Alkina "Nasaan na si Ynoc?" tanong ko. "Nauna na, maga yon pumasok kasi gusto niyang makita si Jake na crush niya!" Nasa hallway na kami at nag lalakad. Marami ring studyante ang nakatambay sa labas ng kanilang room. "Oh kumusta na ang pisngi mo okay na ba?" tanong ni Nurse Eva ng makasalubong namin siya. "Pisngi? Bakit anong nangyari?" tanong ni Val. "Ah ulo kasi yon, diba nga pumunta ako ng clinic kahapon para humingi ng gamot sa sakit ng ulo... Ikaw ang aga aga bingi ka!" sininyasan ko si Nurse Eva. "Oo nga ulo kasi yong sinabi ko, oh ano okay na ba yong ulo mo?" "Okay na kaya maiwan ka muna namin ng hindi na naman kami malate!" paalam ko at hinila na si Val at Maze para umalis. Nakalimutan ko palang sabihin kay Nurse Eva na wag nang ipaalam ang nangyari sa akin. Nak ng

