Alkina "Araaayyy!" malakas na pag daing ko. "Arayy!" "AARRAYYY!" malakas muling daing ko. Alam kung narinig iyon ni Supremo bago niya tuluyang maisara ang pinto. Napa-padyak at napasimangot ako ng hindi manlang siya bumalik. Hindi manlang nag alala sa akin. Ano na naman problema ng lalaking iyon? Mukhang hindi maging maganda ang gising niya at mukhang tinutupak na na naman siya. Pero okay na iyong umalis muna siya. Ayaw kung malaman niya ang pakay ko ngayon dito. Hayst. Pero nakakabanas lang talaga dahil hindi manlang siyang nag alala sa akin. Gigil akong dumampot ng buto ng pakwan at umiirap pa habang binabalatan iyon. Nang lingunin ko si Dean ay nakatitig ito sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay umiling lang ito. He shurged. "Sige na pumasok kana sa klase mo! Ipapatawag nalang k

