Kabanata 7

1284 Words
Third Person POV PABALIK na sila ngayon sa Tagaytay. Tahimik lang ang buong byahe dahil wala ni isa sa kanila ang gustong magkwento. Si Cheska ay abala sa pagtingin sa mga balita sa phone, habang si Luna ay tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana. Sa likod ng tinted glass ng SUV, pinagmamasdan niya ang langit na unti-unting sinasapawan ng kulay abong ulap. “Okay naman ang initial feedback,” bulong ni Cheska habang binabasa ang isang tweet. “May ilan pa ring nagdududa, pero mas marami ang nagsasabing sincere daw si Damon. Na mukhang hindi scripted ang mga sagot ninyo.” Napalingon si Luna sa kanya, tahimik. Walang imik. "The netizens ate it up. May mga nagsasabing 'power couple vibes' daw kayo. Some are still bashing, pero mas marami ang na-touch. Hashtags like #ProtectLuna, #DrDamonSpeaks, #PowerCouple… trending lahat." Pagkarating nila sa resthouse kaagad na hinubad ni Luna ang suot na coat at dumiretso sa living area. Medyo na cleared up na ang issue, pero mas pinili pa din ni Luna ang manatili dito dahil hindi siya sigurado na baka may nakabantay pang mga paparazzi doon sa condo niya sa Manila. Damon and she need to strategize a plan first. And speaking of Damon, pagkatapos ng presscon kanina, nagpaalam itong umalis saglit dahil may emergency sa hospital nito. Pero nangako din naman itong susunod sa Tagaytay pagkatapos niyang maayos ang kung ano mang aberya. "What do you want for dinner?" Tanong ni Cheska na nakabuntot sa kanya. "Bakit lungkot-lungkutan ang peg mo? Diba dapat nagce-celebrate na tayo dahil kahit papano hindi na masama ang image mo sa publiko?" Taas kilay nitong puna. Kanina niya pa napapansin mula byahe na parang ang lalim ng iniisip ni Luna. "Huwag mong sabihing nalulungkot ka dahil hindi natin nakasama ang fiancée mo—" Hindi na niya natapos ang balak na sasabihin nang kaagad siyang tinitigan ng masama ni Luna. "Tigil tigilan mo 'ko sa mga pinag-iisip mo. Gusto ko lang magpahinga," "If you say so..." umatras ito at nagsimulang humakbang papuntang kusina pero hindi pa din nito mapigilan na asarin ang talent niya sa huling pagkakataon. "Sure naman ako na pupunta 'yon dito bago matapos 'tong gabi. Remember? He deeply cares about you." Kaagad na kinuha ni Luna ang unan sa sofa saka itinapon ito sa gawi ng manager niya at tinawanan lang siya nito bago tuluyang lumisan sa paningin niya. Pabagsak siyang umupo sa sofa saka nagpakawala ng buntong hininga. Ipinikit niya ang mga mata at muling inalala ang presscon kanina. Muntikan na niyang masira ang presscon, pero mabuti na lang at naka-back up kaagad sa kanya si Damon. Hindi niya tuloy mapigilan ang makaramdam ng utang na loob sa kanya. Nang ipikit niya ang kanyang mga mata, bigla siyang nakarinig ng busina mula sa labas. "Uy! Nandito na yung Damon 'mo'." Panunukso ni Cheska mula sa kusina at sumilip pa sa gawi niya. "Ayaw mo bang salubungin yung Damon 'mo'?" Pag-eemphasize pa nito sa katagang 'Damon mo'. Nakapikit pa din siya at hindi pinapansin ang pang-aasar ng manager niya hanggang sa makarinig siya ng mga malalaking yapak papunta sa kanyang gawi. Napamulat siya at nakitang nakatayo na ngayon si Damon sa kanyang harap. Pinatong nito ang isang brown envelope sa center table at umupo sa kanyang tabi. "Terms of the marriage?" basa ni Cheska sa nakasulat at ngayo'y nasa likuran nila, bitbit ang isang tasa ng kape. "Umiinom ka ba ng kape? Pasensya na at kadarating lang din namin kasi may dinaanan pa kami, kaya hindi pa kami nakakapaghanda ng—" "It's fine," putol ni Damon. Ipinatong ni Cheska ang tasa ng kape sa center table at iniwan sila. “You drafted a contract?” tanong ni Luna habang tinuturo ang envelope. Tumango si Damon. “Yes. Everything’s in there—timeline, legal terms, and clauses that protect both of us.” Oo nga, ano. Bakit hindi niya kaagad naisip na kailangan nilang gumawa ng contract lalo pa't marriage for convenience lang naman ang gagawin nila. Nang buksan ni Luna ang envelope, natagpuan niya roon ang neatly stapled documents, may mga legal stamps at pirma ng abogado. Tahimik niyang binasa ang mga terms nang bigla niyang mapansin ang isang clause na ikinibit-balikat niya agad— 'both parties agree to uphold public image without sacrificing personal boundaries.' Nag-angat siya ng tingin kay Damon. “Did you write this part?” Tumango ito. “I didn’t want you to feel trapped.” Tahimik na nakatingin si Luna sa kontrata sa harapan niya. Ilang segundo pa bago siya nagsalita, mababa ang tono at may halong pagod. “Sigurado ka ba talaga? Baka pagsisihan mo ’to oras na magpakasal ka sakin…” Damon shook his head slowly, his expression unreadable. “I don’t make decisions I’ll regret.” Luna met his gaze, searching for something—anything—that might tell her this wasn’t just about control or convenience. “Wala man lang second thoughts?” “No.” His voice was firm, almost clipped. “This is the cleanest solution to a mess I didn’t anticipate. I need someone who can handle pressure, and you’ve already proven that.” Napakunot ang noo niya. “So I’m just... qualified?” “You’re not just anything, Miss Ferrer.” he said, leaning back in his chair. “You’re capable. And right now, that’s enough.” Naalala niya ang pangyayari kanina sa presscon. Yung nanginig siya sa takot at hindi makapagsalita. "You made it look easy kanina... but I almost broke." He turned his head toward her. "You didn’t." He said in almost whispered tone. Luna studied him—this man she barely knew, whose name carried weight and whose gaze now carried something else entirely. She was expecting a heartless surgeon. Cold. Distant. Dismissive. Pero sa harap niya ngayon, he just looked... real. “Ayos lang talaga sa'yo kahit hindi mo ko gusto?” she asked quietly. Damon looked at her, face unreadable. “This isn’t about liking each other. It’s about damage control. You want your life back, and I want this scandal managed. We can give that to each other.” She stared at the pen beside the papers. For a second, her hand hovered above it. “I just hope,” she murmured, “na hindi ako ang maging biggest mistake mo.” Damon’s jaw tightened slightly. “You won’t be.” Hindi niya alam kung saan nanggaling ang confidence ng lalaking ito—but it was there, quiet and unwavering. Kahit na may pagdadalawang isip, kinuha niya ang ballpen saka pinirmahan ang kontrata. “If this goes south, you better be good at stitching hearts too,” she muttered. Damon finally cracked the faintest hint of a smirk. “I’m a surgeon, Miss Ferrer. I don’t let things bleed out.” She leaned back and let out a tired breath. “I can’t believe I just agreed to marry a man who only smiles at surgical tools.” Damon raised an eyebrow as he reached for his coffee. “You’re lucky. Most girls would kill for a husband who can stitch wounds and hearts.” She laughed softly. “Says the man who just threatened a reporter with a look.” He smirked and leaned in, voice lower now, teasing. “You haven’t seen how I flirt yet, Miss Ferrer. This—” he gestured at the contract, “—is just the beginning.” Luna rolled her eyes, though her cheeks betrayed her with a soft blush. “God, you’re worse than anesthesia. Slow, dangerous, and weirdly addictive.” “Then you better hold on, Miss Ferrer,” he murmured, lips dangerously close, “because the side effects haven’t kicked in yet.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD