Alkina Bago kami bumaba ng sasakayan ay nag suot na muna kami ng sumbrero at nang sunglasses para hindi kami makilala. Kaming tatlo lang sana nila Supremo at Alladra ang bababa, pero may bibilhin din daw sila Kylah kaya sumama nadin silang apat. Medyo malayo sila sa amin dahil kapag lalapit pa sila mas lalo lang kaming mapapansin ng mga tao. Kahit na balut na balut na kami ay talagang marami paring napapatingin sa amin. Sininyasan kung lumapit si Kaylah. "Ikaw na muna ang bahala kay Alladra mag hahanap lang ako ng damit ko." anas ko. Kailangan naming bilisan para makaalis kami agad. Panay pa naman ang pag tuturo ni Alladra sa kung anu-ano nakikita niya. Nabili na namin ang kailangan niya at iyong damit nalang namin ni Supremo ang bibilhin namin. Una kung pinuntahan ay ang swimsuit

