THIRD PERSON’s POV Hindi agad nakasagot si Arrow dahil sa sinabi sa kaniya ni Tracy. Hindi niya maiwasan na lihim na mabigla sapagkat hindi naman niya inaasahan na sasabihin yun sa kaniya ng dalaga. Diretso lang niyang tinitigan ang mata ni Tracy sa pag babakasali na makikita niya sa mga mata nito na nag bibiro lang ito sa sinabi niya. Ngunit, makalipas ang ilang segundo ay napatunayan niyang seryoso ang dalaga sa alok nito na muli siyang bumalik sa bahay ng mga Villa Luz. “A- ano? Seryoso ka ba?”Tanong niya at hindi niya pinahalata sa dalaga na sobra siyang nagtataka dahil baka masamain naman nito ang magiging ekspresyon niya. “Y- yes. Kung- kung gusto mo lang naman ‘yun... dahil kung ayaw mo, then hindi naman kita pipilitin.”Sagot sa kaniya ni Tracy. “Why?”Tanong niya ulit dito. Nang

