CHAPTER 16

1856 Words
           NAALARMA. Mas lalo akong naalarma ng isa-isang nagsiupuan sa mesa namin ang anim na apo ni lolo chairman. Ngayon alam ko na kung bakit malaki ang mesang ito, mabuti na lang talaga at katabi ko si Tita Annie sa kanan at si mama naman sa kaliwa. Tuluyan ng ding nakalapit si lola chairman sa amin kaya agad kaming apat na tumayo, nanguna talaga si Tita Annie para makipag-shake hands sa kan’ya.            "Chairman Marquez, saeamat gid sa pagkangay kamon iya (Translation: Chairman Marquez, marami po talagang salamat sa pag-imbita sa min dito)," aniya ni Tita Annie.            "No worries. It’s my pleasure, thank you for being here too," sagot naman ni lolo chairman kay tita.            "Sir! Saeamat gid-a. Masadya man kami hay nabuligan ka it among unga (Translation: Marami po talagang salamat. Masaya rin kaming natulungan kayo ng anak namin) Thank you po sa lahat-lahat mga ito," ani naman ni mama habang tinutukoy ang mga damit namin at ang mga nakahandang mga pagkain habang nakikipag-shake hands kay lolo chairman.            Nginitian ni lolo si mama bago ito nagsalita. " Mrs. Cayabyab, I should be the one saying thank you. I am forever indebted to your daughter. Thank you for raising her so well," papuri na naman ni lolo matapos akong balingan. Hindi naman lalaki ang ulo ko nito ano? Kanina pa ako pinupuri.            Ngumiti lang din ako kay lolo. Pero hindi ako komportable lalo at nararamdaman kong nakatingin sa akin ang anim n’yang mga apo. Anong problema nila sa kin? Hindi ko yata gusto ang mga pinapahiwatig ng mga titig nila.            "Chairman," tawag ni papa sa chairman.            "Mister Cayabyab! Thank you for accepting my invitation, kahit minadali lang ang lahat, thank you for coming."            "Our pleasure," sagot ni papa bago n’ya tanggapin ang kamay ni lolo at i-shake hands iyon. Matapos silang mag-shake hands ni papa ay agad na lumapit sa kin si lolo at agad akong yinakap.            "You look gorgeous, apo! Thank you for being here, huh?" anito.            Napatawa naman ako bago ko tapik-tapikin ang balikat ni lolo. “Thank you rin po, lolo! Akala ko nga po hindi ako ‘to, eh, maganda po kasi!” pabiro kong tugon.            "Naku! Maganda ka naman talaga, hija, hindi lang mukha mo ang maganda pati na rin ang kalooban mo. Anyways, let's eat! Please take your seat. Please excuse my grandsons. These creatures are raised very spoiled kaya mga kilos sanggano," natatawa n’yang sad bago umupo sa tapat ko.            Tahimik kaming kumakain na lahat hanggang sa tinignan ni lolo chairman si papa at nag-umpisa na silang magkuwentuhan patungkol sa business. Nakayuko lang ako the whole time at pinaglalaruan ang pagkain ko lalo na at hindi ako komportable sa mga titig na pinupukol nitong mga apo ni chairman sa kin. Ilang sandali lang ang lumipas ng pati na rin sina mama at tita ay nakisali na sa usapan ni lolo at papa. Puro business ang naririnig ko kaya mas lalong nawala ang interest ko sa kanila, inikot-ikot ko na lang ang mga mata ko nagbabakasakaling makita ko sina Mona at Eves pero wala. Kaya ginamit ko na rin ang opportunidad na busy pa ang pamilya kong makipag-usap kay lolo chairman para magpaalam kay mama at hanapin na lang ang mga kaibigan ko.            “Ma, alis lang po ako saglit. Hanapin ko lang po sina Eves at Mona,” mahina kung bulong kay mama na siyang agad naman n’yang tinanguan. Salamat naman. Maingat akong tumayo upang i-excuse ang sarili ko.            “Excuse me lang po,” pagpapaalam ko bago ako tumalikod sa mesa naming iyon.            Binilisan ko ang paglalakad palayo sa kanila para makahinga ng maluwag. Feeling ko nakaka-suffocate ang mga titig ng mga tao sa kin. Masyado naman nilang pinapansin ang beauty ko. Mas lalo akong nakahinga ng maluwag ng sa wakas ay marating ko ang labas ng bahay nila. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa garden nila, mabuti na lang at may ilaw doon at wala pang tao. Sinusuwerte yata ako ngayon!            Noong tuluyan ng humupa ang kaba at awkwardness sa puso ko ay napa-upo na ako sa isang brick cahir na malapit lang sa pintuan papasok ng mansiyon nila. Hinhilot-hilot ko ang balakang ko habang mahinang naghu-humming ng may marinig akong nagsalita.            “Aeaom ko gina-usoy mo sanday Monalisa ag Evelyn? Close gali gihapon kamo. (Translation: Akala ko ba hinahanap mo sina Monalisa at Evelyn? Close pa rin pala kayo.)” aniya. Kilalang-kilala ko na ang boses na ‘yan. Hindi na ako nag-bother pang lingunin siya mula sa likod. Mas mabuting nandiyan siya para hindi ko makita ang pagmumukh n’ya, pinapasakit n’ya lang ang puso ko.            “Usuyon ko gid mat-a sanda angan-angan, gapahuway malang ako (Translation: Hahanapin ko naman talaga sila maya-maya, nagpapahinga lang naman ako),” walang kaemo-emosiyon kong sagot sa kan’ya.            “Ah, gali (Translation: Ah, kaya pala),” anito.            Hindi na ako nag-abala pang sagutin siya. Pareho kaming natahimik ng ilang saglit, kapuwa naghihintayan kung sino ang mauunang magsalita, pero sure akong hindi ako ‘yon.            "You look beautiful," seryoso n’yang saad.             "Thanks," mabilis ko namang sagot habang mabilisan siyang tinignan na nakatayo na pala sa gilid ko.            Gosh! This is freaking awkward! Bakit ba kasi n’ya ako sinundan?            "How do you do? Is everything fine?" tanong na naman n’ya. Ini-english na naman ako ng lokong ‘to. Bakit ba ang dami n’yang tanong? Anong akala n’ya? Bati kami? Uy! Asa siya.            Matapos ng lahat ng ginawa n’ya?            "I am fine. Everything is fine, I guess, atsaka kung hindi naman okay hindi mo naman kailangang mag-abala pa," sagot ko rin. Akala n’ya siya lang nag-i-english? Ako rin!            "Ah? That's good to hear, but I am always here for you, tanda-i run (Translation: Tandaan mo ‘yan)," sagot na naman n’ya sa kin. Sana all nandiyan lagi.            “Sige? Hambae mo, eh, (Translation: Sabi mo, eh),” sarkastiko kong sagot.            Oh, my gash! Bakit tanong pa rin siya ng tanong? Hindi n’ya ba nakikitang sinusubukan ko nan g**g putulin ‘yong usapan? Siya ang pinaka-least na taong gusto kong makausap sa mga oras na ‘to.            "Would you mind if I ask you something?" seryoso n’ya na namang tanong Tinignan ko siya na parang mali dahil nakita kong direkta na siyang nakatingin sa kin ngayon. Napa-iling ako.            Oh, my gash! Austin! Stress ka! Sana alam mo ‘yon.            "Tungkol naman saan? Meron pa ba dapat na itanong?" pabalang kong sagot. Sinusubukan ko na lang talagang ikalma ang sarili ko at panatilihing komportable ang mga sagot ko sa kan’ya. Ayaw ko namang magmukhang bitter.            "Marami, Bless. Marami. About us? Are you in a relationship?"            Ano raw? Is he dead serious?!            "Austin, we are still friends, sana alam mo ‘yon. Atsaka sa kondisyon ko ngayon sa tingin mo ba makukuha ko pang mawalan na namang ng isang taong pinahahalagahan ko ng sobra? Ayaw ko na, hindi na ako uulit pa,” seryoso kong sagot sa kan’ya.            Cross-fingers, huwag ka ng sumagot please, please! Hindi na kaya ng puso kong marinig kang tawagin na naman ako sa pangalan ko!            "Austin, grandfather is looking for you inside," bigla-bigla na lang sulpot at saad ni Nazarene.            Pero sa likod ng utak ko malaki ang pasasalamat ko kasi dumating siya. Save by the bell! Hindi ko na yata pa kakayanin pang pigilan ang luha ko at makipag-usapan sa kan’ya ng mas mahaba pa. Nagpapasalamat na lang ako at hindi ko pumiyok n’ong tinawag ko siya sa pangalan n’ya.            Lightning at thunder ang pangalan n’ya para sa kin. Nakakamatay.            "Sure. Bless, I'll go ahead," pagpapaalam n’ya. Bakit magpapaalam pa ‘di ba? Lagi mo naman siyang inuuna. Pero ngumiti pa rin ako at tumango sa kan’ya.            "Sure. Ayaw eon ako pag-intindiha, panaw eon (Translation: Huwag mo na akong intindihin, umalis ka na)."            Umalis nga siya kaya hindi na ako natinag pa at nanatili na lang na nakaupo sa brick chair habang itong si Nazarene naman naglakad siya at umupo sa punong malapit sa kin, umupo siya sa malakiong ugat n’on at sinindihan ang sigarilyo n’ya. Dito pa talaga nanigarilyo sa harapan ko. Wala talagang modo.            Mabuti na lang at tamang-tama lang ang ilaw dito sa min kaya nakikita ko ang mga ginawa n’ya, ganoon din naman siya. Nakatingin lang ako sa kan’ya na parang may kung anong koneksiyon kaming dalawa. Siguro dahil crush ko siya.            "I think he still loves you," wika n’ya out of the blue.            “Anong pinagsasabi mo?” mataas ang tono ng boses ko.            "Austin. I think he is still in love with you," pag-uulit n’ya.            "Hala? Paano mo naman nasabi ‘yan, wala naman kaming relasyon," pagtatanggi ko lalo na at wala namang nakaalam na naging kaming dalawa ni lightning at thunder lalo na at ayaw n’yang madungisan ang image n’ya sa lolo n’ya. Kailangan n’ya raw kasing maging dakilang apo para mapansin siya ng lolo n’ya.            Pero ngayon nakilala at nakasalamuha ko na ang lolo n’ya parang mas lalo kung naintindihan, hindi lang talaga n’ya kayang ipaglaban ako. ‘Yon lang ‘yon, ginamit n’ya lang na rason ang lolo n’ya.            "Austin said that you were his ex-girlfriend."            Weh? Talaga ba? Totoo? Promise? Mamatay man?            "Patawa. Talaga lang?” sarkastiko kong sagot. Hindi n’ya ugaling ipangalandakan na may girlfriend siyang mahirap.            "If you don't love him anymore then tell him directly. Don't be hesitant because the more you let him hanging. The more, this whole thing will be complicated between you and him. Ayaw n’yo eon pagpakomplikara ro simpleng bagay, kung indi, eh ‘di indi. (Translation: Huwag n’yo ng ipa-complicte ang simpleng bagay, kung hindi, eh ‘di hindi) I am not telling you this because I care for my f*****g cousin instead I am telling you this to lessen the impact," aniya habang binubuga ang apoy ng sigarilyo n’ya malayo sa kin. Buti naman.            Wala siyang pakialam sa pinsan n’ya ha? Liar.            “Bakit mo sa kin ‘to sinasabi? Narinig mo ba kaming nag-uusap?”            "Yes. Actually, grandfather is not looking for him. I just said that to f**k him up. He is really easy to persuade, especially when grandfather comes the way," umiigting ang panga n’yang saad na animo’y may pinanghuhugutan.            "Naiintindihan naman kita. Eh, paano gano’n n’ya kamahal ang lolo ninyo, kaya n’yang ibigay lahat kahit wala ng matira sa kan’ya," sagot ko habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.            Totoo naman. Kaya nga n’ya nakayang iwanan ako.            "Maybe? But the more I see it. It's not because of love, and it's about his insecurities and jealousy," aniya. Itinapon n’ya ang hawak-hawak n’yang sigarilyo at agad iyong tinapakan ng paulit-ulit.            Nag-umpisa na siyang maglakad pabalik. "Think about it," pahabol pa nito.            “Bahala na si Batman,” sagot ko naman. Nakalayo na siya sa kin ng mga tatlong hakbang ng nilingon ko siya pero naktingin din pala siya sa kin. Nagtama ang mga mata namin at sa hindi ko inaasahang pagkakataon nakita kong ngumiti siya. Nginitian n’ya ako!            Oh, my gash!            "You're beautiful, by the way, Winona Bless."            Oh, my gash na, oh, my gash! Anong sinabi n’ya? At ano? Tinawag n’ya ako sa pangalan ko?!            You-you’re beautiful, by the way, Wi-winona Bless?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD