TRACY’s POV KASALUKUYAN na nag mamaneho na ako pauwi sa bahay at kasama ko na si Arrow which is nasa tabi ko lang at nakaupo sa may shot gun seat ngayon. Kalalabas niya lang sa ospital, mabilis lang siyang na discharge kasi wala naman siyang mga dalang mga gamit doon. Speaking sa mga gamit niya, nasa bahay pa yun nina Arrah pero nagkausap na raw silang tatlo na baka ihatid na lang ni Jeck yun sa bahay namin. “Buti naman at wala kang naging damage sa paa mo mula sa pagkakabangga sayo dahil mukhang hindi ko yata kaya na alalayan ka kung saan ka pumunta.”Natatawang saad ko sa kaniya habang diretso lang ako na nakatingin sa may kalsada. Narinig ko rin ang mahinang pag tawa niya bago siya nag salita. “Pero medyo pilay naman ang kamay ko mula sa pagkaka bagsak ko, paano ba yan.”He answered

