Alkina "Si Alkina po at si Jake!" sigaw ni Maze. "Hoy bakit ako?" balik na sigaw ko at napatayo pa. Ang iba ay nagulat pa samantalang ang dalawa kung kaibigan ay nakangiti pa. Tila inaasahan na ang inaakto ko. "Sus wag ka ng mag inarte pa, kayong dalawa na ang mag partner sure na yayo na ang mananalo!" naka ngising anang ni Maze. "Diba guys?" "Matik na yon!" "Oo naman!" "Syempre ang ganda kaya ni Alkina! Walang makakatalo sa ganda niya!" naghiyawan pa sila. "Iwan ko nalang kung hindi kabahan ang mga kalaban niya haha!" "Go besss I support you, kahit na partner mo ang bebe ko!" malanding anang ni Ynoc. "Okay! May tiwala naman kami sa inyo kaya... Alkina at Jake kayong dalawa na ang napiling representative ng third year ngayon, wag kayong mag alala may benefit ito sa performan

