Alkina
Kinabukasan ay nagising ako sa ingay ni Maze at Val. Sila lang naman ang kasama ko dito kaya wala na akong ibang sisisihin pa. Hindi ko alam kung sinasadya ba talaga nila ang pag iingay. Pare-pareho lang naman kaming mga puyat dahil madaling araw na kaming natulog kanina.
Uminom kami kagabi at nag party pa dito sa Dorm namin. Bawal ang uminom dito pero wala namang makakalam kaya hindi kami takot na uminom.
Inis akong bumangon at tamad na tamad na lumabas sa kwarto ko. Halos takpan ko pa ang tainga ko sa lakas ng music sa Sala. Lumapit ako sa may speaker at walang alinlangan kung binunot ang saksakan ng speaker.
"What the hell!" reklamo ni Val na agad na lumingon sa banda ng speaker kung saan ako naka tayo ngayon.
"Ano ba ang aga ang KJ mo huh!" anang ni Maze.
Pinamaywangan ko sila at pinanlakihan ng mata. Sila pa talaga ang may ganang mag reklamo samantalang ako itong na pinsala sa ingay nila.
"Talagang ganitong oras kayo mag papatugtog at talagang nilakasan niyo pa, alam niyo naman sigurong natutulog pa ako!" I greeted my teeth.
"Hindi naman naririnig sa labas dahil soundproof itong dorm natin kaya ayos lang at isa pa tulog mantika ka, kaya ang hirap mong magising at ilang beses na namin itong ginawa ngayon ka lang nag reklamo!" si Maze.
"Gaga, subrang lakas na kasi ng music niyo, tapos na ang party kagabi, mukha yatang gusto niyo pang ituloy!" umiirap na anang ko. "Anong oras na ba at bakit nandito pa kayong dalawa?" tanong ko.
"Alas zsyete palang ng umaga!" naka simangot na anang ni Val.
"Kita niyo na! Ang aga-aga nag iingay kayong dalawa bakit hindi kayo matulog ulit para naman may lakas kayong mag linis mamaya!" anang ko at agad na bumalik sa kwarto ko.
Pagkahiga ko palang sa kama ay agad akong pumikit at naka tulog. Nagising nalang ako ulit dahil sa malakas na pag katok sa pintuan ng kwarto ko.
Inis na nam akong bumangon at nag lakad patungo sa pintuan ko para buksan ang pinto.
"Ano na naman ba?" malditang tanong ko.
"Mag bihis kana at kailangan na nating maglinis kanina pa tayo hinihintay ni My labs mo!" naka ngising anang ni Val na ngayon ay naka uniform na.
"Tss. Nag uniform kapa mag lilinis lang naman tayo, tsaka mauna nalang kayo at susunod nalang ako!" anang ko.
Gusto kunang masilayan ang gwapong mukha ni Supremo pero talagang inaantok pa ako.
"Bilisan mo, wag kang scam!" anang nito at tumalikod na.
Muli akong humiga sa kama ko at dahil inaantok pa ako ay hindi ko na naman napigilan ang pagtulog ko. Pero kalaunan ay nagising ako dahil sa init na pakiramdam ko. Nag salubong ang kilay ko ng maramdaman kung pinag papawisan ako.
Dumilat ako para tignan kung naka patay ba ang aircon ko. Nakapatay nga ito kaya kinuha ko ang remote para buksan pero hindi talaga siya nag open. Kaya inis akong bumangon para sindihan ang ilaw ko. Pero hindi rin ito bumukas.
Lumabas ako sa kwarto ko para tignan kung may mga ilaw sa Sala pero ganun nalang ang pag kaka gulat at panlalaki ng mata ko ng makita ko si Supremo na printeng naka upo sa sofa.
"Mabuti at nagising kana, mag bihis kana at ng makapag linis kana!" anang niya na hindi man lang ako nilingon naka tutok parin ito sa laptop na naka patong sa binti niya.
"Bakit ka nandito Supremo? Bawal ka dito huh!" paratang ko sa kaniya.
Kahit sino ay bawal na pumasok ang mga lalaki sa dorm ng mga babae. Kahit na kaming mga babae ay bawal ring pumasok sa mga dorm ng mga lalaki kaya nga ganun nalang ang tuwa ko ng papasukin ako ni Supremo sa Dorm niya kahapon.
Pero isa rin ito sa hindi ko inaasahang ginawa niya. Ang pumasok dito sa dorm namin ng mga kaibigan ko at ano'ng ginagawa niya dito para pumasok pa dito?
"Pumasok kana sa kwarto mo at wag mo nang ipakita pa sa akin ang itsura mong may hangover pa at iyang katawan mong kulang sa saplot!" seryusong anang niya na ikinalaki ng mata ko. Agad kung na alala ang itsura ko at paano niya nalamang may hangover ako?
Hindi ko nalang pinansin iyon at baka iyon pa ang pag tuunan niya ng pansin ngayong alam kung may nakita siyang ebidensiya sa paratang niyang iyon.
Mabilis akong tumakbo pabalik sa kwarto ko pero dumungaw ako sa pintuan ko para hindi makita ni Supremo ang katawan ko. Naka silk dress lang naman ako at wala akong suot ng underwear.
Saka kuna ito ipapakita kay Supremo kapag mahal niya na ako. Hehe. Malandi ako pero alam ko kung kailan ko isusuko ang bataan ko at dapat sigurado na ako sa pag bibigyan ko sa sarili ko.
"Supremo buksan muna ang kuryente dito sa kwarto ko dahil mas lalo akong mag tatagal kapag walang ilaw dito sa kwarto ko!" anang ko at tuluyan ng pumasok sa kwarto ko kasabay ng pag bubukas nga ng mga ilaw at aircon ko.
Halos ubusin kuna ang pabango ko dahil sa kaka-spray ko sa damit at katawan ko. Nang makuntento sa ayos ko ay lumabas na nga ako ng kwarto ko. Malaki ang ngiti kung tumayo sa harapan ng naka upong su Supremo.
"Tara na Supremo at baka may maka kita pa sayo na galing ka dito sa dorm namin ng mga kaibigan ko!" anang ko.
Salubong ang kilay siyang nag angat ng tingin sa akin. Naka ngiti parin ako. Umigting ang panga niya matapos na padaanan ng tingin niya ang suot ko.
"Mag lilinis ka pero ganiyan ang suot mo? Palitan mo ang damit!" madiing anang niya. Galit pa ang tingin nito.
"Wag na Supremo! maganda nga ang ganitong ayos ko makakapag linis ako ng mabuti dahil walang sagabal at presko pa ang suot ko!" anang ko.
Pinili kung mag suot ng maong sort at croptop at pinarisan ko ito ng black rubber shoes. Kaya anong mali sa suot ko? Sigurado akong mapapadali ang pag lilinis ko dahil walang sagabal sa suot ko.
"Mag bihis ka!" mas madiing anang niya.
Sumimangot na ako.
"Kumportable ako dito sa suot ko Supremo kaya hindi kuna kailangan pang mag palit ng damit—"
"Hindi kumportable para sa iba ang suot mo kaya mas mabuting mag palit kana—"
"Tss. wala akong pakialam sa iisipin ng iba, ako ang mag lilinis at hindi naman sila kaya wala silang pakialam kung anuman ang suutin ko!" naiinis na anang ko.
Nakaka inis narin itong pakikialam nitong si Supremo huh. Hindi mo ba yon maintindihan na ito ang gusto ko kaya nga ito ang isinuot ko. Wala naman kasi akong pakialam kung ano ang magiging tingin nila sa akin dahil lang sa suot ko. Kaya hindi ako ang mag adjust para sa kanila.
"Mag bihis ka o hindi?" tanong niya.
"Tss. Hindi!" mabilis na sagot ko.
"Gusto mo pa bang ako ang mag bihis sa'yo?" seryuso at mas lalong umigting ang panga niya.
Napalunok ako sa tanong niya. Nag iwas ako ng tingin dahil hindi ko kaya ang tingin niya. Parang gusto ko pang mag papilit para siya na ang mag bihis sa akin.
"Ano pa ba ang ibang dahilan mo Supremo at bakit pinag bibihis mo ako?" nag hahamon na tanong ko.
"Ayaw ko ng makakarinig ng mga bastos na kumento galing sa nga lalaking manyak mamaya, kaya mag bihis kana para maka alis na tayo!" anang niya.
"Sus! bakit kapa kasi pumunta dito Supremo, sana pinatawag mo nalang ako sa mga kaibigan ko, hindi iyong pumaparaan kapa para masulo mo ako!" naka ngising anang ko.
"Bilisan mong mag bihis dahil kapag hindi ako nakapag timpi sayo, hindi lang isang linggo ang paglilinis mo!" banta niya sabay tumayo siya.
"Tss. Mag bihis na ako wag ka ng mag selos Supremo!" naka ngising anang ko.
"Bakit naman ako mag seselos?" tanong niya na ikinalunok ko.
"Syempre type mo ako, kaya nagagalit ka dahil ganito ang damit ko, kaso ayaw mong nakikita nila ang magandang katawan ko na dapat ikaw lang ang makakakita!" naka ngising anang ko.
"Hindi kita gusto kaya anong pinag sasabi mo?" salubong ang kilay at matalim na anang niya.
I gulped at ilang segundo natahimik bago ako pilit na ngumiti sa kaniya at tumango pa.
"Magbibihis na ako Supremo!" anang ko nalang at nag mamadaling pumasok ulit sa kwarto ko.
Itutuloy-