Nagising si Adella na wala na si Apollo sa tabi niya, pero napansin din naman niya agad ang note na iniwan nito. Napangiti siya nang mabasa iyon. Atleast, hindi ito basta-basta umaalis na lamang. Alas-dies na ng umaga kaya bumangon na siya. Naglinis ng katawan at ng penthouse. Para lamang maibsan ang pagkainip niya. Bago sumapit ang alas-dose ay nagluto na siya ng pagkain niya, kakain na rin sana siya nang biglang may mag-door bell. Nagliwanag ang mukha niya. Umuwi si Apollo para sabayan siyang kumain? Dali-dali siyang tumayo at nagtungo sa pinto. Ano kayang gimik ni Apollo? Dati-rati naman e diretso na itong pumapasok sa loob. Ang malawak na ngiti niya ay biglang naglaho nang mabungaran kung sino ang nag-door bell. Isang matangkad, kayumanggi, maganda at mukhang istriktong babae ang n

