Hindi nag tagal ay nakita ko na rin sina Mom and Dad sa harapan nung billing clerk. Si Mom ang unang nakakita sa akin kaya agad niya akong binatuhan nang ngiti. “Nakausap ko na po yung doktor na tumingin kay Arrow.”Pa unang wika ko kay Mama habang si Dad naman kasi ay abala pang kausapin yung nurse sa desk. “Anong sabi? Nung pumunta kasi kami doon kanina ay nasa loob pa ng emergency room yung doktor kaya naman dumiretso na muna kami dito para asikasuhin yung kwarto.” Sagot niya sa akin. “Okay na raw po si Arrow pero hindi pa po siya nag kakamalay hanggang ngayon. Pwede na rin daw po siyang ilipat ng kwarto at doon na lang hihintayin na mag kamalay siya,”paliwanag ko sa kanila. Napansin ko na nakahinga na nang maluwag si Mama ibinalita ko hanggang sa maya-maya pa ay humarap na rin sa ami

