Alkina Kumain lang kami saglit sa cafeteria umakyat nadin kami sa classroom ilang minuto nalang din mag uumpisa na ang klase. "Oh bakit naka simangot kana naman?" tanong ni Val ng makaupo na kami. Padabog kasi akong umupo kaya napalingon sa akin kaya lumapit pa talaga para lang magtanong. "Tss. Wala doon kana!" pagtataboy ko at inirapan pa siya. "Hindi kasi siya pinansin ni Kuya!" naka ngising anang ni Maze na ngayon ay naka akbay na Kay Val. "Punyeta doon na nga kayo, mang aasar na naman kayo ih!" gigil kung anas. Nag hagikgikan silang bumalik sa kanilang mga upuan. Sakto namang tumunog ang bell. Napakunot ang nuo ko ng mapansing wala pa si Jake. Lagi iyong na uuna dito. Naririnig ko pa sa iba na siya nga ang unang studyanteng pumapasok. Bakit ngayon ay wala pa siya. Ito ang ka

