THIRD PERSON's POV “AHHHH!”Hindi maiwasan na maisigaw ni Tracy 'yun nang maramdaman niya ang kaniyang sarili na umangat sa lupa. May bumuhat kasi sa kaniya mula sa kaniyang likuran in a bridal way nang hindi man lang niya makilala kung sino dahil unang-una ay madilim ang paligid sa may parking area at pangalawa ay dahil na rin sa pag ikot ng mga bagay sa paningin niya sa sobrang kalasingan niya. “Bi- bitawan mo ko! Sino ka ba! Ahhhh!”Muling sigaw niya at kahit gusto niyang magwala o mag pumiglas mula sa pagkaka buhat sa kaniya ng kung sino man 'yun ay hindi niya magawa dahil nga sa sobrang pagkahilo. Nakaramdam siya ng kaba sapagka't naisip niya na baka masamang tao ngayon ang may hawak sa kaniya at pag samantalahan siya dahil sa kalasingan niya kaya naman inipon niya ang lakas niya

