Alkina "Aray ko naman! Kung may galit ka sa akin wag mong pag buntungan ang mga pisngi ko!" pagrereklamo ko. Kunot na kunot ang nuo niya at kanina pa umiigting ang panga niya. Tuwing dadaing ako ay sasamaan niya ako ng tingin. Kaya lang ay hindi kuna natiis pa ang sakit ng pisngi ko dahil sa madiing pag dampi niya. Inagaw ko sa kaniya ang cold compress at ako na ang mismo ang nag lagay nun sa pisngi ko. Ito namang si Nurse Eva ay kanina pa hagikgik ng hagikgik ng mag isa na akala niya ay hindi ko siya nahuhuling naka tingin sa amin. "Umalis kana nga!" inis kung anang ng lingunin ko si Supremo. "Kukunin ko lang ang susi kay Maze para makapag pahinga kana!" walang emosyong anang niya at basta nalang niya akong tinalikuran. "Oh aalis kana?" tanong ni Nurse Eva. Tinanguan lang siya n

