Namamanghang nakatitig si Adella sa inihanda ni David para sa kanya. A candle lit dinner for her sa upper deck ng yateng kinalululanan nila ngayon. Hinawi niya ang buhok na na bahagyang natangay ng banayad na hangin. "Hindi ba ako dapat ang may surpresa para sa'yo? Ikaw ang may kaarawan," aniya sa katipan. Tumawa si David at ipinatong sa balikat niya ang itim na jacket. "Ang pagdating mo sa buhay ko ay surpresa na, Adella." "Napakabolero mo," ani Adella at sumunod kay David nang akbayan siya nito at naglakad patungo sa mesa. Pinaghila siya nito ng upuan at pagkaraan ay ito naman ang umupo sa may kaharap niya. "Did you like it?" nakangiting tanong ni David sa dalaga. Tumango si Adella. "Ofcourse, kailan pa ba ako hindi namangha sa mga ginagawa mo." "I love you, Adella, "madamdaming pa

