SABI ko nga ‘di ba? Aamin na ako. “Pabalik na po sana kami matapos naming tignan ‘yong buong lugar ng ilang minuto pero may napansin po kasi akong matanda na paekis-ekis kung maglakad. Eh, sa alam ko po ang pakiramdam na gano’n kaya tinakbo ko po galing gate nila hanggang sa masambot ko po ‘yong matanda bago po siya matumba at mahimatay. Hindi ko naman po inaasahan na si Chairman Marquez po pala ‘yong matandang tinulungan ko,” pag-aamin ko na, hindi nga lang lahat.
"Bless, maganda na nagmagandang loob ka sa kapuwa mo. Mabuti at tinulungan mo si chairman pero sana naman inisip mo rin ang sarili mo, hindi ka katulad ng iba, Bless. Sana lagi mong tandaan na kakaiba kang sitwasyon at ang kailangan ay ang matinding pag-iingat, tumakbo ka pa, paano kung mas nauna ka pang nahimatay sa matanda? Anong mangyayari sa ‘yo?”
"Opo, ma, naiintindihan ko po. Sayod ko po, ma (Translation: Alam ko po, ma)," malungkot ko na lang na tanong.
"Hoy! Ayaw kamo it kasubo! (Translation: Huwag kayong malungkot!) This is an opportunity, Bless! Big opportunity! Hindi lang para sa tin pero pati na rin sa hotel! Let's go! We will definitely go!" patapos na anunsiyo ni Tita Annie.
"Annie, sinong nagsabi sa ‘yong pupunta tayo? Sigurado akong lahat ng pupunta roon ay mayayamang mga tao, anong binatbat natin sa kanila? Mapapahiya lang tayo roon, hindi tayo nababagay sa mga sosyal na mga party na ‘yan! Isa pa ay hindi tayo pwedeng pumunta kung saan-saan lang hanggat walang pahintulot ng doctor ni Bless, gusto mo bang ilagay sa kapahamakan ang pamangkin mo? Ang daming tao roon, paano kung mahawaan pa si Bless ng kung anong sakit?” mahabang litanya ni mama pero si Tita Annie nanatili lang na nakangiti na parang inasahan na ang reaksiyon ito ni mama at nakapaghanda na siya.
“Ako. Meron tayong binatbat. No and hindi ‘yan. Ayan, sinagot ko na lahat ng tanong mo, Ate Winnie. Masyado kang tense! Hindi ka man lang kumalma, hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Pinadalhan nga tayo ng mga susuotin natin ng chairman tapos pati mag-aayos sa tin meron, kaya anong problema pa roon? We will definitely belong in there, ate. Kaya pupunta tayo,” nakangiti at kumikindat-kindat pa sa kin si Tita Annie.
“Annie, still. Kailangan pa rin natin ng go signal galing sa doctor ni Bless, hindi tayo pwedeng maglalabas at um-attend ng party ng walang pahintulot n’ya, hindi natin pwedeng i-risk ang buhay ni Bless,” sagot naman ni mama.
Palipat-lipat lang ang tingin ko kay mama at tita. Kung ako ang tatanungin, gusto ko rin namang pumunta kasi nakakabagot na lagi lang akong nasa bahay parang mas lalo akong nanghihina.
“Manang (Translation: Ate), nakausap ko na ang doctor ni Bless at ang sabi n’ya pwede naman daw basta walang nararamdamang masakit si Bless sa katawan n’ya at nakikita mo naman na ayos na ayos ‘yang anak mo kaya, be ready! Pupunta tayo! Perfect!” masayang sagot ni Tita Annie habang pumapalakpak pang naglalakad paalis ng kuwarto ko.
Matapos isara ni tita ang pinto ay natahimik kaming pareho ni mama. Naglakad siya paupo sa tabi ko at doon na kami nagkatinginan na dalawa. Pumakawala si mama ng buntong hininga bago hawakan ang dalawa kong kamay.
“Bless, tatapatin na kita, hindi ko gusto ang ginawa mo. Anak, hindi naman sa masyado akong paranoid pero ayaw kong mawala ka sa kin, mas pipiliin kong ako na lang kaysa ikaw pero sana naman ikaw din mismo alagaan mo ang sarili mo,” aniya kaya napatango na lang ako.
“Opo, ma, sorry po talaga.”
“Pero alam ko na ‘yang tingin mo, gusto mong pumunta ano? Kunsitidor din talaga ‘tong si Annie, eh,” aniya.
Humagikhik ako sandali bago nagsalita. “Sana po, makapunta tayo,” sabi ko na.
“Ayos ka lang ba? Wala namang masama sa pakiramdam mo?”
Umiling ako. “Wala po, mama. Ayos na ayos po ako, punta na po tayo?” pamimilit ko na.
“Oh, siya, sige na! Pero sa isang kondisyon.”
Lumapad ang ngiti ko ng marinig ko ang sinabing ‘yon ni mama. Yes! “Ano po ‘yon, ma?”
"Huwag kang magpapagod. Magsabi ka agad sa min kapag nakaramdam ka na hindi maganda," anito.
Napayakap na lang ako sa kan’ya at nagsimulang magtatalon sa kama ko. "Yes! Yes! Yes! Thank you, Lord! Thank you, ma!"
(Flashback)
Habang nasa biyahe kaming tatlo nina Eves at Mona pauwi ng mag-umpisa silang balingan ako ng atensiyon at nagsimulang na ngang magtatanong. Hindi na ako magtataka lalo na at may mga crush sila sa anim.
"Nakita mo ba sila, Bless?” pangunguna agad ni Mona habang sinusundot-sundot pa ako sa balikat ko.
"Did you see Ziggy ba? Omg! You know what, girls? I think I'm over Nazarene now na. I think? I think, I like Ziggy na talaga! Nakita ko na cover siya sa isang magazine! And like! Heaven!" kinikilig namang bulalas ni Evelyn.
“Pwede kalma? Pwede isa-isa? Ako lang ‘to, hindi tayo aabutin ng ilang taon at matatapos nating ‘tong usapan na ‘to kaya kalmahan n’yo ang mga puso n’yo. Nakita ko silang lahat, as in, lahat sila!” sagot kong nakangiti.
“Totoo ba? Ano? Nakita mo ba si Alas? Totoo ba ang sinabi ni Evelyn? Ano?” si Mona. Sino pa ba?
"Oo muna, Mona. Mukhang oo ang sagot sa lahat ng mga tanong mo."
Sasagot pa sana si Mona pero agad na tinakpan ni Evelyn ang bibig n’ya. "Okay! Mona, quiet! Ako na ‘to, tumabi ka na. Bless, you make answer this tanong with outmost honesty,” nag-giggle pa talaga si Evelyn. Ano siya kinder?
“Ha?”
“Who do you think captures your eyes?" parang time bomb na pinasabog ni Evelyn sa harapan ko.
Tinignan ko silang pareho habang nakangiti ng sobrang lapad. Alam ko na ang sagot sa tanong na ‘yan, hmph! Praktisado yata ‘to!
"They are all handsome."
(End of Flashback)
Naalala ko ang kasinungalingan na sinabi ko sa dalawa kong kaibigan. Technically, hindi naman siya kasinungalingan sadyang may hindi lang ako sinabi. Kung baga, for my personal consumption only. Hindi pwedeng malaman ng iba, hindi muna ngayon.
"They are all handsome," muli kong bulong ng iwanan na ako ni mama mag-isa rito sa kuwarto ko.
Totoo naman, lahat naman talaga sila guwapo, eh, walang pangit. Isa pa lahat naman tayo maganda at guwapo, walang pangit na ginawa ang Diyos. Sadyang mataas lang talaga standards ng tao kaya gano’n. Labels lang naman ng society ‘yang may guwapo at may pangit sadyang nasanay na lang din tayong lahat, wala, tao lang, nagkakamali rin.
Naalala ko na rin kung bakit pamilyar sa kin si Nazarene, wow! Naki-Nazarene akala mo close kami. Pero kaya pala parang pamilyar siya sa kin kasi siya pala ‘yong lalaking nag-gate crash sa birthday celebration ko n’ong nasa hospital pa kami. Siya pala si Mr. Gray eyes kung si mama pa ang tatanungin si Mr. Gray eyes na walang modo.
Kasalukuyang nakapikit ako ng aking mga mata habang ang glam team na pinadala ni lolo chairman ay nandito na inaayusan na kami nina mama at tita. May kanya-kanya talaga kaming taga-ayos, hindi naman sila prepared. Kasama ko sina mama, papa at tita kaya binilinan na lang muna namin ang iba naming kamag-anak na bantayan ‘yong hotel habang wala pa kami, baka kasi raw may mga emergency at walang magsu-supervise.
"Bebe girl! Pak na pak ta ing cheekbones! Sure nga sure ako nga marampa ka sa party nga gwapa! Maskin uwa ka gani it make-up gwapa ka eon, ano pa baea kapag ma-make up-an ta eon! (Transklation: Baby girl! Pak na pak ‘yong cheekbones mo! Sure na sure akong rarampa ka sa party ng maganda! Kahit nga wala kang make-up maganda ka na, eh! Ano pa ba kapag ma-make up-an na kita!)” bulalas n’ong baklang nag-aayos sa mukha ko. Actually hindi lang siya nag-iisa kasi meron ding nag-aayos ng mga damit ko tapos meron ding dalawa pa na nagma-manicure atsaka pedicure sa kin. Glow up yata ang gusto nilang gawin sa kin.
Feeling ko tuloy ako ang Cinderella ng Aklan na m-in-ake over ng fairy godmother n’ya, ‘yon nga lang lalaki si lolo na siyang pakana nitong lahat.
Siguro mahigit dalawang oras ang tinagal ng ginawa nila bago sila nagsabi na magbihis na raw ako. "Baby girl, musyon buligan ta nga suksukon ing heels ag gown (Translation: Baby girl, halikana at tutulungan kitang isuot ang heels at gown mo),” sabi n’ong si ateng matapos n’yang tapik-tapikin ang dalawa kong balikat. Tumayo nga ako at hindi na muna ako nag-abalang tignan ang mukha ko sa salamin, baka kasi makita ko na naman ang mukha kong walang kabuhay-buhay.
Sana lang talaga malakas itong pa-ayuda ni chairman at matakpan nila kung gaano kaputla ang buo kong mukha.
Si ateng hindi ko alam ang pangalan ang mismong nagbukas n’ong pinadalang gown ni Chairman Marquez. Dark blue na gown ‘yon tapos off shoulder pa ang design at may pa slit sa left ng legs ko.
Oh, my gash! Huwag naman sana akong mahubaran sa suot kong ‘to.
“Bongga! Bagay nga bagay sa ing kutis do kulay, baby girl! Mag-ilis ka eon (Translation: Bagay na bagay sa balat mo ang kulay, baby girl!),” aniya na nakangiti pa.
Naglakad ako papasok sa banyo kaya nadaanan ko si tita at mama na kapuwa nakabihis na ng gold at silver na gown. Nasa salas kasi kami pumuwesto para mas malaki ang space. Kapuwa sila ngumiti sa kin at nagsalita.
"Beautiful!" sabay pa nilang puri.
Tango lang at ngiti ang itinugon ko sa kanila. Habang nasa banyo na ako ay maingat na maingat akong nagbihis lalo at parang anytime mapupunit ko ‘yong gown. Ayaw ko namang masira ‘to baka ibabalik pa kay lolo, nakakahiya naman. Struggle pa ako kasi hapit na hapit sa katawan ko ‘yong gown parang tinahi talaga para sa kin.
Kinakabahan ako n’ong makalabas ako ng banyo lalo na at gulat na gulat ang mga tao sa kin wala na roon sina mama at tita. Napakagat labi na lang tuloy ako, pangit ba? Hindi kaya bagay sa kin? Ano kayang susuotin ko na lang?
“Ah? Pangit po ba? Bihis na lang po siguro ako ng iba?" nag-aalangan kong suhestiyon.
"Bukon ah! Sa matuod gani kaya kami natulala kasi hay bagay nga bagay kimo! Kagwapa ka gid makon! (Translation: Hindi ah! Sa totoo nga n’yan kaya kami natulala kasi bagay na bagay sa ‘yo! Ang ganda mo nga talaga!)”
Ang kasama na ni ateng hindi ko alam ang pangalan ang nagkusang buhatin ang salamin at ilapit ‘yon sa harapan ko na siyang nagpagulat sa kin. Nakita ko na kasi ang kabuoan ng mukha ko.
Shocks! May himala sa puso ng mga tao! Totoo ang himala! Paano nila nagawang ibalik ang mukha ko sa dati nitong appearance? Parang nagmukha akong walang sakit dahil ‘yong labi ko hindi na maputla gano’n na rin ‘yong mga pisngi ko. Sinubukan kong hawakan ang sarili ko gamit ng mga daliri ko, hindi ako makapaniwala, ma-miss ko ang sarili kong mukhang walang sakit.
Parang bumalik ako sa mga panahon na wala pa ‘tong AML sa buhay ko.
“Ah? Baby girl? Pasensiya kung istorbohon ta eon pero gwapa ka eon, tama eon don, kailangan n’yo eon abi magpanaw. Igto eon sa idaeom do gahueat kinyo nga saeakyan nga mahatod kinyo paadto sa Pharaoh’s mansion, igto eon man sanday mama mo sa idaeom (Translation: Pasensiya na kung iistorbohin kit pero maganda ka na, tama na ‘yan, kailangan n’yo na rin kasing umalis. Nasa baba na at naghihintay sa inyo ‘yong sasakyang gagamitin n’yo papunta sa Pharaoh’s mansion, nandoon na rin sila mama mo sa baba),” aniya kaya nagtanguan kami sa isa’t isa at nagsimulang maglakad pababa.
Nakasunod lang ako sa likod n’ya habang abalang inaayos ang slit ng gown ko, parang hindi yata ako komportableng pinapakita ang balat ko. Feeling ko kasi anytime mapupunit ‘tong suot ko dahil sa taas ng slit. Nakarating kami sa entrance at agad na tumambad sa amin ang isang white limousine na nakaparada sa harap ng hotel. May lalaking naka-white suit ang nagbukas ng pinto at nakita ko na roon sina mama, papa, at tita na lahat naman ay nakangiti.
"Bless! You look beautiful! Hambae ko kimo, Winnie, eh! Pang Miss Universe ro beauty sang gumankon ngara! (Translation: Sabi ko na sa ‘yo, Winnie, eh! Pang Miss Universe ang beauty nitong pamangkin ko!)" bulalas agad ni tita.
"Grabi! Bukon man gid ante hay! (Translation: Hindi naman po, tita!)" sagot ko naman na hindi pa makapaniwala. Pumasok na ako sa sasakyan at umayos na ng upo.
"Che! Kagwapa ka kaya! (Translation: Ang ganda mo kaya!)"
“Ah, boss? Anong oras gaumpisa ro party hay? (Translation: Anong oras ba mag-uumpisa ang party?)” pag-iiba ng usapan ni papa.
"Actually, Mr. Cayabyab, the party is already starting. The chairman is now looking for all of you, kakatawag n’ya lang po sa kin bago ako pumasok dito."
Shocks! Late na pala kami.
Mabilis lang ang naging biyahe namin, hindi naman kami naabutan ng 20 minutes ng marating namin ang Pharaoh’s mansion. Automatic na bumakas ang gate lalo na n’ong makita nila ang sinasakyan naming kotse ay pagmamay-ari nitong si lolo chairman. Mula rito sa labas ay naririnig ko na ang boses ng emcee na may inaanunsiyo na sa loob.
"Good evening, ladies and gentlemen! I am proud to welcome you all to tonight's celebration of another gift of life from Chairman Marquez! Without further ado, let me introduce to you the very vigilant and one of the wise men in the business industry who founded the very famous and wealthy Marquez Empire."
Huminto kami sa harapan mansion at agad kaming sinalubong ng mga limang security guards. Sila na nga mismo ang nagbukas ng pinto ng sasakyan para makalabas kaming magpamilya. Agad na pinangunahan n’ong driver ang daan kaya n’ong dumaan kami sa parang reception desk ay pinakita lang n’ong driver namin ang id n’ya at pinapasok na kami agad.
Mas lalong gumanda ‘yong first floor ng bahay simula n’ong nakita ko ‘to kahapon. Mas napuno ng mga naglalakihan at naggagandahang mga chandelier at mataas na round table. Lahat ng mga bisita at nakatayo sa kan’ya-kan’ya nilang mga mesa habang may hawak-hawak na wine glass at sosyal na sumisipsip nito. Hindi ba sila nangangalay? Naka-heels sila pero nakatayo? Uso ba ang standing ovation sa party ng mga mayayaman? Boring naman pala sila ka-bonding, pinaparusahan ka na tumayo ng ilang mga oras, ano ‘to consequence kasi nakikain ka ng handa nila?
Nililibot ko lang ang mga mata ko sa kabuoan ng lobby. Tama nga si mama, halos lahat na nandito mga mayayaman lalo at halos karamihan sa mga mukha na nandito ay nakikita ko sa sa magazines or sa television.
"This way, miss," mahinang senyas sa kin ng driver na kasa-kasama namin at talagang ni-lead n’ya ang daan patungo sa isang lamesa na hindi naman kalayuan sa ibang mga bisita pero kapag sa mga concert VIP ang lamesang ito.
Tumigil siya sa paglalakad kaya gano’n din ang ginawa namin ng pamilya ko. Isa iyong round table na hindi tulad ng ibang mga nakahandang lamesa, ito ay may upuan. Mabuti naman kasi baka mabinyagan ko pa ng pagkahilo ang lugar na ‘to kapag tatayo lang kami ng matagal. Ang dami ring pagkain sa lamesa, iba’t ibang cousine halos lahat yata ng mga pangyayamaning pagkain nandito, eh.
Pero ang laki naman yata nito para sa apat na tao? Pagtatakha ko. Siguro nasa sampu ‘yong upuan at talagang hindi lang siya basta-basta dahil ang design n’ya alam mo talagang may uupong panauhing pandangal. Masyado yata naman ako ginagawang reyna nitong si lolo.
“Ang daming pagkain,” bulong ni Tita Annie sa kin habang kinukurot-kurot pa ang kamay ko. Tinignan ko na lang siya at ngumiti.
“Oo nga po, uubusin mo raw lahat ‘yan, tita, walang uuwi hanggang hindi nauubos ‘yan,” biro ko sa kan’ya na pinagtaasan n’ya lang ng kilay.
"Please, sit and stay here, ma’ams and sir. Please do make yourself comfortable and at home, kapag may kailangan po kayo tawagin n’yo lang po kami, kabilin-bilin po ng chairman na ibigay lahat ng gusto n’yo," huli n’yang saad bago naglakad papalapit sa kumpol ng mga security na nakahilera sa hindi kalayuan mula sa mesa naming ito.
“Ma-maraming salamat!” pahabol pa ni tita na kanina pa nagsta-star ang mga mata. May tinatago pa rin talagang harot sa katawan ‘tong si tita.
“Yummy n’ong lalaki, hindi ako uuwing hindi nakukuha phone number n’on,” bulong na naman n’ya sa kin bago ako mahinang sunggaban habang si mama at papa ay nagsi-upo na.
Maayos na kaming naka-upo na apat at pinagpapasalamat ko na lang na dim ang mga ilaw dito sa paligid kaya halos wala namang nakapansin sa pagdating namin ng late. Nakakahiya naman. Minsan na nga lang maimbitahan late pa.
"And now, at this juncture, I am proud and honored to present to you all the chairman, the man behind the Marquez Empire, and this excellent piece of architecture, the Pharaoh’s mansion, Chairman Luxurious Marquez!" nakuhang muli ng emcee ang atensiyon ko na ngayon ang spotlight ay nakatuon na kay lolo chairman na sopistikadong-sopistikado sa suot n’yang black suit habang may hawak-hawak pang wine glass sa kanan n’yang kamay. Nakatayo ito sa pinakataas ng hagdan nila mula sa second floor.
Si lolo chairman parang mga nasa late 60s n’ya lang, halatang alaga talaga ang kutis at kumakain ng tama with healthy diet. Iba talaga kapag mayaman.
Napuno ng palakpakan ang buong lugar kaya nakipalakpak na rin ako habang nanatiling na kay lolo chairman ang mga mata ko. Nag-bow pa siya sa aming lahat habang nakangiti ng malapad. Halatang sanay sa malakihang crowd.
Ilang saglit pa ang tinagal na naka-focus lang kay lolo chairman ang spotlight kaya itinaas n’ya rin ang kan’yang wine glass sa iba’t ibang direksiyon. Sa mga nakikita ko sa mga videos dati gano’n naman talaga ginagawa ng mga mayayaman para medyo ina-acknowledge naman daw nila ang mga bisita nila. If I know lahat ng nandito may kan’ya-kan’yang agenda kung bakit pumunta kahit nga kami, eh, meron din.
"Of course! Together with his six grandsons, who will be the future of Marquez Empire! May I call on the six young masters of the Marquez clan’s generation, starting with the youngest and the very positive looking, Mr. Trevor Klevan Marquez!" dugtong ng emcee at sa muli ay sinalubong siya ng malakas na palakpakan, desenteng-desente siya tignan sa suot n’yang white suit, akalain mo ‘yon? Nagtra-transformation din pala ang weird-ong na ‘to. Nagmukhang tao si Mr. Weird.
"Next in line, we have the very silent but technically good in dealing with technologies,” humalik-ik ng mahina ang emcee bago n’ya pinagpatuloy ang pagsasalita.
“That was supposedly a joke, well, we have here, Mr. Ziggy Miguel Marquez!" tumingin naman siya sa buong paligid pero guhit pa rin ang pagiging poker face n’ya, hindi ba siya nabo-bore? Lagi siyang seryoso, akala mo naman may malaking problemang kinahaharap sa buhay. Pinalakpakan pa rin naman siya ng mga tao na akala mo ay sanay na sanay na sa ekspresiyon n’yang ‘yan.
Biglang naging modulated ang boses n’ong emcee. "The horse racer and the huge man of the family. Let us all give a round of applause to Mr. Premo Yael Marquez!" nakangiti naman siya pero halata mong pilit. Tama naman ‘yong emcee literal na big man kasi ang taas n’yang lalaki tapos ‘yong mga muscle n’ya akala mo parang machete ng Aklan. Alagang gym siguro ‘to si kuya.
"The pet lover among all the Marquezes, he really is, isn't he?" pagtatanong ng emcee sa audience lalo na at kahit naka-suit na siya and all ay may bitbit pa rin siyang pusa yata ‘yon. Nakitawa na rin ang buong audience kaya si lolo chairman napalagok na lang ng wine n’ya. Alams na, stress to the bone na naman siya.
"Mr. Alas Miller Marquez!" energetic na announce ng emcee. Cen-in-ter kay Alas ‘yong spotlight at hindi man lang n’ya nakuhang itaas ang mukha n’ya dahil busy siyang paglaruan ang dala-dala n’yang pusa. Napangisi na lang ako lalo at naalala ko kaagad si Monalisa, laglag na naman ang panty ng isang ‘yon ngayon somewhere.
And speaking of Monalisa, nandito rin silang pareho pati si Evelyn nandito rin. Mabuti nga lang at sumama sila sa mga magulang nila lalo ng malaman na pupunta rin kami. Hanapin ko na lang sila mamaya, hindi naman siguro ako aabutin ng isang dekada para mahanap sila sa malaking bahay na ‘to.
"And the second born of the Marquez Clan! The achiever! And a very loving grandson, Mr. Austin Matthew Marquez!" Agad kong kinuha ang baso na may tubig at ininom iyon habang ang mga mata ko ay nasa kan’ya. Siniko naman ako nitong si tita, hindi talaga makapaghunos dili minsan.
“Ang guwapo talaga ng batang ‘to,” puri pa n’ya kaya sinamaan ko lang siya ng tingin.
Actually, a loving grandson doesn't suit him. He is more than a loving grandson. Napairap na lang ako sa iniisip ko. Best in pagiging apo ‘yang kakilala ko. Kayang iwanan lahat, i-give up lahat para sa kayamanan ng lolo n’ya. Eh ‘di isaksak n’ya lahat sa baga n’ya, mabulunan sana siya.
"Last but not least, the firstborn of the Marquez Clan, the city boy yet one of the youngest multimillionaire businessmen, we have Mr. Dale Nazarene Marquez!" Kahit hindi nakatuon ang atensiyon ko sa kan’ya hagip na hagip pa rin ng peripheral vision ko kung gaano siya nag-stand out sa lahat ng mga pinsan n’ya. O baka naman para lang sa kin ‘yon?
Dale Nazarene Marquez. Ngayon ko lang din siya nakita rito, hindi rin siya nabanggit sa kin noon ng kakilala kong best in grandson award, siguro hindi rito lumaki ‘to lalo’t sabi nina Mona at Eves nasa iba’t ibang lugar naman sila.
Naalala ko na naman kung gaano siya ka-famous n’ong st-in-alk ko siya sa social media accounts n’ya. Hindi naman makakaila kung bakit, guwapo talaga kung hindi lang masama ang kalooban, potential lover! Joke!
Matapos ipakilala ang pamilya nila n’ong emcee may isang lalaki na lumapit kay lolo chairman sa taas at ibinigay ang microphone sa kan’ya na agad naman n’yang kinuha.
"Thank you. Thank you. You can now take your seats," pag-uumpisa ni lolo chairman. May upuan naman pala? Saan? Akala ko kami lang ang naka-upo? Fake news naman akala ko standing ovation sila hanggang matapos ang gabi.
"First and foremost, thank you for being here even in a short notice,” humalakhak si lolo chairman. Masaya na siya n’yan? Nagkatinginan kami ni tita lalo n’ong mas inilapit n’ya sa kin ang upuan n’ya.
“Ang guwapo pala ng mga apo nitong si Chairman Marquez, kahit sino diyan mapangasawa ng babae aba’y jackpot!” bulong ni tita habang kumukuha na ng canapé sa mesa namin.
Tinignan ko lang siya ng nagtatanong look. Anong pinagsasabi nito?
“I never imagine that I would arrange party in just one day,” natatawa na namang sambit ni lolo na siyang sinabayan din ng lahat. Plastikada talaga ang mga tao rito.
“Well kidding aside, I will take this opportunity to clear your things out, this party is about another gift of life, but today is not my birthday yet. My birthday will be held next year, so I am still looking forward to seeing you all there. This gift of life of mine is a miracle. I consider this as my second life because, before this party, a very unlucky thing happened to me, which can lead to my death if the first aid was late, but luckily God is good to me maybe my wife pray hard for me as he knows my hardheaded grandson needs me,” tumigil si lolo chairman sa pagsasalita at isa-isang tinignan ang mga apo n’yang nakatayo rin sa gilid n’ya.
“I wholeheartedly thank a young lady for giving me this opportunity to continue my life, and I thank her with all my heart because she never hesitated to help me even though she is a person who also has her battle to fight with but still manages to help someone who is in need. This party is not only for me but also for the person behind the miracle I had, and she is no other than Miss Winona Bless Cayabyab!"
Hindi ko inaasahan na talagang sasabihin ni lolo chairman ang pangalan ko sa harapan ng mga mayayamang taong ito. Nataranta ako ng biglang f-in-ocus sa kin ang spotlight. Tinatanong ko si tita kung anong gagawin ko pero nagkibit balikat lang ito.
Mabuti na lang at may lumapit sa king crew tapos tinulungan akong makatayo, ng makatayo na ako ng tuluyan ay nagpalakpakan ang mga tao na nandirito kaya napangiti na lang ako at nag-bow sa kanila. Nakakahiya naman!
“Very beautiful young lady. Salamat sa pagpunta, apo!” puri pa ni lolo chairman kaya tinignan ko siya na nasa taas pa rin upang mangitian ko siya. Mapupunit na yata ang bibig ko sa kakapilit ng ngiti.
"Thank you po," wika ko na lang.
"Without this lovely young lady here, I won't be celebrating this party with you all today. Thank you for raising such a wonderful girl to her family, the Cayabyab family. She is my savior. I am glad to give you my warmest thank you and my gratitude, and I adore all of you for raising such a dignified woman. Well, I did talk a lot,” muli na naman siyang tumawa.
"My bad. Please enjoy the rest of the night, thank you!"
Matapos sabihin ‘yon ni lolo chairman ay unti-unting bumukas ang ilaw sa paligid. May ganoon palang paandar, matapos magliwanag ang buong lugar ay kan’ya-kan’ya ng lumabas ang mga waiters at waitress galing sa kusina na may dala-dala ng iba’t ibang pagkain. Nag-panic ako sa upuan ko lalo ng mapansin kong papunta sa direksiyon naming ang buong pamilya Marquez.
“Meet and greet with the lightning and thunder,” bulong na naman ni Tita Annie na nakangiti na at tinitignan din ang pamilya papunta sa mesa namin ngayon.
Parang mali yata nag desisyon kong pumunta rito.
"Ayos ka lang ba, nak?” nag-aalala agad na bulong ni mama kay tumango lang ako sa kan’ya. Hindi ako okay, mama!
I’m doomed.