“Sino ba talaga yung babaeng nagugustuhan mo?”Diretso at wala nang paligoy-ligoy pa na tanong ko. Nakatingin lang ako nang diretso sa mga mata niya kaya naman hindi nakatakas sa paningin ko ang ekspresyon ng mukha niya na para bang nabibigla. Tila ba ay hindi niya inaasahan na itatanong ko ‘yun sa kaniya ngayon. Wala naman sigurong mali sa itinanong ko sa kaniya di ba? Kung gusto niyang sagutin, edi mabuti... kung ayaw niya, hindi ko naman yun ipiplit sa kaniya dahil sino ba naman ako kung ipag pipilitan ko na sagutin niya ang tanong ko kung ayaw naman niya talaga. Ilang segundo ang lumipas pero hindi pa rin siya nagsasalita, nakatingin lang kami sa isa’t-isa kaya naman naisipan ko na lang na bawiin na sa kaniya ang itinanong ko pero nang aktong magsasalita na ako ay doon naman biglang bu

