“Sigurado ka ba na ikaw muna ang bahalang mag bantay kay Arrow?”Mahinahon lang na tanong ni Dad sa akin. Halos mag aalas-siyete na ng gabi at halata ko na sa kanilang dalawa ni Mom yung pagod. Idagdag pa na may trabaho pa silang kailangan intindihin kinabukasan kaya kailangan kong mag volunteer na bantayan si Arrow dito sa ospital. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya gumigising. “Yes Dad, ako na po ang bahala sa kaniya,”simpleng sagot ko na lang. Awtomatikong napatingin ako sa braso ko nang marahang hawakan yun ni Mom. “Nakausap na namin si Arrah, baka raw makabalik siya dito sa ospital bukas ng umaga. Pag nagkataon, mapapalitan ka na niya sa pag babantay.”Wika ni Mom sa akin. Tanging pag tango na lang ang isinagot ko sa kanila. Hindi na rin naman nag tagal ay nag paalam na silang

