Alkina Ilang kantsaw ang narinig ko sa kanila ng tumayo ako dala ang paper bag na may lamang pagkain. I shooked my head. Wala akong pakialam sa pang aasar nila. Sanay na ako at ganun rin naman ako sa kanila. Kaya wala ng iba pa dahil mas malala pa ako kung asarin sila. Wala rin ako sa mood ngayon na patulan sila. Pag labas ko ay naka salubong ko si Jake. Yong ex Boytoy ko. Hanggang ngayon ay pinipilit parin niya akong makipag balikan sa kaniya at ilang ulit ko narin siyang sinabihan na hindi na pwede na ayaw ko na sa kaniya. Hindi ko alam sa lalaking ito at hindi nakaka-intindi. Kaya mabilis akong nag sawa sa isang lalaki dahil ayaw kung ganito ang mangyari, ayaw ko ng kinukulit ako at ayaw ko ng hinahabol habol ako para lang makipag balikan sa akin. "Tumabi ka!" madiin kung anang.

