________________________________________ | MAKALIPAS ANG TATLONG TAON. | _______________________________________/ Marahang ibinaba ni Adella, ang binabasang diyaryo kung saan naroon ang larawan ni Apollo, napangiti siya ng malungkot na may halong pakla. Matagal na taon na ang lumipas ngunit sa tuwing nakikita niya ang larawan nito o maalala niya ang lalaki, tila bumabalik siya sa masakit na nakaraan. Namayagpag ang pangalan ni Apollo Williams sa business world, isa na sa mga tinitingalang business tycoon sa bansa. Masaya siya lara sa ama ng kanyang anak, natupad na ang pangarap ni Althea para sa kapatid. Muli niyang binalingan ang larawan na kung saan ang isang kuha ay katabi ni Apollo si Aileen, kita niya kung paano ang yakap ni Apollo sa balakang ng babae. Muli ay tila sinasak

