Alkina Madaling araw na akong nakatulog dahil sa kakaisip ko sa mangyayari bukas. Panay nga ang dasal ko na sana mas malakas ang guardian angel ni Daddy bukas. Para hindi niya ako mapagalitan. Tamad na tamad akong bumangon. Kulang na kulang kasi talaga ang tulog ko. Iwan ko pero talagang iba ang pakiramdam ko ngayon. Nang makapag ayos ay lumabas na ako. Naroon na si Maze at Val. Kaming dalawa lang ni Maze ang naka uniform si Val ay naka civilian lang dahil hindi pa naman siya papasok, kailangan niya lang sumama sa amin dahil ngayon kami kakausapin nila Dean. "Wag ka ngang kabahan!" natatawang anang ni Maze ng makita ako. "Tss. Hindi ako kinakabahan!" umirap pa ako at pumunta sa dinning area. "Kaya pala tulala ka kagabi pa haha!" anang ni Val na umupo nalang sa dinning chair at pu

