Alkina Dahil wala kaming klase ngayon ay marami talagang naka kalat na studyante sa paligid. Kadalasan ang mga pinpuntahan nila ay doon sa Field at bleachers. Doon sila laging tumatambay. Pumunta lang kami dito sa Cafeteria para bumili ng pagkain at sa silong kami ng Akasya tatambay. Mahangin kasi doon at malilim naman kaya masarap talagang tumambay doon. Isang oras at kalahati lang naman ang free time namin kaya kaunti lang din ang pagkain na binili namin. Nag lalakad na kami sa hallway ng napatigil kami. "Flowe-rs fo-r-r you Alk-ina!" nauutal na ani ng lalaking naka suot ng malaking eye glasses. Naka yuko pa ito habang ang kamay niyang may hawak na bulaklak ay nakataas sa harapan ko. Nag bulungan ang mga studyanteng nasa paligid. Pati ang grupo nila Anton ay nakatingin sa amin. T

