarkastikong sagot ni Nazarene bago nito mapaglarong isara ang folder na hinahawakan n’ya at dumekwatro sabay ekis pa ng dalawang mga balikat nito. Inilingan lamang siya ng kan’yang lolo.
"I am fine, grandfather. I get everything, 99.9%," aniya naman ni Ziggy.
"Uwa man ako eon (Translation: Wala na rin ako)," bahaw na tugon ni Premo.
Matapos ni Premong magsalita ay wala ng sumunod pa kung kaya’t lahat ng mga mata ngayon ay nakatuon na sa isa pa nilang pinsan na siyang pinakamaliit sa lahat. Halata kasing hindi ito nakikinig at mas binibigyan pang halaga ang pakikipag-text.
"What?” pabiro nitong anggil ng mapansin na nasa kan’ya na nakatuon ang mga mata ng lahat.
“I have nothing against to all of these, grandfather. Well, if I have something I will raise it to you immediately. Huwag kang mag-alala, lolo, hindi ko naman uubusin ang kayamanan mo, slight lang," pilyo nitong dugtong.
Hindi ngumiti, hindi rin umimik ang kan’yang lolo. Sa halip ay umupo ito ng maayos sa kan’yang swivel chair bago nagsalita.
"Okay then. Everything is good, and everything is set. The meeting is dismissed. Reminder, don't forget that tomorrow the office hours will start at eight o'clock sharp in the morning and will end at five o'clock in the afternoon. You don't need to worry about your food. I will be sending someone for that and your transportation. You can use any car from the parking, use anything that makes you feel comfortable."
"Woah! Nice, grandfather!" bulalas na may pagsipol pang manunudyo ni Nazarene sa kan’yang lolo.
"If everything is clear, you can all go now. I am looking forward to a great deal, grandsons. Good luck," matapos ang huling wika ng chairman ay isa-isa na ring nagsialisan sa kuwarto ang anim na third generation heir ng pamilyang Marquez.
Isa-isang nawala ang mga anino ng anim hanggang sa ang natira na lang sa kuwarto ay ang chairman at ang pinagkatitiwalaan n’yang secretary na siyang nanatiling tapat sa kan’ya sa mga nagdaang mga taon. Na sa tagal na nitong kasa-kasama ng chairman ay tinuturing na rin n’ya itong kan’ya ng apo. Kasabay lumaki ng secretary ni chairman ang mismong mga apo nito at nakapag-aral din ang lalaking sekretarya ng matanda sa isa sa mga prestihiyosong paaralan sa Manila dahil sa tulong din ng chairman.
"Chairman? Are you serious about all of these? Will you not question their decisions? But? I mean, does it make any sense? If you do such risky steps, the company may be at stake," pagkokontra ng lalaki.
"I know. I really do, but I trust my grandsons. We all share the same blood, and I am sure that they can handle their respective assignments. They may look like failures outside, but I know them from the inside. Please do take care of their food and other needs. I'll be leaving the country by this afternoon for an international transaction, just update and call me from time to time," habilin ng chairman.
"Yes, sir, copy that. You can definitely expect from my calls from time to time, and I will make sure that they are all doing what is best for the company," determinado nitong sagot sa matanda. Kitang-kita sa mga ng lalaki kung gaano n’ya tingalain ang chairman at kung gaano siya kadeterminadong suklian ang utang na loob na meron siya sa kausap.
"Good. Very good, take care, grandson," huling saad ng chairman bago nito tapikin ang balikat ng lalaki at naglakad na pabalik.
Biglang namuo ang isang ngisi sa mga labi ng secretary ng chairman ngunit agad din itong sinundan ng malalim na buntong hininga.
Hindi nagtagal ay agad n’ya ring isinirado ang pintuan ng opisina ni Chairman Marquez at umalis.
Bless' Point of View
Suwerte na lang talaga at nakikiayon naman sa kin ang tadhana, pinayagan naman ko ng mga magulang ko na sumama kina Evelyn at Monalisa mamayang hapon ‘yon nga lang may isang kondisyon, na kailangan kong umuwi by six ng gabi. Hindi ko naman sila masisi at mas lalong naiintindihan ko sila ng lubos na lubos kasi hindi naman para sa kanila ang ginagawa nila dahil para naman ‘yon sa ikabubuti ng katawan ko. Hindi na ako naninibago na parang mas lalong naging strikto ang mga magulang ko sa kin. Alam na alam ko kasing mas nahihirapan pa sila sa kin sa tuwing nakikita nila akong namimilipit sa sakit na dulot ng leukemia ko.
Mabuti na lang at hindi ganoon katagal na-late si Evelyn sa pagsundo sa min, mga one thirthy ng hapon ay nasa tapat na siya ng bahay ko na kasama na si Mona. Nakasimpleng terno lang si Mona habang ako ay naka-white rin na razer back na t-shirt na pinaresan ko naman ng isang jumpsuit na maong.
Curretly, magkakasama kaming tatlo sa isang sofa bed habang pare-parehong nakahilata na parang walang pakialam sa mundo. Kami tatlo lang talaga ang nandito sa entertainment at movie room nila Evelyn kaya mas lalo kaming naging malayang gawin ang kung ano mang gustuhin naming gawin. May dalawang sofa bed sa loob at ako lang mag-isa ang nakahiga sa isang white na sofa bed habang nilalantakan ang vanilla flavored na popcorn habang nasa gray sofa bed naman silang dalawa at parehong kinakain ang barbeque flavored na popcorn at may kanya-kanya pang juice na panulak, ako nga tubig lang, eh! Mga madaya!
Kasalukuyang inaayos na ni Mona ang susunod naming papanooring movie habang gamit namin ang premium account ni Evelyn, minsan ito talaga ang pinagpapasalamat ko na meron akong mayayamang mga kaibigan, laging libre to it’s finest ang beauty ko!
“Mona, akala ko ba like you make lista na ng mga movie na titignan natin? Bakit you make tagal naman diyan, I’m getting bored na!” bulalas ni Evelyn habang prenting-prenti pa ring nakahiga habang kinakain ang popcorn n’yang nakahanda.
"Wait! Wait lang kasi! Hinahanap ko pa ‘yong next na movie, actually 2005 ‘yon ni-release kaya medyo matatagalan akong hanapin," seryoson-seryosong saad ni Mona at hindi man lang inalis ang focus sa flatscreen at sa remote na hawak n’ya.
"What? Bless, you make hold nga my hand for me! Please, stop me from punching Mona's face! Like, seriously? Monalisa Grey! Are you kidding me?! 2005? Girl! We are already in 2020! Come on! Stop joking! Hindi ka na nakakatuwa, you make sira na may mood," pagrereklamo na ng may-ari ng bahay. Panay irap na si Evelyn sa isang sulok pero si Monalisa walang pakialam at wala pa ring kibo.
Napatawa na lang ako ng parang hindi talaga narinig ni Mona si Eves. "Mukhang hindi ka n’ya naririnig, Eves,” dugtong ko naman.
Natatawa na ako sa pagbibingi-bingihan ni Mona, pero infairness, ang galing n’yang magkunwaring seryosong-seryoso talaga s’ya sa paghahanap ng kung ano mang hinahanap n’ya.
"MONALISA GREY! Are you f*****g deaf ba?!" hiyaw na ni Evelyn at nag-umpisang batuhin sa mukha si Mona ng kinakain n’yang popcorn. Pero si Mona. Wala pa rin talagang kibo.
"Evelyn! Stop it! Nakita ko na! Yes! Tignan n’yo ‘to! Maganda ‘tong movie na ‘to! Believe me! This is one of the top choices for international awards! The Island! The movie talks about clones, which hid from the world to avoid complications. They were caged in a well-built facility wherein the company provided everything, and they needed to follow the rules, the norms, tapos basta! Sabi ng mga nabasa ko sa social media marami ka raw talagang matutunan," pagmamalaki n’ya sa min.
"Okay! Okay! Fine na nga! Make sure that this movie is good ha, if not! I wish I can punch your face like big time!"
(3 hours later...)
Ilang oras na rin kaming nanood ng movie, naka-ilang palit na nga kami ng movie dahil kung hindi namin natatapos ay hindi naman silang dalawa nagkakasundo sa genre. Pero ako, kanina pa ako tingin ng tingin sa bintana at nagbabakasakaling sana dumilim na ang kalangitan ngunit parang malabo talaga na umulan. Hindi naman sa ayaw ko n’ong pa-improvise na ulan na sinasabi ni Evelyn pero alam kong iba kasi talaga ang experience kapag totoong ulan talaga. Atsaka minsan lang ‘to kaya lulubusin ko na.
Ibinalik ko ang atensiyon ko sa pinanood naming movie ng biglang naagaw ang atensiyon namin ng yaya ni Evelyn. Kumatok muna siya bago n’ya buksan ng tuluyan ang pinto. Kan’ya-kan’ya kaming nagsi-ayos ng mga mukha namin ng makapasok na siya.
"Ma’am Evelyn, may gausoy kimo sa ubos hambae na mahueat kono imaw kimo sa ideaom (Translation: Ma’am Evelyn, may naghihintay sa ‘yo sa baba ang sabi n’ya hihintayin ka na lang daw n’ya sa baba)," aniya. Habang si Evelyn naman ay tinitignan na kami ni Mona gamit ng patanong n’yang mukha. Bakit kami tatanungin n’ya? Hindi naman namin bahay ‘to, bisita lang din kami rito.
"Gingkutana mo kong sino? Gaalin kono imaw? (Translation: Tinanong mo ba kong sino siya? Ano raw pinunta n’ya rito?)" sagot ni Evelyn. Gan’yan talaga siya makipag-usap sa yaya n’ya, walang kaartehan at akeanon. Sana gan’yan na lang din siya kung makipag-usap sa amin, ‘no?
"Ay, Ma’am Evelyn, ging kutana ko imaw galing hambae na hay indi eon kono kailangan hay kilala mo eon man kono imaw. Tapos hambae nana tawgon ta lang kono agod kamo lang kono daywa gaistorya (Translatin:Ay, Ma’am Evelyn, tinanong ko po siya pero ang sabi n’ya hindi naman na raw kailangan kasi kilala mo naman daw siya. Tapos ang sabi n’ya sa kin tawagin na lang daw kita para kayo na lang ang mag-usap)," pagsasalaysay ng yaya ni Evelyn habang si Mona papalit-palit na ang tingin sa min at sa yaya na dumating.
"May ginapaabot ka nga bisita, Eves? (Translation: May inaasahan ka bang bisita, Eves?)" tanong ko naman.
"No one naman kaya nga I was also schocked with this sudden visit. Okay? Sige manaog kami sa ubos hambaea dali eang maton manaog eon ag may ginaayos malang maton (Translation: Okay? Sige baba kami sa baba pakisabi sa kan’ya na sandali lang at may aayosin lang kami)," sagot ni Evelyn habang labag sa loob na inumpisahang patayin ang tv at buksan ang ilaw from dim to sobrang liwanag.
Nagngitian pa kami n’ong yaya sa isa’t isa bago n’ya kami tinalikuran at umalis.
"Let's go downstairs na lang. Let us make face that hella disturbing creature! He is making my head hot, sana knows n’ya ‘yon! He is ruining our squad date!" singhal ni Evelyn sa min at nagmartsa pababa ng bahay nila.
Pareho kaming nagtaas ng kilay ni Mona sa isa’t isa. Kilala kasi namin si Evelyn at hindi siya ‘yong tipo ng tao na magpapunta sa bahay nila ng hindi man lang n’ya alam o wala siyang idea. At isa pa napansin naming hindi n’ya inaayos ang sarili n’ya, sa pagiging maarte n’yang ‘yan hanggang bones? Napaka-unusual na hindi man lang siya nagsuklay ng buhok.
Tahimik kaming bumababa na tatlo habang sinusundan ang yaya ni Evelyn hanggang sa dalhin n’ya kami sa salas ng bahay.
Nasa likod ako ni Mona habang si Mona ay nasa likod naman ni Evelyn at si Evelyn naman ay nasa likod ng yaya n’ya. In short, back to back to back to back, okay! Waley! Sabi ko na nga ba sana hindi na ako nag-joke pa!
Hindi na nakakatuwa, Bless. Nice try baka tomorrow o bukas komedyante ka na.
Busy akong tawanan sa isip ko ang sarili kong joke n’ong ma-realize ko na wala na sa harapan ko si Mona at lahat na sila ay nakatingin sa kin ng patanong. Ay?
Tumawa ako ng hilaw. "Ano? Bakit kayo nakatingin sa kin ng gan’yan?” bulalas ko sa kanila.
"Bless, kinakausap ka namin, ano bang inisip mo d’yan?" sagot ni Mona.
"Are you with us ba, girl? Hello? Are you listening? Nandito kami, where are you na ba?" aniya naman ni Evelyn na halatang naiirita na. Mukhang seryoso pa naman sila at tumawa pa talaga ako.
Ano ba kasi ‘yon?
"Ah? Eh? Pasensiya. Pero uwa gid man kasi hay may ginaisip abi ako. (Translation: Pasensiya. Pero wala talaga kasi may iniisip ako) Sorry na! Mapapatawad n’yo pa ba ako?" pagpapaliwanag ko na may nakaguhit pang malapad na ngiti.
"Whatever, Bless! Anyway, Nazarene, meet Bless. Bless meet Nazarene. I know you meet each other na, but I just want to formally introduce you two to each other," pagpapakilala ni Evelyn.
Hindi ko alam kung paano at ano ang ire-react ko lalo na n’ong magkatagpo na naman ang mga mata naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit ang tindi sa kin ng impact pero hindi ko talaga maiwasan na hindi maka-feel ng butterfly in my stomach sa tuwing magkakatinginan kaming dalawa.
"Hi! Miss Savior! I didn't expect you have visitors, Steeleman. I'm sorry for intruding," aniya ni Nazarene gamit ang low voice n’yang napaka-sexy pakinggan. Ang sarap sa ears ng boses n’ya!
"Duh? Of course! Ano ing eaom ikaw lang pwede magkabisita? (Translation: Anong akala mo ikaw lang ang pwedeng magkaroon ng bisita?) Excuse me! But izza no no," tugon naman ni Evelyn na may pag-cross leg at cross arms na habang prenting naka-upo sa sofa malapit kay Nazarene.
Agad na umayos ng upo si Nazarene habang sinisimulan ng tanggalin ang suot-suot n’ya pa ring raincoat. Teka? Tama ba ang nakikita ko at ang sinabi ng isip ko? Tinatanggal n’ya ang suot n’yang raincoat?!
"Rain - raincoat?! Raincoat ba talaga ‘yan, Mona?! Tama ba ang nakikita ko? As in nakasuot ng raincoat si Nazarene? At galing siya sa labas?" excited kong saad habang kinukurot na ang sleeves ng t-shirt ni Mona.
Oh, my gash!
"Ah? Oo? Oo yata, tama ka naman?" naguguluhan man ay sumagot pa rin sa kin si Mona.
"Monalisa?! Evelyn?! Raincoat? Subukan n’yo kayang isipin! Raincoat! Anong meron sa raincoat? Rain! May ulan! Umuulan sa labas!" hiyaw ko habang nagsisimula ng magtatalon sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa excitement at saya!
Gosh! Thank you Lord! Thank you!
Bucket list Number one! Here I come! Magagawa na rin kita sa wakas! Salamat talaga, Lord! Thank you!
"Hooraay! Magagawa ko na ang bucketlist ko ngayon! Gosh! I can dance under the rain! Literal na rain!" hiyaw ko bago ko takbuhin ang labas ng bahay ng pamilya nila Evelyn.
Hindi na ako magsasayang pa ng panahon pa. Kailangan ko ng lumabas para magawa ang nasa bucketlist ko!
Agad kong naramdaman ang lamig at ang init ng binabagsak na ulan ng kalangitan. Malapad ang ngiti ko ng sinsusubukan kong saluhin ang butil ng ulan sa aking dalawang palad. Nag-umpisa akong magtatakbo paikot sa malaking garden nila Evelyn. Hindi ako makapaniwala! Nangyayari na nga! May ulan na nga! Umuulan nga!
"Mona! Evelyn! Samahan n’yo na ako rito! Sobrang saya!" hiyaw at pag-iimbenta ko sa dalawa kong mga kaibigan na ngayon ay gulat na gulat na tinitignan ako sa tapat ng pintuan nila Evelyn.
Oh, my gash! Ganito pala ang feeling na makaligo sa ulan!
Ilang saglit lang ang lumipas ng kusa na rin silang dalawa na takbuhin at makipaglaro sa kin. Masayang-masaya akong nakikipagtalon at nakikipagbasaan kasama sina Mona at Evelyn ng muling magtama ang mga mata naming dalawa. Ngumiti siya, oo! Ngumiti siya. Bigla tuloy akong natuod.
Agad akong huminto at nanatiling nakatingin sa kan’ya hanggang sa kinaya ko na ring ngumiti sa kan’ya pabalik.
Nakakatunaw ang ngiti n’ya, mas lalong lumalabas ang taglay n’yang kaguwapuhan sa tuwing pinapakita n’ya ang tingin n’ya. Sana all!
"Bless! Gosh! Tama ka nga! Nakaka-enjoy nga ‘to!" hiyaw ni Mona na siyang pinagpapasalamat ko dahil nakabalik ako sa wisyo ko.
Ngumiti na ako kay Mona bago ko ipikit ang aking mga mata at mahinang umikot-ikot habang inilalahad ang aking kamay sa ulan. Damang-dama ko kung paano tumama sa balat ko ang butil ng ulan. Ang saya!
Nanatili akong nakangiti habang nakapikit. Masayang akong inaalala ang mga panahon na maayos pa ang lahat sa kin, wala pang AML sa buhay ko, wala pang sakit na dumating sa buhay ko. Nakaka-miss ‘yong feeling na buhay na buhay ka, ‘yong feeling na nabubuhay ka. Ito ‘yong feeling na lagi kong hinahanap-hanap at lagi kong gustong maramdaman ulit sa nakalipas na dalawang taon. Sana hindi na ‘to tumigil, sana ganito na lang lagi, how I wish I would be given more chance to extend my life expectancy.
Sana. Sana. Sana.
"BLESS!!!!" agad na bumulusok ang matinging kaba sa puso ko ng marinig ko ang hiyaw ni Evelyn. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at na sorpresa ako dahil hindi ko namalayan na nakatayo na pala ak sa gitna ng kalsada, nakalabas na pala ako sa garden nila Evelyn? Mas lalong lumaki ang mga mata ko ng mapansin kong may kotse na paparating sa kinatatayuan ko ngayon.
Pero hindi ko alam bigla na lang natuod ang buo kong katawan. Naririnig ko ang tunog ng paparating na kotse pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Anong nangyayari sa kin?!
"BLESS, COME BACK HERE! BLESS! THERE'S A CAR! A CAR!" nilingon ko ang mga kaibigan kong nagkukumahog na ngayong tawagin ako pabalik sa kanila pero naging blangko ang paningin ko pati ang isip ko. Nakikita ko ang frustrations sa mga mukha nila habang tumatakbo na papunta sa kin pero wala pa ring akong nagawang kilos.
Pakiramdam ko parang tumigil ang mundo ko.
"WINONA BLESS CAYABYAB! WHAT THE HELL ARE YOU DOING?! MOVE!"
Napapikit na lang ako hanggang sa maramdaman ko na lang ang panghihina ng dalawa kong mga paa. Hindi ko na alam kung ano pa ang sumunod na nangyari pero naramdaman ko na lang ang pagyakap sa kin ng mga bisig at agad akong hinila palayo sa gitna ng kalsada. Biglang nanumbalik ang senses ko sa kin at muli akong nakaramdam ng panginginig, sinubukan kong imulat ang mga mata ko para makita ang taong humila sa kin upang iligtas ako sa kotse.
Ang mukha n’ya ang una kong nasilayan na siyang basang-basa na rin ng ulan.
"Nazarene."