"Ilang araw ko ng hindi nahuhuli ang kapatid mo," ani Aileen kay Althea. Nasa balkonahe sila ngayon ng bahay ni Aileen at umiinom ng ladies drink. "He's busy," tipid na sagot naman ni Althea, habang humihitit sa yosi na nasa gitna ng dalawang daliri. "Busy? Saan?" "Sa company and sa anak niya." Tumawa ng pagak si Aileen. "Sa anak ng b***h na 'yun?" Inis na sabi nito. "Listen, Aileen. Hayaan mo munang bumawi si Apollo kay Atlas. Since matagal na nagkawalay ang dalawa." "Dahil sa kagagawan mo," ani Aileen na umismid pa. Tumalim ang titig ni Althea sa kausap. "Pabor din naman sa'yo ang ginawa ko noon hindi ba? Nasolo mo si Apollo, nawala sa landas mo anv karibal mong si Adella." "Nawala ang physical na presensya ni Adella. Pero pakiramdam ko, hindi nawala ang babaeng 'yun sa puso ni

