Alkina "Akala mo talaga kung sino siya, makita ko lang ang babaeng iyon talagang sasabunutan ko!" "Binalaan kuna siya noon pang layuan niya si Supremo pero hindi siya nakinig, humanda talaga siya sa akin!" Nasa loob ako ng isang cubicle sa cr at umiihi ako ng marinig ko ang pinag uusapan ng mga babaeng kakapasok lang. Boses palang ay kilala ko na sila at kung sino ang tinutukoy nila. Sila ang mga bida bidang isang grupo ng mga babaeng senior high. May gusto ang leader nilang si Alayana kay Supremo. Matagal na nila akong binalaan na wag pakialaman si Supremo. Pero hindi ako natatakot sa kanila kaya heto panay ang papansin ko kay Supremo. Ang mga babaeng ito ay gagawin ang lahat para mapansin lang ni Supremo. Minsan nga ay mag papa-late lang si Alyana para huliin siya ni Supremo at min

