Alkina "Gusto kung matanggal siya dito!" galit na anang ni Mrs. Valdez. Hinampas pa niya ang lamesa sa galit niya. Nagulat pa nga ang iba. "Sa ginawa ng anak mo ikaw pa ang may ganang magreklamo, samantalang una palang anak muna ang nanakit sa anak ko!" seryusong wika ni Daddy. Kunot nuo akong napalingon kay Daddy na hanggang ngayon ay kalmado parin ang kaniyang reaksyon. "Ano bang pinag sasabi mo? Wala ngang kagalos galos ang anak mo!" halos manlaki pa ang butas ng ilong niya. "Nung nakaraan ay pinagsasampal ng anak mo ang anak ko, hindi lang nagsumbong ang anak ko dahil hindi niya ugaling ang magsumbong," ani Daddy. Nilingon ko si Maze na agad naman itong nag iwas ng tingin. I sighed. Alam ko na kung sino ang nag sumbong dito sa tatay ko. "Wala kayong ibidensiyang ginawa nga iyon

