Hindi lang pala basta Hacienda ang sinasabi ni Rigel. Kung hindi isang napakalawak na Hacienda, sa lawak nito ay halos may mga pamilya ng naninirahan sa loob ng nasasakupan nito. Siguro ay iyon ang mga tagapag-silbi ng mga La Gresa. Bago makapasok sa loob ng hacienda ay may malaking arko na ang nakasulat ay 'HACIENDA AMOR'. Marami rin kabayo ang pamilya La Gresa, halos malula siya sa laki ng Ancestral house ng mga ito. Pero natigilan siya, tila ba nakarating na siya roon. Hindi niya mawari ang pakiramdam. "Ayos ka lang?" Usisa ni Apollo sa kanya. Napatango siya. Inilibot niya ang paningin sa paligid, abala ang mga ibang tauhan sa mga iba't ibang gawain. "C'mon guys." Nagpatiuna na si Rigel sa pagpasok sa bahay. "Damn! This hacienda is no joke!" Bulalas ni Rom kay Apollo na umiikot di

