Alkina
Tahimik ako ng lumabas ng kwarto ko. Walang siyang naging reaksyon ng makita ako. Hanggang sa makalabas kami ng Dorm ay wala talaga kaming pansinan. Hindi rin naman siya nag sasalita kaya ayos lang.
Aaminin kung na saktan ako sa sinabi niyang hindi niya ako gusto. Bakit nga ba niya ako magugustuhan? Hindi naman ako kagandahan at isapa bulakbol pa ako. Malayong malayo sa tipo ng babaeng gusto niya.
I shooked my head para maiwaglit ang mga nigatibong pumapasok sa isip ko. Hindi dapat ako nag papa apikto dahil lang sa sinabi niyang hindi niya ako gusto.
Pero hindi ko pa kayang humarap kay Supremo. Nahihiya ako sa mga pinag sasabi at mga pinag gagawa ko kanina. I bit my lower lip at mas binilisan ko pa ang paglalakad ko. Halos tumakbo na nga ako para makarating agad ako sa cafeteria.
Mukha yatang na subrahan ako. Dapat pala hindi ako nag assume agad, dahil lang sa guniguni ko. Gusto ko siya, kaya lahat ng normal na sinasabi at ginagawa niya ay iba ang dating sa akin.
"Oh nasaan si Supremo?" tanong ni Val ng makalapit ako.
"Papunta na dito!" medyo hinihingal kung anang. Umupo ako sa tabi ni Maze.
"Bakit ganiyan ang suot mo balot na balot ka ata today huh!" kunot nuong tanong ni Ynoc.
"Mukha yatang may hindi magandang nang yari sa inyo ni Kuya bakit parang matamlay ka?" nanunuring anang ni Maze.
Bago pa ako makasagot ay pumasok na si Supremo sa cafeteria at agad na nag lakad patungo sa amin. Nag iwas ako ng tingin.
Oras na ng klase kaya wala ng studyante pa na narito kaya ganun nalang ka tahimik ng lugar. Umayos ng pagkaka upo si Ynoc at Val.
"Nakapili na ba kayo kung saan kayo parting maglilinis?" tanong ni Supremo.
"Oo Supremo!" magalang na sagot ni Ynoc.
"Mabuti kung ganun, isang linggo kayong mag lilinis kaya isang linggo rin kayong hindi makakapasok sa klase niyo!" anang ni Supremo.
"Oo nga po Supremo, nakaka pang hinayang at isang linggo kaming hindi mag kaklase!" kunwari ay na lungkot na anang ni Val.
"Ito na ang huling pag lilinis niyo dahil kapag gumawa kayo ng kasalanan at mahuli kayo, iba na ang magiging parusa niyo!" seryusong anang ni Supremo.
"Sa susunod hindi na kami mag papahuli!" bulong ko. Agad akong siniko ni Maze. Hindi ko alam kung narinig ba iyon ni Supremo hindi kasi ako naka tingin sa kaniya.
"Saan parte ka maglilinis?" hindi ko alam kung sino ang tinatanong ni Supremo.
"Sa cr po ng mga lalaki Supremo," sagot ni Ynoc.
"Ako sa banyo ng mga babae!" anang ni Val.
"Ako sa corridor lang!" anang ni Maze.
Muli akong siniko ni Maze kaya nilingon ko na siya. Tinitigan niya ako at sininyasang sumagot.
"Dito ako sa cafeteria!" tamad kung sagot.
"Umpisahan niyo na ang paglilinis!" anang ni Supremo atsaka ito umalis.
Nang makalabas si Supremo ay agad akong inusisa ng mga kaibigan ko ng mga tanong na ni isa ay wala akong sinagot kaya naman nakasimangot silang umalis para maglinis.
Kumain muna ako bago ako nag umpisang maglinis. Nag walis at nag map lang ako pagkatapos ay umupo na sa upuang nasa pinaka sulok, wala naman akong masiyadong ginawa na dahil hindi pa tapos ang recess at lunch break.
Sigurado mamaya ay mapapagod ako dahil pagkatapos ng oras na iyon ay alam kung magiging magulo ang paligid dahil sa mga studyante.
Nag ring ang bell, hudyat na oras na ng recess. Habang tumatagal ay dumadami na ang mga studyante. Kapag nakikita ako ay napapailing nalang sila at bumabalik nalang sa kanilang sariling mundo.
Dumating narin ang mga kaibigan ko na may mga dala na silang mga pagkain at ng makaupo sa tabi at harapan ko ay panay nag kanilang reklamo.
"Nakaka pagod namang maglinis!" unang reklamo ni Val.
"Oo nga eh, pero mabuti nalang at may pang pagana ako!" naka ngising anang ni Ynoc.
"Palit kaya tayo, ikaw muna sa cr ng mga babae at ako naman sa cr ng mga boys para naman hindi ako maburyo sa paglilinis ko!" naka simangot na anang ni Val.
"Ayaw ko nga, baka pag labas mo don buntis kana!" tumawa silang tatlo ng mapansin ako ay agad silang nag tanong.
"Ikaw Alkina kumusta ka naman dito? Ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Kuya at bakit hanggang ngayon matamlay ka?" tanong ni Maze.
"Wala!" anang ko at tumayo na. Tapos naman na akong kumain. Aalis muna ako dito at babalik nalang mamaya para maglinis.
"Saan ka pupunta?" mabilis na tanong ni Val.
"Mag babanyo lang!" sagot ko at umalis na.
"Look who's here!" naka ngising anang ni Danica ng harangin niya ako. "Akala mo ba makaka-takas ka sa akin?"
"Hindi naman kita tinatakasan, sino kaba para pagtaguan ko?" nakataas ang kilay na tanong ko.
"Ang yabang mo!" sigaw niya na nakakuha ng atensyon ng mga studyante.
"Matagal na!" wala paring reaksyon anang ko.
"Ano na naman ba ito Danica?" tanong ni Maze ng makalapit sa akin.
"Tss. Wag kang makialam dito!" galit na anang ni Danica.
"Bakit hindi ako mangingialam? Kaibigan ko ang pinag iinitan mo!" seryusong anang ni Maze.
"Pwede ba Maze wag munang ipagtanggol itong malandi mong kaibigan,"
"Ikaw ang malandi," galit nang anang ni Maze. Pinigilan ko siya at inilingan.
"Kumalma ka, kaya ko to!" anang ko.
"Kaya matapang ka dahil kaibigan mo ang kapatid ni Supremo, pero hindi ako natatakot sa inyo lalong lalo na sa'yo Alkina!" anang ni Danica.
"Hindi rin naman ako takot sayo ni wala nga rin akong pakialam sayo, pero dahil papansin ka hito ako pinapatulan ang kabaliwan mo-"
"Walang hiya ka talaga!" anang niya at mabilis akong sinabunutan.
"Ano ba Danica, bitiwan mo nga ang kaibigan ko!" anang ni Maze na ngayon ay pilit na inaalis ang kamay ni Danica sa buhok ko.
"Hoy! ikaw na bruha ka, ang kapal ng mukha mo!" galit na saad ni Val at sinabunutan rin si Danica kaya ito napabitaw sa akin.
"Go besssss!" pag cheer pa ni Ynoc.
"Bwisit ka!" anang ni Maze at sinabunutan narin si Danica.
"Aray! ang sakit!" daing ni Danica.
"Talagang masakit, ang kulit mo kasi!" madiing anang ni Maze.
"Tama na yan!" pag aawat ko sa mga kaibigan ko.
"Hindi pa ako nakaka bawi!" maktol ni Val.
"Tama na!" pinanlakihan ko pa sila ng mata.
"Pero—"
"Valdivia!" baritong boses ni Vince. Agad na napabitaw ang dalawa.
"What's happening here?" tanong ni Greg.
Nag iwas ako ng tingin ng makasalubong ko ang tingin ni Supremo. I bit my lower lip. Ginapangan ako ng hiya dahil sa tingin niya.
"Nag aaway na naman kayo, kahapon lang ay may gulo na naman dito!" si Vince.
"Itong si Danica ang nag umpisa ng gulo!" pag susumbong ni Maze.
"Si Alkina ang nauna!" pag sagot ni Danica na ikinataas ng kilay ko.
"Gaga inawat kuna nga ang mga kaibigan ko, nambibintang ka pa!" asik ko.
"Ikaw naman talaga ang nauna."
"Sinungaling ka!" bulyaw ni Maze.
"Totoo naman ang sinabi ko!" hindi papatalong sagot ni Danica.
"Sa subrang dami ng taong nakakita ng ginawa mo, talagang nakuha mo pang mag sinungaling!" anang ko.
"Toto naman kasi ang sinasabi ko, malamang kayo ang kakampihan ng mga iyan dahil kaibigan mo ang kapatid ni Supremo—"
"That's enough!" anang ni Vince.
"Stop making trouble! Kung may problema kayo sa isa't-isa, pag usapan niyo ng maayos hindi iyong nag kakasakitan pa kayo!" anang ni Supremo.
"Pasensiya na Supremo at na abala pa kayo!" sarcastic kung anang atsaka sila iniwan doon.
Itutuloy-