Third Person POV
KINABUKASAN, naghahanda para sa agahan si Cheska nang makita niya ang ayos ni Luna na kalalabas lang ng silid.
"Saan ka pupunta? Bakit ganyan ang awrahan mo?"
Nakasuot ito ng malalaking itim na shades na halos matakpan na ang kalahati ng mukha niya. Ternong-terno rin ang suot niyang manipis na scarf na maingat na tinali sa leeg, na para bang sinadyang gamitin bilang pang-disguise.
"I need to take care of something," sagot ni Luna sa kanya.
"Magkikita ba kayo ni Doc Villaruel?"
Hindi naiwasan ni Luna ang mapairap kahit may suot itong shades. "Of course not! I'm planning to meet Sofia dahil may gusto lang akong itanong sa kanya."
Sofia is a great friend of her. Artista din ito kagaya niya, ngunit hindi maipagkakailang mas sikat nga lang siya kumpara dito.
Sabay man silang sumikat sa socmed at kahit na magkasingtagal lang sila sa industriya, ngunit mas maraming project na nakukuha si Luna, hindi pa kasali ang iba't ibang endorsement whether local or foreign brand. Marami na din siyang natanggap na mga papuri at parangal, pero hindi iyon naging hadlang sa kanilang pagkakaibigan.
Kaya nga kahit medyo humupa na ang issue niya with Damon Villaruel, kailangan niya pa ding makausap ang kaibigan niyang si Sofia. She was with her bago nangyari ang hindi dapat mangyari no'ng gabing iyon. She needs an answer and clarification.
"Bakit? Pwede mo naman siyang tawagan," nagpunas si Cheska ng kamay saka humakbang palapit kay Luna. "It's not safe for you to go alone in public. Baka kung ano na naman ang mangyari,"
"Saglit lang ako, promise!" Itinaas pa ni Luna ang kanang kamay.
"Huwag na! Papahirapan mo na naman akong maglinis sa mga kalokohan mo,"
"Edi samahan mo na lang ako,"
"May lakad ako mamaya kaya dito ka lang. Kung gusto mong lumabas, isama mo si Doc Villaruel. In that way, kapag na-spot kayo in public na magkasama, it will add spice to your so-called fake engagement. Iisipin ng mga tao na hindi scripted ang relasyon niyo." Nakapameywang na sabi ni Cheska.
"Duh! You know how busy that man is,"
Nagmamadali nga itong umalis kagabi pagkatapos nilang mag-usap regarding sa contract dahil may mga bagay pa daw itong kailangang asikasuhin.
"Hintayin mo na lang si Ace. Tumawag siya kaninang madaling araw na pupunta daw siya dito," sagot ni Cheska saka tumalikod.
"Diba on vacation pa siya?" Takang tanong ni Luna.
Si Ace kasi ang personal assistant niya at noong isang linggo lang itong humingi ng pabor sa kanya na gusto daw nitong magbakasyon. Ayaw naman niyang maging KJ, kaya pinayagan niya.
"Pagkatapos ng nangyari sa'yo? Tingin mo mag-eenjoy siya dun sa pinagbakasyunan niya?" Cheska blurted. "Mas mabuti na din na maaga siyang bumalik para mabantayan ka niya. Sa dami ba naman kasi ng mga obligasyon ko, hindi ko na magawa pang bantayan ang pagiging pasaway mo," dagdag pa nito sabay pakawala ng buntong hininga.
Bumalik si Cheska sa kusina para i-check ang niluluto, pero bago pa man, muli niyang nilingon si Luna. "Subukan mong umalis nang walang kasama at malalagot ka talaga sakin," banta nito sabay pakita sa kamao at dumiretso sa loob ng kusina.
"Tch," pasimpleng kinuha ni Luna ang key fob ng kotse na nakapatong sa center table dito sa sala. Sumilip pa siya saglit sa kusina at nang makitang mukhang focus na focus sa pagluluto ang manager niya, saka siya lumabas at pumuntang garahe.
She turned the key in the ignition, and the engine rumbled to life, its low growl vibrating through the silence. With a steady hand on the wheel and a quiet exhale, she eased her foot onto the accelerator. The tires rolled forward, slow at first, then faster as the car slipped onto the road.
"I'll be real quick. Promise!" Sigaw niya pagkabukas ng bintana saka pinaharurot ang kotse paalis.
---
PAGKATAPOS iparada ni Luna ang kotse sa basement ng Imperial Suites Building, muli niyang inayos ang sarili bago lumabas.
Sumakay siya sa elevator at pinindot ang 13th floor. Mabuti na lang at walang tao sa loob.
It's past 10 in the morning at weekend ngayon. Sigurado siyang nandito lang si Sofia sa unit niya. Sinubukan niyang tawagan ang telepono nito to inform her of her sudden visit, pero hindi naman ito sumasagot. Kaya minabuti na lang niya ang dumiretso dito.
~ting!
Pagkabukas ng elevator, hindi na siya nagpaligoy pa at tinungo ang unit ni Sofia. She tried pressing the doorbell button, pero makailang beses na niyang nagawa at hindi pa din siya pinagbubuksan.
She had no choice but to open it herself. Alam naman niya ang passcode nito dahil pinagkakatiwalaan siya ni Sofia.
Pagkabukas niya, bumungad kaagad ang mga nagkalat na damit sa sahig. Pinulot niya iyon at napangiwi pa nang malaglag ang undergarments na nakapaloob sa shorts.
"Etong babaeng 'to talaga," iling niya sabay tanggal sa suot na shade. "Sofia!" Sinubukan niyang tawagin ito ngunit wala siyang may nakuhang sagot.
Impossible namang wala iyon dito.
"Sofie?!" Muli niyang tawag.
Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa marating niya ang master's bedroom. Pinihit niya ang doorknob nito at hindi inaasahang makita ang kaibigan niyang... may katalịk na lalaki sa kama.
"S-Sofie..."
Saka lang natigilan ang dalawa sa paggawa ng milagro. Sabay ang mga itong napatingin sa gawi ng pinto at nakitang nakatayo doon si Luna.
A devịlish smile formed into Sofie's lips—
The said guy, on the other hand, seemed shocked. Dali dali nitong kinuha ang comforter at nagtakip sa sarili.
"What brings you here? You're ruining my day," matabang na tanong sa kanya ni Sofia bago kinuha ang isang sigarilyo sa bedside table at sinindihan ito. She's still náked, at parang wala itong pakialam.
Nakatitig pa din si Luna sa lalaking nakayuko na ngayon. Tila ba'y ayaw nitong magtama ang kanilang mga mata.
"I'm... s-sorry. I d-didn't mean—" garalgal ang boses niya.
"Ano ba'ng kailangan mo?!" singhal ni Sofia, sabay tayo mula sa kama. Kinuha nito ang bathrobe sa paanan at mabilis na isinuot.
"Can we talk?" mahina ngunit mariin na sambit ni Luna.
"Tungkol saan?" malamig na tanong ni Sofia habang binubuhol ang sintas ng bathrobe, parang ayaw niyang aksayahin ang kahit isang segundo para makinig.
Napansin nito na nakatingin pa din si Luna sa lalaking nasa kama. "Tch. Could you please stop staring at my man? You already have yours, remember?" Her tone dripped with mockery, her narrowed eyes glinting with challenge.
Alam ni Luna na aware si Sofia na gusto niya si Drew, yung lalaking nahuli niyang nakikipagtálik sa kaibigan.
Hindi niya maintindihan kung bakit nagawa ito ni Sofia. Hindi man sila naging opisyal na magkarelasyon ni Drew dahil masyadong komplikado, pero ramdam niya ang kataksilan nilang dalawa.
She blinked slowly, forcing the tears to stay where they were.
Drew still hadn’t looked up.
Sofia flicked ashes onto the ashtray with a careless snap. "You think you're the only one who gets to be heartbroken? Please. Spare me the drama."
Luna's voice was faint, but firm. "Alam kong kasama kita noong gabing 'yon. I just need the truth, Sofia. What really happened?" She diverted the topic kahit na nasasaktan siya ngayon.
Gusto niyang mabigyan ng sagot ang mga katanungan niya, kaya mas pinili niyang i-set aside na lang muna ang nararamdaman niya ngayon.
"You want the truth? After everything?" She let out a bitter laugh. "Funny. You seem fine playing the victim in every press release. I didn’t expect that surgeon to play the hero."
"Gusto ko lang malaman kung ano ba talaga ang nangyari noong gabing 'yon. Alam kong alam mo... kasama kita do’n," pakiusap ni Luna. Halos pabulong na lang ito, takot na takot sa maaaring isagot ng kaibigan.
Napangisi si Sofia, mapait at mapanakit. "Para saan pa? You finally made up stories at napaniwala mo na ang mga supporters at fans mo. Just be happy na na-link ka sa isa sa pinakamayaman at pinakasikat na surgeon sa bansa. You should thank me." Lumapit ito sa minibar at nagsalin ng alak sa kristal na baso.
"Why are you acting like this? Kaibigan mo 'ko, Sofie."
Napabuntong-hininga si Sofia. Inubos niya ang laman ng baso, saka nilapag ito sa lamesa. Tapos, tumingin siya diretso sa mga mata ni Luna.
"Fine! Gusto mong malaman ang totoo? It was actually me who put drugs in your drink that night."
Parang naputol ang paghinga ni Luna. Nanlaki ang mga mata niya, at unti-unting umurong ang katawan niya na para bang nilalamon ng sahig.
"I also hired someone to spread those photo online. So, yeah. Ako ang may pakana kung bakit kumakalat ang scandal mo," dagdag pa nito.
"Pero... b-bakit?" nanginginig ang tinig niya, para siyang batang hindi makaintindi ng ginawang kasalanan ng kapatid.
"Simply because I hated you, and I want you to be ruined." Sofia's voice didn't waver.
Luna's tears fell freely now. "I don't get it. Magkaibigan tayo, so you shouldn't feel that way—"
"Stop!" Sigaw nito sa kanya. Nanlaki ang mga mata nitong nag-uumapaw sa galit. "We. Are. Not. Friends!" she growled, each word landing like a slap.
"You stole everything from me. Lagi na lang ikaw ang magaling sa mata nila. Puro ikaw na lang ang bukambibig kahit saan ako magpunta. Hindi mo alam kung gaano kasakit para sakin ang lagi na lang nasasapawan. You were the best, and I was always left as an option kapag wala ka."
Puno ng pait ang boses nito. Hindi ito simpleng selos. Isa itong sugat na ilang taon nang dinadala, at ngayo'y pumutok na parang bulkan.
"And now you have the audacity na sabihing kaibigan mo ko?" Napailing si Sofia. "Hindi nang-aagaw ang totoong kaibigan, Luna."
Lumingon ito kay Drew. "And as for Drew? It’s only right that I took him from you—and honestly, that wasn’t even enough!" Her lips curled into a cruel smile. "Hindi pa 'to tapos. I'll make sure I'll tear down that golden tower you built with your fame— brick by brick. With my own hands."