Tahimik lang kami habang nakatingin sa ginawa ni Yui kay Hannah. Si Dessa naman at si Kira ay humihiyaw na tila ba ay alam talaga nila ang tunay na kasarian ng kaibigan nila. Hanggang sa tuluyan na ngang bumitaw si Kira sa halik ay ganoon pa rin ang ekspresyon ng mukha ni Hannah, malalaki pa rin ang pagkaka buka ng mga mata niya at medyo naka awang na ngayon ang kaniyang mga labi. Napalunok ako ng laway at umiwas na nang tingin. Mas pinili ko na lang na yumuko para hindi nila makita ang pag aalala sa mukha ko. Parang kailangan ko nang maging matalino at wais ngayon dahil hindi ko alam kung anong maipapasa sa akin na dare kung sakaling mag dare ako, to think na baka si Dessa ang mag-dare sa akin kaya paniguradong hindi ‘yun madali. Akala ko talaga ay isang pang teenager lang na laro itong n

