Pagpasok namin ni Arrow dito sa may living area ng bahay ni Dessa ay dooan na tuluyang humina ang tugtog na nagmumula sa may pool area. “Uyy nandito na pala ‘yung dalawang love birds.”Narinig ko na boses ng isang babae at nang lingunin ko kung sino ‘yun ay nakita kong si Hannah pala ang nag salita. Remember? Nabanggit ko sa inyo na may mga bisita si Dessa na mga ka-batch namin sa school dati na bumati sa amin ni Arrow nang makitang nandito rin kami sa party. May mga kakilala naman si Arrow pero mas kilala ko nga lang ‘yung iba kasi nga mas mataas ng isang taon si Arrow kesa sa amin. “Hindi sila love birds ‘no. Hindi naman sila mag jowa eh.”Si Dessa ang sumagot sa sinabi ni Hannah nang saktong kalalabas niya lang sa isang pinto, kung hindi ako nagkakamali ay kusina ‘yun dahil may hawak si

