Hindi makapaniwala si Adella, nang i-anunsyo anh resulta ng DNA test. Napatayo siya sa sobrang gulat, naroon sila muli sa library ng mansion nina Leon. Nabalik lamang siya sa realidad nang biglang may yumakap sa kanya, doon pa lang nag-sink sa kanya ang narinig. Positibo. Isa siyang La Gresa. Siya si Cassandra Gwyneth La Gresa na matagal ng nawawala. "Diyos ko! Napakagandang balita nito!" Ani Lucila habang nakayakap kay Adella. Ganoon din si Ernan na mangiyak-ngiyak na nakayakap sa kanya. Tumulo na rin ang mga luhang matagal na niyang pinipigilan, ginantihan niya ng yakap ang mga tunay na magulang na kaytagal nawalay sa kanya. Halo-halo ang emosyong nadarama niya, pero nangingibabaw ang saya dahil sa wakas, alam na niya kung saan siya nanggaling. Hindi na siya nangangapa sa pagkatao niya

