Alkina "Daddy? Daddyyy!" tinig iyon ni Alladra na nakapag pagising sa akin galing sa malalim na pag iisip. Parang naging slow mo ang naging galaw ng paligid sa paningin ko. Bumaba si Alladra sa kaniyang upuan atsaka ito lumapit kay Supremo at niyakap ito agad. "Your here Daddy!" mangiyak ngiyak na anang nito habang naka tingala sa nakatitig na si Supremo. "Baby come here! Hindi mo iyan tatay!" anas ko atsaka kinuha siya pero mahigpit ang pagkakayakap niya. "Daddy!" anas pa nito at inilahad ang kamay kay Supremo. Gusto nitong mag pakarga. "Baby!" anas ko sa kalmadong boses pero hindi parin niya ako pinapansin. Napapikit nalang ako. Sininyasan ko si Kylah na kunin si Alladra. Punyeta! Sino ba ang nag sabi sa batang ito na ang tatay niya ay si Supremo. Bago pa makalapit si Kylah

