INIWAN n’ya akong naka-uwang ang bibig dahil gulat na gulat ako sa sinabi n’ya. Ang galing n’yang kunin ang kiliti ng babae, ah! Grabi! Ang galing n’yang magpakabog ng dibdib kahit parang natural at simple lang na lumabas ang mga katagang ‘yon mula sa bibig n’ya.
City boy nga talaga. Ang galing lumandi.
Ngayon alam na alam ko na talaga kung bakit ang daming babae ang nagkakandarapa sa kan’ya to the point na kahit shared posts lang n’ya ay mas marami pang react kaysa doon sa original na nag-post. Ganoon siya katindi! Hindi pa kabilang ang napakadaming comments na lahat puro gustong mapansin n’ya, meron namang paulit-ulit na nagco-comment para lang ma-accept ang friend request nila sa kan’ya tapos ang mga nag-uulanang puro papuri sa bawat posts n’ya ng mukha n’ya, suot n’ya, bago n’yang phone o ‘di naman kaya kotse. Hindi naman halatang stalker ako ano? Pft.
Gwapo gid man abi imaw (Translation: Guwapo naman kasi talaga siya).
Umiling ako para mawala sa isip ko ang Nazarene na ‘yon. Bakit ko ba siya inisip? Hindi naman siya deserving na isipin ‘di ba? Duh! Anong akala n’ya sa sarili nya? Hollywood actor? Hindi ano! Mas guwapo kasi siya sa kanila. Joke!
Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang bilog na bilog at napakaliwanag na buwan. Akalain mo ‘yon, ang talino ng Diyos para gawin n’yang napakaganda ang lugar na meron tayo sa pamamagitan ng magaganda n’yang creations. Sinubukan kong i-relax ang sarili ko kahit alam kong affected ako sa naging usapan namin ni lightning at thunder idagdag mo pa ang sinabi ni Nazarene, hindi ko naman pinapaasa ang pinsan n’ya. Siya naman ‘tong matapos akong iwanan kakausapin ako na parang walang nangyari? Akala n’ya siguro para akong hotel na tatanggapin pa rin siya kahit sinabihan n’yang pangit ang accommodation namin.
Pero on the other side, salamat na lang talaga at nagpalit ng crush si Evelyn dahil sigurado akong magkakagulo kaming dalawa kapag nalaman n’yang kay Nazarene ako naguwa-guwapuhan. Magde-debate na naman kami n’on ng mga walang kuwentang mga bagay tapos parang mga timang na magtatawanan pagkatapos.
Pinulot ko ang isang maliit na bato at ibinato ‘yon sa hindi kalayuan. Napabuntong hininga ako ng malalamin noong makaramdam ako na-bore na ako mag-isa rito sa kinauupuan ko. Kaya imbes na mas lalo pang ma-bore ay tumayo na lang ako upang maglakad pabalik ng mansiyon. Nadatnan kong nagtatawanan, kumakain at umiinom na ng kaniya-kaniya nilang mga wine ang mga bisita. Mas lalo kong inilibot ang mga mata ko sa paligid nagbabakasaling makita ang dalawa kong mga kaibigan pero bigo pa rin ako. Nasaan kaya ang mga ‘yon? Kinuha ko ang dala kong phone at binuksan ang group chat naming my group name pa na ‘The Palakpalak’ o ang ibig sabihin ay ang mga timang. M-in-ention ko silang dalawa bago i-type ang message ko.
@Mona Grey @Evelyn Steeteleman, nasaan kayong dalawa?
Agad naman nag-deliver ang chat ko sa kanila kaya ibig sabihin online silang pareho. Nakahinga naman ako ng maayos, inaasahan ko kasing magre-reply silang dalawa pero ilang minuto na ang nakalipas pero inamag lang ang chat ko sa kanila. Mananatili pa sana akong nakatayo roon kaso nakaramdam na ako ng pangangalay sa pareho kong mga paa. Tiniis ko pa ng ilan pang mga minuto pero wala pa rin talaga, delivered pa rin talaga ang chat ko. N’ong maramdam kong kailangan ko na talagang maka-upo, feeling ko kasi nasugatan na ako sa suot kong heels na ‘to, naglakad na lang ako pabalik sa table namin kanina. Hindi na ako nagulat ng nandoon pa ang dalawang Marquez habang ang mga magulang ko kasama si lolo chairman ay wala na rin sa kinauupuan nila kanina.
Saan kaya pumunta sina mama, papa at tita? Nahihiya naman akong bumalik lalo at hindi ko naman ka-close ‘yong dalawa kaya pasimple pa sana akong maglalakad palayo sa mesa at babalik na lang sa labas ng makita kong nakatingin na sa gawi ko si Ziggy. Ang bilis naman ng mata n’ya!
No choice! Kailangan ko na lang bumalik doon at umupo. Bahala na!
Pinanatili ko ang ngiti sa aking pisngi habang naglalakad ako palapit sa kanilang dalawa. Pareho naman silang busy sa mga hawak nila pero ng maramdaman yata nilang may umupo ay pareho silang nagtaas ng tingin at tinignan ako. Ngumiti ako sa kanila na siya namang ibinalik nila, mabuti naman, baka naman pati ngiti mapipilitan pa silang ibigay.
“Hi! Hindi pa ako nakapagpapasalamat ng personal. Gusto ko lang sabihin na maraming salamat sa pagligtas sa chairman,” aniya na nakamaliit na ngiti habang iniinom ang wine na nasa hawak n’yang baso. Talagang napaka-antukin tignan ng mga mata n’ya ano?
“Naku! Wala ‘yon. Ginawa ko lang naman kung ano sa tingin ko ang makakabuti sa sitwasiyon, pero you’re welcome pa rin,” tugon ko naman habang inaabala ang sarili ko sa paglalaro sa tissue na malapit sa kin.
“Mabuti naman kung ganoon. Tama nga si chairman may maganda ka nga sa panlabas at sa panloob na anyo,” prenting-prenti n’yang pamumuri.
Halata ngang magkapamilya ang mga ‘to. Napaka-natural kung magbitaw ng mga kataga, hindi na ako magtataka bakit crush na crush siya ni Mona.
Napansin kong nakatingin si Ziggy kay Alas na parang nagtataka na parang nabigla sa sinabi ni Alas. Itong si Ziggy parang pasan-pasan lagi ang mundo.
“Ano? Tigilan mo ang kakatitig sa kin, Ziggy, nangingilabot ako sa ‘yo,” puna naman ni Alas bago n’ya ito lubayan ng tingin at ibalik ang atensiyon n’ya sa phone na hawak-hawak n’ya, kanina pa siya type ng type, may ka-chat siguro ‘tong kalandian n’ya.
Nakakakati lang ng ulo makasama ‘tong pamilya ‘tong, ang we-weird lang. Hindi lang pala ‘yong Trevor ang weird, nasa dugo talaga nila ang pagiging weird.
"What did you say? About her?" seryosong tanong ni Ziggy habang papalit-palit ang tingin sa kin at kay Alas. Sunod n’yang ibinaba ang librong binabasa n’ya upang tuluyang tignan ng nakakaloko si Alas.
“Man, ang sabi ko maganda si Bless sa panlabas man o sa panloob na kaanyuhan. Compliment lang ‘yon, pamumuri, huwag mo ng lagyan ng ibang kahulugan. Alam mo bumalik ka na lang sa pagbabasa mo kaysa naman kung ano-ano ang iniisip mo d’yan, judgmental!” depensa naman ni Alas.
Baka nakakalimutan nilang dalawa na nandito pa ako. Hello, world? Hello? How are you? I’m glad to say hello. Tralalala.
Tumawa si Ziggy habang tinitignan pa rin ng mapang-asar n’yang mga mata si Alas. “Fine? If that’s what you believe, stand for it,” aniya ni Ziggy na huminto na nga sa kakatawa nakangisi naman.
“Gago!” asar naman pabalik ni Alas at sinunod na inilagay sa bulsa n’ya ang hawak n’yang phone kanina.
“Bless, Zig, excuse me lang ha? May pupuntahan lang ako, may naghihintay sa kin sa may bar,” pagpapaalam ni Alas. Hindi naman sumagot si Ziggy sa kan’ya kaya tinapik n’ya lang ito bago ngumiti sa kin at umalis. Sana naman kung sino man ang katagpuan ng isang iyon hindi makita ni Mona, sure akong maha-heartbroken ang kaibigan kong dead na dead sa kan’ya.
“Lol, Alas! Someone your face! Get away from my sight, and I want to punch your face 360 degrees!” pahabol naman na asik ni Ziggy sa naglalakad na ngayong si Alas. “Dami mong alam. Tumahimik ka na nga lang d’yan at magbasa,” tugon naman ni Alas matapos n’yang lingunin ang pinsan at sumaludo rito. Ilang saglit lang ang lumipas ng nakihalo na siya sa kumpol ng mga tao na nagkakasiyahan na ngayon. Eh ‘di sila na ang masaya.
Pag-alis ni Alas ay wala ni isa sa min ni Ziggy ang nagtakhang magsalita. Moment of silence.
Paminsan-minsan ay tinigtignan ko si Ziggy na nag-umpisa na ngang magbasa ulit. Ano naman kaya gagawin ko nito? Kaya imbes na mas lalong ma-bore ay binuksan ko na lang ang social media account ko at nasimulang mag-scroll. Binalikan ko ang group chat namin ng mga kaibigan ko pero wala pa ring reply.
Hoy, mga palakpalak! Nasaan ba kayo? Bakit hindi kayo sumasagot?
Ang awkward dito! Tulungan n’yo ako!
Kasama ko ngayon si Ziggy at sobrang awkward. Hoy @ Evelyn Steeleman, kasama ko kako si Ziggy!
@Mona Grey @Evelyn Steeleman, nasaan na kayo? Kailangan ko ng kausap! Maawa kayo sa kaluluwa ko! Oh, my gash!
Wala ang mga magulang ko rito pati si tita! Wala! Baka kasama ‘yon ni chairman. Skl.
Hoy! @Mona Grey @Evelyn Steeleman, baka naman! Uso ang mag-reply.
Sunod-sunong kong chat pero wala talaga! Delivered zone lang ako! Nasaan ba ang mga bruhang ‘to at hindi man lang nila ma-check ang mga phone nila?
Nabaling ang tingin ko kay Ziggy ng out of the blue tumawa siya at nagsalita. "Don’t exert too much effort. Maybe, they are busy coping up with my cousins," sabi ni Ziggy.
"Ha? Anong ibig mong sabihin diyan? May lahi ba kayong side kick?” takha kong tanong.
Hindi ko siya naiintindihan sa true lang, anong gusto n’yang sabihin ang mga kaibigan ko ay busy kasama ang mga pinsan n’ya? Ganoon ba ‘yon?
"You are chatting with your two best friends, aren’t you?" tanong n’yang muli.
"Uh? ‘Yon ba? Oo pero teka! Paano mo alam? Hoy! Don’t tell me nakakabasa ka ng isip ng tao ha? Bampira ka ba?” nagugulumihan kong tanong.
Ang weird talaga ng pamilya nila! Why naman ganoon?
"Pfft! Your brightest is at 100%. What do you expect me to do? You are asking for their help because the situation is awkward, am I right?"
Hindi ako papayag n’yan! Invading privacy ‘yan! Kakasuhan ko siya under data privacy act! Ano ‘yon? Basta ‘yon.
Tumawa ako, kunyare natatawa ako. Kunyare lang naman. "Ah? Ganoon ba? Nakakatawa naman! Grabi!”
"Don't worry. I also felt the awkwardness. I don't know what to say, and I'm really not used to talking to unfamiliar people,” aniya na nahihiya pa.
Muli akong tumawa. "Naku! Wala ‘yan! Keri lang ‘yan! Huwag kang mahiya sa kin, tayo-tayo lang naman ang nandito, eh. Pero, maibalik ko lang, anong sinabi mo kanina, ha? Tama ba ang pagkakaintindi ko na kasama ng mga pinsan mo ang dalawa kong kaibigan, kilala mo ba sila?” tanong na sinundan ko ng pag-inom ng tubig.
"Monalisa Grey and Evelyn Steeleman. Alas is chatting with the girl named Mona Grey and if I am not mistaken she was the girl Alas is meeting with at the bar counter. While that Evelyn she is in there,” sabay turo n’ya sa ‘di kalayuan. Nasa dance floor kaso medyo madilim lang ang parte na ‘yon.
“She is dancing with Premo and Trevor," dugtong n’ya pa.
Napalibot ako ng mga mata ko. Tama nga siya, kamukha nga ni Evelyn ‘yong kasayawan nina Trevor at Premo. “Ah! Gets ko na! Bwisit na Mona ‘to! May pa-over him over him pa siyang nalalaman, lalandi rin naman pala,” pagrereklamo ko.
Tumawa ulit siya. “Did you eat? There are healthy foods over 45 degrees north and 67 degrees west. There are low-fat meat, veggies, and such. Grandfather really prepared that for you," pangmatalino n’yang sambit. Hindi ko kinaya ang pa-location n’ya!
Pero iba si lolo chairman, may pagulay para sa kin!
“Talaga ba? Ang galing naman. Mamaya, puntahan ko ‘yan, parang nabusog ako sa kakainom ko ng tubig,eh,” nahihiya man pero idinaan ko na lang sa tawa.
Pero sa wakas naman at salamat sa Diyos, nakuha na naming mag-usap na dalawa.
"I heard you were fighting with cancer of the blood?" untag n’ya.
"Hmm? Oo, matagal-tagal na rin, mga two years na rin. Bakit?" tanong ko. Sabi ko kanina busog ako pero ito ako kinuha ang nakahandang green salad sa harapan ko at sinimulang lantakan.
Ang dami kasing mayonnaise, feeling ko ang sarap!
"Nothing. You are so brave. You still manage to laugh and smile even if you are experiencing something like that," komento pa n’ya.
“Masama pa sa masama ang nangyayari kaya hindi na dapat pang lalo pang imasama. Nandito na ‘to kaya wala na akong magagawa pa kundi ang mabuhay kasama siya. Nabubuhay ako araw-araw kaya kung katapusan ko na at least may ibabaon akong magagandang alaala,” wala sa sarili kong paliwanag. Nilalantakan ko kasi ang napakasarap na green salad sa harapan ko.
Tumango na lang siya sa kin dahil nandiyan na rin naman ang lolo n’ya kasama ang pamilya ko. Ngumiti sa kin si tita at mama kaya agad ko rin silang nginitian.
"Apo! Nandito ka na pala, are you too enjoying the night?" bulalas naman ni lolo chairman.
"Opo naman po, lolo! Ang sarap po nitong gulay parang feeling ko po carbonara ang kinakain ko sa sarap!" pagmamalaki ko ng plato kong halos maubos ko na.
"That's good, apo! I am happy that you like what we had prepared for you, para talaga sa ‘yo ‘yan,” dugtong pa n’ya. Sana all, pinaghahandaan!
Nagpatuloy lang ako sa pagkain ng ilang saglit lang ay nagsalita na rin si papa.
“Chairman, excuse me lang po pero lumalalim na po ang gabi kaya pasensiya na po kung hindi na po kami makatagal, kailangan na po naming umuwi at ng makapagpahinga na rin po si Bless,” aniya naman ni papa na sinang-ayunan naman ni mama at tita.
Sinubo ko ang huling kutsara n’ong kinakain ko atsaka pinunasan ang bibig ko para maka-ready na sa pag-uwi.
"That’s right. Also, the party is getting wilder. This may not be good to Bless' health. I will let someone send you home, let's go," binalingan ko si Ziggy para yumuko sa kan’ya bilang pagpapaalam habang siya naman ay kusang nakipagkamay sa pamilya ko at sa kin.
"Take care. Once again, thank you for saving our grandfather," huli nitong saad.
Yumuko kaming apat kay Ziggy bago kami sumunod sa likod ni lolo chairman na nauna ng naglakad. Si lolo chairman ang nanguna sa paglalakad kaya panay ang bati sa kan’ya at sa min ng mga taong nadadaanan namin. Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa narating namin ang labas ng bahay nila, nandoon na naman ang isang white limousine na nagsundo sa min kanina at naghihintay na. Si lolo chairman na mismo ang nagbukas ng pinto para makapasok kami sa looob ng sasakyan.
"Apo, just send me a beep when you need something. I am always ready to help you, kahit ano, anytime, anywhere," paalala ni lolo na may halong sinsiridad talaga sa boses nito.
"Thank you po, lolo. Huwag po kayong mag-aalala kapag hindi na po talaga kaya hihingi po ako ng ayuda ninyo," natatawa kong tugon.
Tinapik n’ya ang ulo ko bago siya ngumiti at tanguan ang driver upang magsimula ng paandarin ang sasakyan. Tahimik kaming apat sa loob ng kotse kaya mas lalo kong naramdaman ang pagod. Isinandal ko sa balikat ni papa ang ulo ko at pumipik ng kunti para makapagpahinga kahit saglit lang. Nakakapagod din pala ang gano’n kahit wala naman akong halos na ginawa. Paghinto n’ong kotse sa harapan ng hotel naman ay hindi pa rin kami pinabayaan ng driver at n’ong isa n’yang kasama, inalalayan pa rin nila kami.
“Saeamat ha! Alin inyo nga gusto? Mainom kamo it kape? (Translation: Salamat ha! Ano ang gusto ninyo? Gusto n’yo bang uminom ng kape?)” pagpre-presinta ni tita habang malagkit na nakatingin sa driver.
"No, madam, Chairman Marquez will look for us. Thank you for being so kind. We will get going," sagot ng driver na nagpahulog sa balikat ni tita. Alam ko na ang galawan n’yang ‘yan.
Halata mang labag sa loob n’ya pero ngumiti pa rin si tita bilang tugon hanggang sa makapasok ‘yong driver at kasama n’ya sa kotse. Hinintay namin silang makaalis bago rin kami pumasok sa loob ng hotel. Dire-diretso kaming umakyat sa taas na apat at ng maghihiwalay na sana kami ay hinimas ni mama ang likod ko.
"Nak, may wipes sa ing kwarto, ha? Tueog eon dayun (Translation: May wipes sa kuwarto mo, ha? Matulog ka na pagkatapos)," bilin n’ya.
"Yes po! Good night, mama, papa at tita! Saeamat sa adlaw ngara! Masadya gid ako! (Translation: Salamat sa araw na ‘to! Masaya talaga ako!)" hiyaw ko pa bago tuluyang pumasok sa kuwarto ko’t ayusin ang sarili ko.
Winnie's Point of View
Matapos maisara ni Bless ng pinto ay agad kaming nagkatinginan na tatlo at nanatiling nakatayo sa may hagdanan.
“Ano sa tingin n’yo? Anong mas mabuti? Tatanggapin ba natin ‘yong offer ni chairman o hindi?” pagkokonseho ko sa kanilang dalawa.
“Maganda ang offer, manang (Translation: ate). Kayang-kaya n’on tulungan ang hotel natin na mas makilala pa at kapag nakilala tayo ng iba pang mga negosyante mas tataas ang sales natin, kaya para sa kin, tanggapin na natin habang hindi pa huli ang lahat,” sagot naman ni Annie.
“Pero kasi baka naman isipin ng ibang tao na tinulungan lang ni Bless si chairman kasi may balak pala tayong gamitin ang impluwensiya n’ya para sa ikabubuti ng hotel natin. Hindi ko naman hahayaan na kuwestiyunin ng mga tao ang kabaitan ni Bless kasi sa magiging desisyon natin,” pangongontra agad ng asawa ko. May punto rin naman kasi siya.
"Naiintindihan naman kita, manong (Translation: kuya). Pero alam naman natin kung ano ang totoong nangyari, hindi naman ganoong klasing tao si Bless at isa pa si Chairman Marquez naman mismo ang nag-offer hindi naman tayo humihingi ng tulong n’ya, siya mismo ang nag-offer, mukhang alam naman ng matanda ang sitwasyon natin ngayon," depensa ulit ni Annie.
“Annie, huwag mo naman sanang pagdudahan ang abilidad nating lahat. Nagawa nating maging successful noon ng walang tulong ng kahit na sino, puro kasipagan lang natin. Ilang taon na rin nating natataguyod ang hotel na ‘to kaya magagawa natin ulit na ibangon ‘to. Kahit tayo-tayo lang,” sagot na naman ng asawa ko.
Bago na naman sila magkainitan ng kapatid ko ay suminggit na ako sa usapan nila.
“Mas mabuti pa ay itigilan n’yo na dalawa ‘yan at baka mauwi na naman kayo sa pagbabangayan. Ang mas mabuti pa ay gawin na muna natin ang makakaya natin sa ngayon at kapag hindi na talaga kaya doon na tayo hihingi ng tulong galing kay Chairman Marquez, huwag na natin itanggi na malaking-malaki ang maitutulong ng chairman sa tin.”
Bless' Point of View
Matapos kong maayos ang sarili ko ay maingat kong tinupi ang gown na isinuot ko kanina at inilagay iyon sa labahan. Iningatan ko talaga ang gown dahil mukhang mamahalin talaga ang ginamit na tela rito. Matapos kong gawin ang dapat kong gawin ay agad kong tinungo ang kama ko at kinuha ang diary ko na nasa drawer ko.
Nakangiti ako ng matuon sa buckelist ko ang page na nabuksan ko sa diary ko. Excited na akong maumpisahan ‘to, plano ko pa naman na simula ng gawin ang mga nilista ko rito simula bukas.
Bucket list Number One: Dance under the rain.
Oh, my gash! Nakaka-excite talaga! Sana naman umulan talaga bukas para agad ko siyang magawa.
Humiga ako sa higaan ko at nagsimulang basahing muli ang mga entry ko sa diary ko n’ong mga nakaraang araw. Ang pinaka-latest kung diary entry ay kahapon, lahat ng ‘yon kinukuwento ko lang naman ang magagandang features ni Nazarene. Wala lang trip ko lang, akong batas, kaya walang basagan ng amats.
Oh, my gash! Napakamagandang lalaki talaga ng lalaking ‘yon! Siya na yata ang pinakaguwapong nilalang na nakasalamuha ko sa tanang buhay ko. Ngayon talaga alam ko na kung bakit hindi ko napigilan na tignan siyang muli n’ong una naming pagkikita sa hospital.
Kasi una palang talaga nakuha na n’ya ang atensiyon ko.
Kinabukasan, pagkabukas na pagkabukas ko ng mga mata ko agad kong tinignan ang bintana ko at agad na gumuhit sa mga mata ko ang kalungkutan dahil tirik na tirik si haring araw. Ano ba ‘yan! Mukhang hindi ko yata magagawa ang bucketlist ko! Siguro simulan ko na lang sa susunod na mga araw o ‘di kaya unahin ko na lang ‘yong iba? Pero kasi naman, eh! Naka-program na talaga ang isip ko na maliligo ako sa ulan sa araw na ‘to!
Dahan-dahan akong bumangon at agad na nagdasal.
Nag-sign of the cross muna ako bago ako nagsimulang magdasal. “Lord, you are the one who knows about our journey and the giver of our life. Please, forgive me when I disobey one of your commands. Forgive me for my incompetence as your Christian daughter. I thank you for this gift of life, for another chance to live. This is a new bright day that may give me another opportunity to enjoy and cease life to the fullest. Thank you for letting me savior the greatness of the world once again. Please continue blessing us, giving my family and me good health, patience, and understanding in every journey and challenges we may face tomorrow and in the following days of our lives. Please continue protecting and living with our hearts. Amen!” muli akong nag-sign of the cross.
Plano ko na sanang pumunta sa banyo ng tumunog naman ng paulit-ulit ang messenger ko. Napakamot muna ako ng batok ko bago ko ‘yon kinuha at binuksan. Nakabukas pa pala ‘yong Wifi nito, nakalimutan ko pa yatang i-off kagabi.
Agad kong cl-in-ick ang join the video call n’ong sa group chat pala naming magkakaibigan ang may tumatawag.
"BLESS! OH MY GOSH TALAGA! HINDI N’YO TALAGA INAASAHAN ‘TO! PWEDE NA AKONG MAMATAY NGAYON NA, NGAYON NA SA SOBRANG SAYA KO! THIS IS SO OVERWHELMING! SWEAR!" nakakabinging paghihiyaw agad ni Mona.
Mukhang alam ko na kung bakit.
"Mona? I don't care with your filthy stories! Lower your voice down kaya! I just woke up tapos like making shouting and shouting ka na!" pagmamaktol ni Evelyn habang kinukusot pa ang mga mata.
Hang-over pa yata ang bruha.
"Kj! Kj! Kj! Kill joy mo naman!" pang-aasar na ni Mona kay Evelyn na agad naman n’yang inirapan.
“Whatever, Mona!"
Sumingit ako sa kanilang dalawa sa pamamagitan ng pagtawa. "Good Morning, Mona! Eves! Kamusta tulog n’yo? Sana mahimbing kayong natulog kahit hindi n’yo ako ni-reply-an kagabi!" pagdi-divert ko ng usapan.
"Wehel, on the top of it maganda pa rin ako," confident na sagot ni Evelyn. Hindi man lang n’ya napansin ang pagpaparinig ko.
"Feeling! Eve? Please, can you lower your confidence down? Masyadong mataas, abot hanggang Mount Everest!" may pag-iirap na asik ni Mona.
“Whatever you say!”
"Ah? Eh? Best friends! Plano ko sanang umpisahan ang buckt list ko ngayong araw, ano game ba kayo?!" excited kong hiyaw.
"Of course, girl! Hello? We are really in! We got you, now and forever!" agad namang sagot ni Evelyn na mas lalong nagpangiti at nagpa-excite sa kin.
"Congrats, Bless! Oo naman! Game ako diyan! But before that, let me tell you what happened last night! Gosh! Last night was one of the most memorable nights in my life! Alas and I! Talk! Gosh! We were just chatting, and of course, I was the one who contacted him first well, after all, we were living in the 20th century, and there is nothing wrong when the girl first move, kaya hindi na ako nagpakipot pa!" pagpapaliwanag n’ya, sabi ko na nga ba, eh. Tama pala talaga si Ziggy.
Natawa na lang ako bilang sagot kay Mona.
"Mona, can you stop explaining? We get your point, okay? So, please proceed. You are giving me a headache, morning na morning very hype!" maktol ulit ni Evelyn.
Mainit do ueo ha? (Translation: Mainit ulo natin ha?)
"Okay! Okay! Whatever! So, here it is when we were chatting about the party and out of the blue he invited me to the bar! He was the one who asked me! My gosh! I can't really imagine that! So, yes! Yes! I did not let the opportunity slip, so I immediately went to their bar and there! We were talking! We talk a lot! Oh my gosh! I am really thanking God for that! Feeling ko tuloy may pag-asa na ang MoLas love team!" masayang-masaya n’yang anunsiyo. Hindi naman siya masyadong masaya ano? Hindi ko nahahalata ang kasiyahan, eh!
"Mona, I am happy for you!" masaya kong komento, kunwari hindi ko alam.
"True, girl!" segunda naman ni Evelyn.
“Evelyn! Kayo, kamusta? Nakita kita kagabi kasayaw mo sa dance floor sina Premo at Trevor, ah?” pagbabaling ko ng usapan kay Evelyn.
"Huh? Oh yes. I was trying to mingle with Premo, but this little guy named Trevor is annoying me! He was asking for your phone number and all. Gosh! Wrinkles, go away!" aniya na hinihilot pa ang sintido.
“Alam n’yo ba, si Trevor talaga ang totoong example ng weird! Simula n’ong tinulungan ko ang lolo n’ya kung ano-ano na ang pinagsasabi sa kin ng lalaking ‘yon, parang laging sabog!” pagsang-ayon ko.
"Actually, he is really weird. Laughing and all, and you include how energetic he is. Gosh! Major major headache talaga!" muling singhal ni Evelyn.
"Naku! Akala ko may Ziggy ka na, Eves? Tapos ngayon si Premo na naman? How about you, Bless? Kamusta ka naman kagabi, pasensiya ka na hindi na kita na-reply-an, na-busy talaga ako kay Alas," aniya naman ni Mona.
"Ah? Ako? Wala namang bago except sa slit kong nakakairita talaga! Hindi ako komportable! Feeling ko kasi anytime parang mahuhubaran ako sa sobrang taas n’ong slit! Atsaka inisiip ko baka masira ko pa mukhang mahal pa naman!” pagrereklamo ko naman. Hindi ko na muna sasabihin na nag-usap kami ni lightning at thunder at isama mo pa si Nazarene.
Tumawa si Evelyn bago ako sagutin. " Girl, you look stunning kaya lalo na. When the chairman introduced you to the crowd, many were asking who you are, what family you were from, and so on! Like they were all shocked!" ani ni Evelyn.
"Yes, Bless! I agree! Ang ganda mo talaga kagabi! Hindi ka lang sanay na magsuot ng mga ganoon kaya naaasiwa ka pero bagay na bagay sa ‘yo!" segunda naman ni Mona.
“Ah? Salamat naman kung ganoon,” alanganin kong sagot.
Tama naman ang sinabi ni Mona na hindi ako mahilig magsuot ng mga ganoong damit kaya hindi ko rin talaga alam kung bagay ba sa kin o hindi.
"So, yes? What is your bucket list number one, Bless? Dali! Baka pwede natin agad gawin,” excited na bulalas ni Mona pero nalungkot naman ako.
"Tungkol diyan gusto ko sana na maligo atsaka sumayaw under the rain pero parang hindi naman pwede,” malungkot kong tugon.
Sana umulan na lang ngayong araw.