Third Person POV
MAINIT pa ang ilaw sa operating room nang tuluyang humugot si Damon ng huling tahi. Pinilit niyang hindi ipahalata ang pagod habang marahan niyang iniaabot ang ginamit na surgical tools sa nurse.
Sa loob ng mahigit isang oras at kalahati, hindi tumigil ang kamay niya sa pag-opera sa lalaking naaksidente at nagtamo ng malalang pinsala sa ulo. Tahimik ang buong team habang binabantayan ang bawat galaw niya.
“The Patient is stable. Let’s prepare for transfer.”
Isa-isang tinanggal ni Damon ang mga suot niya. Unang inalis ang guwantes—kulubot at mamasa-masa na ang balat ng mga daliri niya sa loob nito. Sumunod ang surgical gown na tinulungan pang hilahin ng isang surgical technician mula sa likod. Ramdam niyang basang-basa ang puting scrub suit niya sa ilalim, sa pinaghalong pawis at init. Sa huli, dahan-dahan niyang hinubad ang face mask at surgical cap, na para bang kasabay niyang inaalis ang bigat sa balikat.
Paglabas niya sa operating room, agad siyang sinalubong ng dalawang babae—magkapatid na mukhang nanay at tiyahin ng pasyente. Nakapulupot ang kamay ng isa sa rosaryong may kulay ginto, habang ang isa nama'y parang gustong salubungin siya kahit hindi pa siya tuluyang nakalalabas sa pinto.
“Dok... kamusta po siya?” agad na tanong ng matandang babae, bakas ang takot sa tinig nito.
Tumigil si Damon saglit sa harap nila at tinitigan ang dalawa bago sumagot.
“The patient is currently stable. We were able to control the bleeding in his brain. He's still unconscious, but we're monitoring his vital signs closely. We’ll continue to observe him for the next twenty-four hours. For now, he’s safe.”
Tumango-tango ang dalawa, sabay abot ng taos-pusong "salamat po," pero hindi siya nagtagal pa. Mabilis siyang umalis at dumiretso sa nurse’s station.
Sa nurse’s station, diretsong naupo si Damon sa harap ng computer. Nilagom niya ang buong operasyon—simula sa initial findings, hanggang sa komplikasyon at mga hakbang na ginawa nila sa loob ng operating room. Tila ba nagkukuwento siya ng isang digmaan, pero sa paraang klinikal at walang emosyon. Kailangan iyon. Lahat ng detalye, bawat segundo, kailangang tumpak.
Pasado alas otso na ng gabi nang matapos siya sa trabaho. Pagkalabas niya ng hospital, saktong tumunog ang kanyang telepono, hudyat na may tumatawag dito.
[N...Nasaan ka? *hik*] bungad sa kabilang linya kahit hindi pa man siya nakakapagsalita.
Tinignan ni Damon ang pangalan ng taong tumatawag sa screen at kunot noong ibinalik sa tenga ang telepono.
[Walang magsusundo sakin *hik]
Dinig na dinig na ang maingay na musika mula sa kabilang linya—matinis ang halakhak ng mga tao, hiyawan, at ang tunog ng baso't bote na nagsasalpukan sa loob ng bar. Kahit walang sinasabi ang nasa kabilang linya, sapat na ang ingay para malaman ni Damon kung nasaan ito. At kung pagbabasehan ang garalgal na boses ng kausap, halatang lasing na din ito.
“Where are you?” malamig pero kontrolado ang tanong niya habang pinipigilan ang inis.
Napapikit siya saglit, pinisil ang tulay ng ilong. Tumitig siya sa phone screen habang patuloy ang ingay sa background, at saka napamura sa loob ng isip:
Damn that woman… She’s trying to make a mess again.
Parang kabisado na niya ang susunod na mangyayari.
---
Mabilis na tinungo ni Damon ang lokasyon ni Luna, at hindi nga siya nagkamali—nasa bar nga ito.
Pagkapasok niya sa loob, balak pa sana siyang harangin ng dalawang bouncer sa entrance, pero agad niyang ipinakita ang pass niya.
Nagkataon na may VIP pass siya rito dahil madalas niyang sunduin dati ang pinsan niyang palaging nagpapakalasing sa lugar na 'to. Pero ngayon, hindi na pinsan ang susunduin niya—kundi ang babae na sa papel ay magiging asawa niya.
Iginala niya ang paningin sa paligid. Maingay, maraming tao, at halos hindi magkamayaw sa dance floor. Pero agad na naagaw ng isang babae ang atensyon niya—nakasubsob ito sa mesa, hawak ang bote ng alak sa isang kamay, habang ang isa nama’y may hawak na cellphone.
It was her.
Malalaki ang hakbang niya papunta rito. Pagkalapit niya, kitang-kita niyang mahimbing ang tulog nito. Halatang wala na sa sarili kaya maingat niyang tinapik ito sa balikat.
“Miss Ferrer,” mahinahon pero madiin ang tono niya habang tinatangkang gisingin ito. Pero hindi gumalaw si Luna.
Biglang may tumabi sa kanya—isang babaeng Amerikana na halatang nakainom rin.
“Do you happen to know her?” tanong nito. “She drank a bit too much. Were you the one she called earlier?”
Tiningnan niya ang babae mula ulo hanggang paa. Suot nito'y sobrang ikli at kitid na halos kita na ang kaluluwa. Napairap si Damon.
'Was she one of her friends? Tch'
"I'm her fiancée," seryoso niyang sagot, sabay alalay kay Luna na umangat nang bahagya.
Hindi na din naman nagsalita pa ang babaeng amerikana at tumalikod na lang.
“Damon?” bulalas ni Luna, halatang lutang pa habang nakatitig sa kanya. Napapikit ito at ngumiti. “I’m so happy na sinundo mo ’ko,” saka siya biglang niyakap nang mahigpit at inamoy-amoy pa ang suit ni Damon.
“You smell better than that jerk *hik*…”
Napakunot ang noo ni Damon. 'Jerk?'
Kumalas siya sa pagkakayakap nito at hinawakan siya sa magkabilang balikat, saka dahan-dahang pinaharap sa kanya.
“Who’s this jerk you’re talking about? Are you cheating on me?"
Napatawa si Luna ng mahina. Pero bago pa siya makapagsalita, bigla na lang siyang nawalan ng malay. Mabuti na lang at mabilis ang reflex ni Damon—nasalo niya agad ito bago pa tuluyang bumagsak.
Napailing siya, sabay pisil sa tulay ng ilong. Halos magkasalubong na ang kilay niya sa inis. Kasunduan lang ang meron sila, oo—pero hindi niya pa rin mapigilan ang mainis, lalo na’t ibang lalaki ang binabanggit nito habang lasing na lasing sa harap niya.