Malakas ang dagundong ng dibdib ni Adella nang rumehistro ang pangalan ni Apollo sa screen ng cellphone na hawak niya. Hudyat na tumatawag ang huli, nagkapalitan kasi sila ng contact para kay Atlas. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya, bago niya napagpasyahang sagutin ang tawag ng lalaki. "H-hello?" Medyo utal niyang sabi dahil sa tindi ng kabang nadarama niya. "Hihiramin ko si Atlas today. Ipapakilala ko siya kina Mommy," diretsong sabi nito mula sa kabilang linya. "O sige. Sasabihan ko sina Mama na pupunta ka sa mansion para kunin si Atlas. Nasa office ako, " aniya sa lalaki. "Fine. Thank you," malamig na sabi ni Apollo. Sasagot pa sana siya ngunit ibinaba na ng lalaki ang telepono. Napailing siya. Mas okay na iyon, kapag mas humaba pa ang usapan nila, baka kung saan

