Kung hindi pa ako dinagil ni Eula nang konti ay baka tuluyan na akong napatitig sa nakahintong bote sa harapan ko habang nakaturo sa akin ‘yung dulo. Dahil sa pag dagil din niya sa akin kaya naman dahan-dahan ko nang inangat ang paningin ko kung saan agad yung dumiretso kay Akio. He’s smirking at me ear to ear right now. “Truth or dare?”Tanong ni Akio sa akin habang diretso lang siyang nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko maiwasan na mapalunok ng laway. Akala ko pa naman ay ligtas na ako kanina nung huminto ang bote sa kaniya pero hindi pala... pero naiisio ko na lang na swerte pa rin naman ako kahit papaano ngayon dahil may pag pipiliian naman ako sa pwede kong isagot sa kaniya. “Truth,” walang pag aalinlangan na sagot ko. “Oh come on Tracy.”Biglang wika ni Dessa nang marinig niya ang s

